ʚ 08 ɞ
Sabi nila,
"An apple a day, keeps the doctor away".
Pero kung guwapo 'yong doktor,
okay lang kahit may sakit ako
every day.
──ʚ♡ɞ──
"ANG GUWAPO niyo naman, Doc!" abot hanggang tainga ang ngiti ni Gabbie habang nakaupo ito sa bandang kaliwa ng ate Mela niya, habang si Sef naman ay nasa kabila.
"Kung single ka, Dok, single din ako," inipit ni Sef ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang kanang tainga at doon siya nakatanggap ng isang kurot sa tagiliran mula sa ate niya. "I mean... single ang Ate namin."
"She's been kissed but never been damaged down here," dagdag pa ni Gabbie habang itinuturo ang maselang parte ng katawan ni Mela na siyang tinakpan naman no'ng isa.
Tumawa lang si Hanz na nakaupo sa silyang kaharap ng three-seater sofa nila. Napatango-tango siya saka sinabing, "Sabi nga niya."
"OH. MY. GOD, ATE!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Sef sa nakatatandang kapatid. "Mina-marketing mo na ang sarili mo kay Doc Pogi?"
"Congrats, Ate! Level up ka na ngayon, ha," itinaas-baba ni Gabbie ang mga kilay niya. "Basta, ha? 'Yong sinabi ko sa 'yo... may condom sa wallet mo!" pagpapaalala pa niya at natawa ng husto si Hanz.
Mela buried her face in her own two palms. Wala naman siyang balak anyayahan ang binata sa loob ng bahay nila ngunit nakita siya ng kapatid niyang si Sef na bumababa mula sa magarang sasakyan at siya na rin ang nagpababa at nagpumilit na dito kumain ang doktor bilang pasasalamat sa pag-aabalang ihatid ang panganay nilang kapatid sa bahay.
Naikwento rin ng mga ito ang nangyaring engkwentro nila kay Christian kaya nagngingitngit sa galit sina Sef at Gabbie hanggang sa in-interview na nila ang binatang naghatid sa ate nila. "Doc Hanz, masarap akong magluto ng pochero kaya relax ka lang diyan at ready na ang ating ulam in forty-five minutes," saad ni Sef sa binata bago tuluyang tumayo at pumunta sa maliit nilang kusina. Hinila niya si Gabbie upang bigyan ng space ang dalawa. Isinara rin nila ang lumang pintuan.
"HINDI KAMI MAKIKINIG NG USAPAN NIYO, PROMISE!" Rinig nilang sigaw ni Gabbie.
"Pagpasensyahan mo na 'yong mga kapatid ko. Parehong takas sa mental," paliwanag ni Mela.
Hanz gave a genuine smile, "Nakakatuwa sila." tanging naisagot lamang ng binata. "Kami kasi ng kakambal ko, hindi na nagkikita lately kas..."
"Kambal?" pag-uusisa ni Mela. "M-May kakambal ka?"
Tumango si Hanz at dinukot ang cellphone mula sa kaniyang bulsa. Lumipat ito ng upuan sa tabi ni Mela. He opened his gallery and showed a picture of him with his twin sister, "Nasa Australia siya kasama ang napangasawa niyang Marine Biologist at tatlong buwan na siyang buntis. Magiging tito na ako in a couple of month's time." Masayang ibinahagi niya sa dalaga ang impormasyong iyon.
"Excited kang maging Tito?" pagsasatinig ni Mela ng kaniyang isipan.
Tumango si Hanz habang nakatitig sa isang laruang pambata na nakaipit sa gilid ng kanilang sofa. "May pamangkin ka na?" pagbabalik-tanong nito. Napatingin naman si Mela sa kaniya na parang bang tinatanong siya nito kung paano niya nalaman iyon.
"Malay mo sa anak ko 'yan." pagsisinungaling ni Mela.
The doctor giggled and leaned closer to Mela, "Liar!" he told her in his bedroom voice and leaned back to arm rest. "Kasasabi lang ng kapatid mong you've never been damaged down there, paano ka magkakaanak?"
Mela opened her mouth to find words to her defence but nothing came out.
"Doktor ako," pagpapaalala niya. "Sabihin mo lang sa 'kin kung gusto mong ituro ko sa 'yo ang human reproductive system," pagtatapos niya saka kinindatan si Mela. Tinawanan nito ang pamumula ng mga pisngi ng dalaga.
──ʚ♡ɞ──
"Doc Pogi, malakas ang ulan at mukhang may baha pa sa labasan. Dito ka na matulog," suhestyon ni Sef habang lahat silang apat ay nakatingin sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan at napabalitang may baha pa rin sa area nina Mela.
"Maliit lang po itong bahay namin pero walang ipis o daga na gagapang sa inyo rito," komento naman ni Gabbie. "Kung meron man, si ate Mela lang po 'yon."
"Gabriella, isa!" pinandilatan niya ng mata ang bunsong kapatid. Gabbie just stuck out her tongue in response.
Sa kalauna'y wala na ring nagawa si Hanz kundi ang makitulog sa bahay nina Mela. Komportable at masinop ang bahay ng magkakapatid. Dalawang palapag ito at nasa itaas ang mga kuwarto. Napag-alaman niyang may anak na babae ang bunsong si Gabbie at kasalukuyan itong inaalagaan ng Tita nilang mula sa ibang bansa dahil may importanteng exams ang ina nitong linggong ito.
He stood at the door frame, watching Mela fix her bed; Sef and Gabbie will share the same room tonight while the elder Kabayan sibling will stay in Sef's room. He couldn't stop but stare at her doing household chores in her usual pambahay – white loose shirt, shorts, and chanclas.
Hindi man niya isatinig ay alam niyang humahanga siya sa dalagang si Mela. Responsable siya at maasikaso. She can be loud but he can see how much she's willing to sacrifice for her siblings. Sa dami ng babaeng naka-date at naka-fling niya, wala siyang nakitang katulad ni Mela ngunit hindi pa niya mawari kung ano iyon.
Pumitlag si Mela nang makita si Hanz na nakatayo sa nakabukas na pintuan at nakapagpalit na rin ito ng damit. Pinahiraman siya ni Mela ng shirt pampatulog dahil marami itong maluluwang na pambahay. "Ready na 'yong tutulugan mo," nakangiting sambit ni Mela sa kaniya. Lalabas na sana si Mela sa silid upang pumunta na sa kaniyang tutulugan nang pigilan siya nito. Nilingon siyang muli ni Mela, "M-May kailangan ka?"
He stared at her bare face, clipped the strands of her hair at the back of her ear, gave her a soft kiss on the forehead, and a light embrace.
Hindi rin maiwasang mapangiti ni Mela ngunit may isang parte sa kaniya na nagsasabing mali iyon. Boss niya ito at walang dapat mamagitan sa kanila. Nais niyang sabihin lahat ng ito ngunit tila hindi niya magawa dahil may isang bahagi rin sa kaniya na nagugustuhan lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam ni Hanz sa kaniya ngayon. Hindi niya alam kung dahil ba sa pangungulila kaya hinahayaan niya ang sariling pasukin ito o dahil attracted din siya sa guwapong doktor.
"Pumasok ka na sa silid mo," mahinang utos niya sa dalaga. "Baka hindi ako makapagpigil at matutulong kang katabi ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top