CHAPTER 24
Timtara's Point of View
"Huh?"
Umupo siya sa gilid ng aking kama at inabot ako, ay hindi pala, ang bulsa ng aking sweater pala ang inabot niya at kinuha ang journal. Tigagal lang ako sa buong durasyon kung saan binubuklat-buklat niya ito na parang random notebook lang ang kaniyang hinahawakan, na parang isang normal na mga entries ang nakalagay sa loob nito.
"It's been so long since I've seen this. That bastard, he's right when he told me that you're reading this inside the comfort room."
"Scraper?"
"Bingo. It's a good thing that you finally called me by my name. It's making my ears bleed whenever you call me by that blasted name," binigay niya ulit sa akin ang journal.
"When did you come back?" I whispered.
"I never left. I was here the whole time watching you, little doctor." Dinutdot niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya at tumawa. Inis na inalayo ko ang ulo ko sa kaniya.
"Then, why did you left? You're the main persona. You're the real Gerard Hudson." Ibinalik ko sa aking bulsa ang journal sa pangamba na baka kunin niya ito.
"Carol came, she gave strength to Nightwind. Heck, Nightwind existed because of her. Her value to Nightwind is like a ray of hope so when she died, Nightwind lost it all, he lost his purpose. And you, you can give him back that purpose."
"Because of the Apohixen," ako na ang tumapos sa sasabihin niya. Hindi ko alam o pinilit kong hindi alamin, kung bakit biglang tumulo ang aking luha.
Humagalpak ng tawa si Scraper kaya sa kaniya ko ibinaling ang aking mga mata at pinakatitigan ang kabuoan niya. Si Nightwind ay tahimik at masungit. Kalmado ito kahit galit at pinag-iisapan ang susunod na hakbang. Marami ring tinatago si Nightwind. Mayroong light brown na mga mata ito.
Si Scraper naman napaka-transparent. Kung galit siya ay nakikita mo talaga, kapag naaaliw siya ay hindi niya sinusupil ang kaniyang ngiti. Mas pinapagana rin nito ang init ng ulo at tawag ng damdamin bago gamitin ang utak. Mayroong dark shade of brown na kulay ang mga nito.
In summary, maihahambing sa North at South ang kaibahan nila. "You fell for his charm, right? You fell for him, hook, line, and sinker. I pity you. Well, maybe what you're feeling is not that deep. After all, you are alone in this new environment and you need comfort. Don't worry, it's all in your head. You'll get over it."
"Now I see why Carol hated you."
"Why? You hate me now? I expect you to do that the first time I had contact with you. You just realized it now? Wow, you're not as smart as they believed."
Dahil sa inis ay kinuha ko na lang ang mansanas na nasa mesa pati ang kitchen knife at nagbalat. Ikakain ko na lang ang inis ko sa kaniya. Though hindi ko alam kung paano magbalat ng mansanas.
"You're so hopeless," kinuha ni Scraper mula sa aking kamay ang mansanas pati ang kitchen knife at siya ang nagbalat nito.
"Akin na 'yan. I can do it on my own," pilit kong inaabot ang kinuha niya sa akin pero inililihis niya lang ito ng direksyon.
"Stop it! Stop it o tutusukin ko 'yang mata mo." Dahil sa pananakot niya ay hinayaan ko na lamang siya. Alam ko kasing kaya ni Scraper na tusukin ang mga mata ko nang walang awa.
Tumawa siya bago ibinigay sa akin ang binalatang mansanas na nasa platito na at naka sliced na rin. "Eat up. Masama ang magutom sa inyong mga matatalino, kapag namatay kayo ay dilat. Just eat up." Iniumang niya sa akin ang isang slice ng mansanas.
"I'll eat this?" Tanong ko sa mansanas na hawak niya malapit sa bibig ko.
"Or you'll stare at it. Anyway just accept it." Kinain ko ang hawak niyang sliced apple at kinuha na sa kaniya ang platito.
"How did Carol defeat you?" Curious na tanong ko. Base sa mga nabasa ko, si Carol ang puno't dulo ng lahat.
"It was a losing battle between me and Nightwind. That woman was cunning as a shrew. Also, I'm at a disadvantage to begin with."
"Why?"
"If you read the journal, you must have known that every time Nightwind takes over it would seem that I am in a state of coma. I won't know the happenings between the time lapses. But it's different with him. He is always watching, even this exact moment. He is watching us. The man you were with earlier, it's him. And he's mad that you're giving the Apohixen first to Russia's president."
Kaya pala. Kaya pala ganoon siya kanina sa akin. Kaya malamig ang pakikitungo niya sa akin. I need to set this straight while Scraper is here and Nightwind is listening.
Ibinaba ko ang platito ng mansanas mula sa aking kandungan at hinarap si Scraper. Nagtatakang tiningnan naman ako ni Scraper kaya nang akmang lalayo siya sa akin ay hinawakan ko ang braso niya.
"Listen well, Scraper... And Nightwind. Apohixen can't bring the dead if it doesn't meet the conditions. From what I learned, it's been years since Carol died. One of the conditions is that the body must have a functioning organs, this means that only the people who just died can use the Apohixen."
Nakita kong dumaan sa mga mata ni Scraper ang gulat pero hindi nakatakas sa akin ang pagbago ng kaniyang mga mata. Nightwind!
Bigla kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso pero ang mga balikat ko naman ang mahigpit niyang hinawakan. Umaapoy sa galit ang kaniyang mga habang nakatingin sa akin.
"Then change the conditions or you will pay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top