CHAPTER 16
Timtara's Point of View
Isang buwan. Isang buwan akong nagtago sa mga tao. Nandito lang ako sa laboratory at ang tanging routine ko ay lab – kain – tulog – tae. Kapag pinapakuha ako ng reyna o ng hari para samahan sila sa kung anong gagawin nila ay magalang na umaayaw at nagdadahilan lamang. Alam kong mas tumatagal ay mas nagdududa sila sa akin pero wala ako sa tamang isip ngayon at hindi pa ako handang harapin siya.
Matalinong tao si Nightwind o Gerard at alam kong malalaman agad niya na may problema kami kapag nakita niya ako. Ang mahalaga ay ginagawa ko ang trabaho ko at hindi ako lumalabag sa mga panuntunan para maging ligtas ako.
Nasa panglimang phase na ako ng pagdedevelop ng Apohixen, so far, maganda naman ang mga pinapakita nitong mga resulta. Mabuti talaga at nandito si Atlas upang tulungan ako sa mga computations at formulas.
Hindi ko pa nasundan ang pagbasa ng journal ni Nightwind. Ayaw kong basahin sa takot na may matuklasan pa akong hindi ko kayang sikmurain. Kahit sa isip ay hindi ko kayang sambitin at baguhin ang pangalan niya dahil para sa akin ay siya si Nightwind, ang lalaking dumukot sa'kin at nangako sa akin na ibabalik ang dati kong buhay. I know I am being one side that is why I want to hide myself and re-evaluate my feelings. Yes, my feelings.
Sa loob kasi ng isang buwan na hindi ko nasisilayan maski anino ni Gerard ay may napagtanto ako sa aking sarili. Mahalaga na siya sa akin, hindi ko pa alam kung gaano kahalaga, pero nasisiguro kong kapag nawala siya ay malulungkot ako nang lubusan.
Nakatanga lang ako sa laptop ng laboratory nang biglang may nag-request entry. Tiningnan ko kung sino ang nasa ikod ng salamin na pinto at nakatayo rito si Ma'am Kharmaine o mas kilala ng Realm na si Siren.
"Atlas, let her in." Awtomatiko namang bumukas ang pinto at nag-scan kay Ma'am kung may sandata ba ito, nang makumpirmang wala ay nag-green na ito at pinadaan na siya sa ikalawang pinto. Bahagya akong ngumiti sa kaniya at isinara muna ang aking laptop. Sinigurado ko ring nasa bulsa ng aking lab gown ang journal ni Nightwind.
"I know you can survive without human interaction but damn this is the first time I experienced it from you. Anyways, I just wanna check if you're still breathing in here. Hi, Atlas!"
"Good day, Lady Siren." Sagot ni Atlas.
How can I tell her that the reason I am hibernating is my protector, Nightwind, himself?
"You are my longest apprentice ever, you can tell me why you're locking yourself up. Everyone's worried but there's this someone na hindi mapakali kung pupuntahan ka ba rito o ano kaya ang pinagbalingan niya ng galit ay kami," nakangising pagkukwento ni Ma'am Kharm sa akin. Sino naman kaya ang someone na 'yon?
Tila nabasa ni Ma'am Kharm ang aking isip dahil humalakhak siya kasabay ng pag-upo niya sa stool na katabi ko lang.
"It's Nightwind, sino pa ba ang napakaprotective sa'yo? Ilang beses na namin siyang inudyukan na puntahan ka pero ayaw niya. Nakita rin siya ni Dark Phoenix at Deathstalker na palihim na tinahak ang daan patungong laboratory mo pero nang mapansin niya ang dalawa ay nagkunwaring nag-papatrol lamang siya. Alam naman naming lahat na hindi na niya kailangang magpatrol dahil si Grim ang naatasan ng reyna do'n. "
"That's why I'm here. For the sake of his sanity and for my curiosity, why are you hibernating like a beaver?"
Sasabihin ko ba? Afer all, si Ma'am Kharm ang pangalawang pinagkakatiwalaan ko rito. Pero paano kapag tulad ni Nightwind ay gano'n din si Ma'am Kharm?
Mula sa nakangising mukha ay napalitan ito ng pagkabahala, "Are you okay, Tim? You looked like you're gonna cry." Hinawakan ni Ma'am Kharm ang magkabila kong balikat at pinakatitigan ako.
I cannot divert my eyes from hers so I spilled it out. I just can't lie for the life of me!
"I learned Nightwind's real name," mahina ang boses na saad ko.
Wala akong nakitang kahit anong pagkabahala sa mukha ni Ma'am Kharm. In fact, she relaxed as she let go of me.
"What about his name?"
So hindi talaga tinatago ang pangalan niya?
"Is Nightwind his code name or something for the Phoenix? Like yours is Siren and the queen is Fallen Angel?"
"Yeah, you can say that. We usually use our code names when we're in the Realm. Although I introduced myself to you with my real name because you were not involved with the Realm yet. Our code names also signify our ranks in this Realm."
Tama, ayon kay Atlas, ang Realm ay itinatag ilang daang taon na ang nakalipas. Dahil dito itinatapon ng iba't-ibang bansa ang mga kriminal nila na hindi na nila kayang ma-kontrol. Kung ganoon ba ay lahat ng tao rito ay katulad ni Nightwind?
"Is there something that you wish to tell me, Tim?" Puno ng pagdududa ang boses at titig ni Ma'am Kharm sa akin. At ako naman na hindi sanay magsinungaling sa kaniya ay napilitang magsalita. Mabuti na ring maliwanagan ako.
"Is Nightwind's another nickname is Scraper?"
Sa tanong na ito ay dito ko nakita ang kanina ko pang hinahanap na reaksyon mula sa kaniya.
Tigagal siya sa harap ko bago bumalik sa normal ang kaniyang reaksyon. Tama ang hinala ko, may kung anong meron sa 'Scraper'.
"How did you know that?"
"Answer me first Ma'am Kharm, what's the real identity of Nightwind?"
Ilang minuto muna ang pinadaan ni Ma'am Kharm bago siya bumaling ulit sa akin at tila nahihirapang sumagot.
"I can't indulge you with everything because I don't have the right to do so but I know you are doubting Nightwind so I'll say this once. He has a past that is so dark that we wished he'll never be back to that time again. And, you Timtara, can save him. So please save him before Scraper gets him first."
What?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top