ʚ 10 ɞ
Gusto ko sanang ipagsigawan
ang mga salitang
"NAGSESELOS AKO".
Kaso humaharang ang katagang
"HINDI NAMAN TAYO".
──ʚ♡ɞ──
Hindi maiwasan ni Mela ang mapansin ang isang pigura sa 'di kalayuan nang pumasok siya sa mataong hospital. Dumaan siya sa East Wing kung saan naroon ang Bubble Tea and Siomai shop, ang paborito niyang tambayan rito. Hindi maipagkakaila ang katangkaran nito at ang kaguwapuhang taglay ngunit ang nakatawag pansin sa kaniya ay ang nagniningning nitong ngiti sa kaniyang mukha.
As she approached, Mela caught a glimpse of Dr. Hanz chatting enthusiastically with an attractive nurse. She was giggling, and it was obvious that he was thoroughly enjoying their conversation. Bakas sa kanilang mga tindig na malapit sila sa isa't isa. Hindi maitatanggi ni Mela ang selos at kawalan nito ng kompyansa sa sarili.
"Nako, hija... huwag kang masyadong umasa ha? Kasi ang mga mayayaman at guwapo, mga magaganda at mayayaman lang din ang gusto."
"Pinaglalaruan ka lang no'n!"
Kaagad na pumasok sa isipan niya ang mga salitang iyon. She shook her head as if those were enough to shake off the negative thoughts. "Umagang-umaga, Melchora. Bawal ang nega vibes!" paalala niya sa kaniyang sarili at nagsimula nang humakbang.
Gayunpaman, napatanong siya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang lugar sa buhay ng binatang doktor nang makita si Hanz na abala sa pakikipag-usap sa magandang nurse. An overwhelming feeling of insecurity swept over her as she watched the way they communicate. Napaisip siya sa kaniyang kakayahan upang hindi mawala ang interest ni Hanz sa kaniya, nangangamba na hindi siya karapat-dapat kumpara sa ganda ng nurse na iyon.
Huminga ito ng malalim at nag-iba ng direksyon. Ayaw niyang daanan ang dalawa dahil sa pangamba na baka may marinig siyang hindi niya gusto mula sa pag-uusap nila. Imbes na bumili ng paborito niyang siomai, nagpasya na lamang itong dumeretso na sa opisina ni Hanz.
──ʚ♡ɞ──
Earlier that day, mabilis na naglakad si Dr. Hanz sa corridors ng magarbong hospital, may ngiting naglalaro sa kaniyang mga labi. Nasilayan niya si Nurse Macey nang marating niya ang Nursing Station, isang tao na kaniyang pinagkakatiwalaan. He approached her with enthusiasm as he saw an opportunity to confide in her.
"Macey!" He called her name in a sing-song manner. Ginawaran naman niya ng ngiti ang ibang nurses na bumati sa kaniya.
Macey gazed at him while checking a patient's chart. "Mapupunit na yang labi mo sa sobrang pag-ngiti," pang-aasar niya sa kaibigang doktor saka ibinaba ang chart na hawak. "Patapos na ang sixteen hours of shift ko. Ilibre mo ako milk tea."
They both went to a shop called Bubble Tea and Siomai on the ground floor of the prestigious hospital. Naka-order na ang dalawa at naisipan nilang tumambay sa terrace area upang maarawan. "Kanina pa 'yang mga ngiti sa labi mo, ha. Spill!" panunukso ni Macey sa kaniya habang kumakain ng siomai with chilli garlic oil and calamansi.
"Remember the woman I was talking about?"
"Alin? 'Yong umutot kaya hindi kayo nakapag—mfpht!!!"
Hindi naituloy ni Macey ang sasabihin dahil kaagad na tinakpan ni Hanz ang binig nito bago pa siya may masabi. She playfully hit his hand covering her mouth and stared at him with her eyebrows in unison.
Hanz burst out into laughter upon remembering his first night with Mela while nodding in response. "Yes, and her name is Melchora."
"Melchora..." pag-uulit ni Macey habang inaalala ang kanilang subject na Philippine History noong estudyante pa lamang sila. "Naalala ko si Tandang Sora, the Mother of the Philippine Revolution!"
Napailing ng ulo si Hanz habang tumatawa saka nito sinabing, "Well... I spent another night with her."
Napaangat ng ulo si Macey at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. They have known each other for quite sometime and became the best of friends. Napapangiti rin ito habang tinitingnan niya ang kaibigan. Ngayon lamang niya ito nakitang malawak ang mga ngiti sa labi at may ningning sa mga mata habang nagkukuwento tungkol sa isang babae. "Don't tell me..."
"Nothing happened!" He cut her off at mid-sentence. "Kasama namin ang mga kapatid niya sa bahay nila."
"Ah... sa bahay nila," panunuksong muli ni Macey habang umiinom ng kaniyang favourite Taro milk tea. Pinanonood niya ngayon ang kaibigan habang nagsasalita. He's enthusiastic and he couldn't stop smiling.
Napakagat ng ibabang labi si Hanz, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. "Kalog ang mga kapatid niya at nag-kuwentuhan kami." Ngumuso lamang si Macey at tinutuksong hindi siya naniniwala sa mga ikinukuwento ng binata sa kaniya. "Seryoso ako!"
Macey arched a brow, "May sinabi ba akong nanloloko ka? Napaka-defensive mo."
Nagtawanan ang dalawang magkaibigan at hindi nila napansin ang unti-unting pag-alis ni Mela sa 'di kalayuan. Macey was teasing Hanz. Noong nag-Eurotrip kasi sila kasama ang dati nilang pasyente na si Mrs. Ventura, nasaksihan niya kung paano siyang lapitan ng mga naggagandahang babae kahit saan sila magpunta. Hindi rin naman niya masisisi ang doktor dahil guwapo naman ito lalo na kapag nakangiti.
"Sounds like you had a wonderful time," Hanz nodded at her statement. "Ano'ng iniisip mo?" Tanong ni Macey nang mapansing napako ang tingin ng kaniyang kasama sa sahig.
"Hindi ko maiwasang isipin kung may nagbago ba sa nararamdaman ko para sa kaniya." Naging seryoso ang pananalita ni Hanz kaya nanatiling nakikinig si Macey sa kaniya. "Akala ko no'ng una attracted lang ako sa kaniya dahil kakaiba 'yong una naming pagtatagpo. But I realised how much I actually like her company after spending that time with her and her family."
Pinakatitigan siya ni Macey nang mga sandaling iyon at tila nahuhulaan na niya kung ano ang kasunod nitong sasabihin.
"I have a suspicion that..." Sinalubong ni Hanz ang mga tingin ni Macey, "Mace, I think I may be falling in love with her."
Namilog ang mga mata ni Macey sa mga narinig. Hindi niya inaasahang sasabihin talaga ni Hanz ang mga katagang iyon at pilit kinukubli ang kilig na nararamdaman para sa kaibigan. She quickly composed herself and smiled, "That's quite a revelation. Ano'ng plano mo ngayon? Sasabihin mo ba sa kaniya?"
Napaisip si Hanz sa mga ibinatong tanong ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Maging siya ay hindi alam kung nararapat bang sabihin niya kay Mela ang mga iyon. He slowly shook his head and there was a hint of uncertainty in his eyes. "Siguro hindi muna," tugon niya. "Gusto ko munang makasiguro sa sarili ko mismo bago ako gumawa ng hakbang. I don't want to jeopardise our professional relationship, but at the same time, I can't ignore these newfound emotions."
──ʚ♡ɞ──
Hindi maalis ni Mela ang selos na nararamdaman niya na tila isang mabigat na balabal na kumapit sa kaniya. Bumibilis ang pintig ng kaniyang puso sa tuwing masisilayan niya ang mga tingin ni Dr. Hanz na siyang pinakaiiwasan niya simula nang magkita sila rito sa opisina ng binatang doktor.
Limang oras itong nasa operating room kanina at nalaman niyang successful iyon, nangangahulugan na isang magaling na cardiologist ito at walang dudang inaalagaan niya ang puso ng kaniyang mga pasyente. "Puso ko kaya aalagaan mo?" Wala sa sarili niyang naisatinig. Mahina man iyon ngunit sapat na upang mahimigan ni Hanz na may sinasabi ang dalaga.
Nagkatinginan sila ni Hanz nang mga sandaling iyon. Binibigyan kasi siya nito ng mga alituntunin na dapat gawin. Sa dalawang hospital nagta-trabaho si Hanz, in-demand ito sa kaniyang field dahil sa husay niya bilang isang doktor. "A-Are you saying something?" tanong ng binatang doktor sa kaniya.
Isang perpektong bilog ang namuo sa labi ni Mela. She was trying to come up with an excuse but it made no sense. "A-Ano... sabi ko 'yong aso parang masarap alagaan." her voice trailed off followed by an awkward laughter. She cleared her throat and came up with another excuse, "Nalipasan na yata ako ng gutom. Alas tres na rin kasi ng hapon."
Hanz eyed her suspiciously. Magtatanong pa sana ito nang may kumatok sa kaniyang opisina. Bumukas ang pintuan at pumasok si Macey. Napatayo si Hanz mula sa kinauupuan niya, "Aren't you supposed to be home?" Nag-aalalang tanong niya sa dalaga.
Napatitig naman si Mela sa binata dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala, bagay na ngayon lang niya nakita.
"I was called for an emergency," Macey responded with a sense of urgency in her voice. "We have a code blue on Room 701."
Kaagad na lumabas si Hanz sa kaniyang opisina at kasabay niyang tumakbo ang nurse na kausap nito kanina. Lumabas si Mela sa kanilang opisina at nakita na lamang ang kaniyang sarili na nakasandal sa nakaawang na pinto, pinanonood kung paanong alalayan ni Dr. Hanz si Nurse Macey habang tinutungo ang emergency elevator.
Napangusong muli si Mela at napabuga ng hangin. Babalik na sana ito sa opisina nila ni Hanz upang tapusin ang pinapagawa nitong report nang marinig niya ang dalawang nursing student na nagdadaldalan. "Balita ko great love ni Doc Hanz si Nurse Macey," kinikilig na sambit ng estudyanteng may mahabang buhok at kayumanggi ang balat.
"Nag-Eurotrip pa nga raw sila bago bumalik dito sa Pilipinas." May halong panghihinayang naman na naikwento ng estudyanteng maiksi ang buhok.
"Bagay na bagay sila kung sakaling sila ang magkakatuluyan. Tsaka..."
Isinara ni Mela ang pintuan sa opisina nila at pabagsak itong umupo sa kaniyang sariling office chair malapit sa pintuan. Nanatili sa utak niya ang pinagku-kuwentuhan ng dalawang estudyante at doon lamang niya napagtanto ang group photo na naka-display sa isa sa mga side tables. It was taken a year ago, nasa gitna sina Hanz at Macey, magkaakbay sila.
"Eh 'di kayo na ang bagay!" Umirap ito sa kawalan saka sumandal sa kaniyang lamesa. Pakiramdam niya'y sinampal siya ng mga salitang binitiwan nina aling Marisol. Ginulo niya ang kaniyang buhok at tiningnan ang kaniyang repleksyon sa monitor ng desktop. "Hoy, Melchora Kabayan. Umayos ka!" She pointed her index finger at her reflection, "Walang kayo. Kaya wala kang karapatang mag-selos-selosan."
She let out another sigh and looked at her reflection once more. "Selos? Ako? Nagseselos? Excuse me! Si Melchora Kabayan yata 'to! Hindi 'yang doktor na 'yan ang magpapalaglag sa panty ko!"
"Panty? Ano'ng panty?"
Kaagad na napalingon si Mela nang marinig ang pamilyar na boses ng binatang doktor. "Shit! Bakit ka narito?" Sigaw ng isipan niya ngunit hindi niya nagawa dahil sa pagkagulat. "H-Ha?"
Napapikit si Hanz at napailing. Pumasok ito sa kaniyang opisina at mabilis na kinuha ang patient's record mula sa file cabinet at kaagad ring umalis.
Halos masampal ni Mela ang sariling mukha dahil sa kahihiyan. "Kahit kailan ka talagang bibig ka, napaka-wrong timing! Very wrong talaga!" ngumawa ito na akala mo'y nakagawa ng isang malaking kasalanan. Kung puwede lang magpakain sa lupa, siguradong si Mela ang unang-unang sisigaw ng 'I volunteer'.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top