ʚ 02 ɞ
"Huwag kang titikim ng masarap
para hindi ka maghanap.
Huwag mo ring sasarapan
ang pagpapatikim
para hindi ka hanap-hanapin."
──ʚ♡ɞ──
MELA woke up with a massive headache. Hinilot-hilot niya ang kaniyang ulo habang unti-unting pinapaupo ang sarili sa malambot at malawak na kama. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at ganoon na lamang ang pamimilog ng mga ito nang mapagtanto niyang wala siya sa kaniyang sariling silid. At hindi lang iyon, tanging ang manipis na kumot na gawa sa seda lamang ang bumabalot sa hubo't hubad niyang katawan!
Napayakap siya sa kaniyang sarili habang inaalala kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi. She remembers a man kissing her neck and a small moan escaped her lips. Napanganga pa siya nang maalalang ikinawit niya ang kaniyang binti sa baywang ng binata!
"Punyeta ka, Melchora!" Halos masampal niya ang sarili. "Isinuko mo ang iyong perlas ng silangan sa lalaking hindi mo kakilala?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya sa kaniyang sarili.
She quickly got up from bed, while the silk sheet is still hugging her nakedness, picking her clothes that were neatly placed in a single seater sofa. May isang malaking flat TV na nakatapat sa king sized na kama, maliit na closet malapit sa pintuan, at may pintuan rin sa tabi ng full length window. "In fairness, mukhang hindi cheap ang sumakop sa iyong perlas, Melchora!" Pakunswelo nito sa kaniyang sarili nang mapagtantong nasa isang mamahaling hotel siya.
Madali nitong binihisan ang sarili nang makita ang oras. "Hala! Alas dos na pala!" Banggit nito. May raket siya ngayong alas sais ng hapon sa isang cafeteria malapit sa kanila.
Walang permanenteng trabaho si Mela. Pinakamatagal na ang isang linggo sa kaniya. Simula nang maulila sila, wala na siyang ibang ginawa kundi ang maghanap ng trabahong magbibigay ng pera para sa pang-araw-araw nilang gastos na magkakapatid. Nasubukan na niyang magtrabaho ng isang buwan bilang sales lady noong nineteen years old pa lamang siya ngunit hindi talaga kasya sa isang buwan ang kinikita niya lalo na't kailangan nina Sef at Gabbie ng baon araw-araw.
Kinuha na rin niya ang kaniyang body bag at sinuring mabuti na lahat ng gamit niya'y nasa loob nito. Tumingin ito sa magulong kama. "Kung ano man ang nangyari sa ibabaw mo..." inilapat niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang mga labi at pinanlakihan ng mga mata ang kamang akala mo'y isang batang pinagagalitan niya. "Quiet ka na lang!" Pagtatapos niya sa kaniyang sinabi at tuluyang lumabas ng kuwarto.
──ʚ♡ɞ──
"SO..." tumayo ang dalagang nakauniporme ng pang-Head Nurse. Tumabi ito sa binatang kanina pang nakangisi sa kawalan. Nasa roof top sila ng Orient Pearl Luxury Hospital dito sa Makati City. "Not only that she vomited on you but she also passed out when you're supposed to do the deed?"
Napapailing ang dalaga habang pinapanood ang pagtango ng binatang doktor sa tabi niya habang tatawa-tawa. Matagal na niyang kaibigan ito at alam niyang kahit na sinong babae ang ngitian niya'y siguradong laglag ang suot pang-ibaba.
"She was really cute, Macey!" Natatawang sambit ni Hanz habang inaalala ang lasing na babae kagabi. Ikinuwento nito sa kaniya ang pagkakakilala niya rito — kung paano silang nagkakilala at kung ano ang kinahinatnan nila.
PASARA na ang Hypnos Bar ngunit dahil kakilala niya ang may-ari nito'y maaari siyang manatili hanggang closing hours. Mela was cleaning the counter bar, making sure that the shot glasses are spotless.
"Ser, marami na ho ang nainom niyo. Uwi-uwi rin 'pag may time!" Nakangiting pagpaparinig nito kay Hanz.
His smile grew wider. Alam niyang siya ang magsasara ng bar ngayong gabi. Ipinagkatiwala na ni Vino ang bar sa dalagang mahaba ang buhok na naglilinis sa counter. Naitanong na rin niya ang pangalan nito.
"I'll keep you company, miss." Sagot ni Hanz sa kaniya. "A beautiful woman like you shouldn't be left alone."
Bumuntong hininga si Mela bago niya balingan ang lalaking hindi matanggal-tanggal sa labi ang mga ngiti. Today has been a long day for her and her body is already asking for a good rest. "Ser, no english, please!" Pakiusap nito. "Nose bleed... my brain... it's damage!" Dagdag pa nito with facial expressions and hand gestures na lalong ikinatuwa ni Hanz.
"You're cute." Tanging naisaad ng binata.
Kumuha ng isang bote ng Tequila si Mela at naglagay ng dalawang shot. "One por mi and one por you!" Saad niya habang itinuturo niya ang kanilang sarili. Ang isang shot ay naging dalawa, tatlo... hanggang makalahati nila ang bote saka tinamaan ng husto si Mela.
She was mentally slapping herself for drinking tequila. Hindi naman kasi ito palainom pero kung tumungga siya, akala mo isa siya sa mga lasenggo sa kanto. Paano, na-enjoy rin niya ang kuwento ng binata.
Hanz offered her a ride. Hindi kaya ng konsensya niyang pabayaan ang dalaga. They went to the basement parking. Halos wala ng mga sasakyang nakaparada doon.
Malapit na sila sa sasakyan ni Hanz nang mawalan ng balanse si Mela. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ng binatang doktor at nasalo niya ito.
Halos isang pulgada lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Daig pa nila ang mga K-Drama sa eksena nila ngayon!
Mela caressed his face while looking at him straight in the eye. "Nakakatukso kang halikan." Wala sa ulirat nitong banggit. Namilog na lamang ang mga mata ni Hanz nang tuluyan siyang halikan ng dalaga.
Lalaki pa rin siya na natutukso at sino siya para hindi tablan nito?
Inalalayan niyang makatayo ang babae. Their kisses became deeper and he can taste the sweetness of her lips despite the alcohol they drank earlier. Her sweet vanilla scent was camping on his nostrils and he couldn't stop himself from wanting more.
Ikinawit ng dalaga ang binti niya sa baywang ni Hanz na tila hinahamon ang pagkalalaki niya. Nakalimutan yata niyang naka-black fitted dress ito bilang kaniyang uniporme sa bar.
Hinaplos ni Hanz ang malambot at makinis na balat ni Mela habang ang halik niya'y pababa na sa leeg ng dalaga. Her moan sounded heavenly to his ears.
"Dahan-dahanin mo..." nakapikit at halos hindi na deretso ang pananalita ng dalaga. "Ikaw ang magiging una ko."
Hanz froze. Unti-unti niyang inilayo ang mga labi niya sa balat ng dalaga. "W-What do you mean na..." he looked confusingly at Mela. She's clearly drunk!
Mapait ang ngiti ng dalaga at mapupungay na rin ang mga mata niya. Halatang lasing na. "Ikaw ang una ko..." pag-uulit niya. "I'm a virgin! Touch por da beri pers taym!" Pagkanta niya sa kanta ni Madonna at napaindak pa.
Napapikit ng mariin si Hanz at nag-igting ang panga. Parang nawala ang tama ng alak sa katawan niya. Umiling ito at mariin ang titig na ipinukol niya kay Mela. "You're crazy." Bulong nito.
Ibinaba ni Hanz ang kaliwang binti ng dalaga na nakapulopot sa baywang niya at inayos ang damit nito. "I'll take you home. You need rest!" Pangaral nito sa dalaga at inalalayan ito patungo sa passenger's seat.
Pinaandar niya ang sasakyan nang makasigurong maayos na nakaupo si Mela. "Ano'ng address mo?" Tanong niya rito ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. Parang kinakain nito ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. The next thing he knew, she was already snoring.
Inaantok na rin ito kaya naman nag-desisyon itong pumunta na lamang sa Mirage Hotels, isa itong luxury hotel na pagmamay-ari ng kakilala nitong businessman na si Jove.
Buhat-buhat niya si Mela na tulog na tulog. He asked for a female staff upang tulungang magpalit ng damit itong si Mela dahil ayaw niyang makagawa ng kasalanan. If he will have sex, he wants it to be consensual. Ibinigay nito ang isa sa mga Tommy Hilfiger niyang t-shirt upang ipasuot kay Mela ngunit wala pang limang minuto ay nagsuka na ito at nasukahan ang t-shirt na binili pa niya sa Germany! At hindi pa nakuntento si Mela at nautot pa.
Pigil na pigil sa pagtawa si Hanz at ang female staff dahil sa insidenteng iyon.
"Sir, ako na ho ang magpapaligo sa kaniya." Paalam ng babaeng staff habang inaalalayang muli si Mela para makapag-shower ito.
At dahil walang ibang damit na maipasuot sa kaniya ay hinayaan na lang nilang matulog ito ng hubo't hubad. Hanz, on the other hand, reserved a separate room for himself.
"At tuwang-tuwa ka pa talaga, ha!" Hindi makapaniwalang saad ni Macey. Napapailing na lamang ito.
"Well... siya lang ang bukod-tanging babae na sumuka at umutot sa harapan ko." Depensa ng binata sa kaibigang ngayo'y tatawa-tawa na rin. "Baka nga nagayuma ako ng utot niya. Sobrang lakas, eh!" Biro pa nito na siyang tinawanan nilang pareho kalaunan.
──ʚ♡ɞ──
Trivia:
Mirage Hotel is a luxury hotel owned by Jove. Read Whispering Secrets by Velvet_Summers and get to know him.
For today's cameo appearance:
I first introduced Macey and Hanz on my short story, Let Me be the One; while Vino is one of my characters on my first action story, The Rebels.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top