CHAPTER 18

Timtara's Point of View

Kay bilis ng mga pangyayari. One minute, I felt Nightwind's warmth yet the next minute someone is grabbing me from him. I saw him lying on his pool of blood. I saw Fallen Angel fights alone a dozen armed men while protecting him.

Kahit anong panlalaban ko, wala akong laban sa lalaking mahigpit ang kapit sa akin lalo na at pinaamoy na niya sa akin ang panyong may pampatulog. Hangggang sa unti-unting nanlabo ang aking mga paningin at nawalan ako ng lakas, pinilit ko pa ring abutin si Nightwind gamit ang kanang kamay ko hanggang sa nawalan na ako ng ulirat. Ang huli kong nakita ay ang nakalugmok niyang katawan.

At sa puntong ito ng aking buhay ay napagtanto ko kung gaano kahalaga si Nightwind sa akin.

PAGKAGISING ko ay nasa madilim at maliit na lugar ako nakahiga nang patagilid. Tulad nang nasa kotse ako ay nakatali rin ako at nakabusal ang aking mga bibig.

Gaano katagal na ako rito? Anong nagyari kay Nightwind? Nakaligtas ba sila ni Fallen Angel mula sa kalaban? Nasaan ako?

Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha sa isipang baka may nangyaring masama sa dalawa.



Kharmaine's Point of View

Natatanaw ko na ang chopper na minamaneho ni Grim. Lulan nito ang Phoenix members maliban sa akin. Nakatanggap kami kanina ng distress signal mula kay leader kaya na-locate namin sila agad at gamit ang satellite imaging ay nakita naming sugatan si Nightwind. Mabuti na lang at nandoon si leader, ang tanga naman kasi ni Nightwind. Sugod nang sugod hindi pa man kami nakagawa ng plano basta na lamang siyang umalis sa council room. Hindi rin namin inakala na matutunton niya ang mga dumukot kay Tim kaya heto na siya ngayon karga-karga ng mga Phoenix members sa chopper.

Pagkababa nila mula sa chopper ay sinalubong namin agad sila. Nakahiga sa isang stretcher si Nightwind. Sinalubong ito ng mga doktor na aking kasama sa paghihintay. Ako naman ay dumiritso ng takbo sa duguang si leader.

"What happened?" Hindi na ako nagtanong kung ayos lang ba siya dahil alam ko na ang sagot. She's Fallen Angel what explanation do I need?

"Their backup arrived after we retrieved Timtara. Now, she's out from my grasp and there's nothing I can do." Pulang-pula ang nalalabing Crimson Eye ni leader habang sinasabayan namin siya. Nasa tabi lang niya si King Kiel na tahimik na nakikipag-usap sa telepono.

"They will tell the president that you interfered." Puno nang pangamba ang aking boses.

"The day they came here to announce the deal, that old geezer already knew we had the doctor in our hands. He was fucking testing us and we damned danced on his rotten palm."

"The more reason we need to get her from them." We promised to protect her, damn it!

"No Siren, all of these is his plan. It's a bait."

Awtomatikong tumayo ang mga nasa loob ng council room nang pumasok na kami. Lumala ang tensyon sa silid dahil sa umaalingasaw na galit mula kay leader. Mula nang matapos ang nangyari sa amin ni Seeichi ay hindi na nagpatawag ng Code Blue meeting ang reyna hanggang sa dumating ang araw na ito.

Malubha ang lagay ni Nightwind, napag-alaman naming ginagago lang pala kami ng dati naming mga kakampi, at kinuha nila sa amin si Timtara. Yes, these situations call for a Code Blue meeting indeed.

"My queen, will you calm down?" Hinawakan ni Kiel ang kamay ni leader. Pumikit nang mariin ang huli at nang buksan nito ang mga mata ay wala na ang Crimson Eye, kahit papaano ay nabawasan ang tensyon sa loob ng council room.

"I am calm, hon. Thank you." Nagkatinginan muna ang dalawa kaya tumikhim si Deathstalker bago pa kami langgamin dito.

"So, what do we do leader?" Tanong ni Dark Phoenix na kakapasok pa lang. Siya kasi ang nagsiguradong ligtas si Nightwind at nasa mabuting lagay na ito.

"We need to send the cavalry and it wouldn't be us."

"What? Bakit pa tayo magtatago? Alam na nila na ang totoo." Angal ni Grim.

"You don't need to send the knights, just send the Phoenix members leader." Suhestyon ni Deathstalker.

"I beg your pardon for interrupting, my lords and my ladies, but one fatal report from the Russian president and the United Nation will interfere and that is not good for the Realm's stability." Singit ng isang council man na isa ring ambassador ng Realm sa United Nation.

"Yeah, that's the problem. Leader, what do you think we need to do?" Tanong ko sa kaniya na malalim ang iniisip.

"Just like before, we go covert mission but this time it is not a Phoenix member. They knew our pattern, our weaknesses, so we need someone that no one is prepared for."

Natahimik kami. Covert mission like this one is not like a trip to the field. Kapag pumalpak ka walang kukuha sa bangkay mo. Kapag nanalo ka, walang magbubunyi para sa'yo. In short, you're on your own.

"So who's fit for this job?" Tanong ni Grim na tila sabik na lumaban.

"He's not ready but when he wakes up, he will be whether we like it or not."

Natahimik kami sa sagot ni leader. Kaming mga miyembro lang ng Phoenix ang kilala kung sino ang tinutukoy ni leader.

"He's back," mahinang bulong ni Dark Phoenix sa sarili. Nagtataka sina Kiel at ang ibang council men pero walang nangahas na magtanong. This is top secret.

"Yes, been in and out the surface for some time but I verified it. It is only a matter of time before he'll be back with full force," kumpirma ni leader kaya napahilot ako sa aking sentido.

"Shit this is bad news," bulalas ni Grim sa kawalan at lumabas na ng council room na sinundan nila Deathstalker at Dark Phoenix.



THIRD PERSON POINT OF VIEW

Sa isang bahagi ng infirmary ng palasyo ay hindi napansin ng mga attending nurses ang pagpapawis ni Nightwind at ang paninigas ng kaniyang katawan. Tumunog ang apparatus na nakakonekta sa kaniyang katawan at doon na nagsilapitan ang mga nagbabantay ng infirmary.

Isang pampakalma ang kanilang tinurok sa kaniya at nang tumigil ang warning sounds ng apparatus ay biglang gumising si Nightwind.

But the nurses and the doctor failed to notice that the once light brown eyes of Nightwind turned so much darker.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top