CHAPTER 13

Timtara's Point of View

Natatarantang itinukod ko agad ang aking mga braso sa kaniya, huli na nang mapagtanto kong nahubad pala ang tuwalyang nakatapis sa akin kaya naka-display ang dibdid ko kay Nightwind.

Please don't wake up! Piping dalangin ko na tila nabasag nang marinig ko ang kaniyang paos na boses. Of course, my wish will not be granted.

"I didn't know that seducing can be this aggressive," nasa aking mga mata nakatutok ang kaniyang mga mata habang marahan siyang bumabangon sabay takip ng kumot niya sa harapan ng katawan ko.

Nag-iinit ang aking mga buong mukha sa hiya at inis pero nanunubig ang aking mata dahil gusto kong umiyak at ibaon ang aking sarili sa ilalim ng lupa. Nakatabon sa aking mukha pababa sa aking katawan ang kumot ni Nightwind habang nakaupo pa rin ako sa kama. Nakaupo rin siya sa kama at hindi rin gumagalaw na para bang hindi niya alam kung paano ako kukonsolahin.

"You don't need to cry, I've seen a lot of breasts anyway."

Sa kaniyang sinabi ay mas pumalahaw ako ng iyak. Ibig niyang sabihin, hindi dapat ako umiyak kasi hindi worth it tingnan ang boobs ko?

"Oh fuck, I meant that your naked body is not our concern today. Besides, nude women don't turn me on since then. Rest assured that your virtue is safe with me."

Napahinto ako sa kakaiyak dahil may narinig akong ibang tono mula sa kaniya, isang lumbay na hindi ko maipaliwanag. Sinilip ko siya mula sa pagkakatago sa kumot, hindi siya nakatingin sa akin kun'di sa kabilang direksyon. Napansin ko ang panglaw sa kaniyang mga mata na para bang may inaalala siya.

Teka, igsasawalang bahala ko ba na aksidente ko siyang nahalikan? Sa ilalim ng kumot ay napahawak ako sa labi ko. My first kiss is gone just like that.

Pero baka hindi niya naalala kasi binabangungot siya kanina eh. Hindi rin naman matagal ang pagkakalapat ng mga labi namin. Naalala ko ang pakiramdam, ang lambot at ang dulot nitong kabog sa aking dibdib. Namula na naman ang aking mukha kaya nagtulukbong na naman ako.

Sa buong buhay ko, unang beses ko 'tong naramdaman. Sure, I experienced a lot of groundbreaking moments but I never felt my chest tighten so much like I have heart disease. Pero, pwede namang dahil sa stress kaya ako nagkakaganito. Isinawalang bahala ko na lang ang aking pakiramdam at piniling huwag ng ungkatin ang accidental kiss na iyon.

I remembered Nightwind having a nightmare, he's muttering a name repeatedly. Is she the reason why he's so cold towards the world? Is she so toxic that by remembering her caused a nightmare?

Ang dami kong tanong pero hindi naman kami close ni Nightwind kaya hindi ko na lang binuka ang aking bibig. I am afraid that if I pry he'll withdraw from me even more. I can't afford that for some unknown reasons.

"When do you plan to get dress?" Biglang tanong niya sa kawalan. Sinilip ko siya ulit at nakatingin na siya sa akin. Isang alangang ngiti ang binigay ko sa kaniya.

"Talikod ka muna."

Agad naman siyang tumalima kaya mabilis ang mga galaw na pumunta ako ng CR, sinigurado ko ring nadampot ko ang aking bra. Isa ang araw na ito sa pinakahindi ko malilimutang araw sa buong buhay ko, promise.



NANG nasa labas na kami ng motel ay naglakad-lakad muna kami. Kampante akong naglalakad sa labas dahil natatabunan ng mga hood ng suot namin ang aming mukha at idadgdag pang maluwang ang jacket at nakapajama kami, hindi talaga kami halata. Kaya lang takaw pansin naman kami sa mga taong nadadaanan namin. Idagdag pa na marami-rami ang mga tao dahil malapit lang pala ang motel sa isang park.

Hindi rin namin nalabhan ang mga RTW na mga damit kaya may amoy pa talaga ang damit namin, hindi naman siya mabaho pero hindi rin naman siya kaaya-aya sa ilong.

"Where are we going now?"

"Nowhere in particular," una siyang naglalakad sa akin at prenteng nakasuot ng sunglass kahit na para siyang rapper sa kaniyang suot.

Tumakbo ako palapit sa kaniya para magkasabay kami ng paglakad nang biglang may tumatahol na aso ang patakbo naman sa akin mula sa harapan. Nanlalaki ang mga matang tumakbo ako papuntang park sa takot na mahabol ako ng St. Bernard na aso.

"Hooy! Send help!" Tumatakbo at sigaw ko kay Nightwind.

"Make it stop!"

"Hey! Make it stop!"

Paikut-ikot lang kami sa park. Unti-unting humihina ang pagtakbo dahil hindi naman talaga ako sporty na pagkatao. Ninety-nine point nine percent ng oras ko ay nasa loob ng laboratory lang. Ayaw ko rin sa subject na PE noong high school pa lamang ako. Ang mga tao naman na dinadaanan ko ay tumatawa lamang dahil akala nila ay naglalaro lamang kami. Kung alam lang nila!

May pambatang slide akong nakita na walang tao kaya doon ang tinahak ko. Plano kong umakyat para hindi ako makagat ng aso. Hindi ko na talaga kayang tumakbo pa kaya laking gulat ko na lang nang parang isang mabilis na anino na pumantay sa takbo ko si Nightwind. Hinapit niya ang beywang ko at parang ang dali lang na tinalon niya mula sa lupa papunta sa tuktok ng slide. Ano ba 'tong lalaking 'to, ninja?

Mahigpit akong nakayakap lang sa leeg niya habang hinahabol ang hininga ko. "You alright?"

Nakakarga pa rin ako sa kaniya kaya malapit lamang ang mukha namin. Amoy ko ang kaniyang hiningang amoy mint.

"You alright?" Ulit niya, this time, nakatutok na ako sa mga mata niya. Lunod na lunod ako sa mga mata niya kaya ang tanging sagot ko lang ay isang tango.

"Next time, don't wonder where I can't see you."

"Why? Because it is hard for you to protect me?"

"No, because I hate it."

Dude! Nabingi na yata ako dahil sa tahol ng asong 'yon!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top