ʚ 11 ɞ

Magpa-blood test ka kaya?
Malay mo...
ako pala ang type mo!

──ʚ♡ɞ──

Ilang beses nang napapansin ni Mela ang bulungan ng dalawa niyang kapatid tuwing umuuwi ito galing trabaho. Tumukhim ito nang malakas at kaagad na tumuwid ang tayo ng dalawa niyang nakababatang kapatid. Kasalukuyang nagluluto ngayon si Sef ng chicken afritada habang si Gabbie naman ay gumagawa ng macaroni salad na panghimagas nila mamaya.

"Ako ba ang pinagbubulungan ninyong dalawa?" Nakapamewang ito sa dalawa. Ma-awtoridad ang boses nito at salubong ang mga kilay. Her long hair was styled in a messy bun. "Sagot!" Napapitlag sina Sef at Gabbie dahil sa pagsigaw ni Mela.

Si Gabbie ang humarap sa kaniya. "Ate, quiet ka lang. Natutulog si Tori." Suway niya sa panganay na kapatid at itinuro ang kuna ng bata na nasa tabi ng hapagkainan, malapit sa bintana upang presko itong nahahanginan. Alam kasi nitong pagdating kay Tori, umaamo itong si Melchora Kabayan. "Tsaka... hindi ka naman namin pinagchichismisan ni ate Sef, eh. Iniisip lang namin kung may regla ka ba at napapadalas 'yang init ng ulo mo. Sumasabay sa init ng panahon."

Napabuntong-hininga si Mela sa narining. "Excuse me..." hinawi niya ang imaginary hair niyang nakalugay kahit hindi naman. "Good mood kaya ako!" Pangungumbinsi niya sa sarili niya habang salubong pa rin ang kaniyang mga kilay.

Sef and Gabbie exchanged looks, mocking her.

Bahagyang itinigil ni Sef ang paghalo sa niluluto niya. "Sa sobrang good mood mo, Ate, 'yang kilay mo ang nakangiti... pabaliktad nga lang!" Nagtawanan sila ni Gabbie sa huling katagang sinambit nito ngunit kaagad ring natigil nang halos pandilatan sila ng mga mata ni Mela. Nag-peace sign na lamang ang mga ito sa kaniya, umaasang humupa ang inis ng kanilang Ate.

Tumalikod si Mela at nagsimulang pumanhik sa kaniyang kwarto. "Magbibihis lang ako." Paalam niya sa mga kapatid niya at nagpatuloy ang dalawa sa hagikgikan, sinisiguradong hindi sila maririnig ni Mela.

Napapikit nang mariin si Mela nang makapasok na ito sa kwarto niya. Pinakakalma niya ang sarili niya lalo na't wala namang kasalanan ang dalawa nitong kapatid kung bakit siya badtrip. Sa katunayan nga'y iisang tao lang naman ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya na itinatago niya sa pangalang Doctor Hanziel Montesilva.

Hindi kasi siya nito pinapansin nitong mga nakaraan. Kung tatawagin man siya ay panay work-related naman lahat ng sinasabi niya ngunit isang tawag lang ng magandang nurse sa kaniya ay aligaga na 'to. "Kasalanan ko yata at nag-expect ako dahil sa punyetang halik niya! Bwisit na Doctor Montesilva 'yan" untag ng isip niya.

Napapikit siya nang maalala ang pangalang iyon at nag-flashback ang ilang imahen sa kaniyang isipan.

Mela caressed his face while looking at him straight in the eye. "Nakakatukso kang halikan." Wala sa ulirat nitong banggit. Namilog na lamang ang mga mata ni Hanz nang tuluyan siyang halikan ng dalaga.

She shook her head and sat at the foot of her bed. "Sa dami ng puwedeng i-flashback ng utak ko, 'yon pa talaga!" Saad niya sa kawalan, akala mo'y may sasagot sa kaniya. Tumayo ito at binuksan ang electric fan habang tinatanggal ang pagkakatali ng kaniyang buhok at isang imahe na naman ang nag-replay sa utak niya.

Mela shut her eyes and tasted Hanz's lips. It's the first time she is kissing him consciously. She didn't know that he is damn a good kisser and she wanted more when Hanz decided to pull away. "Damn, Mela... stop making me crave for you," he whispered and was fighting against his carnal desires. He planted a kiss on her forehead and went back to the steering wheel.

Sa pangalawang pagkakataon ay napailing siya nang marahas. Hindi niya alam kung bakit niya naalala ang mga iyon. Minabuti niyang buksan ang kaniyang tokador at humugot ng isang t-shirt. Napatitig siya rito ng ilang segundo.

Pumitlag si Mela nang makita si Hanz na nakatayo sa nakabukas na pintuan at nakapagpalit na rin ito ng damit. Pinahiraman siya ni Mela ng shirt pampatulog dahil marami itong maluluwang na pambahay. "Ready na 'yong tutulugan mo," nakangiting sambit ni Mela sa kaniya. Lalabas na sana si Mela sa silid upang pumunta na sa kaniyang tutulugan nang pigilan siya nito. Nilingon siyang muli ni Mela, "M-May kailangan ka?"

He stared at her bare face, clipped the strands of her hair at the back of her ear, gave her a soft kiss on the forehead, and a light embrace.

Iyon ang t-shirt na ipinahiram niya kay Hanz nang nakituloy ito sa kanila sa unang pagkakataon. Kaagad niyang binalik iyon at isinara ang tokador. "Lahat na lang ba ikaw ang maalala ko? Bwisit ka!" Napalakas ang pagkakasambit nito at saktong binuksan naman ni Gabbie ang pintuan.

"Ako? Ano'ng ginawa ko, Ate? Yayayain lang naman kitang kumain kasi nakaluto na si ate Sef." Gabbie pouted playfully. Kanina pa nasi-sense ng dalawa na tila nawawala sa katinuan ang panganay nilang kapatid.

Mela heaved another sigh, her right hand placed on her forehead, and closed her eyes. She was mentally screaming at herself for being irrational.

Tuluyan nang pumanhik si Gabbie sa loob ng kuwarto niya at lumapit sa kapatid. "May problema ba, Ate?" She sounded unsure. This is not their usual conversation as siblings. Madalas ay nagtatalo ang mga ito dahil masyadong sutil ang bunso niyang kapatid. "Boy problems, teh?" mapanuyo ang boses nitong nagtanong.

She opened her eyes and met Gabbie's mischievous smile. "A-Ano'ng pinagsasabi mo? Boy problems ka d'yan!" she sounded defensive and even she cannot deny it. Binuksan niyang muli ang tokador at kumuha ng ibang t-shirt upang magpalit. "Tumalikod ka, magbibihis ako."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Gabbie at siya naman ngayon ang nagpamewang sa ate niya. "Seriously, Ate? Sa akin ka pa talaga mahihiya?" she asked in disbelief. "Eh, kung ano'ng meron ka, meron din ako. Mas malaki pa nga oh!" She proudly flaunted her pair of breasts. True enough, hers is bigger compared to Mela's.

"Ikaw..."

Napatili at talon si Gabbie nang kamuntikan na siyang makurot sa singit. "Ate naman kasi!"

"Bumaba ka na nga at bababa na rin ako!" utos nito bago pa kung ano ang masabi ng kapatid niya sa kaniya.

Sinunod naman siya ni Gabbie. She reached for the door and before completely exiting the room, she faced Mela once more and said, "siya nga pala, Ate..." Napatigil sa pagtanggal ng damit si Mela at hinintay ang sasabihin nito sa kaniya. "Mas maganda siguro kung 'yong white haltered top at high rise shorts ang isuot mo bago ka bumaba."

Kumunot nang muli ang noo ni Mela. "Kakain lang tayo at hindi magpi-picnic!"

Napakagat ng ibabang labi si Gabbie bago nagsalitang muli. "Ikaw rin... sayang. Chance mo nang akitin si Doc Pogi sa baba kaso kung ayaw mo..."

Halos lundagin ni Mela ang pagitan nila na siyang ikinabigla ni Gabbie. "A-Ano'ng sabi mo? D-Doc Pogi?" pag-uulit niya. Iisang tao lang naman ang tinatawag nilang Doc Pogi.

"Mas gusto mo bang tawagin ko na lang siyang Kuya Hanz?" She asked in a singsong manner upon saying his name, her eyebrows wiggling, and her mischievous smile appeared once more.

"N-Nand'yan siya sa baba?" tumango si Gabbie bilang sagot. "Si Doc Hanz?"

Gabbie rolled her eyes before smiling at her sister. "Ay ang kulit ha. Ikalma mo nga 'yang excited yet dry mong pechay, Ate!" walang prenong sambit nito at hindi nagpatinag sa mga nanlilisik na mata ni Mela. "Oo, nand'yan siya sa baba kanina pa! Hinahanap ka kaya bilis-bilisan mo nang kumilos." She lightly pushed Mela inside her room and closed it before reaching for the stairs.

Napatingin si Sef nang makababa na si Gabbie. "Nasa'n si Ate?" nagtatakang tanong nito.

Nagkibit-balikat ito sa kapatid saka bumulong. "Gino-groom ang pechay!" Naghagikgikan ang dalawa sa sinabi niyang iyon ngunit agad rin silang nagpigil nang mapagtantong may unexpected visitor nga pala sila.

Tumingin ang dalawa kay Hanz na nakaupo lang sa sofa. "Doc Pogi, pababa na si Ate." Deklara ni Sef. Ngumiti naman si Hanz sa kaniya.

Bago pa man sila may masabi muli ay bumaba na rin si Mela. Isinuot niya ang white haltered top at printed high rise shorts gaya ng suhestyong ni Gabbie sa kaniya. Ipinusod niyang maayos ang kaniyang mahabang buhok at naka-pink lipgloss rin ito.

"Aba, nag-ayos ang loka-loka nating kapatid." Natatawang bulong ni Sef kay Gabbie.

"Hindi yata nagpaawat ang excited at dry niyang pechay." Natatawang sagot naman ni Gabbie na bumubulong rin. Yari sila kapag narinig ni Mela 'yon.

"Oh, Doc Hanz. Nandito ka?" She tried to sound as seductively as possible ngunit napa-facepalm ang dalawa nitong kapatid sa likuran.

Tumayo si Hanz mula sa pagkakaupo upang harapin siya. Naninibago ito sa inaasta ni Mela. He cleared his throat and fished out his wallet from his back pocket. Binuksan niya ito at inilahad kay Mela ang isang keycard.

Kumaripas ng takbo papalapit sina Sef at Gabbie, inagaw ang keycard mula sa kamay ng naguguluhang doktor. "Keycard ba 'to ng hotel?" Kaagad na tanong ni Gabbie. Pinalo siya ni Sef sa braso habang pinandidilatan naman siya ni Mela, tila nae-eskandalo sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

Gabbie turned the keycard and read the prints. "University Hospital of Santa Monica guest pass." Napatingin ang dalawa kay Hanz na natulala sa inasta nila. He cleared his throat once more and tried to smile on the awkward situation.

Inagaw naman ni Mela ang keycard mula sa mga kapatid. "D'on nga muna kayo at 'wag kayong magulo, puwede?" It was a warning to her sisters. Tumango naman ang dalawa habang unti-unting naglakad patalikod, pabalik sa dining area. Mabuti na lamang at mahimbing pa rin ang tulog ni Tori.

Hinila ni Mela palabas ng bahay nila si Hanz upang doon sila mag-usap. Itinaas ni Mela ang keycard na hawak niya at hinintay na magsalita ang doktor.

"Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kanina. Nagmamadali ka kasing umuwi." he sheepishly said.

Napatango si Mela. "Gano'n ba 'to kaimportante at dinayo mo pa ako dito sa bahay namin para lang ibigay 'to?" malumanay ngunit tila mapang-akit na tanong ni Mela. "Puwede mo namang ibigay 'to bukas." Hindi niya maitatago na nakakaramdam siya ng munting mga paruparo sa kaniyang tiyan. Magkikita naman sila bukas sa hospital.

Magsasalita sana si Hanz nang may tumawag sa pangalan niya mula sa labas ng bahay nina Mela. "Hanz!"

Napatingin silang dalawa. Kung gaano kasaya si Mela kanina ay biglang napukaw nang masilayan niya si nurse Macey. Nakasuot lang ito ng simpleng lose shirt na kulay puti, at naka-tuck in sa kaniyang kulay beige na tailored shorts paired with white loafers. Wala itong make up at napakaganda ng bagsak ng kaniyang buhok.

Nilingon siya ni Macey. "Hi, Mela." bati nito sa kaniya mula sa labas ng gate at kumaway pa ito sa kaniya habang nakangiti. Nagkakilala na sila nang minsang napatambay si Mela sa Nurses' Station at naroon din si Macey. Mabait naman ito ngunit kadalasan ay seryoso lalo na kapag may pasyente.

Pilit namang ngumiti ni Mela pabalik at napatingin sa kaniyang paa na nasuot lamang ng puting tsinelas. "Wala kang laban, Melchora. Huwag ka nang mag-ilusyon na baka may meaning 'yong mga halik ni Hanz sa 'yo lalo na 'yong pagpunta niya rito." Untag ng isipan ni Mela.

"Hanz, we're gonna be late." Saad nito habang tinuturo ang kaniyang wristwatch.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Hanz kina Mela at Macey. Natigil ito nang salubungin siya ng mga malamlam na mata at pilit na ngiti ni Mela. "S-Sige, Doc. Mukhang may lakad pa kayo eh. M-Magkita na lang tayo bukas." halos tinakasan siya ng kaniyang boses sa mga sandaling iyon. Bumaling siya kay Macey habang mahina nitong itinutulak palabas si Hanz. "E-Enjoy kayo sa lakad niyo. Good night!"

Gustuhin mang pigilan ni Hanz ang dalaga ay huli na. Pumasok na itong tuluyan sa bahay nila. "Hanz! Fifteen minutes na lang at lalapag na ang eroplano ni Hanna." Pagpapaalala nito habang hinihila ang braso papunta sa kaniyang sasakyan. Susunduin pa kasi nila ang kakambal ni Hanz na galing sa Australia. "Baka maabutan tayo ng traffic."

Sumakay na silang pareho sa sasakyan at matalim ang mga matang ipinukol niya kay Macey. Napatingin sa kaniya ang dalaga nang maramdaman niyang nakatitig sa kaniya ang kaniyang kaibigan. She mouthed the word 'what?', completely not comprehending what she did wrong.

"Remind me to submit a request for an urgent thoracotomy first thing tomorrow morning with the best Cardiothoracic  Surgeon we have." seryosong sagot ni Hanz habang binubuhay nito ang makina ng kaniyang sasakyan.

"Thoracotomy?" Pag-uulit ni Macey, inaalala kung may pasyente ba silang dapat maoperahan. "Sinong patient?"

"Ikaw! Gusto kong makita kung may puso ka pa ba at naninira ka ng pagkakataon!"

──ʚ♡ɞ──

Thoracotomy is a surgical procedure that involves making an incision into the chest wall to access the thoracic organs, including the heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top