ʚ 15.2 ɞ

Mas masayang pakisamahan
ang mga taong
malakas ang saltik
kaysa sa mga taong plastik.

──ʚ♡ɞ──

"Taon-taon akong nagpapadala ng panghanda nila sa mga birthdays nila. Hindi niyo ba na-celebrate?"

Nagtinginan ang magkakapatid, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na nagpapadala pala ng pang-birthday celebration si Tita Joy para sa kanila. Ang tanging alam lang nila ay kinukuha ng kanilang mga pinsan ang mga gamit at damit na sana'y para sa kanila.

Mela and her sisters were playing at the gate when an LBC truck parked outside the ancestral house of their aunts. Simula nang naulila sila'y dito na sila nakitira.

Kaagad na nagtago ang magkakapatid sa likod ng poste patungo sa likuran ng ancestral house nang marinig ang boses ng kanilang Tita Estelita, o mas gustong magpatawag ng Tita Starla.

"Teresita! Mikaela! Narito na ang mga imported mula kay Ate Joy!" sigaw niya at mabilis pa sa alas kwatrong nagsitakbuhan ang kanilang mga tiyahin kasunod ang mga pinsan.

Ito ang unang pagkakataon na makakita sila ng tatlong malalaking kahon habang ipinapasok ang mga ito sa loob ng bahay. Nanatiling nakasilip mula sa pintuan ang magkakapatid, pinapanood kung paanong buksan ng kanilang mga tiyahin ang mga balikbayan box at pinaghahatian ang mga nakalagay sa loob.

Mula noong bumalik ang Tita Joy nila sa U.S. ay pinagbawalan sila ng kanilang Tita Starla na pumasok sa ancestral house. Papasok lamang sila sa tuwing maglilinis sila ng bahay at maghahanda sila ng makakain nila.

"Melchora." Narinig nilang banggitin ni Tita Starla ang pangalan niya. Ang malapad na ngiti ni Mela nang masilayan ang magadang bestida ay nawala nang agawin ni Tita Teresita iyon at isinukat kay Rosario. "Mas bagay sa anak ko. Sa kaniya na lang."

Sumimangot ang magkakapatid. Akmang susugod na si Gabbie nang pigilan siya ng mga Ate nito.

"Hayaan mo na, Gabbie. Isang damit lang naman 'yon. Baka may iba pang pinadala si Tita Joy." Nakangiting sambit niya sa kapatid.

Ngunit hindi na nila narinig pa ang pangalan niya, basta na lamang ipinamimigay kina Rosario o Shella Mae ang mga damit pambabae. "Oh, itong pink na palda mukhang bagay kay Rolliana!" Nagniningning ang mga mata ni Tita Mikaela habang ibinibigay iyon kay Tita Starla. "Kaya lang may pangalan na Gabriella."

Napaangat ng ulo si Gabbie at napako ang tingin sa pastel pink pleated skirt na ibinibigay kay Rolliana. "Akin po 'yan!" Hindi na napigilan ni Gabbie ang sarili at tuluyan itong tumakbo kung nasaan sila at pilit inagaw ang pinadala sa kaniya ni Tita Joy.

Ayaw namang bitawan iyon ni Rolliana at dahil sa ginawa nila'y napunit ang mini skirt at parehong napaupo sa sahig ang dalawang bata, kapwa umiiyak. "Napakasalbahe mong bata ka!" galit na galit ang kaniyang Tita Starla. Tumayo ito at pinalo ng ilang ulit si Gabbie.

Kaagad namang tumakbo sina Sef at Mela upang awatin ang kaniyang tiyahin ngunit pinigilan sila ng kanilang Tita Teresita at Tita Mikaela. Umiiyak ang mga ito, nagmamakaawang tigilan na ang pagpalo sa kanilang bunsong kapatid.

Nang gabing iyon ay ikinulong sila sa bodega kung saan sila pinapatulog ng kanilang mga tiyahin. Ni hindi sila pinalabas ng mga ito hanggang umaga na at natulog ang mga ito na kumakalam ang sikmura.

"O-Oo naman, Ate!" pagsisinungaling ng Tita Starla nila. "Taon-taon naming pinaghahandaan ang kaarawan ang mga bata. Hindi lang sila kasama sa mga picture na naipapadala namin noon dahil ayaw nila."

Bago pa man makapagsalita ang kahit na sino ay pinatuloy na ng tuluyan ni Tita Mikaela ang sarili. Kumuha ito ng plato at nagsandok na ng kaniyang pagkain. "Halina kayo't kumain." Tawag niya sa mga ito.

Ang mga tingin ay napako kina Hanz at Lian. Mapanghusgang mga tingin ang natanggap ng magkakapatid mula sa tatlong tiyahin at mga pinsan. "Sino kaya sa inyo ang sumusunod sa yapak ng bunso niyong kapatid?" Hindi nakaligtas sa pandinig ni Mela ang komentong iyon ni Rosario.

"Ano'ng sinabi mo?" Nagpalting ang mga tainga ni Mela sa narinig. Nagkunwari namang walang narinig ang kaniyang pinsan at pumunta sa tabi ng kaniyang ina.

"Iho, baka gusto niyong tumayo at paupuin kaming mga bisita ng mga pamangkin ko?" Nakataas ang kilay ni Tita Starla kina Lian at Hanz. Out of respect, they both stood from their seats and gave way.

Gustuhin mang magprotesta ng magkakapatid ay pinigilan sila ng dalawang binata. They both signalled Sef and Mela that it's nothing to be concerned about and just to let it go.

"Ano'ng mga pangalan ninyo?" usisa ni Tita Mikaela saka bumaling kay Sef. "Itong luto mong pochero, kulang sa repolyo!"

"Si Sir Lian at si Doc Hanz." Si Sef na ang sumagot, itinuro na lamang kung sino ang dalawa. "Tsaka mechado ho 'yan, hindi pochero. Beef ho ang karne niyan." nakataas ang kilay niyang sumagot. "Mabilaukan ka sana!" bulong pa nito na siya lamang ang nakakarinig.

Malakas naman ang pag-iyak ni Tori nang tangka siyang buhatin ni Tita Starla, magpapakitang gilas na naman kay Tita Joy. Kaagad na kinuha ni Gabbie ang anak niya upang patahanin. "Wawa naman anak ko..." magiliw nitong sambit habang nagmamadaling tumabi sa dalawang kapatid, "nakakita na naman ng impakta." bulong rin nito.

The three of them stared at their unwelcomed guests feasting on the food served on the table. Para silang hindi nakakain ng isang linggo, para silang mauubusan dahil sa kanilang pag-aagawan sa pagkain!

"Kayo ba'y mga binata? Baka mamaya may asawa na kayo ha?" usisa naman ni Tita Teresita kina Hanz. "Maliwanag na ipinagbabawal sa banal na bibliya ang pakikiapid. Kasalanan iyon sa Diyos!"

"Teresita, binata ang mga 'yan." si Tita Joy na ang sumagot. "Saka hindi ba dapat kay Crisanto mo sinasabi 'yan?"

Pinigilan ng magkakapatid ang matawa. Umasim kasi ang mukha ng kanilang Tita Teresita dahil ang asawa nitong si Tito Crisanto ay sumakabilang kiffy na. Iniwan niya ito at sumama sa mas bata sa kaniya.

"They're both fine, young gentlemen." Pagbibida ni Tita Joy sa dalawang binata mula sa mga nalaman niya kani-kaninang nag-uusap sila, bago dumating ang mga bwisita. "Lian is a Senior Accountant at Lauchengco Investment Holdings while Hanz is a Cardiologist at Orient Pearl Luxury Hospital."

Napanganga ang mga kamag-anak nila at kaagad na nagbago ang timpla ng kanilang mga mukha. Tumayo si Tita Teresita, katabi niya sa upuan si Rosario, at lumapit kay Hanz. "Orient Pearl? Doktor?" Tumango si Hanz. "Naku, ikaw na nga ang matagal ko nang ipinagdarasal na mamanugangin ko!"

"H-Ho?!"

Kaagad na hinila ni Tita Teresita ang anak na si Rosario. Todo pa-cute ito sa binatang doktor na panay ang paglingon kay Mela at parang humihingi ng tulong.

"Dininig na ng Diyos ang dalangin kong makilala ka." halos mapunit na ang pisngi ni Rosario kakangiti. Hinawakan nito ang kamay ni Hanz at tuluyang napako ang mata ng binata sa gawi ni Mela. "I do, Hanz. 'Yan ang sagot ko kung yayayain mo na akong magpakasal sa 'yo. Kahit saang simbahan pa 'yan"

Umirap si Mela sa inis. Gusto niyang sabunutan ang delulu niyang pinsan ngunit ayaw niya ng gulo lalo na't narito ang kanilang Tita Joy. "Ate, inaahas ng harap-harapan si Doc Pogi, wala ka bang gagawin diyan?" bulong ni Gabbie.

"Oo nga, Ate! Kung ako sa 'yo, kukunin ko kung ano ang akin." sulsol pa ni Sef. "Sige ka, habang buhay na dry 'yang pechay mo!"

Halos kurutin ni Mela ang kapatid dahil sa huli nitong sinabi bago tumabi kay Hanz. Kinuha niya mula kay Rosario ang kamay ng binata at pinagsaklop niya ang kanilang mga palad at itinaas iyon upang makita ng makita ito ng kaniyang pinsan.

Akala mo'y isang asawang bigo si Rosario nang muling bumaling kay Hanz. "Tayo ang itinadhana at naniniwala akong gagawa ang Diyos ng paraan para tayo ang magkatuluyan."

Napanganga na lamang si Hanz sa tinuturan ni Rosario. He forced a smile even though he felt uneasy. "I'm sure you'll find your match someday just like how I found mine." Itinaas niyang muli ang magkasaklop na kamay nila ni Mela at hinalikan iyon sa harapan niya.

Nag-fist bump naman sina Sef at Gabbie sa inasta ni Hanz at lumapit ang mga ito sa dalawa kasunod si Lian.

"Maybe let's have dinner somewhere else?" mahinang tanong ni Lian sa kanila. He was being careful not to be heard by their other relatives who are currently consoling the supposedly broken-hearted Rosario after being rejected.

Napatingin ang magkakapatid sa gawi ni Tita Joy na pasimpleng sumenyas sa kanila, hawak nito ang kaniyang latest iPhone. Inilabas ni Sef ang kaniyang cellphone. May GC kasi silang magkakapatid kasama si Tita Joy.

From: Tita Joy❤️
Nov. 01, 2022 at 7:43pm
Message: celebrate your bday
wid ur sisters & friends.
Ako n bhala rito 😉😘

Pinabasa ni Sef ang mensahe ng kanilang tiyahin. Sef mouthed thank you to Tita Joy and she winked at her.

"Bryan, Rosario! Kunin niyo nga 'yong mga hinugasan kong tupperwares sa likuran." hindi na nakapagreklamo ang mga ito dahil si Tita Joy ang nag-utos. May kusina kasi sa labas ng bahay nila Mela kung saan sila puwedeng mag-ihaw.

Tita Mikaela went with them as well. "Maghuhugas lang ako ng kamay."

Tita Joy kept her other sisters busy as well. Kunwari itong nagtanong ng mga lugar na maaari niyang pasyalan at paisa-isang lumabas ng bahay sina Mela at nagmadaling tunguhin ang kotse nina Lian at Hanz.

Para silang nakahinga ng maluwag.

"So..." tawag ni Lian sa kanilang atensyon. "Shall we go to The Lounge?"

Ngumisi si Hanz. "Great choice!" Nagkasundo ang mga ito na doon na lamang magkita. Kay Lian sumakay sina Sef, Gabbie, at Tori.

Habang nasa traffic sila ay panay ang hawak ni Hanz sa kamay ni Mela at hindi mapigilan ang ngiti nito. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti. Ano'ng meron?" tanong ni Mela. Dalawang kotse ang pagitan nila mula sa kotse ni Lian.

Itinaas ni Hanz ang pagkaka-lock ng kamay nilang dalawa. "This."

"Parang holding hands lang."

"Holding hands?" ulit ni Hanz. "You almost declared I'm yours in front of everybody and you think this is just holding hands?"

"A-Ano'ng I'm yours ka diyan?" Pilit na binabawi ni Mela ang kamay niya ngunit hindi naman iyon binibitiwan ni Hanz. "Niligtas lang kita do'n sa delulu kong pinsan, 'no."

Hanz giggled. "So... hindi ka nagselos?"

Matulis ang mga mata ni Mela na tumingin kay Hanz saka umirap sa ere. "Bakit naman ako magseselos?" Hindi naman si Macey 'yon.

Binitiwan ni Hanz ang kamay ni Mela. Napatingin tuloy ang dalaga sa kaniya at naramdaman ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang mga pisngi. Napakalapit kasi ng mukha ng binata sa kaniya.

He planted a soft kiss on her forehead, then to her nose, and lastly to her lips. It was nothing aggressive nor lustful. It was the kind of kiss that somehow gave her reassurance. "H'wag kang magselos kahit kanino. Ikaw lang naman ang gusto ko."

──ʚ♡ɞ──

The Modern Filipina is a stand alone, cross-over, collaboration series and you may read them in any order.

Melchora
by: Wintermoonie

Josefa
by: Velvet_Summers

Gabriella
by: MissMaChy23

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top