CHAPTER 22

Timtara's Point of View

Mula pa kahapon nang dumating kami mula sa meeting kasama ang mga UN leaders ay hindi na ako pinapansin ni Nightwind. Ibinalik ako nila Ma'am Kharm sa infirmary ng palasyo pero hindi na sa ICU, binigyan lang nila ako ng isang pribadong silid.

Dahil sa request ko kay Ma'am Kharm ay dinala nila ang isang tablet na nakakonekta kay Atlas kaya kahit nakasandal lang ako sa headboard ng kama habang nakaupo ay namomonitor ko ang progress ni Atlas. Dahil voice activation ang kailangan ni Atlas kaya may earphones akong suot ngayon.

"Atlas, commence trials for version 3 of Aphihixen phase 1."

"We can't do that yet. All the test subjects are dead cells; even a reaction when exposed to Apohixen is not there. We got to step up our test subjects, doctor." Suhestyon ni Atlas at awtomatikong lumabas sa screen ng tablet ang mga graphs mula sa latest trial namin.

Tahimik ko itong binabasa nang may isang idea akong naisip, "Atlas, give me the probability if I use dying cells as test subjects."

"Dying cells? Human experiment?" Biglang salita ng lalaking kanina ko pa kasama. Nakaupo siya sa single seater duvet. Mula nang magkamalay ako ay hindi na siya umalis diyan. Tinanong ko na siya kanina pero hindi naman niya ako sinasagot. Parang timang na nakataas lang ang kilay niya sa bawat tanong ko kaya binato ko siya ng unan bago nagkunwaring hindi siya nakikita.

"Oh, you speak? I thought you're a statue. Oh, you're not allowed to speak, by the way, you're pissing me off."

Hindi ko siya nilingon at nanatili lang sa pag-analyze sa mga lumabas na numero. Hindi ko na napansin ang paglapit niya kaya nagulat ako nang kunin niya bigla ang tablet. Natanggal din ang earphones mula sa akin.

"What are you doing, Nightwind? Kanina ka pa ah! Teka, nag contact lens ka ba?" Ang lapit kasi ng mukha niya kaya kitang-kita ko light brown niyang mga mata. Hindi tulad kahapon, dark brown.

Mabilis siyang lumayo sa akin at nag-iwas ng tingin. Napagdesisyunan kong tanungin siya kung ano ang problema niya mula pa pagdating namin sa Realm.

"Let's talk. Why are you sulking?"

"I'm not sulking."

"Then, why are you throwing tantrums at me?"

"The Apohixen, you're just giving it to them after everything? You are so desperate to be safe."

Gulat lang akong nakatingin sa kaniya. So ito pala ang dahilan at may hinuha akong may kinalaman 'to sa rason kung bakit ako naririto sa Realm, kung bakit nila ako kinuha.

"Then give me one reason to give it to you first."

Natahimik siya nang ilang segundo bago ibinalik sa akin ang tablet at earphones ko.

"I want a reason to live and your medicine can help me obtain that."

"Reason? Why? Are you dead of some sort?"

Pinagsasabi nito? May depression ba si Nightwind? Nabubuwang na ba'to?

"I'm a dead man walking," sagot niya na ikinatawa ko nang husto dahilan upang sumakit ang tiyan ko. Ang drama nito. I swear, he's like so bipolar.

"What's so funny?" Nakakunot ang noo niya sa akin.

"Nothing, Mister 'I am a dead man walking'." Panggagaya ko sa kaniya sabay tawa. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?

"I lost my will to live when my lover died. She died and brought all the colors of my world with her. Is my reason enough?" Seryosong saad niya at umalis na ng silid matapos niya itong sabihin.

Natigil sa hangin ang aking ngisi at napahinto ang paggalaw ko. Dead lover? Naalala ko ang babaeng binabanggit niya sa kaniyang panaginip. Caren? Carol? Oo! Carol ang pangalan ng babaeng 'yon!

"Colors of his world, huh. I never knew he could be this romantic," saad ko sa aking sarili. Gusto kong makilala si Carol, gusto kong malaman kung anong klase ng tao ang may kakayahan na kunin ang kulay ng mundo.

Kakabukas ko lang ulit ng aking tablet nang biglang bumukas ang pinto. Dahil sa akala kong si Nightwind ang pumasok ay tinanong ko ito kahit na hindi lumilingon dito.

"Can you tell me about this Carol, Nightwind?" Busy ako sa pagscroll sa screen ng tablet nang sumagot ang bagong dating na akala ko si Nightwind.

"I'm not Nightwind but I can definitely tell you about Carol," sagot ng isang pamilyar na tinig.

Nang mapagtanto kong hindi ito si Nightwind ay bigla kong nilingon ito.

"Why are you here?" Tanong ko sa lalaking nakasuot ng pang nurse. Naka eyeglass din ito at may dalang clipboard. Kung titingnan ay para nga itong nurse, 'yon nga lang ay kilalang-kilala ko ito. Ito ang lalaking nagbigay sa akin ng journal.

Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. "I gave you the notebook but I guess you lost it."

Tama ito, naiwala ko nga ang journal. Naiwala ko ito nang ma-kidnap ako sa hardin.

"Here," inilapag niya sa harap ko ang journal na akala ko ay naiwala ko.

Namimilog ang mga matang tiningnan ko siya, "How did you-"

"Just like before, I am never here." Putol niya sa sasabihin ko at kinindatan muna ako bago umalis habang sumisipol.

"Who on Earth is he?"

Kinuha ko agad ang journal at inilagay sa ilalim ng unan ko nang may mahulog na note.

'Alexander is the name. J '

Woah. Is he a mind reader? Ah oo nga, sinabi niya nga noon na Alexander daw ang pangalan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top