CHAPTER 25
Gerard's Point of View
Nang mabawi ko ang katawan ko mula kay Scraper ay agad kong sinunggaban si Timtara sa kaniyang dalawang balikat na halatang nagulat sa aking ginawa.
"Then change the conditions or you will pay," pinakatitigan ko siya sa mata. Base sa kaniyang panlalaki ng mga mata ay hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
"You just heard me, Nightwind. I am not God. I can't make a rotten body to be magically healthy!"
"Then you didn't hear me right. Change the conditions or I'll make you pay for – "
Naputol ang lahat na gustong kong sabihin nang biglang parang may static na umalingawngaw sa aking teynga. Napapikit ako at napayuko sa sobrang sakit. Parang binibiyak ang aking ulo. Hindi ko halos naramdaman ang pagyakap sa akin ni Timtara habang pinipindot nito ang emergency button upang humingi ng tulong.
"Lay a finger on her and you'll regret it," bulong ni Scraper sa aking isipan. This never happened before. Scraper never became this strong. Lumalabas lang ito kapag pinapatawag ni leader at may pinapa-hunting si leader. But this time, he's fighting for control.
"Shut up!" Sigaw ko kay Scraper pero hindi ko inaasahang nasambit ko ito nang malakas.
"Huh? I never said anything," naguguluhang saad ni Timtara. Binaklas ko ang kaniyang mga braso na nakapalibot sa akin at nagpumilit na tumayo kaya nang magkaroon ng kasunod na wave ang tila static na nagdudulot ng sakit ng ulo ko ay bumagsak na ako nang tuluyan sa sahig. Hawak-hawak ko pa rin ang aking ulo at umuungol sa sakit.
"Nightwind, hang in there! They are coming. Hang in there please!"
Naramdaman ko ang mga kamay niya na sinapo ang aking ulo, ulit ay binaklas ko ito. Agad na mas sumakit ang aking ulo.
"I told you to never touch her!" galit na boses ni Scraper ang umalingawngaw sa aking isipan.
"Why do you care huh?" pinukol ko nabg masamang tingin si Timtara na takang-taka na sa pinaggagawa ko. Sa galit ay nawala ang lohikal na pag-iisip ko at tanging gusto ko lang ay ipakita kay Scraper na ako ang may kontrol kaya marahas kong tinulak si Timtara kaya napahiga siya sa sahig. Umalingawngaw sa loob ng silid ang kaniyang gulat na sigaw.
Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig. Pinagsisipa niya ako pero dahil nakadagan ako sa kaniya ay madali ko lang itong naagapan. Nakatakip ang kamay ko sa bibig niya habang nakahawak naman sa mga kamay niya ang isa kong kamay.
Hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin pero habang nakatingin ako sa lumuluha niyang mga mata ay tila nahipnotismong inilapit ko ang aking mukha sa kaniya.
Timtara's Point of View
Tulong! Dahil hindi ko maisigaw ang katagang ito ay sa isip ko na lamang ito isinigaw. Bumalik ang tingin ko sa nag-aapoy sa galit na kulay light brown na mga mata. Parang hindi ko na siya kilala. No, he's not the Nightwind who helped me. He's not the one who promised to take me back home no matter what. He's not my protector.
Alam kong galit siya dahil parang pinipigilan ko na makamit ang mithiin niyang buhayin si Carol. And he is becoming like this because he's in so much pain.
Realizing the pain he must be in. About the conditions of the Apohixen, he must be disheartened. For him to be like this, he must be so lonely. My heart bleeds for this man. I stopped struggling and just watched him.
Mabilis na lumapit sa mukha ko ang kaniyang mga mukha. Naduduling ako sa lapit namin pero kitang-kita ko na may iniinda siyang sakit. Nang mapansin niyang hindi na ako umaangal ay tinanggal na niya ang kaniyang mga kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Nang makalaya ang aking mga kamay ay awtomatikong inabot nito ang aking pisngi.
Kitang-kita ko ang pagbago ng mga kulay nito. Mula sa light brown color ay naging dark brown ito. Ang poot sa kaniyang mga mata ay napalitan ng pagkabahala. Mabilis na lumayo siya sa akin na tila may nakakahaw akong sakit.
"I- I apologize. I – "
Mabagal na bumangon ako. Nang makita niyang nagdudugo ang aking kamay na may IV ay agad niya itong kinuha.
"Are you alright?" Puno nang pag-aalala ang kaniyang boses. Humaplos sa aking mga pulsuhan ang kaniyang kamay nang makita niyang may pasa ako rito.
"I'm sorry I can't protect you from him. I'm sorry I can't protect you from myself." Hindi siya makatingin sa akin at hinahaplos ng kaniyang hinlalaki ang aking pasa habang nakahawak sa aking kamay ang kaniyang kamay.
Inalalayan niya akong makabalik sa aking higaan. Nang makaupo na ako ulit ay saka pa dumating ang mga nurses at doktor.
"Where have you been?" Galit na tanong ni Scraper at itinulak pa ang lalaking doktor palayo sa akin nang akmang lalapitan ako nito. Ang babaeng nurse ang lumapit sa akin at iniayos ang kamay kong may IV.
"Miss Wilson, please refrain moving too much. This could lead to bleeding," saad ng nurse na sinagot ko lang ng tango. Ang akala nila kaya nagka-emergency ay dahil sa pagkatanggal ng IV, mabuti na lang at hindi nila kami mapasukan kanina.
Kapag umabot ito sa nakakataas ay baka gawan nila ng paraan na mawala si Scraper. Sa ideyang mawawala si Scraper o nasasaktan si Nightwind ay parang pinipiga ang aking lalamunan. Hindi ako makahinga sa mga isipang 'yon.
Nang umalis na ang doctor at ang mga nurse ay binalingan ko si Scraper na nakaupo lang at nakayuko. Nakakuyom ang mga kamao nito at nagngangalit ang mga bagang.
"Scraper, I understand everything. Naiintidihan ko ang sitwasyon." Kalmado kong saad kahit na ang totoo ay hindi mawala sa aking isipan ang mga hitsura nila kanina. Ang nasasaktang mata ni Nightwind at ang nagsisising mata ni Scraper.
"I promise you. That would be the last time he'll do something you don't like. Kung noon wala akong pakialam basta makakita lamang ako ng dugo. Iba na ngayon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top