CHAPTER 30

Timtara's Point of View

Pangalawang beses ko nang nakita at napasok ang council room ng Realm kung saan kumpleto silang lahat. Pero hindi tulad ng dati ay binigyan na nila ako ng pwesto sa round table.

Si Gerard Hudson lang ang wala rito also known as Nightwind but to me he's both Scraper and Nightwind. Dahil ayokong magkaroon ng bias ay hindi ko tinatawag na Nightwind o Scraper ang persona nila kundi Gerard.

After reading Alexander's messages sent to my email dapat ang una kong hakbang ay maghanap ng paraan kung paano magiging isa sina Scraper at Nightwind.

"Nightwind failed his mission." Pagbungad na anunsyo ni King Kiel sa aming lahat. Humarap naman siya sa kaniyang asawa at ito na ang nagpatuloy, "He was sent to a covert mission and that is to retrieve the body of Sprite."

"I thought that the O'Hara Industries kept her body?"

"We did. Her body was placed in Moscow with me the whole time but the conflict with Russia's president we had to flee the same day Nightwind captured Timtara at Russia." Pagpapaliwanag ni Siren dahil sa tanong ni Grim.

"They have her body," pagkukumpirma ng reyna sa kinakatakutan namin. Tahimik ang council room, iba't-ibang iniisip ng mga tao. Ako naman ay napakuyom sa aking kaliwang kamay. Nasa recovery room pa si Gerard at nagpapahinga dahil sa tinamo niyang tama mula sa isang katana.

"Then command us leader. Command us to retrieve her body," anunsyo ni Dark Phoenix. Tama, ang dapat gawin ay ang kunin ang katawan ni Carol. They're holding her as hostage and it's not good. Damn that Alexander! Hindi niya 'to sinabi sa akin!

"She can't Dark," sagot ng hari. "The United Nation is visiting Russia's palace tomorrow and by then it will be too late for any of covert mission. Tayo at tayo ang madidiin."

"The king has a point. One wrong move and it will cost us Carol's body. I can't save anybody without a corpse," sabat ko sa usapan nila. Hindi, alam ng presidente ng Russia ang posibilidad na pupuntahan sila ng Phoenix kaya dinala nila ang UN officials sa kanilang tahanan.

"Come on, we are not afraid of UN. Since when did we respect them?" Saad ni Grim na dahilan kung bakit pinukol siya ng reyna ng isang matalim na tingin na ikinatahimik ng huli.

"You're forgetting the part that they have her body. She's practically the hostage." Sagot ni Deathstalker kay Grim.

Tama si Deathstalker, hangga't nasa kanila si Carol ay hindi kami makagalaw. Kaya madaling ipinadala nila si Nightwind na tinambangan naman ng kalaban. They knew before we strike. We have a mole or our supposed safe stronghold has been penetrated by rats already.

Naalala ko ang pagparoon at parito ni Alexander sa palasyo na parang wala lang. Gusto kong sabihin sa kanila pero ayokong may humadlang sa plano ko. Smart jerk. Alam ng president na hindi ako makakasumbong tungkol kay Alexander dahil may gusto akong makuha mula rito. My hands are both tied.

"Then what are their terms?" Tanong ko sa reyna. Tumango siya sa'kin bilang pagkilala, sa tanong ko ba o sa akin ay hindi ko alam.

"Timtara is right. The president gave us his terms in exchange for Carol." Sagot ng reyna sa aming lahat. Tahimik kaming naghintay sa sasabihin niya nang biglang may nagsalita mula sa pinto ng council room.

"What's the term?" Boses pa lang niya ay kilala ko na kung sinong persona ang nandito.

"Why are you here, moron!" Galit na singhal ng reyna.

"Forget about me. What's the goddamn deal leader?" Seryosong tanong ni Nightwind. Napunta rin sa reyna ang aming atensyon nang lumipat sa akin ang kaniyang mga mata na ikinalakas ng aking kaba.

"A barter. The doctor in exchange for Carol."

Hindi ko alam kung possible pero lalong tumahimik ang paligid na pa ra bang hindi namin alam kung ano ang sasabihin. Parang may kung anong bikig sa aking lalamunan pero pinilit kong salubungin ang titig ng reyna.

She has that 'sorry' look. Everyone has. Because they already made the decision but their decision do not matter. It's his.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking naka hospital gown na magulo ang buhok pero nakatingin sa reyna. Nakakuyom ang kaniyang kamay at nagngangalit ang kaniyang mga bagang na para bang nagtitimpi siya ng galit.

Nang tingnan niya ako at nagkasalubong ang aming mga mata ay hindi ko maiwasang mapakagat labi dahil sa pinipigilang pag-iyak. He already made his decision. Gusto kong takpan ang aking mga taynga.

"Let's do it," puno nang kasiguraduhan na saad ni Nightwind. "Let's do the trade."

"Are you out of you're mind?" Inis na sumbat ni Siren na napatayo sa inis.

"Babe, let him explain his decision." Pang-aalo ni Seechi sa asawa.

"Explain it why we must do the barter, Nightwind," Siren spat her words at him.

"We have Atlas, a back-up data should anything happened to Dr. Wilson. We can hire other scientists to finish what she started. But there's only one Carol in this world, only one Sprite in this Realm."

Gulat na gulat kami nang ang reyna na nasa tapat ni Nightwind ay biglang tinawid ang espasyo sa gitna at sinipa si Nightwind dahilan upang tumama ito sa dingding. Napaupo si Nightwind sa sahig at bumakas ang dugo sa damit nito kaya napatayo na ako.

"Please your highness, stop it! I'm going. I'll trade myself, please don't hurt him anymore. I'm begging you." Iyak ko nang di ko na makaya ang pambubogbog ng reyna kay Nightwind.

"Tell me why should I let this jerk live? After he just told us he's willing to sacrifice you," kaharap ko ang galit na Crimson Eye ng reyna. Hindi ko maibigay ang sagot sa tanong niya kaya ginawa ko ang sa tingin ko ay dapat.

Lumuhod ako sa harap niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top