CHAPTER 26

Timtara's Point of View

Limang araw. Limang araw na akong nakabalik sa laboratory at maski anino ni Nightwind o Scraper ay hindi ko nakita. May mga knights na rin na nakalagay sa labas ng laboratory kahit na nakatago lamang ako sa aking lungga. Bawal na rin akong lumabas hanggat walang kasamang knight. Napakahigpit na talaga, hindi ko rin naman sila masisisi.

Ilang beses na akong binisita ni Ma'am Kharm at ni Queen Luciana. At sa mga bisitang 'yon ay wala akong nakitang maski anino ng lalaking 'yon. At sa mga bisitang 'yon ay sinabi ko na sa reyna ang plano ko tungkol sa Apohixen.

Nasa harap ko ang reyna ng Realm at si Ma'am Kharm na nakaupo sa maliit na sala ng laboratory. Nasa harap ko ang kontrata na inihanda ko para sa kanila. Matapos nila itong mabasa ay nagkatinginan ang dalawa. Nakasaad lang naman dito na ibibigay ko sa Realm ang Apohixen rights to distribute.

"I will sign this contract if you answer this question honestly."

"What is it?" Tanong ng reyna.

"I want to know the reason why you took me in the first place. And don't give me the crap that you're doing it for your people."

Huminga nang malalim ang reyna at napabaling sa ibang direksyon ang tingin ni Ma'am Kharm.

"Let me confirm something first. Do you have feelings for Nightwind?"

May feelings nga ba ako kay Nightwind? Feelings ba matatawag kapag sinabi kong ayaw ko siyang makitang masaktan? Feelings din ba ang ibig sabihin kapag ayaw kong mawala si Scraper?

"I care for Gerard Hudson. Not to Nightwind nor Scraper, I care for the entirety of Gerard Hudson." Mata sa matang sagot ko sa reyna. Ang totoo, hindi ko mabigyan ng ibig sabihin ang mga nararamdaman ko pero iisa lang ang sigurado ako. At 'yon ay ang tuldukan ang paghihirap ni Gerard, at upang maggawa 'yon ay kailangan kong tulungan si Nightwind dahil si Nightwind ay isang parte ni Gerard Hudson.

"You know that's impossible. By helping the other, the other half will suffer." Sagot ni Ma'am Kharm.

"I will stop that from happening." Puno nang determinasyon na sagot ko.

Tama si Ma'am Kharm. Kung tutulungan ko si Nightwind ay mawawala si Scraper. Pero malakas si Nightwind dahil may purpose siya, isang malalim na purpose. At 'yon ang kailangan kong ibigay kay Scraper. Kailangan magkaroon ng balance ang dalawa.

"Then, I will tell you the reason. Though, I think you already knew the answer."

"I want to hear it from you."

"Nightwind is now the dominant persona of Gerard Hudson. Scraper is the necessary evil, no one can control him. With Nightwind losing Sprite, Scraper is taking over. We need her back alive. I have also read the conditions of Apohixen, don't worry. Sprite is in a special tube, with no vaccine to alter death we opted to preserve her body until the O'Hara Industries can make one yet you came Dr. Timtara Aurina Wilson."

"Sprite?"

"Sprite was once a Phoenix member and her real name's Carol Ruehl." Sagot ni Ma'am Kharm sa nagtatakang tanong ko.

Oo nga pala, nabanggit nga pala ni Scraper sa journal niya. Sa pag-uusap na ito ay nakuha ko ang pakay ko. Ang malaman kung saan ang lugar ni Scraper sa kanila. Tama rin ang reyna, alam kong ginagawa nila ito para kay Carol. Nakumpirma kong gusto nilang mawala si Scraper, na bubuhayin nila si Carol dahil sa takot na maging dominant persona ni Gerard Hudson si Scraper.

But I won't let them. This is my resolve. No one will hurt them both, no one will vanish. Not this time.

Kinuha ko ang kontrata at pinirmahan ito sa harap nila bago ibinigay ulit ito sa kanila.


Ngayon ay nakapokus ako sa Apohixen at ang pag-match ng conditions sa data ni Carol na kakabigay lang din ni Ma'am Kharm sa akin kanina.

But before I complete the Apohixen, I have to know where Carol's resolve stands. I want to know if she will be a friend or a foe for Scraper. Kung magiging kakampi ko si Carol ay magiging madali lang ang lahat. Pero kapag magiging kalaban ko siya, kailangan kong malaman kung paano tumakbo ang kaniyang isip. Pero kanino ako magtatanong?

Pumasok sa aking isipan ang lalaking nagbigay sa akin ng journal, si Alexander. Marami siyang alam kaya paniguradong konektado siya sa Realm.

"Atlas, find out any Realm citizen that has a name of Alexander and show it to me."

Mabilis na nag-scan ng mga pangalan si Atlas. Nasa harap ko ang lampas sumpung biodata ng may pangalan n Alexander at isa rito ay agad nakakuha ng aking pansin.

"Alexander Montegracia. Starfire. The former second-in-command of Phoenix? Traitor of the Realm. Wanted person with the highest bounty in the Realm." Pagbasa ko sa nakasulat sa biodata ng lalaking may ari ng journal.

Most wanted? Eh nakapasok nga 'yon sa silid ko sa infirmary eh! Safest place ba talagan 'tong Underworld Realm? Oh baka naman talagang maimpluwensya ang lalaking 'yon? Paano ko siya makokontak?

Tiningnan ko ang journal at binuklat ito. May nakatuping papel siyang iniwan sa'kin doon. Nang tingnan ko ang likod ng papel ay mayroong number doon pero wala naman akong cellphone.

Paano 'yan?

"Where's Scraper when I needed that hot-headed idiot," inis na sabunot ko sa aking sarili.

"Request to enter from Gerard Hudson," anunsyo ni Atlas kaya mabilis akong napalingon sa entrance. Nakatayo nga sa labas si Gerard, kung si Scraper o Nightwind ba ito ay hindi ko alam.

"Atlas, scan the color of his eyes. Identify whether it's light brown or dark brown."

Ilang segundo ang lumipas at sumagot na si Atlas, "Dark shade of brown verified."

Nakahinga ako nang maluwag. Kahit na sabihing naiintindihan ko si Nightwind ay hindi pa rin ako kumportable sa isipang magkikita kami ngayon. "Let him in, Atlas. Thank you."

Pagkapasok pa lang niya ay kitang-kita ko na ang ngisi sa kaniyang mukha. "Have you even take time to take a bath?"

'Yan ang pambungad niya sa akin na ikinangiti ko. Somewhere in there, Nightwind is watching. I don't like this feeling; I don't want him to think I am plotting against him.

"So, Scraper. What brought you here?"

"Russia's president is here."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top