ʚ 07 ɞ
Puppy Love...
'Yan 'yong panahong na-inlove tayo sa mukhang aso.
──ʚ♡ɞ──
Napansin ni Mela ang isang pamilyar na pigurang nakatayo malapit sa entrada ng pinagta-trabahuan niya nang matapos ang shift nito – ang ex niyang si Christian! Isang taong matagal na niyang hindi nakikita o nakakausap. Magkahalong pagtataka at pangamba ang bumalot sa dibdib niya habang nakita niyang naglalakad ito papalapit sa kaniya. Nagpalinga-linga pa siya at baka ibang tao ang lalapitan nito ngunit wala pang limang minuto ay nasa harapan na niya ito.
Nakangiti ang loko habang nakapamulsa. Akala niya'y nalimutan na ni Mela ang panlolokong ginawa niya, "Hi, Mela. Kamusta ka na?"
Awtomatikong napataas ang kilay ni Mela sa inasta ni Christian. Halatang namayat ito kumpara noong sila pa at tila mukhang problemado rin. "Ano'ng 'hi' ka d'yan? Close ba tayo para kamustahin mo 'ko?" pagtataray niya rito, kunot ang noo at halatang nais niyang iwasan ang dating kasintahan.
"Mela naman..."
"Hep! Hep! Hanggang diyan ka lang, huwag kang makalapit-lapit sa 'kin kundi ihahambalos ko sa mukha mo 'tong bag ko!" idinamba nito ang kaniyang kamay na para bang handa na niyang hampasin ang ex gamit ang sling bag niya.
Kaagad namang humakbang paatras ang lalaki sa postura ni Mela, "T-Teka... mag-usap naman tayo."
"Usap?!" Singhal ni Mela na para bang wala na ang anumang natitirang pasensya sa katawan niya. "Gago ka ba? Three years ago na simula no'ng lokohin mo 'ko tapos ngayon ka magpapakita para sabihing mag-usap tayo?" Halos nakukuha na niya ang atensyon ng mga taong dumaraan dahil lumalakas na ang boses nito.
Christian looked very uneasy and lost. Siya mismo ay hindi alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang magpakita muli kay Mela gayong alam niyang galit na galit ito sa kaniya dahil sa panlolokong ginawa nila sa kaniya. Paalis na sana si Mela nang pigilan niya ito. Hinawakan niya ang kanang braso ng dalaga at may kahigpitan iyon.
"Bitawan mo 'ko!" may halong pananakot ang boses ni Mela.
Hindi naman siya pinagbigyan ni Christian at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng dalaga, "Mela, wala lang akong malapitan ngayon at alam kong maganda na ang trabaho mo. Hindi mo na rin problema ang mga kapatid mo kaya nagbabakasakali lang ako na baka mapautang mo ako."
Hindi makapaniwala si Mela sa kaniyang narinig. Isang malaking 'O' ang gumuhit sa mga labi niya kasabay ng halos pagluwa ng mga mata niya.
"Limang libo lang, Mela," pagpupumilit pa ng dati nitong kasintahan.
"Utang?" Ulit ni Mela. "Hoy, Christian, ni hindi na nga kita siningil sa utang mong tatlong libo no'ng tayo pa tapos ngayon..." hindi maituloy ni Mela ang kaniyang sasabihin.
Ngunit nagpupumilit si Christian at hindi niya binibitiwan ang dalaga. Mas humihigpit na rin ang hawak niya sa braso nito at nakakaramdam na ng sakit si Mela. "Sige na, Mela. Limang libo lang. Para naman tayong walang pinagsamahan." Inilapit niya ang bibig sa tainga ng dating nobya na ngayon ay nagpupumiglas na. Pinipilit rin nitong ipaharap ang mukha niya habang inaamoy nito ang buhok ng dalaga.
"Christian, bitiwan mo 'ko!"
──ʚ♡ɞ──
Palabas na si Dr. Hanz mula sa kaniyang opisina nang may kumatok bago tuluyang pumasok ang isa sa mga staff nurse na naka-assign ngayon sa admission. May dala-dala itong malaki ngunit tagpi-tagping wallet. Halatang napag-iwanan na rin ito ng panahon dahil kupas na ang kung ano mang naka-design doon.
"Doc, naiwan po ng sekretarya niyo sa cafeteria. Nagmamadali kasi kaninang makabalik dahil ayaw raw mag-over break," paliwanag nito. "Hindi ko naibigay ng mas maaga kasi dumami po ang admission sa ER around lunch time."
Kinuha niya ang wallet ni Mela mula sa nurse at bumalik na rin iyon sa kaniyang duty. Dalawang linggo nang nagtatrabaho si Mela para sa kaniya at nakikitaan niya ito ng improvement. Mayroon pa rin siyang mga pagkakamali ngunit minimal lang naman kaya hinahayaan na niya.
He turned on his computer once more and looked through Mela's profile. Inalam nito ang address ng dalaga upang ibalik ang wallet niya. Ilang araw na rin kasi niyang naririnig na kausap ang isa sa mga kapatid niya at sinasabing mawala na raw ang ID niya 'wag lang ang wallet na ipinamana pa sa kaniya ng namayapa nilang ina.
Bumaba na ito at tinungo ang parking lot sa basement upang kunin ang kaniyang Land Range Rover Sport White car. He registered Mela's address on Google Maps and began driving. Napatigil siya sa pagmamaneho nang marinig ang sigaw ni Mela sa di kalayuan kung saan siya lumabas.
"Christian, bitiwan mo 'ko!"
Kaagad na ipinarada ni Hanz ang kotse niya sa malapit at dali-daling pinuntahan si Mela. Akmang hahalikan na siya ng lalaking nakahawak sa kaniya, mabuti na lamang at napigilan niya.
"Sinabi niyang bitiwan mo siya, 'di ba?" kalmado ngunit may pahiwatig ng babala ang boses ni Hanz.
Masama naman siyang tiningnan ni Christian. Halos magkasingtangkad lang sila kaya wala ni isa sa kanila ang nagpapatinag. "P're, puwede ba? Syota ko 'yan eh! 'Wag ka ngang mangialam!" Akmang aabutin na naman sana niya ang braso ni Mela nang itulak siya ni Hanz palayo at halos matumba pa ito sa sahig.
Nagtago naman si Mela sa likod ng doktor, nanginginig dahil sa pinaghalong takot at galit. Susugod pa sana si Christian nang dumating ang dalawang security guard. "SYOTA KO 'YAN! NAG-UUSAP LANG KAMI!" pagpupumiglas nito. "NANGINGIALAM 'YANG GAGO NA 'YAN! SIYA HULIIN NIYO!"
Hinawakan ni Hanz ang braso ni Mela at hinila niya ang dalaga sa kaniyang tabi. He put his arms around her, making her feel safe. He caressed her arm to calm her and whispered, "Hindi ka niya masasaktan."
"Ser, sa presento na po kayo magpaliwanag sa panggugulo niyo kay Ma'am Mela at doc," paliwanag naman ng security guard na nakahuli kay Christian.
"Mang Jose, kayo na po ang magpa-blatter sa kaniya at pakisabi sa mga pulis na tawagan ako para magsampa ng kaso," utos niya sa guard bago inilayo si Mela mula sa lalaking iyon. He guided her to the passenger's seat. Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ng dalaga at natigilan pa ito nang magkatitigan silang dalawa.
Their faces are only centimetres apart and Hanz could clearly breathe the fresh mint that Mela had earlier. He can also smell the sweet fragrance of Vanilla extract from her cologne. His eyes travelled down to her pink lips and was tempted to press his against hers while memories of the night they first met came rushing through like a flash of light. He has the eagerness to recreate the passionate kiss they once shared.
Sayang nga lang at tumunog ang cellphone ni Mela kaya bumalik ito sa kaniyang ulirat. Hanz decided to pull away, close the passenger's seat door, and went towards the driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan at hinayaan si Mela na makipag-usap sa telepono.
"Oh, Gabbie. N-Napa... napa-ano ka... nap..." She closed her eyes and took a deep breath. "May problema ba, Gabriella Kabayan?"
"Shocks, ate! Bad timing ba ang pagtawag ko? May moment ba akong nasira?"
Kumunot muli ang noo ni Mela, "A-Ano'ng pinagsasasabi mo, Gabriella?"
"Ate, the last time you called me by my real name over the phone was when you and your good-for-nothing ex boyfriend were making out. 'Yong muntik mo nang isuko ang iyong perlas ng silanganan!"
Nakaramdam ng kakaibang tensyon at init si Mela sa sinabi ng kaniyang kapatid. Naka-on naman ang aircon sa kotse ni Hanz ngunit hindi niya alam kung bakit para siyang lalagnatin lalo na kapag sumasagi sa isipan niya ang pag-akbay na ginawa ng binatang doktor kanina at kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't isa ilang minuto pa lang ang nakakaraan.
"So... meron nga?" pilyang tanong ni Gabbie nang hindi kaagad makasagot ang ate niya.
"Gabriella, ano ba? Sasabihin mo ba sa 'kin kung bakit ka tumawag at nagsasayang ng load o hihintayin mong kurutin ko 'yang singit mo pag-uwi ko ng bahay?" mapagbantang hamon ni Mela sa bunsong kapatid.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabbie bago sumagot, "Ate, may extra cash ka ba diyan? May project kasi kami."
Kumalma si Mela at pumikit ng mariin, "bibigyan kita pagkauwi ko."
"Thank you, Ate! The best ka talaga!" pambobola ni Gabbie sa panganay na kapatid. "Oh, sige, Ate. Ituloy niyo na kung ano man 'yong naudlot niyong momol. May condom akong nilagay sa wallet mo para hindi ka mabuntis, okay? Labyu!"
"GAB–" Hindi na naituloy ni Mela ang pagsigaw dahil una, pinatay na ng sutil niyang kapatid ang tawag; at pangalawa, naalala niyang nasa loob siya ng sasakyan ni Hanz. "S-Sorry, sutil kasi 'yong bunso kong kapatid."
Ngumiti lang si Hanz at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Siya nga pala, Mela," tawag niya rito nang huminto ang sasakyan dahil sa red light. Nagsimula na ring bumuhos ang ulan nang mga sandaling iyon kaya pinindot niya ang wiper ng kotse niya. Kinuha niya ang wallet ng dalaga mula sa backseat. "Nakalimutan mo ang wal–"
Pareho silang nakatingin sa isang parisukat na paketeng nalaglag mula sa sira-sira nang wallet ni Mela. Iniabot ni Hanz ang gamit ni Mela at maging ang nalaglag na pakete ay kinuha rin niya. Pareho nilang tinitigan iyon.
"Shit!" napamura si Mela nang mapagtantong iyon ang condom na tinutukoy ng kaniyang kapatid. She heard Hanz clear his throat and even lowered the temperature. "H-Hindi akin 'to!" Pagpapaliwanag ni Mela.
Isang pilit na tango naman ang iginawad ni Hanz sa kaniya dahil hindi niya alam kung bakit nagpapaliwanag ang dalaga sa kaniya. "Y-You don't really have to explain," sa unang pagkakataon ay nautal siya habang kausap ang dalaga.
"Hindi talaga sa 'kin 'to!" pagpupumilit ni Mela. "Wala naman akong panggagamitan niyan kasi virgin na virgin ako. Intact na intact pa ang hym–"
Pinagsara ni Hanz ang mga labi ni Mela gamit ang hintuturo at hinlalaki nito bago niya hinarap ang dalaga. The traffic here in EDSA can be endless and he is sure they will be stuck here for the next thirty minutes or so. He exhaled air and faced the woman sitting at the passenger's seat. Inilapit niya ang mukha niya sa dalaga at hindi na nagdalawang isip pang halikan ito.
Mela shut her eyes and tasted Hanz's lips. It's the first time she is kissing him consciously. She didn't know that he is damn a good kisser and she wanted more when Hanz decided to pull away. "Damn, Mela... stop making me crave for you," he whispered and was fighting against his carnal desires. He planted a kiss on her forehead and went back to the steering wheel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top