CHAPTER 17
Timtara's Point of View
"And, you Timtara, can save him. So please save him before Scraper gets him first."
Papunta akong hardin para makapag-isip sa susunod kong gagawin sa journal na nasa bulsa pa rin ng aking lab gown. Kakaalis lang din ni Ma'am Kharmaine, hindi na siya nagtagal matapos niyang sabihin ang mga katagang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan na parang isang sirang plaka.
"And, you Timtara, can save him. So please save him before Scraper gets him first."
Mas lalo lang kasing naggulo ang aking isipan at nadagdagan ang aking mga tanong. Pinilit kong mag-focus sa Apohixen pero inaagaw talaga ng mga sinabi ni Ma'am ang aking diwa kaya napagdesisyunan ko na lamang na lumabas muna at tumambay sa pinakamalapit na hardin.
Paliko na ako sa huling hallway at makikita ko na ang kabuoan ng hardin nang biglang may humarang sa akin.
Ang sumunod kong naramdaman ay ang sakit ng tiyan ko at ang pagdilim ng aking paningin.
Gerard's Point of View
Ang sunod-sunod na pag-vibrate ng aking cellular phone ang pumukaw sa akin mula sa pagsusulat ng mga lyrics. Hindi ko alam pero sa mga nagdaang linggo ay nagbukas muli ang pagkakaroon ko ng interes na humawak ng music sheet ulit.
Inilapag ko sa center table ang hawak na music sheet at tiningnan kung bakit tumunog ang aking cellular phone.
"Fuck!" Daig ko pa ang mayroong sanib sa bilis kong nakakuha ng susi ng sasakyan at silencer type na baril na nakatago lang sa ilalim ng center table.
Nang makarating sa palasyo ay tahimik ito na para bang walang dukutang nangyari. Ibig sabihin nito ay nakamasid lang sa amin ang kalaban at ayaw ni leader na malaman ng kalaban na alam na ng Phoenix ang nangyari sa doktora.
Sunod-sunod na malulutong na mura ang aking nasambit habang mabilis ang aking mga lakad papuntang council room kung saan naghihintay ang lahat ng Phoenix members. Pagkabukas ko pa lang ng silid ay ang nagtataasang boses na nila Kiel at Dark Phoenix ang bumungad sa'kin.
"Chill Dark, what got your panties on a twist?" Tanong ko sa kaniya habang inilibot ko ang aking paningin. Nakahara si Siren sa laptop niya at nasa likod nito si Deathstalker na busy kakabigay ng instructions. Si Grim naman ay tahimik na nakatingin lang sa dalawa.
"They got her, Nightwind. They got us bad, man." Napailing si Dark Phoenix sa inis at tumalikod na kay Kiel at humarap sa'kin. Bakit nandito si Kiel at wala si leader?
"We have rats everywhere. We need a cleanup fast," saad ni Kiel sa aming lahat.
"I'm checking every new recruit that could be the mole but I bet they're too many. Some of them may be someone we knew or encountered already," sabat ni Siren mula sa pagtitipa sa kaniyang laptop.
Nagtatagis ang mga bagang at kumuyom ang aking mga kamay. Something dark is coming to the surface of my sanity.
They took her again from you.
Something vile whispered in my mind, "Shut up."
"Excuse me?" Nakataas ang mga kilay na tanong sa'kin ni Siren.
"Nothing just continue what you are saying." Sagot ko na lang. Hindi nila pwedeng malaman na unti-unting bumabalik si Scraper. Hindi nila pwedeng malaman na nawawalan na ako ng kontrol sa kaniya.
"As I was saying, I've tracked the queen and found out that the reason she's not here is that she's following Tim."
"Fucking reckless woman," galit na bulalas ni Kiel.
Dahil sa nalamang nakasunod lang si lider sa doktora ay nawala bigla ang matinis na bulong sa aking isip. He calmed down so I unclenched my fists.
Timtara's Point of View
Naalimpangutan ako nang biglang umuga ang kinahihigaan ko kasabay ang isang malakas na tunog. Pagdilat ng aking mga mata ay nakasandal ako sa likurang bahagi ng isang kotse at nakabusal ang aking bibig at may tali ang aking mga paa at mga kamay.
Ang dalawang malalaking lalaki na nasa harap ng kotse ay patuloy na nagmumura sa salitang Russian. Pilit kong inaninag kung bakit bigla sila napahinto. At doon ko nakita ang isang pigura ng tao na nakatayo sa harapan ng sasakyan namin at may dalang kung anong malaking armas na nakatutok sa kotseng kinalalagyan ko.
Kumuha ng mga armas ang mga lalaki at mabilis na lumabas at nakipaglaban sa taong nakatayo kanina. Kahit anong pilit ko ay hindi naman matanggal-tanggal ang mga nakatali sa akin kaya wala akong naggawa kun'di tingnan kung ano ang nangyayari sa labas gamit ang bintana sa tabi ko.
At doon ko nakilala ang taong humarang sa daraanan namin kanina.
Mabini ang galaw niya habang sinasalag ang dalawang lalaki. Mabilis at malakas ang kaniyang mga suntok at sipa. At ang magkasunod na roundhouse kicks ang nagpatumba sa dalawang lalaki sa loob lang ng maikling panahon.
Tigagal akong nakatingin sa malamig na anyo ng reyna o mas kilalang si Fallen Angel ng Phoenix. Palapit na siya sa akin nang biglang dumating si Nightwind na hindi man lang maggawang isirado ang pinto ng kaniyang kotse dahil sa pagmamadali.
Nakita ko silang nag-usap bago sabay na pinuntahan ako. Huminto ang reyna at may sinagot na tawag kaya si Nightwind na lamang ang lumapit sa akin. Si Nightwind ang nagkalag sa akin at ang una niyang ginawa ay ang pagtanggal ng busal sa aking bibig. Nang matanggal na niya lahat ng tali ay nagulat ako nang bigla niyang sinapo ang aking mukha.
"You alright? Did they hurt you?" Sa huling tanong ay mas dumilim pa ang mukha ni Nightwind. Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat sa pangyayari at sa gulat dahil ang lapit niya sa akin matapos ang isang buwang hindi pagkikita. Ang aking pananahimik ay inakala niyang tanda ng trauma kaya binalikan niya ang dalawang nakahandusay at pinagsisipa ang mga ito. Doon lang ako napamulagat at mabilis siyang pinigilan sa braso.
"Stop it, Nightwind! It's over. Calm down please, you're scaring me." Pakiusap ko sa kaniya na pinakinggan naman niya.
"Nightwind!" Sigaw ng reyna na sinundan ng isang putok ng baril.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top