ʚ 06 ɞ

"Aanhin pa ang gravity
kung ako'y nahuhulog na sa tuwing ika'y ngingiti?"

──ʚ♡ɞ──

Sa unang araw ni Mela sa trabaho bilang sekretarya ni Dr. Hanz, tila nalula siya sa dami ng mga papeles sa kanyang mesa. Bilang isang taong hindi bihasa sa medikal na terminolohiya na ginagamit ng kanyang mga kasamahan, nahirapan siyang makasabay sa mga gawaing itinalaga sa kanya. Sa kasamaang palad, humantong ito sa isang negatibong engkwentro sa Head Nurse na si Ms. Ayumi Gavieres.

Napansin ni Ayumi ang mabagal na pagkilos ni Mela at nagpasyang ipahayag ang kanyang pagaka-disgusto sa dalaga. Pinagalitan niya ito at pinuna sa harap ng iba nilang mga katrabaho dahil hindi man lang niya nauunawaan ang basic medical terminology at ipinapahiwatig na hindi siya karapat-dapat para sa trabahong iyon.

Inaamin ni Mela ang kaniyang kakulangan  ngunit nagpatuloy pa rin si Ayumi sa panggigisa kay Mela dahil nadi-delay raw ang mga reports na kailangang pirmahan ng doktor at maging ang pagbibigay ng gamot at scheduled surgeries ng doktor ay delayed rin.

"Ewan ko ba naman kasi kung bakit sa dinami-daming qualified na maging assistant, ikaw pa ang kinuha ni Doc!" halos mag-180 degrees ang pag-ikot ng mata ni Ayumi habang nakapamewang nitong pinagagalitan si Mela sa harap ng iba nilang mga kasamahan. Nanatili namang nakayuko ang dalaga, unang araw sa trabaho kaya pinipigilan niyang uminit ang ulo niya, at inaamin naman niya ang kaniyang kakulangan.

Sa kabutihang palad, may isang tao na naglakas-loob upang awatin na ang Head Nurse dahil magkakalahating oras na yata niyang sinusungitan si Mela. "Ms. Gavieres, she already acknowledged her shortcomings and it's her first day. Give it a rest!" pag-aawat ng dalagang naka-white laboratory gown and may suot ng dark rimmed glasses. Balingkinitan ang pangangatawan nito at kahit may kalahating metro ang layo ay amoy na amoy ni Mela ang mamahaling pabango ng dalagang umaawat kay Ayumi.

"Rich kid siguro." ani ng isipi ni Mela.

Ang babaeng iyon naman ang hinarap ni Ayumi na nakataas pa rin ang kilay. "Ms. Ortega, can you mind your own business?"

Namilog ang mga labi ni Mela. Hindi niya intensyon na magkaroon ng alitan ang mga katrabaho niya dahil sa kaniya kaya naman sinubukan niyang pumagitnasa dalawa, lalo na't mukhang mataray pa man din ang Head Nurse.

"I should tell you the same thing, Ms. Gavieres!" the lady's response drew attention. Ikinagulat rin iyon ng Head Nurse. Tila ba ngayon lang nila narinig  na sumagot ang dalaga sa pabalang na paraan. "She's Doc Montesilva's secretary and the only person who can educate and scold her is the doctor himself, not you."

Ayumi looked taken aback. "Aba, Kalixta! Nangangatwiran ka na? Dahil lang hindi ikaw ang na-promote, nagta-tantrums ka na?"

Ipinagkrus ni Kalixta ang kaniyang mga kamay at nilapitan si Ayumi na siyang napaatras. "If being promoted in this hospital means kailangan kong mang-power trip at mamahiya ng katrabaho para lang ma-satisfy ang ego ko... huwag na lang!"

Tila nawalan ng sasabihin ang Head Nurse dahil sa mga binitiwang salita ni Kalixta ng mga sandaling iyon kaya. Maging ang mga katrabahong nakakakilala sa dalaga ay nagulat rin sa tinuran niya.

Humakbang muli papalapit si Kalixta kay Ayumi na siya namang humakbang patalikod. "And need I remind you that this is a hospital and you are still wearing your uniform? Kindly act accordingly!" Hindi na hinintay ni Kalixta na makasagot si Ayumi sa kaniya. Inirapan niya ito at tinalikuran na. Agad namang nagsibalikan ang mga katrabaho nila sa kani-kanilang ginagawa, tila nakaramdam ng takot sa inasal ng dalaga kanina.

Kaagad ring sumunod si Mela sa dalaga, "M-Miss Ortega? T-Thank you sa pagtatanggol mo sa 'kin." Halos nahihiyang sambit nito at natigil silang pareho sa paglalakad. Nagulat siya nang bigla siyang lingunin ng kausap. Inaasahan nitong maging siya ay tatarayan niya.

Tumango ang dalaga sa kaniya saka nilahad ang kamay, "Call me Kali."

Ngumisi naman si Mela hanggang maningkit ang kaniyang mga mata, "Ang sosyal naman ng pangalan mo. Kali, parang Kalipornya." nakangisi niyang banggit na siya namang nagpatawa sa dalagang kanina'y tila walang puwedeng makaawat.

"It's Kalixta," pagtatama niya rito.

"I'm Mela," pagpapakilala naman niya sa kaniyang sarili. "Mela for short and Melchora for long."

Kali giggled the way Mela introduced herself. She needed a good laugh for the rough days she's been having lately.

──ʚ♡ɞ──

Dr. Hanz sat behind his desk in his office, observing Mela as she stood nervously before him, "Maupo ka Mela."

Nag-angat kaagad ng ulo si Mela. Iniyuko niya ang kalahati ng kaniyang katawan at sumandal sa mesa ng doktor, magkadaupang palad itong nagsusumamo sa kaniya. "Doc, sorry na talaga! Alam ko dahil sa kapalpakan ko kaya marami kayong delays ngayon pero I promise with all my heart, mind, and soul na hindi ko 'yon sinasadya!"

Dr. Hanz cleared his throat and fixed his tie, "Puwede bang maupo ka na lang o 'di naman kaya'y takpan mo muna ang iyong dibdib bago ka sumandal sa mesa ko?" halos pabulong nitong sambit.

Napaangat ng ulo si Mela at kita-kita niyang umiiwas ng tingin ang doktor sa kaniya. Napatingin naman siya sa kaniyang dibdib at halos gusto na niyang magpakain sa lupa dahil sa ginawa niya. Paano? Nalimutan niyang nag-over dress siya sa kaniyang unang araw. Nagpadala kasi siya sa pambubuyo ng kapatid niyang si Sef na kailangan sexy siya sa unang araw ng trabaho bilang isang secretary dahil parte raw sa trabaho niya ang kaniyang imahe.

Halos sabunutan na ni Mela ang sarili sa kahihiyan. Umupo ito sa isa sa mga silyang bakante at hinintay ang sasabihin ni Hanz. Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho lalo na't nanghingi ito ng advanced payment upang maka-enroll si Gabbie sa Lauchengco International School.

Sensing her defensiveness, he spoke in a calm and reassuring tone. He cleared his throat after sharing a brief moment awkward silence, "Mela, I wanted to talk to you about Ms. Gavieres."

"I-I'm really, very, truly sorry, Doc."

"Nakarating sa akin ang ginawa niyang pamamahiya sa 'yo. Are you okay?" he asked.

"Mali ko po talaga pe–" natigilan si Mela sa pagdi-depensa niya sa kaniyang sarili at napatitig lamang sa binatang doktor. Hindi niya kasi sigurado kung tama ba ang narinig niya. "Ti-Tinatanong niyo po ako kung okay lang ako?" paninigurado niya.

Tumango naman si Dr. Hanz bilang tugon, "I would assume you'd feel bad and embarrassed because of the way she treated you."

Napakamot ng batok si Mela. Sanay kasi ito na palaging nakakagalitan ng mga boss niya sa tuwing pumapalpak siya, si Vino lang naman ang pinakamabait sa kaniya kaya nga doon siya pinakamatagal. "Ah, sanay na ako ro'n, Doc! Hindi na bago sa 'kin 'yon. Kasalanan ko rin  naman kasi wala talaga akong alam sa mga medical churva!" pag-aamin niya sa kaniyang kamalian ngunit tila kaagad rin niyang pinagsisihan. "P-Pero ginagawa ko naman 'yong best ko na alamin 'yong mga 'yon. At least sa susunod kapag sinabing sepalja alam ko nang headache ang ibig sabihin no'n," buong kompyansa niyang sambit.

"It's cephalalgia," pagtatama naman ni Dr. Hanz sa kaniya sa malumanay na paraan at napakagat naman ng ibabang labi si Mela. "But that's not really important," he dismissed the topic and went back to what he wanted to discuss with her from the beginning. "Look, Mela. I understand your situation and I want you to remember that everyone has a learning curve when starting a new job. At kung sakaling nahihirapan ka, huwag kang mahihiyang humingi ng tulong."

Mela's defensive stance softened slightly as she listened to Dr. Hanz's understanding words, "Pakiramdam ko lang kasi parang hindi ako nararapat sa trabahong ito lalo na't nabanggit niyang marami kayong na-interview na may medical background. Samantalang ako, panay raket lang tapos ang pinakamatagal ko pang trabaho ay bilang bartender."

Nakayuko ang ulo ni Mela nang mga sandaling iyon, hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Dr. Hanz dahil nanliliit siya sa sarili niya. Ilang ulit na niyang sinabi sa sarili niyang naswertehan niyang siya ang piliing maging assistant ng doktor na ito at maganda rin ang benefits na makukuha niya sakaling makatagal siya kahit isang taon man lang.

"Mela," tawag ni Dr. Hanz sa kaniya kaya naman napilitan itong lingunin siya. "Ms. Gavieres' opinion does not define your capabilities. Ikaw ang pinili ko dahil naniniwala ako sa kakayahan mo at responsibilidad kong gabayan ka at suportahan kita. Huwag mong hayaang masiraan ka ng loob dahil lang sa sabi-sabi ng iba."

Mela felt the sincerity of the young doctor and she couldn't help but get teary-eyed. Sa dinami-dami ng pinagtrabahuan niya, iilan lang ang may mabubuting puso na katulad ni Vino at ni Dr. Hanz. Hindi niya napigilan ang sariling mapaiyak dahil sa pagpapahalaga at oportunidad na binibigay sa kaniya ngayon.

Iniabot ni Dr. Hanz ang facial tissue box kay Mela na nasa gilid ng kaniyang lamesa. Iinom na sana ito ng tubig ngunit nasamid ito dahil sa komentaryo ni Mela.

"Grabe ka, Doc! Aylabyu na!"

Halos maibuga tuloy ng doktor ang iniinom niyang tubig, "H-Ha?!"

"I-I mean... AS A BOSS! Aylabyu as a boss!" at katulad nga kanina, tila gusto na namang magpalamon ni Mela sa lupa!

──ʚ♡ɞ──

Author's note: I am also writing on the platform TypeKita.

Please download the app and scan the QR code to follow me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top