CHAPTER 31

Timtara's Point of View

Tumutulo ang aking mga luha habang nakayuko at nakaluhod sa harap ng reyna. Yumuyugyog ang aking mga balikat habang tahimik na umiiyak. Ayokong tingnan ang kanilang mga mukha at lalong ayokong tingnan ang kaniyang mukha. Ayokong makita ang mukha niyang sinisisi ako dahil nasa kamay ng kalaban ang katawan ni Carol.

"Fuck!" Inis na sambit ng boses ni Nightwind. One moment I'm crying the next moment I was lifted from the ground. At ang una kong nakita ay ang walang emosyong mukha ni Nightwind na taliwas sa nagngangalit niyang bagang. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa aking magkabilang braso.

"Leave us alone. I want to talk to Tara alone," anunsyo ni Nightwind na agad sinunod ng lahat maliban sa reyna at kay Ma'am Kharmaine na matalim ang tingin sa lalaking kaharap ko. Napalunok ako sa kaba at lihim na hiniling na sana ay bumalik si Scraper.

"Harm any strand of her hair and I'll personally deliver you to your maker," banta ng reyna rito bago umalis.

"I'm not going," anunsyo ni Ma'am Kharm na umupo ulit sa kaniyang upuan. "You're insane Nightwind. Don't make me change side because right this moment, I prefer that moron Scraper."

May kung anong haplos sa aking puso dahil sa mga ginagawa nila ni Ma'am Kharm at ng reyna sa akin. Somehow, I know they'll shed tears for me if I die.

Sa kaalamang 'yon ay imbis gumaan ang aking pakiramdam ay bumigat pa lalo. Kung dati lang, noong panahong wala akong pakialam sa mundong maliban sa laboratory ko ay ayos lang akong pumanaw dahil walang iiyak sa aking puntod. Wala akong maiiwan at wala akong lilingunin.

Pero iba na ngayon, may Ma'am Kharm na iiyak sa akin. May Scraper na malulumbay kapag wala na ako. Ayoko pa, ayoko pang mawala. I don't want to die, I want to fight.

This is not a fight I am willing to lose. Patuloy ang plano, ang pagbabago lamang ay aalis ako. Mawawala si Atlas pero nandito pa ako. No one knows the result but just me in the end.

"You can leave us, Ma'am Kharm. I'lls scream if he'll do something crazy," biro ko kay Ma'am na tinaasan ako ng kilay. Nakita niya siguro ang konbiksyon sa aking mga mata dahil bumubuntonghiningang tumayo na ito at naglakad palabas.

"I am just outside, Tim." Kay Nightwind naka tingin si Ma'am nang sabihin niya 'yon sa akin. At nang tuluyan nang nakalayo si Ma'am ay ako na ang hinarap ni Nightwind. Bago pa siya makabitaw ng salita ay inunahan ko na siya.

"Can we talk somewhere private? Like at my laboratory. I'll also start packing my things though." Kahit basa ang aking pisngi sa luha ay nagawa ko pa ring ngumiti sa kaniya at una nang naglakad palabas.

Sinalubong kami ng buong Phoenix na nasa labas lang pala nakatambay. Nakaupo sa sahig sina Grim at Dark Phoenix na mabilis na tumayo nang makita nila kaming lumabas ng council room. Nakatayo lang sina Deathstalker at Ma'am Kharm habang nag-uusap sina Sir Seeichi kasama ang hari at reyna. Lahat sila ay napatigil at napatingin sa amin. Dahil awkward ay nag-wave ako sa kanila bago medaling naglakad pabalik sa laboratory.

"Atlas, open up. Permission granted to let Gerard Hudson enter the lab," anunsyo ko nang nasa harap na kami ng laboratory. Dumiritso ako sa aking mga papeles at kumuha ng box. Nakatalikod ako kay Nightwind nang magsalita ulit siya.

"I'm sorry for the things I have said earlier."

Napahinto ako sa aking ginagawa. "But you're not really sorry are you?"

"No, but still I am sorry for breaking my promise."

Humarap na ako sa kaniya. "Are you really breaking your promise? Why? I can wait. I can wait for you to do your promise." Namuo ulit ang mga luha sa aking mga mata pero pinipilit kong huwag bumagsak ang mga ito.

"I can't protect you both," may awa at ibang emosyon na ayaw kong kilalanin ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.

"Please. Scraper please stop him." humagulgol na ako habang nakatukon ang aking kaliwang kamay sa mesa bilang suporta.

"Scraper is asleep. I have a stronger will than him, now more than ever."

Of course. Nasa delikadong sitwasyon si Carol kaya mas nanaig ang persona ni Nightwind. Tumango ako sa kaniya at may kinuha ako sa ilalim ng mesa, isang syringe. Mabilis kong pinahiran ang aking mga luha.

"Then I have something to ask before we part ways. This is for the Apohixen trials and I'm gonna take your blood as one of the samples."

"Why my blood?" Takang tanong niya pero kinuha niya mula sa akin ang syringe at sya na mismo ang kumuha ng blood sample mula sa katawan niya. Nang mapuno ay ibinalik niya ito sa akin.

I teared up again when I grazed his fingers as he handed it back to me. "Ahm, can I ask for a favor this time?"

Nagtataka man ang mukha niya ay tumango siya sa akin. Dahil siguro sa awa kaya ang bait niya tingnan ngayon. "Close your eyes for ten seconds and don't ask me why." Mata sa matang tiningnan ko siya. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa at pumikit though kitang-kita ko na alerto pa rin siya sa paligid.

I did not waste my given time. I strode towards him and tiptoed. I closed my eyes as I lightly touched our lips.

10, 9, 8

Please Dear God, let this moment stop. If it is not possible, let this moment struck in our hearts.

7, 6, 5

Let this parting the right step for Gerard Hudson's happiness. No, not just Nightwind's happiness but Scraper's too.

4, 3, 2

Naikuyom ko ang aking kaliwang kamay sa vial na may blood sample niya. At least I have you as a blood sample, I can say to myself that I own you even as a lab sample. I can say you're mine.

1

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakadilat na siya kaya lumayo ako ng isa metro ang layo sa kaniya.

"You don't have to be guilty. I also chose this but please promise me to be happy." Because I can console myself that at least one of us is happy.

"And please, don't hurt Scraper anymore." Tumalikod na ako sa kaniya nang tuluyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top