CHAPTER 10
Gerard's Point of View
Nakabantay pa rin ako sa doktora nang tumunog ang aking cellular phone. Ang pangalan ni Grim ang caller kaya sinagot ko ito agad.
"Grim," bati ko sa kaniya pero sinalubong ako ng tunog ng isang buntong-hininga kaya naging alerto agad ako. Grim called me for a serious reason.
"Nightwind, huwag muna kayo bumalik sa palasyo."
Nagpanting ang teynga ko. Gusto kong pumunta sa tabi ng reyna, isang instinct ng isang mandirigma na nagsisilbi para sa Phoenix.
"Why? What happened?" Tiningnan ko ang doktora na nakamasid din pala sa akin nang mapansin niyang may katawag ako. Sinenyasan ko siya na lumapit sa akin.
"They know the doctor's here. The queen is in a tight spot." Pagkasabi ni Grim sa akin ng dahilan ay pinutol na niya ang tawag.
Isang tahimik na tunog ng isang puno na natamaan ng isang bala mula sa silencer gun. Fuck! They're here! Mabilis na tinalon ko ang gap namin ng doktora at niyakap siya. Nanatili kami sa baba habang umuulan ng mga petals at bala. Humigpit ang kapit niya sa sa beywang ko kaya tiningnan ko siya mata sa mata.
"We'll get out of here. Do you believe me?"
Mabilis siyang tumango kahit na naiiyak na ang mga mata niya at nagpipigil lamang siya na huwag umiyak.
"Good. Let's crawl until we make it to the car. Don't get up unless I told you so, am I clear?" Sumagot ulit siya ng tango at nag-umpisa na kaming gumapang nang mabilis. Palapit din sa amin ang mga yabag ng mga namaril sa amin.
Nang malapit na kami sa sasakyan ay pinigilan ko muna ang braso niya.
"Crawl under the car and get in quickly. You can drive, right?"
"For the second time, yes I can drive!" Puno na siya ng pawis, sabog ang buhok, mga mga petals na naligaw sa mukha at buhok, at may mga sugat na maliliit siya sa kaniyang mukha. Bago ko pa mapigilan ang aking kamay ay inabot na nito ang isang petal na nasa buhok.
"W-what are you doing?" Gulat na tanong niya sa akin kaya mabilis kong binawi ang aking kamay at bumaling sa ibang lugar ang aking mga mata. Malala na talaga ang lagay ko. Basta-basta na lamang gumagalaw ito.
"Move now," imbis na sagot ko sabay kuha ng aking baril. Una na siyang gumapang sa akin habang ako ay pinakiramdaman ko kung ano ang coordinates na kinatatayuan ng mga namamaril sa amin. Sa bilang na tatlo ay bigla akong umupo at isa-isang binaril sila. Gumulong ako palayo sa sasakyan para hindi matamaan ng ligaw na bala ang doktora.
Timtara's Point of View
Nang nasa loob na ako ng sasakyan ay doon pa ako nakahinga nang maluwag. Kanina ay parang blur lang ang lahat na nasa paligid ko. Kay dali nagbago ng lahat, isang minuto ay manghang-mangha ako sa paligid at sa sumunod na minuto ay takot na takot ako. Kung hindi lang dahil sa mga matang 'yon ay baka kanina pa ako nag-collapse.
May mga balang tumama sa sasakyan pero hindi man lang nagasgasan ito, bulletproof pala, kaya pala gusto ni Nightwind na pumunta ako rito dahil ligtas dito pero paano siya? Wala siyang sinabi na ibang instructions maliban sa gusto niyang ako ang mag drive.
Hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Nightwind att nakita ko siyang nakikipagbarilan at nakikipagbakbakan sa mga kalaban. Naitakip ko sa aking bibig ang aking kamay dahil sa pigil na sigaw nang makita kong dehado sa laban si Nightwind. Twenty men versus one?
Hindi ba kayo tinuruan ng Math at sportsmanship ng mga magulang niyo ha!
Pero kahit na mas marami ang kalaban ay nakikipagsabayan pa rin si Nightwind sa mga kalaban at binibigyan ang mga ito ng mahirap na oras. Mangilan-ngilan na rin ang napabagsak niya gamit ang martial arts o baril.
Lumapit na ako sa driver seat at naghandang magpaandar nang bigla akong napalingon sa kaniya sa kung anong dahilan. At doon ko nakita ang isang eksenang nakapanlamig ng sistema ko.
Si Nightwind na napaluhod dahil may dalawang sumipa sa kaniya mula sa likuran at harapan. Nasalag niya sa pangalawang pagkakataon ang dalawa pero may dalawang nakapulot ng baril at pinutukan siya nang sabay sa kaniyang isang binti at isang balikat. Dito na ako napasigaw nang tuluyan. "Nightwind!"
Tila may saping pinaharurot ko ang sasakyan at tinahak ang lugar nila. Pinagbabaril nila ang sasakyan ko pero nang mapagtanto nilang bulletproof ito ay ang gulong ang kanilang pinuntirya. Kahit alam kong may isang gulong na pumutok dahil sa bala ay mas nilakasan ko lalo ang pagpapatakbo habang tumutulo ang mga luha ko.
"Nightwind!" Paulit-ulit kong sigaw habang nagpapatakbo ng sasakyan.
Ang pinupuntirya ng aking sasakyan ay ang mga kalaban kaya kapag hindi sila tatabi ay sasagasaan ko talaga sila.
Makikita niyo! Kanina ko pa feel na nasa Fast and Furious talaga ako susulitin ko na!
"Move, you fuckers! I'm gonna go Vin Diesil at you, fuckers!"
Natatakot ako, pero kasama ng takot ay meron din akong nakapang galit nang makita ko kung paano napaluhod si Nightwind.
Umingit ang gulong ng sasakyan sa biglaang paghinto ko sa harap mismo ni Nightwind. Agad akong lumabas at tinulungan siya sa pagtayo.
"What the fuck are you doing?" Galit na bulyaw niya sa akin nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan. Mabilis akong nagmaneho palayo sa Rose Garden.
Takot pa rin ako dahil alam kong susundan nila kami at nandito ang protector ko kuno na duguan. Hahanap muna siguro ako ng pharmacy.
Naputol ang daloy ng pag-iisip ko nang hinampas niya bigla ang manabela kaya wala sa planong naihinto ko ang sasakyan at maang na napatingin sa kaniya. Sumalubong sa akin ang isang galit na pares ng mga mata ni Nightwind.
"You wanna know what I did? I saved your reckless ass!" Nanginginig pa rin ang kamay ko sa takot. Sa takot na maiwan akong mag-isa.
"It is my job to protect you! I never told you to save mine! That's my job not yours!"
Sa inis at pinaghalong shock ay bumagsak na ang mga luha ko at sinigawan din siya, "What if you die huh?"
"There are other Phoenix members who will protect you but if you die then this whole thing will be useless!"
"Then what will happen to me huh? You promised me that you will bring me home! If you will die, who will make that promise come true! I will be left alone in this unknown city with many unknown faces! If you die I will be lonely!" Napahagulgol na ako habang siya ay natahimik sa sinabi ko na tila hindi alam ang sasabihin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top