ʚ 12 ɞ

Masarap mapunta
sa tamang tao.
Kaya puntahan mo na ako!

──ʚ♡ɞ──

Message from: Doc Hanz
02:45 AM
Message:
Please go directly to the
University Hospital of
Santa Monica tomorrow.
09:00AM sharp.

Napairap siya nang basahing muli ang mensahe. "Two forty-five? Eh 'di sila na ang nag-enjoy!". In-off ni Mela ang kaniyang cellphone para i-save ang natitirang twenty-five percent battery life nito. Nakalimutan kasi nitong mag-charge nang nakaraang gabi.

Ilang beses na niyang binasa ang mensahe na para bang hindi pa klaro sa kaniya kung ano ang nakalagay roon. She let out a deep sigh upon observing the back entrance of the hospital. This is only exclusive for hospital personnel.

Hindi ito ang unang beses niyang pasukin ang hospital na ito ngunit iba ang security system nila nang makaraan silang pumunta dito ni Doc Hanz. Dati-rati ay mga security guards ang nagbabantay sa entrance upang i-check ang mga IDs ng bawat empleyado, ngayon ay may makina nang nakaharang kung saan kailangan nilang i-tap ang kanilang keycards at kusa nang magpapakita ang information mo sa computer ng guard to verify your identity.

Naalala niyang ganito rin sa Orient Pearl Luxury Hospital ngunit imbes na keycard, isang emblem na kasinlaki ng piso ang ibinibigay sa bawat empleyado at nakasabit na ito sa kulay pearl white na retractable lanyard. It gives them access to certain parts of the hospital, depende sa tipo ng access na ibinigay sa kanila ng departamentong kinabibilangan nila.

Maganda rin naman ang hospital amenities dito sa University Hospital of Santa Monica. Mayroon din silang cafeteria ngunit sa ground floor lamang. Napansin niya rin ang mga bagong televisions na naka-install sa mga designated waiting areas, maging ang mga bagong elevators.

Isang linggo kada isang buwan dito naka-duty si Doc Hanz. Napag-alaman niya sa mga nakaka-chismisan niyang nurses na isa siya sa pinakamagaling na Cardiologist sa buong Asia kaya naman in-demand siya at hindi maipagkakailang marami ring nagkakagusto sa kaniya.

Hindi niya kabisado ang arkitektura ng hospital na ito kaya ninenerbyos niyang binabasa ang bawat ward na nakita niya. "Cardiologist si Doc Hanz..." mahinang sambit niya sa kaniyang sarili. "Sa cardio-something ward siya." Dagdag pa niya at napangiti nang makita ang sign kung saan matatagpuan ang Cardiothoracic Ward, patungo sa Building C sa kaniyang kaliwa. Agad siyang pumunta doon dahil ayaw niyang ma-late. Hindi niya napansin ang arrow kung saan naroon ang Cardiology Ward.

Agad siyang pumasok sa elevator nang bumukas ito. Sa third floor matatagpuan ang Cardiothoracic Ward. Malapad ang ngiti niya habang binabaybay ang hallway tungo sa ward na iyon ngunit panay sigaw ng mga nurses at doctor lamang ang naririnig niya.

"OUT OF THE WAY!" Napalingon siya sa kaniyang likuran at halos idikit na niya ang sarili sa pader nang makita ang isang grupo ng nurses na itinatakbo ang isang pasyenteng nasa stretcher. Isang matandang doktor na babae ang nangunguna rito. Matatalim ang tingin ng babaeng doktor, para siyang kinakain ng buhay. May katandaan na ito, siguro'y nasa singkwenta mahigit na; kulay puti na rin ang kaniyang buhok, matangkad, at mukhang halos lahat ay takot rito.

Pinanood niyang maglaho sa hallway ang mga ito when they turned to the left corner. Mukang kritikal ang kondisyon ng pasyente kaya sila nagmamadali. Napakamot ito ng ulo nang makitang kinse minutos na lamang ay kailangan na niyang makapasok sa opisina ni Doc Hanz. Ang problema, hindi niya ito mahanap.

──ʚ♡ɞ──

Nagising mula sa pagkakahimbing si Hanz nang marinig niyang tumunog ang kaniyang office phone. Nakaidlip ito sa kaniyang office desk. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata habang sinasagot ito. "This is Doctor Montesilva."

"Good morning, Doc." masayang bati sa kaniya ng nasa kabilang linya. Tiningnan niya ang caller ID. Nurses' Ward. "Remind ko lang po kayo tungkol sa kay Patient 307-B, awaiting for doctor's order pa rin po until now."

"Hindi ba nagbigay ng order si Dr. Taberna?" nawala ang antok niya sa mga sandaling iyon. Sa pagkakatanda niya, patient iyon ng matandang doctor nang na-admit ang pasyente kagabi. Hindi nakasagot ang nurse na kausap niya. Bumuntong-hininga na lamang ito bago nagbigay ng order. "Monitor his vital signs and I will do my rounds in fifteen minutes." Ibinaba na niya ang office phone at napatitig sa bakanteng mesa na nasa gilid ng pintuan. Sa itaas nito'y nakasabit ang isang wall clock.

"Where are you, Mela?" he whispered. He tried calling her number but it wasn't ringing. It's eight forty-five in the morning. Kilala niya ang dalaga. Usually ay nasa desk na niya ito thirty minutes before her shift starts kasama ng kaniyang kape mula sa vending machine o 'di kaya'y mula sa mga nurses na nakakasalamuha niya.

He took his doctor's coat from the rack and put it on, along with his own stethoscope. Halos lahat ng mga medical staff ay binati siya ngunit nagmamadali itong umalis. He took the flight of stairs nang makita niyang nagkukumpulan ang mga tao sa may elevator area.

He only has thirteen minutes to find her. Hindi alam ng dalaga ang pasikot-sikot sa hospital na ito and some staffs are not as kind as the ones they have back in Orient Pearl Luxury Hospital. Iniiwasan niyang maulit ang nangyari noong unang beses silang pumunta rito.

He was about to turn when he almost bumped with a small figure of a woman. Pinulot nito ang nalaglag niyang wireless headphones at hawak nito ang isang medical recording device. Nagkatinginan ang dalawa. "Doc Hanz." Umirap ito at akmang aalis na nang hawakan niya ang braso nito. Masama ang pagkakatitig ng dalaga sa kamay ng binata at agad namang bumitiw si Hanz.

"Kung nandito ka para..."

"I need your help." Hanz interrupted whatever she's about to say. Halata niya rito ang pagkabalisa habang iniikot ang tingin sa bawat sulok ng hospital bago niya muling tiningnan ang dalaga. "Kilala mo si Mela, 'di ba?" Tumango si Kali. "I think she's lost. Help me find her."

Hindi na nag-aksaya ng oras si Hanz at pumunta ito sa Building A. Alam ni Kali ang number niya at siguradong tatawagan siya nito kapag nahanap niya si Mela. Kali looked up at the signs and pinned her eyes on the board that says Cardiothoracic Ward.

──ʚ♡ɞ──

"Well, well, well..." pamilyar ang boses ng babaeng iyon. Nilingon niya ito at gano'n na lamang ang kagustuhan niyang irapan ito. "Nagkamali ka yata ng ward?"

Tinaasan niya ito ng kilay at taas-noo niyang sinagot ito. "Hoy, Cardio Ward ito! Sure ako na nandito si Doc Montesilva." matapang niyang tugon sa kausap.

Tinawanan lamang siya ni Ayumi, ang Head Nurse. "Cardio-what ward?" mapanghamon niyang tanong rito at pinaikutan si Mela. "Listen... this is the cardiothoracic ward." She gave emphasis to the word thoracic which confused Mela.

"Marunong akong magbasa!" sagot niya habang pinapaikutan pa rin siya ni Ayumi Gavieres nang sa wakas ay hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Puwede bang tumigil ka sa kakaikot? Para kang trumpo, nakakahilo!"

Nilapitan siyang muli ni Ayumi. "Your doctor is not here. He doesn't belong in this ward." sambit nito. "Kaya kung ako sa 'yo, bumalik ka sa ground floor at hanapin mong mabuti ang ward na kinabibilangan ni Doc Montesilva."

Ngumisi lamang si Mela sa kaniya. "Hoy, alam kong hindi ako nag-aral ng medisina pero alam kong Cardio doctor si Doc Montesilva. Klarong-klaro na nakasulat sa karatula oh!" Itinuro niya ang signage sa ward na kinaroroonan niya. "Cardiothoracic Ward. Cardio!" Binigyang-diin niya ang huling salita ngunit patuloy pa rin siyang tinawanan ni Ayumi.

"I see you're bullying Mela again, Ms. Gavieres."

'Yong ngiti ni Ayumi kanina'y biglang nawala nang marinig ang boses na 'yon. Hinarap niya ang dalagang hindi nagpapatinag sa kaniya. "Ms. Ortega, bumalik ka sa opisina ninyo. You don't belong in my ward."

Kali crossed her arm and smirked at her. "Correction. I belong to every ward in this hospital. I do the medical transcription, remember?" Itinaas nito ang medical recording device na ginagamit ng mga doktor upang i-voice record ang lahat ng tungkol sa kanilang pasyente. Nilapitan niya si Mela at hinawakan ang palapulsuhan nito. "Tara, hinahanap ka na ni Doc Hanz."

Hindi nagpumiglas si Mela nang hilain siya ni Kali palayo sa ward na iyon ngunit naguguluhan rin siya kung bakit tinatahak nila ang exit at bumalik sila sa ground floor. "Kali, salamat ulit sa pagtatanggol mo sa 'kin pero kailangan kong bumalik do'n. Late na ako. Si Doc Hanz..." Natigil sa pananalita si Mela nang makitang may tinatawagan ito sa kaniyang cellphone.

"Get your ass back here. I'm with her." Iyon lang ang tanging sinabi niya sa kausap niya sa kabilang linya at tinapos na niya ang conversation. Ni hindi na nga yata niya hinintay na sumagot ang kausap niya.

Binalingan niya si Mela at itinuro ang board sign na nagsasabing Cardiology Ward. Napakagat ng ibabang labi si Mela. "D'yan ang ward ni Doc Hanz at hindi sa Cardiothoracic." Nakangiting paliwanag nito. Bago pa man makapagtanong si Mela ay inunahan na niya ito. "Magkaiba ang ward na 'yan. Ang Cardiology Ward ay nakatuon sa mga pasyenteng may iba't ibang kondisyon sa puso na hindi nangangailangan masyado ng invasive procedures; samantalang ang cardiothoracic naman ay para sa mga pasyenteng sumailalim o sasailalim pa lamang para sa isang operasyon."

Tatango-tango naman si Mela habang nakikinig sa mga paliwanag ni Kali. Thankful siya sa mga taong kagaya niya, na imbes na pahiyain siya ay binibigyan siya ng karagdagang impormasyon. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Doc Hanz. Nagpaalam na rin si Kali dahil kailangan pa raw niyang ibigay ang transcribed document sa isa sa mga doktor sa Oncology Ward.

Napatingin si Mela sa doktor na nasa harapan niya. He looked tired and sleepless. Dahan-dahan itong nilapitan siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. He even levelled his eyes with her. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Mela nodded hesitantly. Gustuhin man niyang sabihin ang nangyaring engkwentro nila ni Ayumi ay minabuti niyang huwag na lamang. Ayaw na niyang dumagdag sa stress ng doktor at mukhang wala itong naging pahinga. Nagtungo na sila sa opisina ni Doc Hanz ngunit iniwan rin siya kaagad nito dahil kailangan pa niyang mag-rounds.

──ʚ♡ɞ──

Mabilis na dumaan ang mga oras para kay Mela. Kanina ay sinadya siya ni Kali upang ituro sa kaniya kung paano gamitin ang chatbox sa kanilang work computer. Ito ang ginagamit ng bawat staff upang maaari silang makipag-usap sa mga kakilala nila sa ibang department nang hindi na kailangang gamitin ang kanilang cellphone. Ibinigay rin niya ang simpleng mapa kung saan matatagpuan ang bawat ward sa hospital na ito upang hindi siya mawala sa susunod. Binilugan na nito ang Cardiology Ward.

Nagdala rin ng pananghalian si Doc Hanz kanina, hindi na sila nagpang-abot ni Kali, at dito sila sa opisina kumain. Masyado raw malayo ang cafeteria para sa kaniya na naghahabol ng oras para sa mga natitirang rounds niya. Mabilisang kumain ang binatang doktor. Kung hindi ito nagra-rounds ay nakatutok ito sa kaniyang work computer o 'di naman kaya'y sa kaniyang medical books at minabuti niyang huwag na lang itong istorbohin.

It was three in the afternoon when Doc Hanz came back. He looked more tired compared to this morning. Tinanggal na niya ang kaniyang doctor's coat at kinuha lamang ang kaniyang personal belongings. Inilagay niya iyon sa kaniyang black leather doctor's bag. Napansin ni Mela na kung ano ang suot niya kagabi ay suot niya pa rin ngayon ngunit hindi na lang niya ito isinatinig.

"Let's go."

Napatingala si Mela at nakita ang paghikab nito. "G-Go? Alis na tayo?"

Tumingin sa kaniya si Hanz at tumango. "Yeah. Tapos na ang shift ko and I'm heading home. Do you want to stay here?"

Namilog ang mga mata ni Mela at agad na inayos ang mga gamit. "Ako? Stay here? Mag-isa? Neber!" matigas na bigkas niya sa huling salita.

Hanz chuckled at how Mela pronounced the last word. Hindi niya alam kung sinasadya niyang gano'n bigkasin ang salita but nonetheless, he finds it entertaining. Walang kaarte-arte sa katawan at talagang malakas ang loob nito.

Nagpatawag si Hanz ng isang service car. Hindi niya dala ang kaniyang sasakyan sa pagkakataong ito at nagtaka si Mela. "Coding kaya ang sasakyan niya?" tanong ng isipan niya habang pumapasok sa loob ng sasakyan. "Teka. Ano ba'ng paki ko? Malay ko ba kung ginamit ni Macey, 'di ba?" Napapikit siya nang mariin sa sandaling iyon. She wants her mind to shut up.

Napamulat siya nang maramdaman ang mainit na kamay ni Hanz sa kaniyang braso. Naka-sleeveless kasi ito at hindi isinuot nag blazer dahil sobrang init sa labas ng hospital. Tumingin siya sa gawi ng binata. "Is there something bothering you?"

"Meron. Kayo ba ni Macey?" gustong itanong ng isipan niya.

Umiling si Mela. "W-Wala." Pilit niyang ngumiti. "Ngayon lang kasi kita nakitang..." pinakatitigan niya ang kabuuan ng binata bago itinuloy ang sasabihin, "...sobrang pagod."

Hanz smiled faintly, trying hard to stay awake. "I was on an on-call duty since twelve midnight." tanging sagot niya. "We have three patients who need to be monitored because their prognosis is not doing well; and one of them had a cardiac arrest this morning. I need to keep my patients alive."

Hindi naintindihan ni Mela ang lahat ng sinabi ng doctor, ngunit naintindihan niya kung ano ang "on-call duty". Madalas kasing magdaldalan ang mga nurses tungkol sa mga interns at residents na nakasama nila sa kanilang on-call duties.

Ang mga naka-on-call duty ay mga staff na required na rumesponde ano mang oras na kailanganin sila. They may be required to do a minimum of twelve hours or maximum of twenty-four hours shift a day.

Mabuti nga't mababait ang mga staff sa kabilang hospital, willing silang ipaliwanag kay Mela ang mga bagay na hindi niya naiintindihan. Pakiramdam niya minsan, bumabalik siya sa pag-aaral. Nabuhay tuloy ang kagustuhan niyang makapagtapos ngunit isinantabi niya muna dahil wala pa siyang sapat na pera.

Nagbilang siya sa kaniyang daliri. "Fifteen hours kang naka-duty?" Hanz nodded while yawning. Tila wala na itong lakas upang magsalita.

Mela felt guilty for thinking na magkasama sila ni Macey hanggang halos alas tres na ng madaling araw, iyon pala'y naka-duty ito. "Eh ano ba'ng paki ko kung magkasama sila o hindi? Hindi ako bothered!" Itinaas ni Mela ang kaniyang noo sa mga sandaling iyon habang hinahayaan lang si Hanz.

Pumarada ang sasakyan sa tapat ng isang luxury condominium sa BGC pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na na-stuck sila sa traffic. "Ma'am, nandito na ho tayo." saad ng driver sa kanila. Mela looked around. "Dito ho 'yong address na naka-register nang mag-book si ser ng serbis."

Medyo natataranta na si Mela nang makitang nakatulog si Hanz. Bahagya niyang niyugyog ito upang gisingin. "D-Doc?" mahinang pagtawag niya rito.

Hanz slowly opened his eyes and looked around. Bumaba ito mula sa sasakyan at nagpasalamat sa driver. Nagtataka ring bumaba si Mela at narinig niyang sabihin ni Hanz ang, "I'll send your tip through the app." bago isinara ang pinto ng sasakyan.

Naglakad na patungo sa entrance ng condominium si Hanz at sinundan niya ito. "D-Doc?"

Nagulat si Hanz nang makita si Mela na nakasunod sa kaniya saka tiningnan ang service car na nakaalis na. "M-Mela! Akala ko nasa sasakyan ka?"

Kumunot ang noo ni Mela. Pagod nga talaga ang doktor. Ni hindi niya namalayang bumaba rin ito sa sasakyan. "Ha? Eh hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin no'n."

Natawa na lamang si Hanz sa tinuran ng dalaga. Gustuhin man niyang magpaliwanag he booked for a separate service for her ay hindi na kaya ng sistema niya. His body is badly craving his bed. Sobrang antok na nito at para siyang lasing na gumegewang. He's been up since yesterday. Hindi na nagdalawang isip si Mela na alalayan ito. Mabuti na lamang at naka-sneakers siya at black slacks. Tinungo niya ang elevator, sila lamang ang tao. "Ano'ng floor?" tanong niya rito.

"Penthouse." sagot ni Hanz. "Just... press the 'P' button."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top