ʚ 15.1 ɞ
Mas masayang pakisamahan
ang mga taong
malakas ang saltik
kaysa sa mga taong plastik.
──ʚ♡ɞ──
"Oh, alagaan niyo'ng mabuti itong si baby Tori natin ha?" magiliw at halos mapunit na ang labi ng kanilang Tita Starla habang maingat na ibinibigay niya ang maputi at malusog na batang babae kay Gabbie. Sadyang nilakasan rin niya ang pagkakasabi nito at nilingon ang gawi ng nakatatanda niyang kapatid na si Tita Joy.
Pasimpleng umismid at umirap ang magkakapatid sa tinuran ng kanilang tiyahin habang hindi ito nakatingin sa kanila. Alam naman nilang sinasadya na iyon upang ma-good shot siya kay Tita Joy.
Kaagad na kinuha ni Gabbie ang bata sa kaniyang mga braso, maging si Sef ay napayakap rito na tila pinoprotektahan ang bata mula sa kanilang tiyahin.
Narito sila ngayon sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay kung saan naka-check in ang kaniyang bakasyunista at pensyonadang tiyahin mula sa California. May dalawang double bed na nasa gitna ng suite, isang three-seater sofa katabi ang entrance door, built-in closet sa kabila, in-suite bathroom, at balcony overlooking the Taal Lake.
Dating caregiver ang kanilang Tita Joy at nakapangasawa ito ng isang milyonaryo ngunit may malubhang sakit. When the man died, he left eighty-five percent of his possessions to their Tita Joy while the rest was donated to different charities.
"Mela, sa inyong magkakapatid ito." Tita Joy, although with grey hair, looks elegant and younger than her age. She handed them a large-sized shopping bag full of grocery items, chocolates and new clothes from the U.S. "Pasalubong ko." magiliw niyang hinaplos ang mga pisngi ng kaniyang mga pamangkin.
Kay Tita Joy lang nila naramdaman ang pagmamahal ng isang tiyahin. Palibhasa'y hindi na rin ito nabiyayan ng pagkakataon upang magsilang ng sariling anak. Wala ring ibang nabubuhay na pamilya ang napangasawang iyon ni Tita Joy because his ex wife divorced due to being sterile.
Siya ang kumupkop sa tatlong magkakapatid. Hindi naman lingid kina Mela ang katotohanan na kaya mabigat ang loob ng iba nilang kamag-anak sa kanila ay dahil sa kanilang ina na si Leonor Dimagiba-Kabayan.
Tita Starla glared at the three from a corner of the room. Para itong bata na ninakawan ng kendi! Ang kaniyang lukot na mukha ay kaagad ring pinalitan ng isang sapilitang pagngiti nang bumaling muli si Tita Joy sa kaniya. "Pakiabot 'yong bag ko, please," pakiusap ni Tita Joy rito.
Iniabot naman niya ang bag sa nakatatandang kapatid. Inilabas ni Tita Joy ang kaniyang makapal na kulay pink na Saint Laurent Wallet. Punong-puno iyon ng mga dolyares at tig-iisang libong piso na pera kung saan napako ang titig ni Tita Starla.
Hindi na binilang ni Tita Joy kung ilang piraso ng tig-iisang libo ang kinuha niya at ibinigay niya iyon kay Mela. Her eyes widened in disbelief. Iniangat nito ang ulo bago tumayo upang salubungin ang titig ng tiyahin. "T-Tita Joy... S-Sobra po yata ito..." She was handling the money back to their aunt.
Bakas naman sa mukha nina Sef at Gabbie na tila hindi sila sang-ayon sa planong iyon ni Mela. Marami silang mabibiling groceries lalo na ng gatas at diapers ni Tori.
"Oo nga naman, ate. Hindi naman kailangan nila Melchora 'yan, eh." Sulsol pa ng Tita Starla nila.
Tita Joy, on the other hand, reached for Mela's hand. Ipinagtiklop niya iyon habang magiliw na nakangiti sa pamangkin. "Para sa inyo talaga 'yan." Sagot niya rito saka bumaling kay Sef. "Isa pa, birthday mo na sa makalawa, hindi ba?"
Unang napatingin si Sef sa kaniyang ate Mela bago ito tumayo at halos ninenerbyos na sumagot sa kaniyang tiyahin. Ayaw niya sanang ipapaalala pa ito dahil sa presensya ng kanilang isang tiyahin ngunit huli na. "O-Opo, Tita." nahihiyang sagot niya.
"Well, may budget na kayo panghanda." Tita Joy sounded cheerful upon declaring it. "And of course, kailangan ni Tori ng vitamins para lumaki itong malusog." Kinuha niya ang bata mula sa kamay ni Gabbie at halos paliguan niya ito ng halik. Tila naman tuwang-tuwa ang bata rito at nahawa ang magkakapatid sa malakas na hagikgik nito liban kay Tita Starla na halos maging abstract painting na ang pagkakalukot niya sa kaniyang mukha.
──ʚ♡ɞ──
November 01, 2022
Josefa "Sef" Kabayan's birthday.
Kasalukuyang inihahain ni Sef ang mga niluto nitong handa sa pahabang lamesa, kulay sky blue ang mantel na ginamit at pinarisan pa ng kulay midnight blue na mga kurtina nang dumating si Mela. Kasama niya si Hanz na may dalang dalawang cake na binili pa sa Conti's–isang Mango Bravo at isang Almond Choco Sans Rival.
"Wow! Bonggang mga cake naman nito, Doc Pogi!" Gabbie cheerfully took the two boxes of cake from Hanz and carefully placed it on top of an empty counter to take them out of their boxes. "Tamang-tama at purgang-purga na ang tiyan ko sa forever pa-Ube cake ni Ate Mela." dagdag pa nito.
Pinandilatan na naman tuloy siya ng nakatatanda niyang kapatid. Gabbie playfully taunted her eldest sibling. Palibhasa alam niyang hindi mag-a-ala dragon ang panganay nila dahil kasama niya si Hanz.
Sef was giggling at the edge of the table. Kakalagay lang niya ng mga disposable plates and utensils na gagamitin ng kanilang mga bisita. Sa likod niya ay isa ring matipunong lalaki na nakasuot rin ng blue shirt. "Doc Pogi, si Sir Lian nga pala." Pagpapakilala niya sa kaniyang bisita at nagkamayan ang dalawa.
Special request ni Sef na shade of blue ang motif ng birthday niya at sumunod naman ang mga kapatid at mga bisita nito. Ipinakilala rin nila ang mga binatang bisita nila sa kanilang Tita Joy habang karga-karga si Tori.
Tita Joy seemed pleased with Hanz and Lian. Magalang ang mga binata at hindi maipagkakailang matitipuno't matatalino rin ang mga ito. "Lian, Hanz," seryoso ang boses nito nang tawagin ang dalawang binata na kaagad siyang tinapunan ng pansin. "H'wag niyong paiiyakin ang mga pamangkin ko kung hindi hahanapin ko kayo't kukurutin ang mga singit ninyo gamit ang chani!"
Hindi napigilan ng lima ang matawa sa sinabing iyon ni Tita Joy. Alam nilang nagbibiro lamang ito ngunit hindi rin maitatago kung gaano niya kamahal ang tatlong pamangkin.
Umupo na sila sa hapagkainan. Nasa kabisera si Tita Joy. Sa kaniyang kaliwa ay si Tori na nasa high chair, kasunod naman si Gabbie at si Lian. Katapat ni Lian si Sef, nasa gitna si Hanz, habang si Mela ang nasa kanan ng kanilang tiyahin.
Masaya silang nagkukwentuhan, they were even planning a short trip to a nearby resort. But that happy conversation was cut short when uninvited guests barged into the homes of the Kabayan siblings.
"Jusmiyo napakainit naman!" rinig nilang reklamo ni Tita Starla habang inaayos ang itim na damit at itim na balabal. "Oy, Melchora, bigyan niyo nga ako ng–" Natigilan ito nang magtama ang tingin nila ni Tita Joy. She was unaware that her elder sister is here.
"Mommy, aircon is da offline!" sunod na reklamo ni Bryan ngunit sinita naman kaagad siya ng ina.
Halos masudsod si Tita Starla nang itinulak ni Tita Teresita ang sarili upang makapasok. "Bakit ba hindi pa kayo nauupo? Santisima naman ate–" Napatigil ito nang pinandilatan siya ng kapatid at inginuso ang nasa kabisera.
Agad na nag-iba ang anyo ng mga ito lalo nang tumayo si Tita Joy. "Hindi kayo nagpasabi na darating kayo." It wasn't a question. She's aware that Sef did not invite their other relatives dahil alam nilang magpapadasal ang mga ito sa puntod ng kanilang namayapang magulang.
Hindi kaagad nakasagot sina Tita Starla nang pumasok naman si Tita Lolit. "Sana naman may lasa na 'yong luto ni Josefa! Madalas pa namang kulang sa asin ang timpla no'n!" Katulad ng dalawang kapatid ay napatigil rin ito sa kakareklamo nang mapansin ang presenya ni Tita Joy.
Hindi nakaligtas kina Lian at Hanz ang pagkulimlim ng mga mukha ng magkakapatid sa pagdating ng mga iyon.
Lian mouthed "are you okay?" to Sef. Tumango na lamang ito kahit na bakas sa mukha ang pagkadisgusto.
Hinawakan naman ni Hanz ang kamay ni Mela kaya napatingin ang dalaga sa kaniya. He leaned closer and said, "you look tense".
Isang mahabang buntong-hininga lamang ang pinakawalan ng dalaga bago tumayo at hinarap ang mga bwisita. "Napadaan ho kayo?" Pilit na pinasisigla ni Mela ang boses ngunit halatang hindi talaga siya natutuwang makita sila.
"Ah, oo! Magpapadasal sana kami rito dahil... alam niyo na..." It was Tita Teresita trying to act nice and sweet. "Araw ng mga patay!"
Napaangat ng ulo si Mela at kaagad na pinigilan ang pagkunot ng kaniyang noo. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa likuran at napansin iyon ng mga taong nasa lamesa.
"Oo nga! Pero mukhang may handaan ah? May cake pa!" Puna ni Tita Lolit, hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa mga pagkaing nakahain. "Inaalay na ba ang cake ngayon sa patay?" she sounded confused.
Umirap sa kawalan si Sef, hindi rin maitago ang inis sa mukha ni Gabbie, habang nagpalitan lamang ng tingin ang dalawang binata. Nag-igting ang panga ni Mela sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y nababastos ang kapatid niya sa sarili nilang pamamahay.
It was Tita Joy who crossed her arms and frowned at her own sisters. "Wala ba kayong naaalala sa araw na ito?" malumanay na tanong niya sa kanila.
"Ah, Tita Joy!" It was Rosario who tried to call her rich aunt's attention. "Nagpadasal po kami sa mga yumao nating mga mahal sa buhay. At kaya po kami narito ay para..." Pinilit niyang ngumiti sa gawi ni Mela ngunit hindi siya tinignan ng pinsan. "P-Para po damayan sana sina Mela na dasalan rin ang kanilang mga magulang."
Tumango naman ang tatlong tiyahin nina Mela bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Rosario. Ngunit imbes na matuwa ang Tita Joy ay mas lalo itong nadismaya sa narinig na sagot.
"Today is Sef's birthday!" Natigilan ang kanilang mga kamag-anak nang marinig ang sinabi ni Tita Joy. They all exchanged confused glances. "Estelita! Teresita!" Tawag niya sa dalawang kapatid na halos mapatalon ang mga ito sa gulat. "Hindi ba't sa inyo tumira ang mga bata noon?" usisa niya at tumango naman ang dalawa. "Taon-taon akong nagpapadala ng panghanda nila sa mga birthdays nila. Hindi niyo ba na-celebrate?"
──ʚ♡ɞ──
The Modern Filipina is a stand alone, cross-over, collaboration series and you may read them in any order.
Melchora
by: Wintermoonie
Josefa
by: Velvet_Summers
Gabriella
by: MissMaChy23
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top