CHAPTER 14

Timtara's Point of View

Ang papalayong pigura ni Nightwind ang tinitigan ko bago siya nawala sa aking paningin upang mag-order ng hapunan namin dito sa isang kilalang fastfood chain. Nasa pinakamalayong bahagi kami at pinakatago para iwas atensyon at hindi madaling marinig ang aming pag-uusapan.

"Mind if I join you for a second?" Isang magandang boses ng isang lalaki ang nagsalita. Mula sa pagkakayuko ay tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Nasa harap ko ang isang lalaking mala-anghel yata ang mukha. Matangkad, medyo kulot pero malambot ang tsokolateng buhok, magagandang singkit na mga mata na pinapalibutan ng malalantik na pilikmata, makapal na kilay, matangos na ilong, mga biloy sa magkabilang pisngi, at manipis na labi. Wow, ang gandang lalaki naman nito.

Naaaliw na tumikhim siya at ngumiti sa akin. Namula naman ang aking mga pisngi at pasimpleng inayos ang aking buhok.

"Sure you can. My friend is still in the counter though," nilingon ko si Nightwind at malapit na siyang umabot sa counter para mag-order.

Tanging coffee float lang ang bitbit niya nang umupo siya at isang maliit na notebook na mukhang luma na. Curious ako sa kaniya sa hindi mapaliwanag na dahilan kaya nakatingin lang ako sa kaniya. Nang magtaas siya bigla ng tingin ay nahuli niyang nakatingin lang ako sa kaniya kaya pareho kaming ngumiti.

"Your friend that you're waiting. Is he important to you?"

"Huh?" Nabiglang sagot ko sa 'di inaasahang tanong niya. Hindi na siya nagbabasa at nakatingin lang sa akin ang nakangiti niyang anyo habang sumisimsim ng coffee float.

"Nevermind, I know he is. Ganiyan talaga si Gerard, he has ways to a woman's heart."

Anong pinagsasabi nito? Is he on drugs?

Pilit ang ngiti na sumagot ako, "He's name is not Gerard. "

It's Nightwind, gusto kong idugtong pero ayaw kong mabuking kami baka may nakikinig sa amin.

Genuine shock itched on his face and then pity took over, "He did not tell you his real name? Nightwind's real name is Gerard Hudson. Oh, I thought you're close. It seems that my assumptions are quite wrong, I apologize." Ngumiti siya na puno ng paumanhin habang ako naman ay natigagal sa dalawang rason.

Una, kilala niya na si Nightwind ang kasama ko. At ikalawa, may alam siya sa Realm. Unti-unting dumadaloy ang kaba sa aking sistema. Sinulyapan ko ang counter, si Nightwind ang kausap ng cashier kaya hindi siya napalingun sa akin.

Everything about this scene screams danger! Pinagpapawisan nang malamig ang mga palad ko at alerto na ako sa paligid.

"Relax, I'm not one of those who are chasing you both. I'm Gerard's friend. Actually, I am both a very close friend of Gerard and Carol."

Carol? Ito ang pangalan na pinapaginipan ni Nightwind kagabi. Ang dami kong tanong kagabi at kanina pero ayaw kong magtanong kay Nightwind dahil alam kong personal na bagay ang itatanong ko at hindi kami close. Pero nasa harap ko ang pwedeng maging kasagutan sa aking mga tanong. Pati sa tanong na kung bakit ako dinala ni Ma'am Kharm sa Realm.

"Who are you?"

"Me? I'm just a traveler and I came here to give you this," inabot niya ang maliit na notebook sa akin.

"If you don't want to involve yourself any further to Nightwind, then give this to him and tell him that Alexander sent this to him. But if you want to know the enterity of Nightwind, then keep this notebook without him knowing about this being in your possession and about our meeting."

Kumindat siya sa akin bago parang wala lang na umalis sa aking harapan. Timing naman na papunta na sa akin si Nightwind at bago ko pa maunawaan ang aking sarili ay nasa bulsa na ng aking pajama ang maliit na notebook.

"We are never going back to this place. I had to spend so much time away from you just by getting these foods," inis na inis siya habang nilalapag ang mga pagkain namin mula sa tray. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya habang inaalala ang sinabi ng lalaki kanina.

Sino nga ba ang lalaking pinagkakatiwalaan ko? Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Sino ang lalaking lumapit kanina? Sa ginawa ko bang pagtago ng notebook ay sinasabi ko na rin na hindi ko pinagkakatiwalaan si Nightwind? Tama ba ang ginagawa kong pagtago sa nangyari kanina?

"You alright? It's like you've seen a ghost," mabilis niyang sinuyod ang nakapalibot na tao sa amin at doon lang siya nag-relax nang wala siyang nasagap na kalaban. Kung alam mo lang Nightwind, nakaupo siya kanina diyan sa inuupuan mo ngayon.

"Nothing, let's eat."

"I received a cryptic message from Deathstalker, we can now go back to the Realm. The queen wants to talk with us," imporma niya sa akin.

"Really? The people chasing us are gone?"

Maaari ko nang balikan ang laboratory. Miss na miss ko na ang laboratory at ang amoy ng mga mixed vials. Miss ko na rin si Atlas.

"They will never be gone, doctor. As long as you have your head attached to your shoulder, there will always be a threat for your safety."

"Ang brutal mo naman. I am easy to protect, I can stick by your hip forever!" Bulalas ko at huli na nang maunawaan ko ang ibig sabihin ng aking sinabi.

"I mean I am always in the lab so I am kind of easy to protect, that's what I mean." Bawi ko sa kaniya dahil nakataas na naman ang kilay niya sa akin.

"I gave you my word. I will protect you until I send you back to your home, Tara."

Home, huh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top