CHAPTER 2
Timtara's Point of View
Hays, kailan pa ba ako yayaman at nang makapagpagawa na ako ng sarili kong laboratory? Ang hirap naman kasi nitong study ko, ayaw tanggapin ng iba buti na lang at pinayagan ako ni Ma'am Kharm na gawin ang aking mga personal experiments tuwing spare time ko.
Buong buhay ko ay sanay na akong sinasabihan na isa akong baliw. Noong tinanong nila ako kung ano ang pangarap ko, sinabi kong gusto kong maging scientist. Nang tinanong nila kung bakit, sinagot ko ulit sila na dahil gusto kong pigilan ang kumuha sa mommy ko.
My mom died when I was five years old. Natalo sa laban ng cancer ang aking ina at wala kaming nagawa ng daddy ko. Ang tanging naggawa ko lang ay ang magdasal at hawakan ang kamay ng mommy ko.
Simula nang mabasa ko ang mga aklat tungkol sa mga discoveries ng mga vaccines sa iba't-ibang sakit, naisip ng bata kong isip na gumawa ng vaccine na pwede pigilan ang kamatayan. Pero maski ang mga tanyag na pasilidad ay tinawag lamang akong baliw hanggang sa makilala ko ang mad scientist na si Dr. Kharmaine O'Hara ng O'Hara Industries. Bukod sa brain transfusion ay nag-aaral din ang O'Hara Industries ng cloning kaya sumubok ako. Ilang buwan akong hindi kinontak ng HR hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula kay Ma'am Kharm mismo. At heto na nga ako ngayon, dito na ako nakatira sa isang maliit na apartment sa loob ng O'Hara Industries secret laboratory.
Kasalukuyan kong binabasa ang analysis report na ibinigay ko kay Ma'am Kharm. Tahimik si ma'am nang isinauli niya ito sa akin na tila tulala. Kaya kinakabahan tuloy ako baka may mali sa aking ginawa, hindi ba pumasa ang prototype 2.5 ng Apohixen?
Nagpagulong-gulong ako sa kama nang may lumipad na kung ano sa aking pisngi. Nang tingnan ko kung ano ito ay ipis lang pala. Napabuntong-hininga ako sabay tapon nito sa labas ng bintana. Hindi na nakakapagtataka, sa dumi at gulo ba naman ng mini apartment na tinutuluyan ko ay himala na kung walang mamugad dito.
Mga lukot na mga papel at mga nagkalat na damit ang makikita kahit saan ka man lumingon sa aking mini apartment. Wala na kasi akong oras na magligpit. Kung may spare time man ako ay natutulog ako dahil kulang-kulang talaga ako ng tulog. Mabuti nga at nakakapagligo pa ako, 'yon nga lang ay wala pa rin akong oras sa pagsuklay o sa pagbagay ng aking mga damit. Basta hindi ako nakahubad at hindi nakakaapekto ang buhok ko sa trabaho ay go lang ako ng go. Wala na rin akong haircut dahil sa wala nga akong oras kaya ang haba ng bangs ko halos natatabunan ang kalahati ng aking mukha. Dagdag pa na medyo kulot ang buhok ko kaya para talaga akong mangkukulam tingnan.
'Di bale na basta maggawa ko lang nang perpekto ang Apohixen. Makakapagpaggawa na rin ako sa wakas ng sarili kong laborataory kapag bibilhin ng O'Hara Industries ang vaccine na gawa ko. Hays, magkano kaya ang benta ko nito?
Taasan ko kaya ang presyo? Tutal once in a lifetime discovery lang naman 'to eh. Teka, baka maging napakamahal ng vaccine para sa mga tao, ay hindi pwede.
Ah bahala na, saka ko na lang poproblemahin 'yan kapag naggawa ko nang perpekto ang Apohixen. Sa prototype kasi na gawa ko ngayon ay napakamaraming restrictions kaya hindi pa siya matatawag na ligtas gamitin.
HINDI KO alam na nakatulog pala ako kakaisip kanina. Nakanganga pa ako, ang tuyo tuloy ng aking lalamunan.
"Anong oras na ba?" Pagtingin ko sa alarm clock ay doon ko lang napansin na hindi na pala ito umaandar.
"Holy shit!" Agad kong hinanap ang cellphone ko na inabot ng 30 minutes dahil na rin sa gulo ng aking silid.
9:30 AM!
"Late na talaga ako nito! Jusko! Ano na lang ang sasabihin ni Ma'am Kharm! Talagang hindi maaprubahan ang request ko na patuloy na magsaliksik tungkol sa Apohixen! What an idiot Tim!" Naglilitanya ako habang inaayos ang sarili ko at mga gamit ko papunta ulit sa lab. Doon na lamang ako magsisipilyo bahala na ang amoy bawang na hininga ko, wala naman akong kahalikan doon.
Matapos kong mai-lock ang pinto ng mini apartment ay tumakbo ako na parang may hinahabol papuntang laboratory. Nasa gano'n akong sitwasyon nang hindi ko mapansin ang mataas na pigurang nag-aabang sa akin.
Huli na nang biglang umikot ang mundo ko at naramdaman ko ang lamig ng sahig.
Ano na naman?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top