CHAPTER 12

Gerard's Point of View


Pinilit kong tumindig nang maayos kahit na sugatan ako dahil nakabantay ako sa makulit na doktorang nagpumilit na bumili kami ng damit sa isang RTW store. Noong una ay gusto ng doktora na sa mall kami mamili buti na lang at napigilan ko siya kun'di baka nahanap na kami ng kalaban.

Nasa kabilang aisle ako at kunwaring namimili ng damit habang nakamasid lang sa pakanta-kantang doktora na namimili ng damit. I can't believe her. We got chased by armed men, got bullets rained on us, and got me shot in front of her yet she still acted like nothing happened like the universe is full of unicorns and rainbows.

I can't stand people like her.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa kaniyang mga mata pero sa kaniyang mga mata lang may kulay sa buong mundo ko ngayon. And I mean it in a literal way. Ang mukha niya, ang kabuoan niya, lahat ng ito ay kulay gray. Ang kamay ko, pati repleksyon ko sa salamin, at ang aking kapaligiran ay kulay gray din. Kulay gray ang buong pananaw ko sa mundo, isang kulay na nakakawalang gana sa maraming bagay. Everything is so cold and dead in my perspective except those eyes.

The pair of eyes whom I hate to see with tears. I want it to be vibrant and full of life to compensate the dullness that surrounds me.



Timtara's Point of View

Nakakuha kami ng isang cheap yet comfy motel malapit lang sa RTW store na aming binilhan kanina. Dahil matigas ang ulo ng isang kasama ko na kanina pa ako hindi kinikibo ay siya lang ang nagtanggal ng mga bala sa kaniyang katawan at siya na rin ang nagtahi gamit ng ilang bagay na pinabili niya sa botika sa baba ng motel.

May TV ang silid kaya kanina ko pa inaangkin ang remote control pero wala naman siyang pakialam dahil palagi siyang sumisilip sa labas ng bintana habang nakatago sa mga kurtina ng silid.

Lakas naman maka James Bond nito.

"Are there any words from the Realm?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Matutuyuan ako ng laway kapag kasama ko 'to palagi eh.

"None so far," maikli niyang sagot habang nakatingin pa rin sa labas na para bang may hinihintay siyang makita. Alam ko namang ang kalaban ang hinahanap niya pero isipin naman niya ang kaniyang sarili. Nabaril siya kanina!

"Will you just sit down? Baka nakalimutan mong katatahi mo palang sa sugat mo?"

"I am not really used to hear you speaking Tagalog."

I rolled my eyes with his reply. "Nightwind, sit down please."

Nilapitan ko na siya para malaman niyang seryoso ako pero parang walang narinig na tumingin lang siya ulit sa labas. Dahil sa inis ay sinuntok ko siya nang malakas pero bago pa man lumapat ang kamao ko sa kaniyang likod ay nahawakan na niya ito at napaikot niya sa isang iglap ang aking katawan.

Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamao kong pinilipit niya habang ang likuran ko ay nakaharap sa kaniya. Sisikuhin ko na sana siya ulit nang maagapan niya rin ito. Malapit sa teynga ko ang kaniyang hininga kaya dinig na dinig ko ang mahina pero naaaliw niyang tawa.

Aba't marunong palang tumawa ang isang 'to ah, "Let me go you moron!"

Kahit anong pilit kong makatakas sa hawak niya ay hindi ko talaga kaya. Mahigpit ang hawak niya pero hindi naman ako nasasaktan. Hindi nga lang ako kumportable dahil ang lapit lapit ko sa kaniya. Isang mahinang tulak ni Nightwind ang nakapagpahiwalay sa aming mga katawan kaya nakahinga na rin ako nang maluwag.



BUONG gabi ako halos hindi makatulog kaya nang makita ko ang aking repleksyon sa salamin ng CR ay hindi na ako nagtaka kung bakit mukhang panda na ako dahil sa laki ng aking mga eyebags. Dahil kasi dinibdib ni Nightwind ang pagbabantay sa akin ay hindi kami naghiwalay ng sleeping arrangement. Noong una ay inakala kong ako sa kama at siya sa sofa o siya sa kama at ako sa sofa, pero laking joke time ko nang tumabi siya sa akin sa kama na parang wala lang ang ginawa niya. Tigagal ako sa ginawa niya pero sinabihan niya lang ako na mas maproprotektahan niya ako kapag mas malapit ako.

Kaya heto ako ngayong umaga, kahit bagong ligo ay mukhang haggard pa rin. Akmang magbibihis na ako ng underwear nang mapansin kong hindi ko nadala ang aking bra. Mukhang naiwan ko itong nakatupi sa upuan na nasa labas ng CR.

Dahil alam kong tulog pa siya ay balewala akong naglakad nang nakatapis lang sa labas ng CR. At tama nga ang hinala ko na tulog pa siya. Mabilis kong dinampot ang bra at mabilis na nagtungo pabalik sa CR nang biglang may kumalampag.

Nang lingunin ko ito ay si Nightwind pala na tila binabangungot. Nagpabaling-baling ang kaniyang ulo at pinagpapawisan siya. May binubulong siya kaya nilapitan ko ito. Nang makalapit ay niyugyog ko ang kaniyang balikat at doon ako napahinto.

Sa aking harapan ay ang umiiyak na Nightwind. Ito ang pinakamahina niyang imahe na ngayon ko lang nasaksihan. Sanay kasi akong malakas siya at palaging walang emosyon. At ngayon heto na, punong-puno ng emosyon habang sinasambit ang isang salita.

"Carol," nguyngoy niya nang paulit-ulit na tila isa siyang batang paslit na iniwan ng ina. Hindi ko alam pero tumulo rin ang aking mga luha, gusto ko siyang yakapin kaya yumuko ako upang yakapin ang kaniyang nanginginig na katawan.

Huli na nang mapansin ko ang basang sahig kaya nang yumuko ako sa kama ay biglang nawalan ako ng panimbang. Tila nag slow motion ang lahat mula sa pagkakatanggal ng tuwalya hanggang sa paglanding ko sa katawan ni Nightwind na sana ay aking yayakapin.

Dilat na dilat ang aking mga mata pati sa puntong naramdaman ko ang kaniyang malambot na labi.

Hala, porn!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top