CHAPTER 1
Nightwind's Point of View
Malamig ang simoy ng hangin sa parting ito ng Ground Zero. Siguro dahil sa naglalakihang mga puno na nakapalibot sa lugar. Sa taas naman ay ang artificial atmosphere kung saan makikita ang exact real time replica ng buwan at mga bituin. Pero kahit ang kinang na taglay ng mga bituin ay hindi ko maaninag gamit ang mga matang 'to.
Mula noong nagkaroon ng Taetoku Great War II kung saan ay iniligtas ako ng mag-asawang Hades and Lilith, naging ganito na ang mga mata ko. Everything became black and white, a dull and lifeless color in a world not worth living for, a world where only I can see and live without meaning.
Tinanong ko dati ang resident doctor ng palasyo kung mabubulag ba ako pero wala daw problema sa mga mata ko, na isa lamang itong psychological disorder. May ganito bang disorder?
Hindi ko alam kong ilang oras na ako rito pero mas pipiliin ko pang dito na lamang habangbuhay kaysa sa tiisin ang mga tingin na natatangap ko sa palasyo.
Underworld Realm Palace
Kakaupo pa lamang ni leader sa kaniyang trono mula sa pakikipag meeting sa iba't-ibang pinuno ng bansa. Siya, si Sahara na kausap ni leader ngayon ng masinsinan, at ako ang natitira sa loob ng throne room.
Nang matapos silang mag-usap ni Sahara ay umalis agad ang huli kaya kami na lamang ni leader ang natira. Nang masiguro kong walang makakarinig sa amin ay saka pa ako lumapit sa kaniya.
Nagtataka ang mukha ni leader nang lumapit ako sa kaniya.
"I need to talk to you leader," simula ko nang dalawang metros na lamang ang layo ko mula sa kaniya.
"Can't it wait?"
"No."
"Then spill it out," utos niya sa akin.
Mahirap para sa akin na gawin ito pero ito lamang ang nakikita kong pag-asa para sa sarili ko.
"I.. uh.. I want to be free from the Phoenix and live as a farmer in my land outside the Realm."
Ilang minuto kaming nanatiling tahimik matapos ang deklarasyon ko. At alam kong pinipigilan lamang ni leader ang sumabog sa harap ko. Bakas sa kaniyang mukha ang hindi pagkapaniwala habang nakatingin sa akin.
Hindi na niya kailangang tanungin kung bakit ko ito ginagawa dahil alam na niya.
"One more mission, pa natapos mo na ito ay maaari ka ng bumaklas mula sa Phoenix."
"Pero sabi ni Kiel pwede na akong—"
"Sino ba ang leader ng Phoenix? Si Kiel or ako?" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
One more mission? Sa estado kong ito may silbi pa ba ako? Daig ko pa ang isang imbalidong kriminal. Akmang tututol na ako nang biglang itinaas ni leader ang kaniyang kamay na tanda na pinal na ang kaniyang sinabi sa akin.
I sighed as I answered, "What mission?"
"I'll summon you when I got one. Don't worry, by tomorrow, may misyon ka na. And it will be a fucking hard of a mission." Nakangising saad ni leader.
Naputol ang daloy ng ala-ala ko nang tumunog ang aking cellphone. Bumigat ang aking dibdib nang mabasa ko kung sino ang tumatawag.
Luciana Shiranui Loong Calling...
"Leader," bati ko kay leader sabay sagot sa tawag.
"I got the mission for you Nightwind so drag your damn sorry ass here before I get you myself."
Matapos niya 'yon sabihin sa akin ay bigla na lang din naputol ang linya. One more mission huh?
I wonder if I can survive alive from this mission.
NASA HARAP ko ngayon ang reyna at hari ng Underworld Realm. Nakapamulsa ako at nakatingin lamang nang palipat-lipat sa kanila. Nang dumaan ang ilang minuto na wala pa ring nagsasalita sa kanila ay pasimple akong tumikhim.
"I will leave you two alone," sa wakas ay nagsalita na rin si Kiel bago umalis kasama ang iba pang tao sa throne room.
Nang wala ng tao ay nagsalita ulit ako, "Details leader."
May kinuha si leader mula sa maliit na compartment na matatagpuan sa likod ng kaniyang trono. Isang kulay asul na folder ang iniabot niya sa akin na siya namang agad kong tinanggap.
"Read it and ask me for some clarifications."
--------
NAME: Dr. Timtara Aurina Wilson
AGE: 24 years old
BIRTHDATE: June 10, 1996
STATUS: Single
Gender: F
Affiliations: O' Hara Industries Junior Assistant
Address: O'Hara Industries Secret Laboratories, Moscow, Russia
Graduate from: Stanford University
Specializes: Vaccines, Toxicology, Biology
Physical Appearance: Mahogany-colored hair, small freckles across the nose and cheeks, Argentinean nose, smoky cerulean colored eyes, high cheekbones, one mole in the right side of the neck
Height: 5'7
-------
Impormasyon tungkol sa isang doktora ang nasa unang pahina kasama ang 2X2 picture ng isang babae. Hindi ko masyadong pinansin ang nakasulat sa unang pahina maliban sa pangalan nito. Kung ipapahanap ito ni leader, hindi pala ito matatawag na misyon dahil sa sobrang dali.
Nang buklatin ko ang pangalawang pahina na siyang pang huling ay doon ako napahinto.
CONFIRMED TO CREATE THE APOHIXEN 2.5 ALSO KNOWN AS "DEATH'S VACCINE", THIS VACCINE CAN BRING BACK THE DEAD WHEN MET BY THE FOLLOWING REQUIREMENTS.
Hindi ko na binasa ang sumunod na nakasulat. Nanginginig na isinara ko ang folder. Nakamaang na napatingin ako kay leader na nakatingin na pala sa akin. Paanong nagkaroon ng ganitong vaccine? This is cheating death and if I will have this, I can bring back what's lost to me.
"You're mission is to bring her to the Realm safely. We need to get our hands with that vaccine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top