CHAPTER 29
Timtara's Point of View
Ang unang sumalubong sa akin ay ang kaniyang dark brown na mga mata. Huli na nang mapagtanto kong umiiyak na pala ako dahil nakalapat na ang kaniyang palad sa aking pisngi. Napapikit ako sa hatid na kapayapaan ng ginawa niya.
"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya.
"Why are you crying, kuting?" Balik tanong niya sa akin. "Did someone make you cry? Give me the name and I'll make that person pray he was never born."
Nahampas ko ang balikat niya dahil sa kaniyang kabrutalan, "I am just tired, you hotheaded idiot."
"Fine. You looked really tired though," pinakatitigan niya ang kabuoan ko. Kung alam mo lang Scraper, I am physically and mentally tired. But I don't want to let my stress win. I have a battle to win and it is against time and fate.
"Tell me about it," sagot ko na lang sa kaniya at akmang magsisimula na ako sa pagbasa para sa last phase nang maramdaman ko siyang pumwesto ng tayo sa aking likuran. At naramdaman kong marahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri.
I teared up again. When I got older I have never tried letting someone tie my hair and he's doing it.
Habang inaayos niya nang marahan ang aking buhok ay nagsasalita siya, "You looked like Sadako."
Pabirong kinurot ko ang kaniyang tagiliran kaya nang umiwas siya ay nadala ang ulo ko dahil hawak-hawak niya ang buhok ko. "Aw!" Hinampas ko na talaga ang braso niya na sinagot niya lang ng tawa.
Napahinto ako nang mapagtanto kong ito ang unang beses na naramdaman ko na totoo ang tawa ni Scraper. Naalala ko ang sinabi ni Alexander, to give Scraper a purpose that even Carol can't shake. Makakaya ko kayang hanapin ang purpose na iyon kung hati ang oras ko?
Napansin niya siguro ang pagkakahinto ko dahil naramdaman ko nalang ang yakap niya mula sa aking likuran.
"Let it pour, Timtara. I know what you're going through." Ramdam ko ang init ng hininga niya dahil malapit lang ang mukha niya sa aking mukha. The timbre of his voice, the playfulness is gone replaced by sudden coldness. Nightwind.
"I don't know what your're talking about," kahit na alam kong hindi na siya si Scraper ay hindi ako umalis sa pagkakayakap niya. "Why are you out by the way?"
"Scraper doesn't know how to tie your hair so I had to step out."
Tumango lang ako sa kaniya at hinawakan ang ngayon ay ayos na buhok ko. "Thank you Scraper and Nightwind." Nakangiting humarap ako sa kaniya at humakbang palayo. The beating of my heart is not helping me.
Alam kong alam na ni Nightwind na may nararamdaman ako sa kaniya dahil narinig niya ito mula kay Scraper pero ayokong dagdagan pa 'yon. I can't dwell on something so trivial like love when I am so busy.
Naramdaman niya siguro ang pag-ilag ko kaya nakakaunawang nagpaalam na siya sa akin matapos niyon. "I'll see you around, Tara."
SECOND WEEK DAY 2
Subsob na subsob ako sa aking ginagawa at nagpapahinga lang kapag kumakain o tumatae. Minsan na lang din ako maligo dahil minsan lang din ang tulog ko. Kadalasan kasi ay naksubsob ako sa aking trabaho buti na lang talaga at nandito si Atlas.
Kahit kasi subsob ako sa aking ginagawa ay bumagal talaga ang mga galaw ko. Tinanggal ko ang gloves ng aking kanang kamay. Tumambad sa akin ang namumula kong kanang kamay na para bang binabad ito sa mainit na tubig. Ang dating parang sing laki lang ng piso na rashes ay ngayon sakop na ang buo kong kanang kamay.
Sa ngayon ay wala na akong nararamdaman sa aking kanang kamay. Napakabigat na rin nito para sa akin at ramdam ko na umaakyat ang aking sakit papunta sa aking balikat dahil sa pamamanhid na aking minsan nararamdaman.
It is like I lost my right limb. My mobility goes down to 70% and that is not good especially that I am against time. Right handed akong tao kaya mahirap ilipat lahat ng galaw sa left side ng aking katawan mabuti na lang at mayroong Atlas na tumutulong sa akin lalo na sa pagsusulat ng formula.
"Permission to enter – " hindi pa man natapos ni Atlas ang sasabihin niya ay tinakbo ko na agad ang emergency open ng laboratory. Dahil nakaharap ako kanina ay kitang-kita ko ang pasuray-suray na paglalakad ni Nightwind o Scraper. Nang mabuksan ko ang pinto ay siya namang pagkakaluhod niya na nasalo ko naman.
I dragged him into my bed. Pagkabukas ko sa kaniyang damit ay nakita ko ang malaking hiwa sa may bandang dibdib niya.
"What happened, Gerard? Stay with me please!" I put pressure on his wounds using my right hand. Dahil wala akong maramdaman kahit ang pag-agos ng kaniyang dugo sa pagitan ng aking mga daliri ay kinuha ko ang lakas mula sa kanang balikat ko.
"Atlas! Send a distress message to the infirmiray and make it as the priority."
Dahil nakita ko ang patuloy na pag-agos ng dugo ay mabilis kong tinakbo ang first aid kit. Pinunit ko ang kaniyang damit gamit ang gunting at madaling ibinuhos ang alcohol sa sugat niya. Napahiyaw siya sa sakit at akmang babangon kaya dinaganan ko siya.
"Stay put! You need to calm down Gerard!" Pagkabanggit ko sa kaniyang pangalan ay napadilat siya bigla at hinawakan ng mahigpit ang aking damit. Doon ko nakita ang kulay dark brown niyang mga mata.
"Oh, Scraper. What are you doing this whole time? Why didn't you go to the infirmary?"
Mas malapit ang infirmary sa entrance ng palasyo. Tagong parte ng palasyo ang kinalalagyan ng laboratory ko.
"Because I had to see you, kuting. I had to come home to you. Ironic I don't even know what being home feels like but the idea of doing that to you is great."
"Shut up you hotheaded idiot!"
Gamit ang kaliwang kamay ay inilalayan ko siyang mapasandal sa akin habang nasa likuran niya akong nakaupo sa kama. Ang duct tape na kinuha ko kanina ay binalot ko sa sugat niya matapos kong ilagay bilang stopper ang damit niyang pinunit ko kanina. Ginawa kong substitute ang duct tape dahil wala akong plaster at dahil din mahigpit ang pagkakalagay ko palibot sa buong dibdib niya kaya may pressure na ito ngayon at napigilan ang pag overbleed niya.
"Scraper? Scraper!" Nakapikit na kasi siya at nakalaylay ang ulo. Yakap-yakap ko lang siya mula sa likuran at marahan siyang tinatapik sa mukha.
"What happened to your right hand, Tara?"
Pangalan ko na ang gamit niya. "Nightwind?"
"Scraper was too busy whining that he couldn't even tell that you can't use your right hand anymore."
Napansin ni Scraper 'yon? Nakatingin pala siya sa'kin? Tumulo ang luha ko sa balikat niya dahil sa kaalamang may nakapansin pala sa paghihirap ko.
Hindi na siya nagtanong pero naramdaman kong idinantay ni Nightwind ang kamay niya sa braso kong nakayakap at nakasuporta sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top