CHAPTER 19
Kharmaine's Point of View
Papaalis na lahat sa council room, kaming tatlo na lamang nina Kiel at leader ang natitira. Silang dalawa ay may pinag-uusapan habang ako naman ay nagliligpit ng mga gamit ko tulad ng laptop at mga papeles.
"Siren, stay for a while. I need to talk to you," sulpot ni leader sa aking tabi.
"Sure," sagot ko habang nakatingin sa kanilang dalawa hanggang sa humalik si Kiel kay leader at nag-paalam na.
"Wait, King Kiel, can you accompany Seeichi to the Rose Garden, please? He's a bit impatient lately, so if you don't mind it will be a great help."
Nakangiting tumango siya sa akin, "Sure no problem. May sasabihin din ako sa kaniya eh."
Nang mawala sa aming paningin ang hari ay nagsalita si leader.
"Bheshy," saad niya na nakapagpatigil sa pagliligpit ko. Mabilis ko siyang nilingon sa nanlalaking mga mata.
"D-did you just?" Tinuro ko siya at ang aking sarili sa sobrang kalituhan.
"You are my second in command, my right hand, and as I shoulder this pain that Nightwind is facing; I just realized how I fucked up our friendship and how I needed you as my bestfriend." Madamdaming saad niya. As I watched her Crimson Eye shed tears, my resolve, my ego, my pride suddenly vanished into thin air.
Walang salisalitang niyakap ko siya. This hug says it all like a thread mending a broken bond. Niyakap niya ako pabalik. Nang maghiwalay kami sa yakapan ay naging seryoso ang anyo niya.
"Scraper has an obsession and you know that. Ang tanging taong nakatalo kay Scraper ay si Carol. She pulled back the real Gerard but Timtara is very different from Carol. She's fragile and curious." Umpisa niya sa paksa na dapat naming talakayin. Saksi kami kung paano nilabanan ni Carol si Scraper.
Scraper and Carol had a special love and hate relationship. She was clever and strong so she was able to defeat Scraper. But Timtara, I doubt if there are any feelings involved in the first place.
"With Gerard now weakening since Carol's gone, Scraper is using this opportunity to break free. No one but Carol knows how to handle that killer, no one, not even you."
Tama. No one likes Scraper. Halang man ang mga kaluluwa namin pero hindi ko alam kung may kaluluwa ba si Scraper. He does not define friend and foe. He does not follow orders. He's the devil incarnate.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang pumasok ang isang knight on duty na humihingal.
"What happened?"
"You're needed in the infirmary!"
Nag-unahan kami ni leader sa pagtakbo papuntang infirmary. At nang makarating kami ay sinalubong kami ng isang nanginginig na nurse at ang duguang sahig. Inilabas ko ang baril nang papasok na kami sa silid niya, sa bawat hakbang ko ay ang pagdami ng dugo na aming nakikta.
Nakabukas na ang pinto kaya pumasok na kami ni leader. Bumungad sa amin ang nakahandusay na katawan ng isang doctor. Ang dating nakahiga na pasyente ay ngayon nakabihis na.
"It's not my fault. She wouldn't call you no matter what I said so I had to make a commotion to call your attention. It's effective, isn't it? Seeing that you're here, my lady Luciana and to you lady Kharmaine."
We're too late. That senile smile of his, it's too familiar.
Timtara's Point of View
Kakalipat lang nila sa akin sa isang malaking crate. Base sa mga tunog at paggalaw na aking naramdaman ay inililipat nila ako ng lugar. Halos isang araw na rin akong nasa hawak nila. Hinang-hina na ako sa gutom at uhaw. Hindi rin ako makaidlip dahil sa galaw ng crate na aking kinalalagyan. Nanatili lamang akong dilat sa madilim na crate habang nakabaluktot.
Kung saan-saan na umaabot ang aking isip. Mula sa mga formula na maaari kong idagdag sa Apohixen Trials papunta sa mga bagay na gusto ko pang maranasan. Ngayon ko lang napagtanto, dito sa madilim at mabahong crate, kung gaano ka kulang ang buhay ko.
Pinapangako kong sosolusyunan ko ito kapag mabuhay lang ako rito. Dinukot nga ako ng Realm pero hindi naman ganito ka barasubas ang mga tao sa Realm, 'di tulad sa mga lalaking nagbabantay sa akin. Tinutulak at sinasabunutan nila ako lalo na kaninang naglipat kami ng lokasyon.
Ganito ang daloy ng aking isip nang biglang makarinig ako ng mga putukan, mga kalabog at mga sigaw. Natatamaan din ang crate na kinalalagyan ko.
May tulong ba na dumating? O panibagong kidnapper na naman 'yan?
Bahala na nga kayo. Kung mamatay edi mamatay! Daig niyo pa ang FedEx kung pagpasapasahan niyo ako!
Kumalabog ulit ang ibabaw na bahagi ng crate. Kalaunan ay unti-unting humina ang ingay sa labas. At ang patak ng kung ano ay tumama sa akig pisngi. Mahina ang unang patak hanggang sa lumakas ito na kinailangan kong iiwas ang aking mukha sa takot na hindi ako makahinga. Ang leeg at ang bandang dibdib ko na ang natataman ng tulo mula sa taas ng crate.
Napapaubo na rin ako. Biglang bumukas ang crate at binalot ng nakakasilaw na liwanag ang loob kaya napapikit ako bigla.
Nakapikit pa rin ako nang buhatin ako ng kung sino hanggang sa marahas na binitawan ako nito. Unti-unting nag-adjust ang aking mga mata sa paligid habang kinakalagan ako. Nang malinaw na sa akin ang lahat ay doon lang rumehistro ang lahat sa akin.
Nasa loob ako ng isang barko, para itong cargo ship. Hindi pa kami nakakaalis ng pier pero ang nakagulat sa akin ay ang mga katawan na nagkalat. Mga lamang loob, mga bahagi ng katawan, mga ulo, at ang mga nagkalat na dugo. Para itong dekorasyon na nakapalibot sa barko. Unti-unti kong tiningnan ang nagligtas sa akin at ang taong responsible sa lahat ng ito.
Nakatingin sa akin ang naaaliw na mga mata ni Nightwind na tila tuwang-tuwa siya sa takot na nakikita sa aking mga mata. Busy siya sa pagngisi sa akin kaya hindi niya napansin ang gumagapang na may hawak na baril.
Bago pa man ito pumutok ay naitulak ko na pababa si Nightwind kaya ako naman ang nakatayo na sa harap ng duguang lalaki, nagulat siya sa aking ginawa pero huli na, naputok na niya ang hawak na baril.
I said I didn't care whether I die or not but I didn't mean to die in a very cliché way.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top