CHAPTER 20
Timtara's Point of View
Napaluhod ako habang sapo ko ang aking tiyan. Pumupula na ang bahaging ito ng aking damit at isang biglang mainit na kung ano ang tila pumasok sa aking katawan. Ngayon ko lang din napansin na duguan ang aking leeg at dibdib, ang tumulo kanina ay dugo pala. Balot na balot ako ng dugo. Hindi na kinaya nga aking pagod na katawan ang manatiling nakaluhod kaya nagpatianod na lamang ako nang akmang babagsak na ako sa sahig pero ilang segundo ang nagdaan at hindi ko naramdaman ang sakit ng paglagapak sa sahig.
Namimigat na ang talukap ng aking mga mata pero kitang-kita ko pa rin ang mukha ni Nightwind na nakatunghay sa akin. Mukha siyang galit at nalilito, sa kung ano ay hindi ko alam.
"Why! Why did you do that!" Galit na sigaw niya sa akin. Kahit hirap ay sinagot ko siya.
"Because when I saw you smiling like a maniac to me, your eyes told me otherwise. I felt your loneliness and I don't want you to feel more pain. So if I can save you from pain by doing this, I thought." Napaubo ako ng dugo at sunod-sunod na ubo ang nangyari matapos akong magsalita.
"I don't need your pity, bitch!"
"I don't do pity, Nightwind. It is just I know that kind of lonliness. It's making me sad." Unti-unting nagsara ang aking mga mata dahil sa 'di malamang antok kaya hindi ko na narinig ang sinabi niya.
"What kind of woman are you?"
A woman with tits and pussy, of course.
Kharmaine's Point of View
Pangalawang araw na ni Scraper sa labas at sa buong durasyon nito ay nakatitig lang siya sa salamin ng ICU unit ng palasyo. Hindi pa rin kasi nagkakamalay si Tim at kailangan niyang gumising sa loob ng 72 hours. Ilag ang mga tao kay Nightwind simula nang lumabas ang kaniyang isang personalidad na si Scraper. Tanging kami lang sa Phoenix at si Kiel ang may alam na ang split personality ni Nightwind ang may kontrol ngayon.
Sa loob ng dalawang araw ay limang knights na naatasang magbantay kay Tim ang nadala sa emergency room dahil kay Scraper. Ayaw ni Scraper na sinasabihan siya kung ano ang gagawin. Like I said, no one can control Scraper. Si Carol nga ay halos hindi magtagumpay laban kay Scraper.
I remember the day before Carol confronted Scraper. Si Carol kasi ay tutol sa kabrutalan ni Scraper at hindi niya ito kayang tanggapin. Hindi rin gusto ni Scraper ang pagkontrol sa kaniya ni Carol kaya nagkaroon ng tunggalian ang dalawa.
Kinailangang talunin ni Carol si Scraper sa isang labanan. Kung kami lang mga Phoenix members ay hindi kami takot sa kaniya pero alam din namin na kapag maglalaban ay may mapupuruhan talaga. Ayaw ni leader na labanan si Scraper dahil parte pa rin ni Nightwind si Scraper. Isa lamang itong katauhan na nabuo mula sa masalimuot na nakaraan ni Nightwind.
Kung sana ay may makakaalam kung paano tanggalin ng tuluyan si Scraper. Tahimik na pumwesto ako sa likod ni Scraper.
"What do you want, O'Hara?" Hindi lumilingon na tanong niya sa akin.
"Last time I remember, you do not own the ICU."
"The last time I remember is that I aimed my pistol at you."
"That was like what? Seven years ago? Grow up, Scraper."
"Seven years ago, you did not have a weakness. Now, do you want me to name them one by one?" Hindi pa rin siya lumilingon sa akin pero alam kong narinig niya ang paghugot ko ng baril at pagtutok nito sa kaniya.
"Mess with them and you're good as dead."
"Am I not though? Dead I mean. Since I don't fuckin' own a body. I even have to fight my way to break free and when I'm free, I spent my goddamn time watching that fragile body."
Napatigil ako, siguro hindi pa napagtanto ni Scraper ang sinabi. But just now, he opened up to me well not particularly to me but I heard him at least.
Luciana's Point of View
Nasa private office ako ng residence namin ni Kiel sa loob ng palasyo. Kasama ng aking asawa ang aming mga anak kaya solo ko ang buong lugar. Mabuti na rin 'yon nang hindi nila ako makitang magalit dahil ngayon ay gusto ko nang magwala.
Nasa harap ko ang nakabukas na email mula sa United Nation at ang laman ng electronic mail ay isang summon mula sa kanila na nagpapahiwatig na kapag ito'y aming tinanggihan ay paniguradong may malaking problemang darating sa Realm.
Iisa lang ang gusto nila, ang dalhin si Timtara nang kanilang makausap. Pero paano ko 'yon magagawa kung nakaratay siya sa ICU ngayon at tila leon na binabantayan ni Scraper. Si Scraper na tinalo ang reputasyon ni Jack the Ripper ng Old London.
Hindi ko rin alam kung bakit imbis maglakwatsa gaya ng dati tuwing makakawala siya kay Nightwind ay nanatili lamang siya sa isang lugar. Halos hindi ito humihiwalay sa walang malay na si Timtara.
DAHIL GUSTO kong malaman ang lalim ng aking problema ay pinuntahan ko ang ICU. Narinig ko ang usapan nila Scraper at Siren. At nasaksihan ko rin ang nangyari nang nagkamalay na si Timtara.
Hinablot ni Scraper ang mga nurses at doctors na akmang lalapit sana sa mulat ng si Timtara at binalibag niya ang mga ito. Nang nasa labas na ang mga ito ay sinarhan ni Scraper ang pinto ng ICU kaya sila na lamang nila Timtara at Scraper sa loob.
Doon na ako lumabas dahil sa sumunod na ginawa niya a naging dahilan kung bakit pinagsisipa ni Siren ang pinto ng ICU.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top