ʚ 16 ɞ

Kung mahal ka niya,
ipaparamdam niya.
Hindi 'yung naghihintay ka sa wala.

──ʚ♡ɞ──

It has been a week since Sef's birthday celebration and Tita Joy requested the three siblings to stay with her in her hotel. Gusto kasi ng kanilang tiyahin na magkaroon sila ng family time this weekend bago ito bumalik sa States.

Kumuha ng connecting room ang kanilang Tita Joy, both Gabbie and Tori stayed with her. Kasalukuyang naghahanda na si Mela papasok sa kaniyang trabaho habang ang mga kapatid at pamangkin nito'y nasa baba na at kumakain ng breakfast buffet. Isang katok ang narining niya mula sa nakabukas na pinto ng kanilang connecting room.

Isang nakangiting Tita Joy ang nasilayan niya nang iniangat niya ang kaniyang ulo. "Good morning, Tita." abot-tainga ang ngiti ni Mela nang batiin nito ang pinakamamahal na Tiya.

Nakasuot ng isang pastel pink-coloured maxi dress si Tita Joy. She has a gold watch that goes perfectly with her diamond wedding ring. Her hair, now silver with some darker streaks, is usually styled in a neat bob or pulled back for practicality.

"Mela, hija, I want to talk to you." Malumanay ang boses nito, malayong-malayo sa tono ng iba nilang mga tiyahin. They both sat at the ottoman nearby.

"A-Ano po 'yon, Tita?"

Hinawakan ng kaniyang Tiyahin ang kamay ni Mela. "I'm going back to the States, Mela." Seryoso ang himig nito at mukhang alam na niya kung saan patutungo ang kanilang usapan. She's been anticipating this conversation for so long but she never thought it would be this day. "Gusto ko lang malaman kung nakapag-decide ka na ba."

Humugot ng isang malalim na hininga si Mela, she placed her hand on top of her aunt's. Napakagat ito ng kaniyang ibabang labi. Her mind wants to respond positively; but her heart is saying otherwise. Madali lang naman ang sagot kung tutuusin, eh, at hindi na dapat siya nahihirapang sumagot. Ngunit... bakit? Bakit kailangan niya itong pag-isipan? Pangarap ng karamihang Pilipino ang makaalis ng bansa dahil paniguradong makatutulong ito nang malaki para sa kanilang pamilya.

Tita Joy gave her a knowing smile. Para bang kahit walang sabihin si Mela sa kaniya ay naiintindihan niya kung ano ang nais ipahiwatig ng dalaga. "Sabihan mo lamang ako kung kailan handa ka na." She gave her a quick kiss on the forehead before heading out of the room.

Matagal na siyang gustong kunin ni Tita Joy sa Amerika ngunit hindi niya nais iwanan ang dalawang nakababatang kapatid lalo na't nasa poder sila ng kanilang mga tiyahin na sugapa sa pera. Nais lamang niyang mapagtapos ang bunso nitong kapatid upang payapa ang pakiramdam niya kung sakali mang mag-desisyon siyang umalis na ng bansa. Ayaw niyang maging si Gabbie ay maliitin ng kung sino kaya naman kahit ano'ng hirap ay tinitiis nila ni Sef upang mapagtapos nila ang kanilang bunsong kapatid.

──ʚ♡ɞ──

"Oh, Ate, proven ang kamandag ni Doc Pogi noong birthday ni ate Sef." maya't maya ay sambit ni Gabbie habang nilalaro ni Tita Joy si Tori sa mga sofa sa entrance. Alas siyete y media pa lang naman ng umaga kaya sinamantala ni Mela ang kumain muna kasama ang pamilya bago pumasok.

Napairap ng wala sa oras si Mela nang maalala kung ano ang tinutukoy ng kapatid. Pagkatapos ng birthday ni Sef ay panay ang text message ni Rosario sa kaniya at sinasabing kasalanan sa Diyos ang ginagawa ni Mela na pang-aagaw sa lalaking nakadestino para sa kaniya. At kagabi lang ay nag-message ito sa kanilang group chat.

"Mela, kung maaari lang sana ay lumuwas ka upang maipa-exorcisterist kita. Nilalansi ka ng evil spirit. Kami ni Hanz ang totoong itinadhana." punong-puno ng eksaheradong emosyon ang pagsambit ni Sef habang binabasa ang huling mensahe ng kanilang pinsan na siyang tinawanan nila ni Gabbie.

"Exorcisterist daw." pang-uulit ni Gabbie habang pinipigilan ang tawa. "Kaka-tiktok nila ni Rollana napudpud lalo ang mga utak nila."

Maging si Mela ay natawa na lang sa komento ng kapatid. Sa ganitong paraan lang naman sila nakakaganti sa pang-aapi ng mga iyon sa kanila. "Huwag na nga nating pag-usapan 'yang si Rosario at ayaw kong masira ang araw ko."

Pinilit ng dalawa nitong kapatid ang maging seryoso ang kanilang mga mukha. Sef cleared her throat after drinking her glass of orange juice. "Ate, sunggaban mo na 'yang si Doc Pogi bago ka pa maunahan ni Rosario!"

Halos masamid si Mela sa sariling laway dahil sa sinabi ni Sef. Ramdam rin niya ang pamumula ng kaniyang pisngi dahil naalala nito kung paano siyang halikan ng binata.

"Oo nga, Ate!" segunda naman ni Gabbie. "Hindi habang buhay fresh ang iyong Perlas ng Silanganan."

"Gabriella!" Hindi pinansin ni Gabbie ang pagsita ng kapatid at itinuloy ang nais sabihin.

"Kung ako sa 'yo, Ate, itapon mo muna sa labas ng bintana ang mga virtues mo kung ayaw mong mapa-excorcisterist ka ni Rosario at tuluyang agawin si Doc Hanz sa 'yo."

Naghagikgikan ang dalawa nitong kapatid habang napapailing na lamang si Mela sa tinuturan ng dalawa. Palibhasa'y may mga sarili na silang opinyon sa mga bagay-bagay kaya't hindi na rin niya nasususway ang mga ito.

──ʚ♡ɞ──

Walang ginawa si Mela kundi ang ayusin ang mga dokumentong iniwan sa kaniya ni Hanz tungkol sa mga pasyente niya. Kailangan niyang ayusin ang mga ito according to the last names, put it on the file cabinet, and check his weekly schedule.

The young doctor is swamped with check-ups and until the following week. Halos hindi niya nasilayan ang anino ng binata simula nang pumasok siya kaninang umaga lalo't nagkaroon din ng emergency sa isa sa mga pasyente niya.

It's half past three in the afternoon when Mela decided to join the other staff she befriended for a merienda. Tamang-tama ang gusto rin niya ng siomai. Nurse Jade came with a tray full of freshly cooked siomai and cups of sago't gulaman.

"So... ito na nga..." umpisa ni Nurse Cathy. She is thirty-one years old, short hair, and petite. "Nakita ko si Doc Hanz kasamang kumakain si Nurse Macey kanina." may himig ng kilig ang boses habang nagkukwento. Noon pa man ay shini-ship na nila ang mga ito at hindi naman iyon lingid kay Mela.

Habang hindi maitago ni Nurse Jade ang kilig ay halos hindi na rin kayang itago ni Mela ang namumuo nitong selos. Pakiramdam niya'y naninikip ang dibdib niya ngunit ayaw niya lamang ipahalata.

"Oo!" Humigop si Nurse Cathy ng kaniyang inumin bago nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. "Kaya lang mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Parang may L.Q. yata."

Nurse Jade covered her mouth and pretended to wipe an invisible tea. "Oh, no. Paano na ang ship ko?" she exaggeratedly asked no one.

"Palubog na!" Mela managed to mutter under her breath. Mabuti na lamang at walang nakarinig sa kaniya. Ayaw rin naman niyang malaman ng mga katrabaho nilang may something sila ng doktor na ini-issue sa magandang nurse. "Ay, kailangan ko nang mauna. Marami pa kasi akong tatapusin, eh."

Hindi na hinintay pa ni Mela ang sagot ng dalawa. Ayaw na niyang marinig pa kung sakali mang marami pa silang ikukwentong moments nina Macey at Hanz. Pakiramdam niya'y sasabog ang puso niya.

Bumalik na siya sa opisina ni Hanz ngunit nakalimutan niyang kumuha ng isang botelya ng mineral water. She opened the door and was happy to see Hanz's back for the first time. Lalabasin sana niya ito upang mag-hi ngunit natigilan nang mapansin kung gaano kaseryoso ang mukha nitong tumingin sa gawi ng nurse na pilit ipinaparis sa kaniya.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" diretsahang tanong ni Macey kay Hanz. Isinara niyang bahagya ang pintuan. Hindi niya ugali ang makinig sa usapan ng iba ngunit hindi rin niya mapigilan ang sarili.

"Nasasaktan pa rin ako, Mace." Ramdam ang lungkot sa boses ng binatang doktor kaya't muli siyang sumilip. He held his chest and seemed hurt. "Ako ang kasama mo pero hindi ako ang pinili mo. Napakasakit no'n, Mace!"

Isinara nang tuluyan ni Mela ang pinto. Parang sasabog ang puso nito sa mga sandaling iyon at pinipigilan na lamang ang mga luhang gustong lumabas mula sa mga mata niya. Tumingala ito at bumuga ng hangin. "Gaga! Wala pa kayong label ni Hanz kaya 'wag kang iiyak, Melchora!" untag ng kaniyang isipan.

She burried herself in the monitor when the door opened and Hanz walked in. "Mela, I..." hindi naituloy ng binata kung ano man ang nais sabihin dahil ang-ring ang office phone nito. Kaagad na pinuntahan iyon ni Hanz upang sagutin.

Parang walang ibang naririnig si Mela ngayon kundi ang malakas na tibok ng puso niyang gustong sumabog. Hindi niya maintindihan ang sarili. Kung tutuusin nama'y wala siyang karapatang magselos.

Bumalik na lamang siya sa kaniyang ulirat nang may kumatok sa pintuan at wala na rin palang kausap sa telepono si Hanz. "Come in." rinig niya ang boses ng binata. "Makakaalis ka na pala." Seryoso ang tono ng boses nito kaya napaangat ng ulo si Mela.

It was Nurse Macey. She's simple yet very elegant. No wonder maraming humahanga sa kaniyang ganda. "Hanz, come on." ma-awtoridad nitong sambit. "Kailangan ko 'yong susi sa condo."

Tumayo si Hanz mula sa kinauupuan niya. "Hindi na ba talaga kita mapipigilan?"

"Hindi na. My decision is final kaya akin na 'yang susi." her voice was firm. She extended her hands, and Hanz gently placed the keys in her palm. Nakanguso pa rin ito. "Magpakabait ka habang wala ako!" she added.

Ang kaninang seryosong mood ng dalawang tao sa harapan niya'y naglaho nang magtawanan silang pareho. "Mabait ako... nandito ka man o wala." he playfully responded.

Tumalikod na si Macey nang may pahabol pang linya si Hanz. "Balikan mo 'ko kaagad!" Napalakas iyon ng kaunti at rinig iyon sa hallway.

Naghagikgikan tuloy ang mga nurse na nakakarinig sa batuhan nila ng linya. "Pag-iisapan ko. Bye!" she ended her conversation with Hanz. "Bye, Mela." Malumanay namang pamamaalam niya rito ngunit pilit ang mga ngiting iginawad ni Mela.

Natapos ang araw na hindi niya pinansin ang doktor. Halos kumaripas pa itong lumabas ng opisina nang pansamantalang lumabas si Hanz. Pakiramdam kasi niya'y sasabog na ang kaniyang dibdib sa sobrang selos at inis sa sarili.

"Ang tanga mo, Melchora!" muntik pa nitong sampalin ang sarili. "Mabuti na lang talaga at hindi mo isinuko ang iyong Bataan! Muntik lang!" dagdag pa niya habang nagmamadaling tunguhin ang elevator.

Pinindot niya ang elevator button at kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana, iniluwa ng pintuan ang binatang iniiwasan niya.

──ʚ♡ɞ──

The Modern Filipina is a stand alone, cross-over, collaboration series and you may read them in any order.

Melchora
by: Wintermoonie

Josefa
by: Velvet_Summers

Gabriella
by: MissMaChy23

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top