ʚ 03 ɞ

"Kung ang chismis
ay nakamamatay,
malamang tatahimik
ang aming barangay."

──ʚ♡ɞ──

"I'M sexy and I know it~~"

Nagising si Mela sa lakas ng tugtugin mula sa katabing kuwarto. Tumitirik na rin ang sikat ng araw at dahil manipis lang ang puti nitong kurtina, na ngayon ay halos nagkukulay abo na dahil sa kalumaan, ay tumatagos ang sinag rito. Naka-loose shirt siya at maong shorts.

Humihikab itong tumayo at nag-iinat pa habang naglalakad palabas ng kaniyang silid. Sumandal ito sa nakaawang na pintuan na kuwarto ni Sef na ngayon ay gumagawa ng make-up tutorial gamit ang mga binili nitong beauty products mula sa paborito niyang online shop, ang CMA Beauties.

Pinanood niya si Sef na sumasayaw sa tugtugin habang ginagawa ang transition videos niya na talagang feel na feel niya ang bawat pag-indak. "I'm sexy and I know it!!!" Halos pahiyaw nitong pagkanta kasabay ang musika at nagpa-flying kiss pa sa harap ng camera.

Nakahiligan na ng kaniyang kapatid ang paggawa ng make-up tutorial. Nakasuot ito ngayon ng tube dress at ang buhok niya'y naka-elegant bun. Sa kanilang magkakapatid, si Sef talaga ang fashionista. Bukod sa pagkain ay handa niyang ubusin ang pera niya sa mga beauty products.

Napakamot ito sa kanang pisngi ng puwet niya at iiling-iling na iniwan ang kuwarto ng kapatid. Bumaba ito kung saan nagkalat ang ilang mga laruang pambata. Aayusin na sana niya iyon nang pumasok naman si Gabbie na hindi maipinta ang mukha.

"Oh, bakit mukhang Biyernes Santo 'yang mukha mo?" Wala sa ulirat nitong tanong sa bunsong kapatid, dala ang bayong na puno ng mga pinamalengke.

Pumasok ito at lalong lumukot ang mukha. "Eh, kasi... ano, ate..." napakamot pa ito ng batok at napatingin sa labas ng apartment nila.

"Ano?" Nawawalan na ito ng pasensya kaya tinungo niya ang pinto at para siyang binuhusan ng isang timbang yelo sa nakita. Binalingan niya ng tingin ang kapatid na ngayon ay nayayamot na saka ito tuluyang lumabas ng kanilang apartment.

"Ano ba naman, Melchora? Bakit naman napakalayo mula sa labasan ang apartment ninyo? Nahirapan tuloy kaming hanapin 'to!" Bungad ng tiyahin niyang binaon na nila sa limot.

Tita Estelita invited herself in their humble abode. Nakasuot ito ng pulang dress na gawa sa wool cloth, pink wedge sandals, at may kasama pang pamaypay na may floral prints.

Kasunod nito ay ang anak niyang si Bryan na naka-skinny jeans, black adidas shoes na putik-putik, at leather jacket na pinarisan pa ng itim na bandana sa ulo. Feeling action star ito na kumakaway sa mga kapitbahay nina Mela.

"Ni walang aircon!" Puna pa ng tiyahin habang mapanuri nitong pinagmasdan ang bawat sulok ng tahanan nina Mela.

Sementado ang apartment na tinutuluyan nila at may sarili silang bakuran. May kalumaan ang bahay at nasa looban sila ng isang maliit ng subdivision sa bandang Buendía sa Makati. Iyon na ang pinakamurang apartment na nahanap nila dalawang taon na rin ang nakalilipas.

"Oh, ikaw, Gabriella! Hindi ka man lang ba maglalabas ng coke para sa amin?" Utos pa nito bago umupo sa three seater sofa na binalot sa puting tela at halos mapasigaw ito nang lumubog siya sa kinauupuan niya. "Qué horror!!!"

Nagpalitan lang ng tingin ang magkapatid. Si Gabbie ay halatang gusto nang sumagot ngunit si Mela naman ay nagbigay ng makahulugang tingin sa kapatid. Napairap na lamang ang bunso kalaunan.

"Mom!" Dramatikong tawag ni Bryan sa ina at tinulungang makatayo ang ina. "Are you o-to-the-k, mommy dearest?" Tanong nito sa pasigaw na paraan na akala mo'y nasa kabilang bundok ang kausap.

Tumaas ang kilay ni Gabbie at napapikit ng mariin si Mela, sapo-sapo nito ang sentidong unti-unti nang kumikirot. "Tita Estelita..."

"Starla!" Pagtatama ng tiyahin niya rito na pinamulagatan siya. "Tita Starla ang itawag mo sa akin!" Dagdag niya. "Kay gara-gara ng suot ko! Hab sem class, Melchora!"

Halos nasamid sa sariling laway si Mela habang nagpipigil naman ng tawa si Gabbie dahil sa kakaibang inaasta ng mag-ina. Halata kasi ang pagpapaka-trying hard ng mga ito sa mga panahong iyon.

"Nasaan na ang coke? Aba'y kanina pa ako nauuhaw!"

Hindi na nakasagot pa ang magkapatid nang bumaba si Sef. Tila ba naeskandalo ang Tita Estelita nila nang makita ang hapit na hapit na damit ni Sef, naka-white wedge ito, at halos lumuwa na ang cleavage sa kasuotan. "Ate, ano ba 'yong ingay dito? Nagti-TikTok ako eh." Tanong nito habang nakatingin sa bawat hakbang na gawin niya sa hagdan. Mahirap nang mahulog na walang sasalo.

"Santisima, Josefa!"

"Aay!!! Impak..." nakagat nito ang dila nang makita kung gaano siya pandilatan ni Ate Mela niya. She was as surprised as her elder sister when she saw their aunt. "Ah... T-Tita!" Pagtatama nito sa sarili. "Tita, kayo ho pala."

Nagmartsa patungo kay Sef ang tiyahin nila at halos kurut-kurutin niya sa singit ang dalaga. "Ibinenta mo na ba ang iyong kaluluwa sa diablo?"

"Hindi ho!" Sagot ni Sef habang inaayos ang damit niyang bumababa niya. "Nagti-TikTok ho ako!"

Humingang malalim ang tiyahin at pinakatitigan si Sef. "My God! You look...you're like a... a...p" she searched for the word inside her head. "PREMISKWES!" Sigaw nito saka bumalik sa tabi ng anak at nagpaypay.

"P-Premiskwes?" Nalilitong inulit ni Mela.

"A-Ano 'yon, tiyang?" Takang-tanong rin ni Sef.

"Tita, baka naman ho kasi promiscuous ang ibig niyong sabihin." Pagtatama ni Gabbie na ngayon ay tumatabi na sa kaniyang ate Sef. "Next time, don't use profound words if you can't even pronounce them properly."

"Gabriella!" Pagsaway ni Mela sa kapatid ngunit huli na dahil nakaakyat na ito sa silid niya.

──ʚ♡ɞ──

A LAS dos na ng hapon. Nakahanda na si Mela upang puntahan ang isang interview. Naghahanap raw kasi ng maintenance crew ang Orient Pearl Luxury Hospital. Balita nito'y mataas ang pasweldo ng may-ari at may health benefit pang kasama. Pagkatapos ng interview niya'y deretso na ito sa kaniyang isa pang trabaho.

She eyed Bryan. He was occupying the three seater sofa while playing Mobile Legends. Nakatutok rin sa kaniya ang dalawang electric fan. Mas pinakatutukan ni Mela ng tingin ang mga nakakalat na balot ng candy at dalawang lata ng coke na wala nang laman.

Tumabi sa kaniya si Gabbie. "Kanina pa 'yan nagkakalat at kanina pa ako linis ng linis, ate." She whispered through gritted teeth. "Isa pang tapon ng candy wrapper sa sahig at kasama na siya sa wawalisin ko palabas ng bahay!" Banta nito saka pumunta sa likuran ng bahay nila kung saan naroon ang maliit na laundry area.

"Bryan..." tawag niya rito ngunit parang hindi siya pinakikinggan. Humugot ito ng hininga. Kanina pa siya nagtitimpi. "Bryan." She called again, this time with her arms crossed and right eyebrow raised a level higher.

Nag-igting ang panga nito nang hindi pa rin siya nito pansinin. Hinablot niya ang cellphone mula sa binata na siyang nagpabalikwas ng higa mula sa sofa.

"Ano ba?" Sigaw nito. Dali-daling pumasok sa loob si Gabbie at maging si Sef na naglilinis sa bakuran nila ay pumasok rin. "Ibalik mo nga 'yang phone ko!" Nayayamot nitong sigaw. Ngunit matigas si Mela. Hindi niya ibinalik ang cellphone nito.

"Hoy, Bryan! Rumespeto ka nga!" Sita ni Sef sa pinsan nilang kaedaran lang ni Gabbie. "Mas matanda sa 'yo si Ate Mela ha." Pagpapaalala pa nito.

Ang bunso naman nilang kapatid ay tila nasasabik sa susunod na mangyayari. Kilala na niya ang Ate Mela niya. Sa postura nito, alam niyang puputok na ang Bulkang Pinatubo, at tila siya lang ang nakakakita ng pag-usok ng ilong ng kapatid nito.

"Sabi nang ibalik mo 'yang... aray!" Namimilipit sa sakit na saad ni Bryan nang pingutin siya ni Mela sa kaliwang tainga. "Aray, ate! Tama na po!"

Gabbie grinned triumphantly. Nagdiriwang ang kalooban nito dahil sa wakas ay inilabas na ng ate niya ang bagsik niya na siguradong kanina pa niya tinitimpi.

"Sa susunod na tawagin kita, sumagot ka ng maayos." Kalmado man ang tono ni Mela ay mahihimigan pa rin ang pagbabanta rito. "Wala ka sa bahay niyo kaya matuto kang makisama rito." Ibinalik niya sa pinsan ang cellphone. "Ayoko ng makalat. Linisan mo 'tong mga 'to."

"Isusumbong kita kay mommy!" Pahabol ng pinsan rito ngunit hindi na pinansin pa ni Mela. Hindi naman ito takot sa tiyahin niya ngunit sawa na rin siyang ipinamumukha na lang palagi sa kanila ang mga naibigay na tulong sa kanila.

Nasa labas na ito ng kanilang bahay at nag-aabang ng tricycle nang lapitan siya ng ilan sa kaniyang mga kapitbahay.

"Hi, Mela." Magiliw na tawag sa kaniya ni Aling Marisol. Nakatira ito sa tapat nila. Araw-araw itong nakahawak ng walis tingting ngunit ang mga mata nito'y parang CCTV sa kanilang kanto. "Yayamanin pala ang tita mo kanina."

"Oo nga." Pakikisawsaw naman ni Aling Lolita na nakatira sa tabi nila. Siya rin ang may-ari ng sari-sari store sa kanilang kalye. "Bumili ng isang dosenang coke in can. Panay pa ang pag-i-inglés!"

Pilit ang mga ngiti ni Mela at tila nawawalan na ulit siya ng pasensya sa paghihintay ng pedicab o tricycle na masasakyan hanggang sa labasan. Ayaw niya na lamang magbigay ng komento dahil ayaw niyang makisalamuha sa mga kapitbahay nilang chismosa.

Maglalakad na sana ito nang dumating naman si Aling Kristy na nakatira sa kabilang kalye, barkada rin nina Aling Marisol at Aling Lolita. "Mela." Lagpas tainga ang ngiti nito sa mga labi at hinaplos pa ang palad ng dalaga. "Sabihin mo naman sa Tita Starla mo na bigyan ako ng sabon na mamahalin sa susunod na balik niya dito sa Pilipinas."

Kumunot ang noo nito sa narinig. "S-Si Tita Starla ho?" Tumango ang tatlong chismosa sa kaniya. "B-Bakit? A-Ano ho ba ang sabi niya sa inyo?" Ayaw man niyang magtanong ay wala na siyang nagawa.

"Eh... hindi ba taga-California ang Tita mong iyon?" Nagtatakang tanong ni Aling Marisol.

"Ha?" Mela was confused. "Ah... hindi ho." Pagtatama nito. "Sa Laguna lang po siya nakatira. Iniwan lang 'yong anak niya rito dahil mag-o-OJT."

Kung gaano kagiliw ang tatlong ginang sa kaniya kanina ay ganoon na rin sila kawala ng interest ngayon.

"Akala ko pa naman mabibigyan tayo ng pasalubong!" Rinig niyang sambit ni Aling Lolita habang papaalis na sila.

"Mapagpanggap pala ang pamilyang 'yan!"

Tinapunan lamang niya ng masamang tingin ang mga ito saka umalis na. Mas importante sa kaniyang makarating ng maaga sa interview niya kaysa ang makipagbardahan sa mga matatandang kaunti na lang ang ilalabi sa mundong ibabaw.

──ʚ♡ɞ──

"SANA naman may mapili ka nang secretary mamaya." Saad ni Macey habang naglalakad sila ni Doc Hanz sa hallway ng hospital. Katatapos lamang ng meeting nila kasama ang Medical Director at Owner ng Orient Pearl Luxury Hospital na si Dr. Armeo Uytingco.

Dalawang linggo nang naghahanap ng secretary si Doc Hanz ngunit wala siyang mapili sa mga nag-a-apply. Panay kasi mga nagpapa-cute ang mga nai-interview niya.

Napabuntong-hininga ang binata. "Hopefully there's a good lineup of candidates today." He responded.

Tumango na lamang si Macey. "Mauna na ako sa 'yo. Kailangan na ako sa ICU ward." Hindi na ito naghintay ng sagot at dumeretso na sa glass elevator.

Tinahak naman ni Doc Hanz ang hallway patungo sa North Wing ng hospital kung saan naroon ang opisina nito. May connecting bridge sa pagitan ng apat na nagtataasang gusali ng hospital na ito at sa baba ng bawat connecting bridges ay isang napakagandang man-made park para sa mga pasyente ng hospital.

Nasa second floor ito ng North Wing at lahat ng staff ay bumati sa kaniya. Tutuloy na sana ito sa ikatlong palapag nang may pumukaw sa atensyon niya. May sitting area sa tabi ng information booth at sa unahan ay isang natutulog na babaeng naka-puting T-shirt, leggings, white sneakers, at yakap nito ang isang transparent envelope kung saan naroon ang kaniyang resume.

Dahan-dahan itong lumapit sa dalagang halos humilik na sa himbing ng tulog. She was literally slouching on the chair, her mouth slightly open.

Binasa niya ang pangalan ng nasa resume nito. "Melchora Kabayan." He whispered. Napangiti ito at bago pa magising ang dalaga ay lumapit na kaagad siya sa receptionist upang magbigay ng ilang instructions bago tinungo ang opisina.

Isang oras din ang lumipas nang may tumapik sa balikat ni Mela upang gisingin siya. Umayos ito ng upo at pinunasan ang bibig sa pag-aakalang tumulo ang laway nito habang natutulog. "Ay, hala! Ako na ba ang last applicant?" Namilog ang mga mata nito nang masilayang wala na ang kapwa applicants niya sa waiting area.

Tumango ang receptionist sa kaniya. "Miss Melchora Kabayan?" Tanong nito habang binabasa ang listahang hawak.

Tumango si Mela. "Ako nga. Melchora Dimagiba-Kabayan at your service." Taas-noo nitong pagpapakilala sa sarili.

Ngumit ulit ang receptionist. "Deretso lang po kayo sa third floor. Room 3-C. Naghihintay po sa inyo si Dr. Montesilva para sa interview ninyo. Good luck."

Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Mela na magtanong. Ang pagkakaalam niya'y dito sa second floor siya mai-interview at sa head ng maintenance iyon. "Doktor ba ang nangangasiwa sa paglilinis sa hospital na 'to?" Tanong niyo sa sarili. "Sabagay, mas alam nila ang cleaning procedure dito sa hospital. Baka may special alcohol din silang gamit para pakintabin ang sahig at bintana." Dugtong pa niya bago tinungo ang opisinang binanggit ng receptionist sa kaniya kanina.

"Lord, please... Ibigay Niyo na po sa akin 'tong job na 'to. Twenty K rin 'yon."

──ʚ♡ɞ──

Author's note:

Dr. Armeo Uytingco was first mentioned on my story "Reflection", which is part of the Travelogue Series-Across the Genre Collaboration, written by different writers. May appearance din sina Doc Hanz, Macey, at Mela sa story na iyon.

Macey has her own story to tell. Read "Let Me Be The One" to know her more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top