ʚ 09 ɞ
"Gaano ka man kaingat sa iyong pananalita,
pagdating sa mga tsismosa, ikaw pa rin ang mapapasama."
──ʚ♡ɞ──
"Sabi ko sa 'nyo, eh! May taglay na kati talaga 'yang mga 'yan!"
Natigil ang pag-uusap-usap ng mga kapitbahay nina Mela nang mapatingin siya sa mga ito. Bumibili lang naman siya ng Coke at pancit canton para sa meryenda nilang magkakapatid ngunit heto at tila pinagpipyestahan siya ng kanilang mga kapitbahay.
Ibinigay ni Mela ang saktong bayad niya sa tindera at kinuha na ang mga binili upang makauwi. Sabado ngayon at gusto na niyang magpahinga dahil sobrang busy pala ang maging sekretarya ng isang doktor.
Nakakailang hakbang pa lamang ang dalaga nang kaagad rin itong napahinto dahil pinalibutan siya nina aling Marisol, aling Lolita, at aling Kristy, ang nangungunang Marites sa kanilang lugar. "Bakit ho?" tanong nito at diskumpyado sa mga ngiting aso na ipinapakita ng tatlong matatanda. Alam niyang siya ang pinag-uusapan nila kanina dahil sa kaniya lang naman nakatingin ang mga ito.
"Hija, mukhang mayaman ang naghatid sa 'yo kagabi, ah!" mapanuksong sambit ni aling Marisol habang sinusubukan pang kilitiin ang dalaga sa tagiliran.
"Ang gara ng kotse! Magkano ang bili niya do'n?" tanong naman ni aling Kristy habang inilalapit ang mukha niya rito.
"Aba, malay ko naman ho? Hindi naman ako 'yong nagbenta sa kaniya no'n." Depensa naman ni Mela sa sarili habang niyayakap ang bote ng isang litrong Coke kasama ang tatlong pancit canton. "Mauna na ho ako..."
Hindi pa siya nakakahakbang ay napahinto na ito dahil sa pagharang ni aling Lolita. Sa kanilang tatlo, siya ang may kabilugan ang katawan at hindi iyon kayang itago ng maluwang na suot niyang daster. "Nako, hija... huwag kang masyadong umasa ha? Kasi ang mga mayayaman at guwapo, mga magaganda at mayayaman lang din ang gusto."
Tumango naman ang dalawa nitong mga kaibigan at nagpalipat-lipat ng tingin si Mela sa kanila.
"Pinaglalaruan ka lang no'n!" sulsol pa ni aling Marisol.
"Kapag nagsawa na siya sa 'yo, iba naman ang paglalaruan niya."
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Mela at magkasalubong ang mga kilay nitong tiningnan ang tatlong chismosang kapitbahay. "Hindi ho gano'ng klaseng lalaki si Doc Hanz! Mabait 'yon lalo na kapag tulog!" Sa unang pagkakataon ay tumaas ang boses nito. "Tsaka makikiraan na rin dahil paniguradong gutom na si Sef!"
Rinig pa rin niya ang bulung-bulungan ng kaniyang mga kapitbahay ngunit hindi na niya pinansin ang mga ito. Alam kasi niyang mas lalo lamang siyang aasarin ng mga iyon kung papatulan niya kaya pinili na lamang niyang iwasan ang tatlong Marites.
Tuloy-tuloy itong pumasok sa kanilang tahanan at dumeretso sa kanilang lamesa. Ibinaba niya roon ang mga pinamili at siya namang paglabas ni Sef mula sa kusina. "Akala ko na-traffic ka na sa Edsa, teh. Ang tagal mo samantalang nasa tapat lang ang tindahan," panunuya nito sa kapatid ngunit kaagad ding tinakpan ang bibig nang sikuin siya ni Gabbie at inginuso ang hindi maipintang mukha ni Mela.
"J-Joke lang, ate." Nag-peace sign ito at ngumiti nang malapad ngunit tila walang epekto iyon kay Mela.
"Ano'ng problema, ate?" Naitanong ni Gabbie habang karga-karga ang natutulog nitong anak.
Tiningnan niya ang dalawang nakababatang kapatid, lalo na si Gabbie. Gusto niyang sabihin sa kapatid na hindi niya kasalanan kung niloko siya ng lalaking inibig niya at iniwan siyang luhaan. Gusto niyang sabihin na kahit ano'ng mangyari, nandito lang sila ng ate Sef niya para sa kaniya dahil si Gabbie ang una niyang naisip nang sinabihan siya ng mga Marites nilang kapitbahay na lolokohin lang siya't paglalaruan ni Hanz dahil mayaman ito.
"Wala," iyon lamang ang tanging naisatinig niya. "Lutuin niyo na 'to at lalab'han ko muna ang mga damit ko." Malumanay ang tinig niya ngunit ramdam nina Sef at Gabbie na bad mood ang ate nila. Hindi na lamang nila ito pinilit na magsalita at baka mabulyawan sila.
Umakyat sa itaas si Mela upang kunin ang mga labahan. Napatigil na lang ito sa ginagawa nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone.
Tita Estelita is calling...
Napapikit ito nang mariin. Kung maaari lang sanang hindi niya sagutin ang telepono'y gagawin niya. Ngunit kapag hindi siya sumagot sa tawag niya'y paniguradong isa kina Sef at Gabbie at tatawagan niya't bubulyawan kaya naman wala sa kagustuhang niyang sagutin ang tawag na iyon.
"Hel–"
"MELCHORA!" halos itapon ni Mela ang hawak niyang cellphone sa lakas ng boses ng kaniyang tiyahin at para siyang mabibingi rito. Daig pa niya ang naka-loud speaker. "ANO ITONG NABABALITAAN KONG KUNG SINO-SINONG LALAKI ANG TUMUTULOY DIYAN SA BAHAY NINYO, HA?"
Kumunot ang noo ni Mela sa narinig na paratang ng tiyahin niya. Iisa lang naman ang naging bisita nila rito sa bahay nila ngayong taon, si Doc Hanz lang at sapilitan pa ang nangyari dahil kay Sef at sa ulan tatlong araw na ang nakalilipas. "P-Po?"
"GINAGAWA NIYO NA BANG BAHAY-ALIWAN ANG APARTMENT NINYO? SANTISIMA, MELCHORA! NAKAKAHIYA!"
Mela felt an invisible lump on her throat upon hearing those words. Marami na siyang narinig na masasakit na salita katulad ng walang hiya, walang utang na loob, walang mararating dahil walang tinapos. Hindi niya pinansin ang mga iyon dahil alam niya sa sarili niyang hindi naman iyon totoo. Ngunit ang paratangan siya at ang mga kapatid niya na nagbibigay-aliw sa kalalakihan? Hindi yata matatanggap ni Mela iyon.
"KAYA NAMAN PALA MAAGANG NAANAKAN YANG SI GABRIE–"
"Magdahan-dahan ho kayo sa susunod niyong sasabihin, tiyang, kung hindi ay makakarinig rin ho kayo sa akin!" Buong pagpipigil ni Mela sa galit na nararamdaman niya sa mga panahong iyon. Nakakuyom na ang parehong kamay nito at tila hindi na mapaghiwalay pa ang magkasalubong niyang mga kilay. "At bago niyo ho kami husgahan base sa mga nalaman niyo mula sa mga chismosa, sana inaalam muna ninyo kung ano ang totoo."
Hindi na niya narinig pa kung ano ang sinabi ng tiyahin niya dahil pinatay na niya ang kaniyang cellphone. Hindi bale nang kutyain siya ng kaniyang tiyahin ngunti huwag lang sana nitong idinadamay ang kapatid dahil sobrang nasasaktan ito.
She sat on the wooden floor and leaned against the foot of her bed. Niyakap niya ang kaniyang mga binti at ang kaniyang ulo ay nakapatong sa kaniyang tuhod, pinipigilan ang luhang nagbabadyang lumabas. She heard a slight knock on her door but did not dare look up.
"A-Ate, luto na 'yong pancit canton." It was Gabbie. Ayaw niyang lingunin ang kapatid dahil alam niyang narinig niya marahil ang naging usapan nila ng kanilang tita Estelita lalo na't sobrang lakas ng boses ng tiyahin kanina.
"Tirahan niyo na lang ako." Mahina ngunit ramdam ni Gabbie ang bigat na nararamdaman ni Mela nang mga sandaling iyon kaya hindi na siya pinilit ng nakababatang kapatid.
"Okay, ate. Baba ka na lang mamaya."
──ʚ♡ɞ──
"Ate, isang reply lang talaga!" Nakataas ang mga kilay ni Sef habang kumukuha ng pan de coco na binili ni Gabbie. Nakalahati niya kaagad ang tinapay nang sumubo ito habang umiirap sa kawalan.
"Huwag niyo nang patulan. Huhupa rin 'yan." Itinaas ni Mela ang kanang paa habang kinakamay ang tuyong ipinaris niya sa sinangag. "Tsaka, Sef, magdahan-dahan ka nga sa pagkain. Uso ngumuya bago lumunok."
Lumabas si Gabbie mula sa kusina buhat-buhat ang anak gamit ang kaliwang kamay habang inaalog ang bote ng gatas. "Oo nga, ate. Foul na rin kasi ang sinasabi nila lalo na 'yang si ate Rosario na 'yan. If I know, may tinatago ring kalandian 'yan."
Daig pa ni Mela ang nakikipag-meeting ngayon. Paano't nagising silang tatlo na kasali na sila sa isang GC na ginawa ng pinsan nilang si Shella Mae, ang anak ng kanilang tita Mikaela. Unwanted messages poured in nonstop.
Sef fished out her phone from her back pocket and re-read the last few messages they received.
From Rolliana:
Kpal ng muka mu Melchora!
Sinu k sa akala mu pra bastosin ni mommhy?!
Sent at 03:18am
From Shella Mae:
Bilib n tlga aqoh sa inyo
Palibhasa mga palengkira
Sent at 03:19am
From Rolliana:
Pina aral keo ni mommy
tas babastosin nio lng
Sent at 03:23am
From Bryan:
Pina kaen at pina tira
kyu d2 bahay
nun namatay
mama papa nyu
Momy ku nag alaga sa inyu
tapus di kayu gumalang
Sent at 03:34am
From Bryan:
lalu k na Melchora
tanda u na
wala u rezpekt
palibhasa ur don't finished schooled
Sent at 03:36am
From Shella Mae:
Oh well...
Dina aqoh magtataka
Palibhasa mga ulila
Kaya di kayu naturuan
tumanaw ng
UTANG NA LOOB!!!
Sent at 03:47am
From Rosario:
Ipagdarasal ko
ang mga
kaluluwa nyong
nasusunog
sa impyerno
Mela, Sef, at Gabbie
Sent at 05:30am
From Rosario:
Nawa'y mhanap ulit
nyo ang tmang landas
at sna magsisi kyo
sa png-aalipusta nyo
kay tita Starla
na syang
nag-aruga sainyo
Sent at 05:40am
Nakaismid lamang si Gabbie habang pinapakinggan ang mga iyon. "Dami nilang time, ha. Sana all!" Punong-puno nang sarkasmong pagkakasabi niya.
"Tsaka... Ano'ng pang-aalipusta ba'ng sinasabi ng mga 'yan? Kailan natin inalipusta, eh, puro "oo, Tita" lang tayo palagi noong sa kanila pa tayo nakikitira?" Kung hindi lang pagkain ang hawak nitong si Sef, sigurado si Mela na ibinato na niya iyon sa sobrang inis ngunit minabuti nitong subuan na lamang si Gabbie na nagpapagatas ng kaniyang anak.
Uminom ng tubig si Mela bago nagsalita, "Sa akin galit si tiyang. Nadamay lang kayo." Her voice was soft. Alam niyang kasalanan niya iyon kaya hindi niya magawang kunsintihin ang suhestiyon ni Sef na sagutin ang mga paratang ng kanilang mga pinsan. Noon pa ma'y ramdam na nila ang pagiging outcast sa kanilang pamilya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top