ʚ 05 ɞ
"Dear crush,
Kung hindi mo mahanap
ang taong para sa 'yo,
dadaan ulit ako sa harapan mo.
Slow motion pa
para mapansin mo lang ako."
──ʚ♡ɞ──
"KAKAPALAN ko na ang mukha ko. Puwede bang taasan mo ang alok mong sahod at kung puwede rin sanang humingi na rin ng advanced payment?"
Kumunot ang noo ni Hanz sa narinig. Sa unang pagkakataon ay may naglakas ng loob na tanungin kung puwedeng taasan ang ino-offer nitong salary lalong-lalo na ang humingi ng advanced payment kahit hindi pa ito nagsisimula sa trabaho.
"Gagalingan ko ang trabaho ko. Pramis!" Rinig niya ang sinseridad at desperasyon ng dalaga.
Kung ibang tao ito, hindi na niya pag-aaksayahan pa ng oras si Mela. Ngunit may kung ano sa kaniya na nagsasabing mabuting tao ang dalaga.
"Kahit weekends magta-trabaho ako!" Dagdag pa ng dalaga. "Kahit wala na rin akong bakasyon except lang sa birthday ng lola at ng mga kapatid ko."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago sumagot. "Be here tomorrow at seven in the morning. The dress code is semi-formal." Ibinaba niya na ang tawag dahil ipinatawag siya ng Medical Director and CEO.
Kinatok ni Hanz ang pinto ng opisina ni Dr. Armeo Uytingco bago ito binuksan at tuluyang pumasok. His office screams luxury and elegance. The walls are painted in ivory. Behind his spacious office desk made in glass is a large built-in bookshelf filled with medical books, case studies, trophies, and certificates. It is made in black and gold marble. May dalawang cream-coloured, elegant four-seater sofa sa gitna na magkatapat at isang glass coffee table. Underneath is a white carpet with gold prints.
Dr. Uytingco's office is found at the top floor of their North Wing building. The hospital have forty-five floors that does not include their receiving area and waiting area on the ground floor. They also have a separate four-floored parking space aside from their basement parking area. Parang luxury hotels ang mga kuwarto rito at sinisigurado nila na komportable ang bawat pasyenteng ma-admit sa hospital na iyon.
Lahat ng kuwarto para sa mga pasyente ay may private bathroom with hot and cold shower, automatic faucet, and the separate urinating bowl flushes automatically as well. The economy room have one seater sofa, a sofa bed for the companion, and installed with twenty-inched flatscreen television; while their VIP room has more space with a thirty-two inch flatscreen television, a small kitchen, and extra bed for the companion.
Bukod sa man-made park na sumasakop sa ground floor ay may mga kainan rin doon upang hindi na mahirapan pang humanap ng kakainan ang mga empleyado at kasama o bisita ng mga pasyente. May mga kainan rin every three floors at coffee shop. May designated room area rin para sa mga taga-bantay na naninigarilyo.
"Hanz! I'm glad you're here." Ibinaba ni Dr. Uytingco ang binabasa nitong medical report at tumayo upang makipagkamay sa binata. Sinalubong niya ito at naupo sila sa magkatapat na sofa. "Handa ka na bang pumunta sa University Hospital of Santa Monica next week?"
Tumango si Hanz bilang tugon. He is being sent to Santa Monica University Hospital to make sure that Kalixta Uytingco, Dr. Armeo Uytingco's unica hija, is safe habang inaayos nila ang gulong nangyayari sa kanilang Research Institute sa Canada.
Nangangamba kasi ang matandang doktor na nasa panganib ang anak nito lalo na't isang doktor na corrupt ang namumuno sa department kung saan naroon si Kali.
"Yes. And I have found someone to bring with me as an assistant." Sagot ni Hanz. "Siguradong hindi magsusupetsa si Dr. Taberna lalo na't wala siyang makukuhang impormasyon sa sekretaryang dadalhin ko."
Dr. Uytingco nodded and looked pleased. "I know I can count on you, Hanz. Malaking bagay itong gagawin mo para sa akin at sa hospital."
Nakilala nina Hanz at Macey si Dr. Uytingco dahil sa milyonaryang pinsan nito na si Mrs. Ventura na naging pasyente ng dalawa ilang taon na rin ang nakalilipas.
──ʚ♡ɞ──
IT'S Sunday evening and Mela went to Hypnos Bar. Balak na rin niyang magpaalam kay Vino na ito na ang huling gabi niya as a part-timer. Ala una naman magsasara ang bar at thirty minutes lang naman ang layo ng bar sa bahay nila kung magta-taxi siya.
"Mela? Ano'ng ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Vino, ang may-ari ng bar, nang makita siya nito sa entrance. A las siyete pa lang ng gabi at kabubukas lang ng bar.
"Sunday ngayon. May shift ako." Sagot niya. "Limot mo na?"
Vino chuckled and shook his head. "Kinausap na ako ni Hanz. Magtatrabaho ka na raw sa kaniya full time."
She was left speechless. Hindi niya inakala na mag-aaksaya ng panahon ang bago niyang boss na ipagpaalam siya kay Vino. Ikinagulat rin niya nang may inabot itong sobre sa kaniya. "A-Ano ito?" Binuksan niya ang sobre at nagulat na may laman itong pera. She looked at him with much confusion.
"You've been a trustworthy employee for the past three years kahit na pumapa-part time ka lang. Accept that as your separation pay." Paliwanag ni Vino rito. "Nandiyan sa loob ang calling card ko kung sakali mang kailanganin mo ulit ng part time."
Abot-langit ang kasiyahan ni Mela sa mga sandaling iyon. Nagpaalam na rin si Vino dahil kailangan na niyang pamahalaan ang business nito. Inilagay na rin niya ang sobre na may lamang pera sa bag niya.
Pauwi na sana si Mela nang may humarang sa kaniyang mga binata, lasing na at mukhang nasa mid-twenties pa ang edad. "Hey, miss. Wanna join us for a ride?" Kumindat ang lalaking may braces habang iniinuman ang bote ng beer na hawak niya.
"Hindi ako interesado lalo na sa pangit!" Pabalang na sagot ni Mela. Aalis na sana nang hawakan naman siya ng isang binata sa braso.
"Teka lang, miss..." medyo naiinis na sambit naman ng binatang mataba at halos kasingtangkad lang ni Mela. "Wag ka ngang maarte d'yan! Binayaran ka nga ng lalaki kanina kaya babayaran ka rin namin! Doble o triple pa! Name your price!" Buong kompiyansang saad nito sa kaniya at hinaplos ang pisngi ni Mela.
Hinawi naman agad ng dalaga ang kamay ng binatang walang modo at feeling guwapo pero mukha namang tuko. Nagpumiglas rin siya upang bawiin ang braso niya saka sinampal ang lalaking mataba. "BASTOS!"
"Aba't..." Mela shielded herself against the two men who were ready to hit her. Ilang segundo ring nakataas ang kamay niyang pinag-krus niya sakali mang saktan siya ng dalawang lalaki ngunit ni isang daplos ay wala itong naramdaman.
"Ang babae, nirerespeto at inaalagaan. Hindi sinasaktan!"
Marahang ibinaba ni Mela ang kaniyang mga kamay at tumingin sa likod ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Isang matangkad na binata ang may hawak sa kamay ng matabang lalaki na nagmukhang pandak dahil sa katangkaran ng taga-sagip niya.
"D-Doc Hanz?" Bulong ni Mela sa sarili ng mahimigan ang boses nito.
Bahagya siyang nilingon ng binata. Lalong naging prominente ang katangusan ng ilong nito. Inalayan rin siya ng ngiti bago hinarap ang dalawang lalaking nais siyang bastusin.
"Huwag ka ngang makialam at humanap ka ng sarili mong babae!" Asik ng payat na binatang may braces. Akmang susuntukin niya na si Hanz ngunit mabilis ang reflexes ng doktor.
Kaagad na nahagip ng kamay ni Hanz ang kamao ng lalaking iyon. Pinilipit niya ito hanggang sa lumuhod ang kaaway dahil sa sakit. "T-Tama na! M-Masakit!"
Susuntukin rin sana siya ng matabang lalaki ngunit hindi naituloy nang tingnan siya ni Hanz ng masama. Bagkus ay kumaripas na lang ito ng takbo papalayo.
He sat and faced the guy holding his almost injured hand. Matatalim ang mga matang ipinukol sa doktor ngunit alam rin nitong wala siyang laban rito.
Hanz leaned forward and warned him in an almost whispering manner, "Don't you dare disrespect my woman!"
──ʚ♡ɞ──
Get to know Kalixta Uytingco by reading my story Reflection.
Mrs. Ventura was introduced on Let Met be the One.
Vino is part of the group called The Rebels.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top