CHAPTER 3

Timtara's Point of View

Malakas na singhap sabay pagdilat ng mga mata ko ang aking ginawa nang ako'y magising bigla. Ang inaasahan kong tunog mula sa aking bibig ay mahina lamang ang paglabas, restricted din ang aking galaw at nangangawit ang aking bisig. I'm being held captive! Buti na lang kahit nakabusal ang aking bibig at nakagapos ang aking mga kamay at paa ay hindi naman tinakpan ang aking mga mata. Hindi rin masyadong mahigpit ang pagkakabusal ng aking bibig. Makakapagsalita ako pero hindi makakasigaw.

Madilim ang paligid pero may ilaw sa gitna ng kwarta na siyang may mesa. May nakatakip na pinggan sa kung ano na nasa mesa at may dalawang upuan. May mga crates sa paligid at amoy usok ng mga sasakyan mula sa labas.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero hindi ko makita kung sino man ang nagdukot sa akin. Teka, bakit nga ba ako dinukot? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako mayaman, maliit nga lang ang naiwan sa akin ng mga magulang ko eh. Wala rin akong malaking savings kasi kakatapos ko lang bayaran 'yong student loan na kinuha ko.

Hmm, wala rin akong nasagasaang tao kasi nasa loob lang naman ako laboratory palagi at hindi naman ako pala-gala na tao. Hays, hindi ko talaga alam!

Sigurado naman akong hindi stalker ang nagdukot sa akin, sa mukha ko ba namang ito.

Busy ako kakaisip kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito nang biglang may narinig akong tunog ng sapatos at papalapit ito sa akin. Dahil wala sa harap ko, paniguradong nasa likod ko nagmumula ang tunog ng mga yabag.

Ilang beses akong napalunok habang pasimpleng umusal ng panalangin sa Diyos.

Pero ang inaasahang harassment tulad sa aking mga imahenasyon ay hindi dumating kaya napadilat ako. Isang matangkad na pigura ng isang lalaki ang nakaupo malapit sa mesa. Nakataas ang dalawang paa sa mesa at may kung anong tinintingnan mula sa isang folder na kulay blue.

Dahil sa angle ay kitang-kita ko siya dahil nasa northeast na bahagi ang mesa mula sa nakatagilid at nakahiga kong katawan. Alam ko ring alam niyang gising ako dahil nahuli ko siyang sumulyap sa akin kanina.

Sa kaalamang hindi niya ako ginagalaw ay nawala ang haka-hakang baka stalker ko siya. At ibig sabihin nito ay napag-utusan lang ito na dukutin ako.

Tumikhim ako isang beses pero tila walang narinig itong lalaki sa harap ko. Teka, makakaintindi ba ito ng English? Hindi ko maaninag ang mukha nito kahit na nakaharap ako sa nakatagilid niyang pigura. Nakaitim ang hoodie na suot, nakapantalon at naka high cut converse ito. Basta ang alam ko lang ay matangkad ito.

Tumikhim ulit ako at doon siya lumingon na talaga sa akin ngunit hindi ko pa rin maaninag ang kaniyang mukha kaya nagsalita agad ako kahit hirap dahil sa busal, "You understand English? E N G L I S H? English?"

"Tsk."

Huh? 'Yun lang ang reaction niya sa tanong ko? Hala baka Chinese?

"Ni Hao? Annyeong? Kumusta?"

Still, no response. Behind his hoodie ay nakatingin lang siya sa akin, I can feel it. At parang nararamdaman kong iniinsulto niya ako habang nakatingin lang sa akin at nakataas ang kaniyang mga paa.

Hey! Why do I feel so insulted all of a sudden?

Isang kalampag ang nakapagpatigil sa pagbuka ko ulit ng bibig upang tanungin siya kung bakit niya ito ginagawa. Maski ang lalaking ito ay napalingon din sa pinagmulan ng tunog na iyon. Whoever that one, he or she is not invited.

Chance ko na ito na makatakas mula sa dumukot sa akin. Kaya sumigaw ako sa abot nang aking makakaya kahit na may busal ang aking bibig. Agad na tumayo ang lalaki at hinila ako patayo kaya napalapit ako sa mukha niya at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha na alam kong babago sa takbo ng aking buhay.



Gerard's Point of View

Napatigil ako sa plano kong hablutin siya nang mahigpit nang matitigan ko ang kaniyang mata. Akala ko tulad ng nasa picture niya sa blue folder at tulad ng lahat na nasa paligid ko ay kulay black and white ang makikita ko. Pero huminto ang paghinga ko nang sa kabila ng black and white na aking nakikita ay ang mata niyang kasing asul ng karagatan ang tanging may kulay sa aking paningin.

What the fuck is wrong with my head?

Ang pagkasira ng mga crates ang pumukaw sa akin. Mabilis kong iwinaksi si Dr. Wilson sa aking likuran.

"Stay close to me so I can protect you. Those guys over there, don't need you alive. Only I need you alive," pananakot ko sa kaniya. Hindi siya sumagot pero naramdaman kong humawak siya sa likod ng aking damit.

For some odd feeling, my lips twitched with her action. Hindi totoong hindi siya kailangan ng mga ito nang buhay. Tanging ang doktorang ito lamang ang nakakaalam kung paano gumawa ng pangontra ng kamatayan, of course we need her alive. She does not cost a dime if she's dead.

At ang mga goons na nakapalibot sa amin, hindi ko pa sila tukoy pero may ideya na ako kung sino ang nagpadala sa kanila. And for sure, to be so desperate to get her, may nag-aagaw buhay sa side nila o may kamamatay lang.

Doctor Wilson is now a beacon of hope to those who resigned their fate to death. Fate, huh, some kind of fate it is then.

Dahil ayaw ng mga kalaban na saktan ang doktora ay paniguradong hindi sila gagamit ng long-range weapons. I heighten my protective instincts within full 360 degrees para maprotektahan ko rin ang tuko na kumapit sa likod ko.

Dalawang goons ang sabay na umatake sa aking harapan habang may hawak na mga patalim ang mga ito. Nang sabay nilang iwinasiwas ang kanilang mga patalim ay sinalag ko sila ng double round house kick. Dahil nawalay ng ilang segundo sa akin si Doctor Wilson ay nahablot ito ng isang goon. She fucking shrieked like a banshee.

Damn! That girl can kill an eardrum.

Kinuha ko ang nahulog na patalim at mabilis itong itinapon sa goon na nakahawak sa doktora.

Nang nakita kong parang matutumba ang doktora ay agad ko itong hinila. Kinalagan ko ang tali nito sa paa. Naramdaman ko ang nginig ng kaniyang kalamnan. Siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasaksi ito ng karahasan.

"You okay?" Tanong ko sa kaniya sabay sapo ng kaniyang mga panga at unting pag-alog nito dahil tila nakatanga sa kawalan ang luhaang kulay asul na mata ng doktora.

For some unknown reason, ayaw kong dumilim ang kulay asul niyang mga mata. Wait, what the hell am I blabbering about?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top