CHAPTER 11

Timtara's Point of View

Matapos kong mag-breakdown kanina ay naging napakatahimik ng sasakyan. Mabilis akong nagmaneho pabalik sa syudad at nagtingin-tingin sa daan kung may pharmacy ba kaming nadaanan. Sa pangatlo kong ikot ay may nakita na akong pharmacy, nilingon ko muna si Nightwind bago lumabas ng kotse.

It's really risky to use my credit card pero wala akong pera kaya no choice ako. Nang mabili ko na ang lahat ng mga kailangan ay mabilis akong nagbalik sa sasakyan. Kahit na naka-focus lang ako sa mga vaccines at viruses ay may medical background pa rin naman ako sa mga basics. Hindi malala ang tama ni Nightwind, isa sa binti at isa sa balikat, pero kalaban pa din namin ang oras dahil nakakamatay ang infection at blood loss.

Doon ako gumarahe sa isang parking space malapit sa isang burol at isang kid's park. Tinapik ko si Nightwind at mabilis na inilagay ang lahat ng gamit sa dashboard. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ako.

"Get angry with me, fine, but do it later. Let's treat your wound first please," pagsusumamo ko sa kaniya. Nakakaunawang tumango siya. Binaling niya ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana at tinanggal ang kaniyang jacket at shirt. Nilukot niya rin ang pantalon sa may bandang sugat niya. Nakahinga ako nang maluwag nang makumpirma kong hindi nga malala ang tama niya.

Nilinis ko muna ang mga sugat niya at inuna ko ang sa balikat niya. Bawat dampi ng cotton ball sa sugat ni Nightwind ay nanginginig ang kamay ko, sa takot o sa kung ano pang hindi malaman na dahilan ay hindi ko alam. Hindi rin ako makatingin nang maayos sa kaniya, siguro sa hiya na nabaril siya dahil sa akin at sa sudden outburst ko kanina.

"You're shaking," puna niya sa akin.

"You're right captain obvious. Don't ask me why, I don't even know," sagot ko sa kaniya sabay tawa na parang may nakakatawa.

Hindi na siya nagsalita pero imbis na sa labas siya nakatingin ay sa akin na siya nakatitig, alam ko dahil ramdam na ramdam ko ito. Naiimagine ko na ang dami niyang iniisip at inaanalyze habang nakatingin sa akin kaya sinita ko na siya.

"Will you stop that? I can practically hear your gears turning in your mind!"

Napaigtad siya sa biglaan kong pagsigaw at nang bumaling na ako sa kaniya ay namimilog ang kaniyang mga mata na tila shock na shock siya sa pagsigaw ko.

"Aw!" Daing niya nang hindi sinasadyang nadiin ko ang cotton ball na may betadine sa sugat niya at biglang nagdugo.

"Oh my, I am so sorry Nightwind." Nilagyan ko na agad ng gauze ang kaniyang mga sugat at nilagyan ito ng plaster para may pressure at hindi na dumugo habang hindi ko pa siya nadadala sa hospital o clinic.

"We have to go back. We need to get the bullets out of your body to stitch you up." Akmang magdadrive na ako nang bigla niya inapakan ang breaks kasama paa ko.

"Aw! Are you getting back at me?" Naiinis na ako sa nangyayari. I feel so useless!

"Pwede ba! Listen well. You are not safe at the palace for the moment." Laglag panga na nakatingin lang ako sa kaniya.

"I-I know that we told you that you're safest here. Well, unlike in your mini apartment it is surely safer here in the Realm. What?"

Doon lang ako napakurap. "Marunong kang magtagalog?"

"Huh?"

"I said, you know how to speak tagalong all along!"

"That's what you're concern about?" Hindi makapaniwalang tinitigan niya lang ako na ikinangiti ko lang. Ang dami ko pa palang hindi alam sa kaniya. He almost never tells me anything, except his name.

"Anyway, if I am not safe in the palace, where are we staying?"

"We're going out of the Realm."

"What? I thought I am safe here?"

Bakit biglang nagbago? Ano ba ang nangyayari?

"You are safe here. You are safer when you are with a Phoenix member. You are safest with me because I am a member of Phoenix and when we pledge something, we stake our lives with it."

"Okay, then I'm gonna take you to the nearest hospital outside the Realm." Puno ng pinalidad ang boses ko at pinaharurot na ang sasakyan papunta sa exit highway ng Realm. Hindi ko alam pero sa sinabi ni Nightwind ay naging kampante ako kahit na hindi ko alam ang susunod na mangyayari.

I decided that from here on I will live my life one-quarter mile at a time. And somehow in the deepest part of me, I wish for Nightwind to be by my side.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top