ʚ 04 ɞ
"Ang taong
makapal ang mukha,
hindi alam ang
salitang hiya."
──ʚ♡ɞ──
INAYOS ni Mela ang sarili at gumamit pa ng breath freshener upang masiguradong mabango ang hininga nito. "Mabuti na'ng sigurado. Baka sabihin pa ng doktor na ang ganda ko pero 'yong hininga ko puwede nang pumatay ng tao." Sambit nito sa kaniyang sarili.
Inilabas niya ang pocket mirror at nag-practice kung paanong ngiti ang gagawin niya. Natigilan lang siya sa ginagawa nang mapansing pinagtitinginan siya ng mga student nurse at ang iba pa nga'y tatawa-tawa pa. She closed her pocket mirror and waved at them na para bang kasali ito sa Miss Universe. "Wish me luck, guys! May interview ako! Sana maiuwi ko ang korona na walang virus!" Tumawa lang ang karamihan habang nag-thumbs up naman ang mga binata sa kaniya, sign that they are wishing her luck.
Ibinalik na ni Mela ang pocket mirror sa loob ng kaniyang lumang shoulder bag. Simple lang ang get-up niya — t-shirt, rubber shoes, at black leggings. Her long hair is tied up. May mga umuusli pa ngang baby hairs sa noo niya. Tagalinis lang naman ang ina-apply-an niya kaya hindi na siya nag-abala pang mag-ayos. Hindi naman siya nasabihan na doktor pala ang mag-i-interview sa kaniya.
Kumatok ito sa pintuan. "Come in." A man's voice responded.
Pinihit ni Mela ang pinto upang buksan iyon. She let herself in and closed the door behind her. Nakatalikod ang upuan ng doktor sa kaniya. "Good afternoon, ho, doc." Rinig sa boses niya ang sigla. Ipinatong ni Mela ang kaniyang resume sa mesa ng doktor kung saan nakalagay ang desk name plate nito na gawa sa kahoy. "Ako po si Melchora Dimagiba-Kabayan at narito ako para mag-apply as..."
"...my secretary." Pagtatapos ng doktor na nagngangalang Hanziel Montesilva.
"...as your sec—" natigilan si Mela. Muntik na niyang kopyahin ang sinabi ng doktor. "Se-Secretary?" Pag-uulit nito at nanatili pa ring nakatalikod sa kaniya ang doktor. "Ay... hindi ho. Tagalinis po ang ina-apply-an ko at..."
Natigilan siya sa pagsasalita nang unti-unting nag-rotate ang swivel chair ng doktor. Tinitigan niya ang guwapong mukha nito — ang singkit nitong mga mata, ang matangos na ilong, at ang mga labi nitong parang masarap halikan.
Namilog nang husto ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang kaharap nito. "I-Ikaw 'yong..." mahina ang pagkakasambit niya. She covered herself using her own hands, especially her private parts, dahilan kaya napatawa ang binata sa kaniya. "Kay lakas ng loob mong tumawa! Palibhasa nakuha mo na ang aking..."
Tumayo si Hanz mula sa kinatatayuan niya upang pakalmahin ito. "Miss..."
"Huwag kang lalapit!" Banta ni Mela at dinuro pa ang doktor. Matatalim rin ang mga mata nitong tiningnan siya. "Nakuha mo na ang gusto mo mula sa akin kaya puwede ba? Huwag kang ngumiti na akala mo good boy ka!"
Mas lalong natawa ang binatang doktor sa tinuturan ni Mela. "Look, I think there's a misunderstanding here."
"Naku! Ano'ng misunderstanding-misunderstanding ka d'yan?" Halos humiyaw ito sa inis. "Oh, hindi ba pinagsamantalahan mo ang pagkababae at kalasingan ko noong nakaraang linggo?"
Nalilito siyang tiningnan ni Hanz. "W-What?"
"What-What-in mo mukha mo!" Pabalang na sagot nito. "Huwag kang mag-alala! Hindi naman ako 'yong tipo ng babae na maghahabol dahil lang sa nakuha na ng lalaki ang pagkababae ko!" Paglilitanya nitong si Mela kaya naman napakagat ng ibabang labi si Hanz upang pigilan ang kaniyang pagtawa. "Pero ito lang ang masasabi ko sa 'yo..." she pointed a finger again at Hanz. Pinaningkitan pa niya ito ng mga mata. "Hindi porque isinuko ko ang Bataan ko sa 'yo, eh, kaladkaring babae na ako! Nakuha mo man ang aking perlas ng Silangan, mayroon pa rin akong dignidad at paninindigan dahil ako si Melchora Kabayan!"
Hindi na napigilan pa ni Hanz at napakawalan nito ang mahinang pagtawa dahilan ng pagkulo ng dugo ni Mela. Halos gusto nang manakal ng dalaga pero natigilan ito nang tumayo si Hanz at nilapitan siya. Literal na napaangat siya ng tingin dahil sa katangkarang angkin nito.
"H-Huwag kang lalapit..." her voice was shaking. "S-Sisigaw..." she cleared her throat. "Sisigaw ako!"
Napapikit ito ng mariin nang maramdaman ang pader sa likuran niya. She covered herself again using her bag and hands. "Miss, buo pa ang hymen mo." Bulong nito sa kaniya.
Napaangat muli ng tingin si Mela sa kinaroroonan ni Hanz. He's smiling at her innocently. Si Mela naman ngayon ang tila nalilito. "B-Buo pa?" Hindi makapaniwala nitong tanong at tumango naman ang binata. "Pero bakit wala akong saplot? Ha?" Halos humiyaw itong muli.
"Sumuka ka, umutot ka pa. Kahit itanong mo 'yong babaeng hotel staff na tumulong sa 'yo." Seryosong sagot ni Hanz at bumalik na ito sa kaniyang swivel chair habang si Mela naman ay tila gusto nang magpakain sa lupa dahil sa narinig.
Kinuha ni Hanz ang resume ng dalaga at binasa iyon. "So... you are computer literate and have an experience as a call center agent." He highlighted those two specific skills on Mela's resume. Her other work experiences are irrelevant to him. "You're hired."
"Hired?" Tumango si Hanz. Ilang minuto na iprinoseso ng utak ni Mela ang katagang iyon sa kaniyang isipan. "Alam kong doktor ka pero itatanong ko na rin... naka-drugs ka ba?"
──ʚ♡ɞ──
ISANG linggo na ang nakararaan mula nang tanggihan ni Mela ang alok na trabaho ng doktor sa kaniya. Maganda naman ang offer sa kaniya ngunit pakiramdam niya'y hindi niya kakayanin ang trabaho lalo na't wala naman siyang enough experience sa gano'ng klaseng trabaho.
"Don't call me, sir. I'll call you." Nagmamatapang nitong saad matapos marinig ang offer nitong twenty thousand pesos monthly salary, transportation and rice allowance, and health insurance.
Hindi na nagsalita ang doktor at basta na lang nitong kinuha ang isa sa nga calling cards na katabi ng desk name plate nito.
Nawala ang dalawang raket niya dahil nagsara ang mga ito. Tanging ang Hypnos Bar na lamang ang natitira nitong trabaho ngunit tuwing Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng gabi lang siya nagta-trabaho doon.
Kakalabas lang niya sa isang maliit na cafeteria matapos ang interview nang tumunog ang cellphone nito.
Tita Estelita calling...
Napabuntong hininga siya. Hindi na niya kailangan pang manghula dahil alam na niya kung ano ang sasabihin nito sa kaniya dahil simula noong maulila sila'y iisa lamang ang sinasabi nito sa kaniya.
She pressed the answer button with a heavy heart.
"Oh, Melchora! Katapusan na! Nasaan na ang ipapadala mo? Aba! Kailangan na namin ng pangkain!" It wasn't a request but a demand. Napayuko ito ng ulo. "Baka nakakalimutan mo na marami kaming nagastos para pag-aralin kayong magkakapatid noon na sana'y para sa mga anak ko sana! At nangako kang babayaran mo lahat ng iyon! Aba! Ano'ng petsa na?"
Ito ang dahilan kung bakit itinigil niya ang kaniyang pag-aaral noon. Palaging isinusumbat sa kaniya ng tiyahin niya ang "utang na loob" sa kaniyang pagkupkup sa kanilang magkakapatid. Isang klase ng utang na kahit kailan yata'y hindi na niya mababayaran.
Walang alam sina Sef at Gabbie na siya ang sumasalo sa bawat sumbat na ibinabato sa kaniya ng kanilang Tita Estelita.
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Mela mula sa tiyahin niya dahil sinagot niya ito. "Wala kang utang na loob!" Nagngingitngit na sambit ng tita niya. "Kami na itong kumupkop sa inyo, tapos may gana kang sumagot ng pabalang? Eh, ano ngayon kung kinain ng mga anak ko ang tsokolate ninyo? Nakikikain din naman kayo sa inihahain ko, ah!" Galit na galit nitong sambit. Inalala kasi ni Mela ang kapatid nitong si Sef. Tiyak na iiyak iyon pag-uwi niya at wala na ang tsokolateng ipinadala ng Tita Joy nila.
Hawak-hawak pa rin ni Mela ang kanang pisngi na namamaga na yata. "Aalis na lang kami ng mga kapatid ko!" Matapang na saad niya.
Humalakhak ang tiyahin nito. "Sige, tingnan ko lang kung hindi kayo puntahan ng DSWD!" Pag-aasik niya. "Mga menor de edad kayo. Tingnan ko lang kung hindi kayo ipunta sa bahay-ampunan!" Ngumisi ito nang makita ang pangamba sa mata ni Mela. Alam na alam kasi ng tiyahin nitong importante sa kaniya ang mga kapatid niya. "Kung hindi kami nagmagandang loob na kupkupin kayo, nasa ampunan na sana kayo! At malamang, isa sa inyo ay naampon na!"
"Ano na, Melchora?" Bumalik sa kasalukuyan ang kaniyang isip. Matagal na itong nagtitimpi sa tiyahin ngunit ayaw niya ng gulo. Naalala kasi niya ang pangaral ng ama nila na dapat respetuhin nila ang mga nakatatanda sa kaniya.
Humugot ito ng hininga. "Sige po, tiyang! Magpapadala ako sa makalawa!" Sagot niya. "Sige ho, balik na ho ako sa trabaho." Hindi na niya hinintay ang sagot ng tiyahin at ibinaba na niya ang tawag nito.
Humugot ito ng malalim na hininga at inilabas mula sa wallet nito ang isang calling card. She dialled the number and someone picked up the call after the second ring.
"This is Doctor Montesilva." Sagot ng lalaki sa kabilang linya. Napalunok ito ng sariling laway, hindi alam kung ano ang sasabihin. "Hello?"
"Ah... d-dok!" Ilang segundo ng katahimikan rin ang pinagsaluhan nila bago nagsalitang muli si Mela. "Si Melchora Kabayan ito. Available pa ba ang inaalok niyong trabaho bilang sekretarya niyo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top