CHAPTER 21
Timtara's Point of View
Malinaw na ang paligid ko nang isara ni Nightwind ang pinto ng aking silid. Hindi ko man masyado maigalaw ang aking katawan lalo na ang ang aking mga kamay ay may boses namang lumalabas mula sa bibig ko kahit napakauhaw na ng aking pakiramdam.
"Water please," bulong ko kay Nightwind na salubong ang kilay at nagtatagis ang mga bagang na nakatingin sa'kin.
Walang salitang iniabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Pinilit ko munang iggalaw ang aking katawan kahit ang leeg lang upang makainom ako. Nang makita niyang hirap akong uminom ay inalalayan na ako ni Nightwind. Ipinwesto niya ang kaniyang katawan sa aking likuran upang maging sandalan ko habang nakasuporta ang isa niyang kamay sa basong hawak ko.
Nang maubos ko ang tubig ay bigla-biglang umalis si Nightwind sa aking likuran kaya nauntog ang ulo ko sa headboard ng hospital bed.
"Aray naman," angal ko at nag-adjust sa paghiga. Nakasunod lang ang aking mga mata sa kaniya habang palakad-lakad siya sa aking harapan. Ako naman, kahit inaantok ay naghihintay sa sasabihin niya.
"Why!" Bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking braso. "I've been asking myself for two days but I can't get a right answer."
Napailing na lang ako at marahan siyang tinalikuran sa paghiga, "No matter what type of answer I give you, I know you will not accept it. Just think of it as momentary craziness from my part."
Ang ingay niya, siya na nga ang iniligtas siya pa ang tila naagrabyado, pambihira! Isang malakas na kalabog ang nakapagpalingon sa akin kaya nanakit ang aking tiyan dahil sa biglaan kong paggalaw. Sinipa pala ni Nightwind ang oxygen tank, buti na lang at tinanggal ko na ito kanina. Kasunod ng kalabog mula sa pagkakatumba ng tank ay biglang bumukas ang pinto at pumasok una si Ma'am Kharm na sinundan ng reyna. Umayos ako ng higa at binata sila.
"Are you crazy?" Galit na sigaw ni Ma'am Kharm kay Nightwind. Nakapamulsa lang si Nightwind at nakaharap sa bagong dating.
"Everyone knows except this fragile thing, who's the real crazy. In fact, Phoenix members are a bunch of mental people."
Hindi nagpatinag ang leader ng Phoenix sa pasaring ni Nightwind at kalmadong kumuha ng upuan. Si Ma'am Kharm naman ay ilang segundo pa ang pinalipas bago sumunod sa reyna.
"I am here to tell you something, Dr. Timtara Wilson." Bungad ng reyna o mas kilalang Fallen Angel. Nakatingin siya nang diritso sa akin.
"What is it?" I hate how my voice sounds so weak. Tama si Nightwind, fragile nga ako, pero hindi naman thing. Grabe siya.
"The incidents that led you to that state caused deeper turmoil, I'm afraid. And I've been summoned to the United Nation's Order with you. You need to present yourself in front of the world leaders in less than twelve hours."
"Huh?"
"You're bloody mental! She's not going anywhere; I need to ask her some questions first." Humarang si Nightwind sa akin kaya hindi ko na makita sina Ma'am Kharm.
"Stop acting like a child, Scraper. You know very well how those people work. We don't want her tangled in that mess," babala ng reyna. Nakita kong kumuyom ang mga kamao ni Nightwind.
Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtawag ng reyna kay Nightwind ng Scraper.
"Stop talking like I'm not here Nightwind. This is my decision not yours. Queen Luciana, I'm going with you. I need to stop this mess so I can focus to the Apohixen."
"I won't let you go with them," galit na bumaling sa akin si Nightwind kaya ang ginawa ko dahil mahina pa ang boses ko at hindi pa ako makataray nang maayos ay hinawakan ko ang pinakamalapit niyang kamay sa'kin.
"Then go with me," may ngiti sa aking labi na saad ko sa kaniya. Natigilan naman siya nang ilang segundo at nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.
"Fine."
Ang dalawang akmang aalis na ay biglang napalingon sa amin. Si Ma'am Kharm na nanlalaki ang mga mata at ang reyna na nakataas ang mga kilay sa akin.
"What?" Takang tanong ko sa kanila.
"Nothing," sabay na sagot ng dalawa at mabilis na umalis ng silid. Anong nagyari sa mga 'yon?
Scraper's Point of View
Sa kaniya lang ang buong atensyon ko. Nasa unahan ko siya naglakad habang nakaalalay sa kaniya si O'Hara. Papasok na kami sa malaking gusali na may malaking bandila ng United Nation. Sa gitna ng Metropolis city matatagpuan ang gusaling ito. Ilang sasakyan ang dinala ng Loong na 'yon. Takot yata siya sa pugad ng kalaban. May mga snipers ding nakapwesto sa mga karatig gusali.
Hindi ko naman talaga gustong pumunta rito pero nang hawakan niya ang aking kamay at tingnan niya ako gamit ang nakakainis na matang 'yon ay biglang nag-ingay sa loob ng isip ko.
Kaya ko naman talagang isawalang bahala ang tantrums ni Nightwind pero ang hindi ko kayang baliwalain ay ang mga tanong sa aking isipan. Tanong na alam kong siya lang ang makakasagot.
Maybe if I accompany her, the questions will be answered.
Sinalubong kami ng ilang matatandang nakasuot ng black suit at idineretso kami sa isang trial court. Sa buong oras ay nakasunod lang ako sa kaniya kaya nang akmang haharangan ako ng isang gwardiya dahil ihihiwalay nila ang reyna at si kuting sa'kin, pinilipit ko ang mga daliri nito at tinusok ang mga mata nito dahilan upang mapantingin sa amin ang mga tao sa luob ng korte.
"Nightwind, please stop." Nagsusumamong daing niya. May himig ipahiwatig ang kaniyang mga tingin kaya napipilitang binitawan ko ang lalaking 'to. "Fucking dick." Sikmat ko rito bago siniguraduhing maaalala ko ang pagmumukha nito.
Dahil siguro sa takot ay wala ng pumigil sa akin na sundan ang dalawa. Kahit na nang makaupo sila ay nanatili akong nakatayo sa kaniyang likuran.
Nagsimula na sila sa pagtanong. Una kay Loong dahil siya ang reyna ng Realm. At nang si kuting na ang tinatanong ay doon na ako naging alerto. Curious din ako kung bakit gustong protektahan ni Nightwind ang babaeng 'to.
"Why are you in custody with the Realm?" Tanong ng punong hukom.
"The Realm can give me better access with technology and Artificial Intelligence especially that my supervisor is directly connected to the Realm."
"Why do you need advancement in technology for your study?" Tanong ng isa pang hukom.
"Because I am developing Apohixen, a vaccine that I believed that can alter death within conditions."
Sumabog ang mga bulong-bulungan sa loob ng korte kaya humakbang ako palapit sa nakaupong kuting.
"Silence! Now, I ask you how can we assure that you will not use it for something evil?" Tanong ng punong hukom kay kuting. Nakita kong kumuyom ang kamay ni kuting, galit na ito sa tanong ng punong hukom. Hindi ko mapigilang mapangisi.
"After I create the perfect Apohixen, I will give it to you."
Hindi ko alam pero kumalabog ang aking dibdin at sumakit ang aking ulo. Nagpupumilit si Nightwind na lumabas. At isa lang ang napagtanto ko sa aking pagsama kay kuting dito, ayaw ni Nightwind sa huling sinabi ni kuting. Tutol siya rito.
Nightwind needed that vaccine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top