CHAPTER 23

Timtara's Point of View

Dahil sa kyuryusidad ay napagdesisyunan kong basahin ang journal ni Nightwind. Alam kong napakapakialamera ko na pero hindi talaga ako makapag-concentrate sa dapat sana ay aking ginagawa. Hindi ako makausad sa dapat kong gagawin sa Apohixen trials dahil nagbabalik ang isip ko sa tanong na 'sino si Carol'.

Dahil ayokong mapasukan ni Nightwind na binabasa ang journal niya ay karay-karay ang IV at journal ay pumasok ako ng comfort room para doon magbasa. Sinigurado ko ring dalhin ang sweater ko para may bulsa akong pwedeng pagtaguan nito in case of emergency.

Pagkapasok ko na sa CR ay isinara ko ang lid ng inidoro at doon ako umupo. Binuklat ko ang journal at hinayaan ang aking sarili na lamunin ng nakaraan ni Nightwind o mas kilala ng marami na Gerard.


- - - - - - -

A lady with red eyes approached me. Said she can give me a purpose. Said she loved my inhumane state. She opened her hand to me, she lend me a protection to do what I want. She gave me you. Yes, she gave me a journal to vent my demons, she said.

A bloody notebook can make me sane again, she thought. What a foolish woman.

She gave me a name. I am no longer Gerard Hudson, the second prince of Whales. I am now Scraper, a rat, her vermin.

Oh, her name is Fallen Angel.

- - - - - - -


So ang pangalan na Scraper ay ang palayaw na bigay ng reyna sa kaniya? At second prince? Royal blood pala 'yon? Bakit hindi ko siya ma-imagine na prince material? Kung dark knight pwede pa siguro pero prince? No way.

Binuklat ko ulit ang pahina.


- - - - -

She gave me names when the voices in my head are acting up. Said I can do whatever I want with those people. Said they're my play things until they stop moving. Sudden death for those people is not enough for the voices in my head. The voices needed it to be messy. The woman would always laugh and said 'the bloodier the merrier'.

The red-eyed woman would always say 'you are a prize, vermin' after the voices shut up. Said she enjoyed the blood bath. Said I belong to her.

- - - - -


Sa aking nababasa ay unti-unting nanlalamig ang aking mga kamay. Hindi ko alam na ang nirerespeto nilang reyna ay kayang gawin ang mga ito sa isang taong nangangailangan ng tulong. Hindi rin naman halata sa reyna. Teka, yung mga titig niya. Ang lamig ng kaniyang mga galaw. Oo nga, pwede nga siya maging babaeng tinutukoy sa journal.

Sa mga sumunod na pahina ay puro tungkol sa mga taong ibinigay ng reyna kay Scraper. Lahat ay detelyado kung paano niya pinaslang ang mga ito. Ang damdamin ni Scraper habang ginagawa niya 'yon ay napakadetalyado rin na nakasulat sa journal. Ilang beses akong napahinto at napapikit dahil sa mga nababasa ko.

Naroon na ako sa parte kung saan pupunta na siya ng Pilipinas upang makipagkita sa ibang miyembro ng Phoenix.


- - - - - -

The red-eyed woman told me they are my new allies. Said they enjoyed what I enjoyed too. When I killed in front of them, they did not cower. But the brown-eyed woman never smiled at me. Said I could be better. Said I should control my mind. Said I am a coward.

I am no coward! I am Scraper, killing is easy as breathing. I hate her guts. I want the red-eyed woman to give the name 'Carol' to me. I will wait until she'll let me kill her.

- - - - -

The other woman stopped me from finishing my prey. Said she hated the sight of blood in my body. Said I should smile more. But I never smiled not since my mother told me a lie that she cared about me. I asked her when did I smile, she told me I smiled a lot with her during our luncheon together. I tried to remember but I never recalled eating anything with her. No, I never recalled anything about that afternoon. Did I oversleep somewhere else?

- - - - -


Ang mga sumunod na nakasulat ay tungkol lamang sa mga utos ng reyna sa kanila. Kung ano ang mga nadiskubre ni Scraper sa mga kasama niya sa Phoenix. Pero ang napansin ko ay unti-unting dumarami ang mga memory lapses ni Scraper. Una ay nagsimula lang ito sa mga snippets hanggang sa tumagal na ng ilang oras, at naging kalahating oras na.


- - - - -

Something is wrong. That cunning woman, he kept on bugging me. Until one time, the people around me keep on calling me another name. They keep on calling me 'Nightwind'. Said that woman gave me the name and the red-eyed woman approved it. Said my name is no longer Scraper. I don't like this feeling. I feel that my identity is being threatened. Should I eliminate the source of threat? But her name is yet to be given to me, I must wait. While waiting I should know why do I keep on sleeping? Why do they have memories of me while I am asleep?

- - - - -


Napatanga lang ako sa journal. Kung ganoon iisa si Scraper at si Nightwind. Pareho sila ng pangalan na Gerard Hudson, pareho ng katawan, pero hindi pareho ng personalidad at pag-iisip.

"Split personality."

Narinig kong bumukas sara ang pinto ng silid. Ibig sabihin ay may pumasok kaya nagmadali akong tumayo. Inilagay ko sa aking bulsa ang journal at nag-flush ng toilet bago lumabas ng comfort room habang karay-karay ang IV.

Pagkalabas ko ay nakatayo malapit sa aking higaan si Nightwind. Habang nakatingin ako sa nakatalikod na si Nightwind ay hindi ko maiwasang maalala ang nasa journal.

"Are you done?" Tanong niya habang nakatalikod pa rin sa akin. Pumwesto na ako sa aking higaan.

"Of course." Akala niya kasi nag-CR ako.

"Really? You're done reading my journal?"

Napahinto ako at napatingala sa kaniya nang bigla. Bumungad sa akin ang mukha ni Nightwind na nakangisi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top