Chapter 9


Chapter 9: Gift.




------

Pagkagising ni Aki ay nagulat siya sa kaniyang nakita.

"Happy birthday!"

Masayang sabi ni Mela habang hawak-hawak ang cake na may nakasinding kandila. Katabi niya si Gab na may dala namang bilaong may palabok.

"Happy birthday man."

Lumapit ang dalawa at tinapik si Aki. Hindi naman nakapagsalita ang huli. Birthday niya nga pala ngayon. Pati sariling kaarawan nalimutan niya na.

"Blow the candle na hon."

Pagka-ihip sa kandila ay saka siya nagsalita. "Paano kayo nakapasok?"

"Man, hindi ka pa nasanay. Alam mo namang uso sa telenobela ang gate crashing," -Gab.

"Pero hindi tayo telenobela 'di ba?" nalilitong saad ni Aki.

"'Wag mo na isipin 'yon, hon, ang mahalaga nagmamahalan tayo," -Mela.

"Oo pre. Let's celebrate your birthday," -Gab.

Napangisi na lang si Aki. "Salamat sa inyo."

Nang umagang iyon ay pinagsaluhan nilang tatlo ang palabok at cake. Nagkaroon ng kaunting kwentuhan, tawanan at birthday sex.(Joke 'yong huli).

10:00 ng magpaalam si Mela sa nobyo dahil kailangan niya ng pumunta sa opening ng bagong branch ng coffee shop nila sa batangas. Sumabay narin si Gab dahil ayon sa kaniya papunta rin naman siya sa matabungkay.

Masaya si Aki noong umagang iyon. Akala kasi talaga niya ay nanlalamig na si Mela sa kaniya, mali pala siya ng hinala. Sobrang lambing ni Mela kanina. At biruin mo iyon may pasurprise birthday pa ito.

Matapos niyang mailigpit ang pinagkainan ay lumabas muna siya ng unit. Dumeretso siya sa swimming pool ng building para maligo. Nasa ground floor banda ang swimming pool.

Pagpasok sa loob ay hinubad niya muna ang sando at short. Bali naka-brief lang siya, saka nagshower. Pagdating mismo sa swimming pool ay nakita niya si Eljey. Nakabathing suit ito. Seksi wiwit. Paahon na ang dalaga.

"Hey!" si Eljey habang kumakaway. "May baon ka pang santol ah," biro pa ng dalaga habang nakangising nakatingin sa bakat ng binata.

Napatingin tuloy si Aki sa gitnang bahagi ng katawan niya saka ito tinakpan ng kaniyang kaliwang kamay bago namumulang nagwave sa hangin gamit ang kanang kamay bilang tugon sa dalaga. Kaso ay nanlaki ang mga mata niyang singkit ng makita ang isang batang babae sa likod ni Eljey. Paahon din ito sa tubig. "R-ransey?" napaatras siya sa takot.

"Ransey?" nagtaka si Eljey saka lumingon sa likod sabay balik ulit ng tingin sa binata. "Who's Ransey?"

"Ate, wait."

Mas lalong nagulat si Aki ng magsalita ang babae na kasunod ni Eljey.

"Nga pala, Aki, si Gela, my cute and younger sisteret," nakangiti nitong sabi.

Bumalik sa katinuan si Aki. "Ah, n-nice meeting you G-gela."

Hindi naman siya pinansin ng huli. Taray.

Kamukhang-kamukha talaga ito ng namayapa niyang kapatid. Ito pala 'yong nakita niya kagabi na inakala niyang multo o guni-guni.

"Sino si Ransey?" tanong ulit ni Eljey.

"Ah, w-wala, bunso kong kapatid na mahilig sa ipis. Patay na 'yon," sabay ngiting aso.

"Aw, sorry to hear that."

"Wala 'yon. Tapos na kayong magswimming?"

"Oo sana, kaso dumating ka ee, kaya magsu-swimming kami ulit---" hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil.. .

"Ate, tara na," singit ni Gela.

Binigyan naman ni Eljey ng paepal-kang-Gelatin-ka-look ang nakababatang kapatid bago muling bumaling kay Aki. "Maiwan ka na muna namin. Happy birthday."

Napangiti naman si boy na may pagtatanong. "Paano?"

"Nasalubong ko kanina 'yong dalawang bisita mo, narinig kong sinabi nila birthday mo raw," sagot ni Eljey. "Anyway ba-bye na muna, nakabusangot na ang maldita kong kapatid."

Tumango lang ang binata saka dumeretso sa Swimming pool. Bago naman umalis ang magkapatid ay napasulyap muna si Gela kay Aki. Tinitigan niya ito na parang sinusuri ang pagkatao.



----

Pumunta si Aki sa District Ayala mall, ilang metro lang ang layo sa city land. Kailangan niyang maglibang ngayong araw, treat narin sa sarili. Wala kasing magawa ngayon. Dapat pala pinilit niya na lang sumama kay Mela para kahit paano ay malibang siya. Kaso ayaw naman ng girlfriend niya, baka ma-out of place lang daw siya doon.

Matapos kumain ng pizza sa S&R ay naglibot-libot na ang binata hanggang sa madaanan ang bilihan ng stuff toy. Nakita niya agad si Dee-dee. Naalala niya na naman tuloy si Ransey.

Bago umalis doon ay binili niya 'yong stuff toy para kahit papaano ay maramdaman niya parin si Ransey kahit wala na ito. Bumili narin siya ng mga Christmas decor at light para magkaroon ng prisensiya ng kapaskuhan sa unit niya.

Bago umuwi ay humanap muna siya ng pet shop. Payo kasi sa kanya ni Rei ay humanap siya ng alaga na pwede niyang makausap kapag nag-iisa siya. Sa ganoong paraan ay mababawasan ang stress niya.

Ayon pa kay Rei, 'wag daw siyang kabahan o matakot kung naririnig niya minsan ang utak niya na parang nagsasalita. Normal lang daw ang ganoon, sensyales na healthy ang utak kapag nararanasan 'yon.

Pag-uwi ng bahay ay agad inayos ni Aki ang mga decor na napamili, kasunod noon ay sinet-up narin niya ang maliit na aquarium na kasama rin sa kaniyang mga pinamili. Nilagay niya ito sa kwarto dahil medyo masikip na sa sala.

Pagkatapos ay inilagay na niya ang dalawang maliit na isda. Isang clown fish at isang angel fish may bonus pang artificial halamang dagat. Pinangalanan niya ang mga ito.

"Ikaw si Ray," turo niya sa clown fish. "Ikaw naman si Hope," sabi niya naman sa angel fish. "Welcome sa bahay ko Ray and Hope," masayang wika ng binatilyo.

Mga bandang 18:00 ng maalala niya na may natira pa palang palabok sa Ref. Gutom na kasi siya.

Kinuha niya iyon saka ininit sa microvawe. Pagkatapos ay kumuha siya ng dalawang malaking plato. Nilagyan niya ang isa ng marami, sa kabilang plato naman ay sakto lang.

Kinuha niya ang maraming laman saka lumabas at pumunta sa katabing unit. Kay Eljey.

Pagkatok niya ay mabilis namang bumukas ang pinto. Si Eljey ang humarap.

"Treat ko," masaya niyang sabi. "Sorry ubos na 'yong cake."

"Wow, My favorite!" si Eljey sabay kuha ng plato. "Thank you birthday boy, dahil diyan mahal na kita," sabay tawa.

Napakamot-ulo na lang si Aki. "Ikaw talaga," nangingiti niyang sabi. "Ikaw lang tao ngayon diyan?" hindi niya kasi nakita si Gela.

"Bakit mo tinatanong? Ikaw ah?" biro ng dalaga. "Sorry andito si Gela e, hindi natin magagawa ang gusto natin, kung gusto mo doon na lang sa unit mo." dugtong nito na natatawa at ang itsura niya ay parang nang-aakit.

"Sira," nagtawanan sila.

"Wait, isasalin ko lang," agad nagtungo si Eljey sa kusina. Naiwan naman si Aki sa tapat ng pinto.

Ilang saglit ay biglang dumungaw doon si Gela. Ngumiti naman si Aki dito dahil hawig na hawig talaga ito ni Ransey.

Naalala niya tuloy bigla ang yumaong kapatid. Namimis niya na talaga si Ransey.

Nawala ang ngiti niya ng titigan siya nito ng mata sa mata. Nagkatinginan sila ng matagal. Parang binabasa ni Gela ang pagkatao ni Aki at ramdam na ramdam iyon ng binata. May something sa bata na ito.

Natigilan lang sila ng bumalik na si Eljey. "Thank you ulit ah, next time ulam naman."

"Sure. Ano bang favorite ulam mo?" -Aki.

"Ikaw."

"Huh?"

"I-i mean, ikaw ang bahala. Kahit anong ulam basta ikaw ang bahala," saka ito muling ngumiti. "Para ka kasing masarap na ulam e," bulong pa ng maharot na dalaga.

Tumango lang ang binata bago umalis.

Pagbalik ni Aki sa unit niya ay napasandal siya sa pinto. Kinabahan kasi siya ng matindi sa mga titig ni Gela. "Kakaibang bata," sa isip-isip niya.

Samantala pagkasara naman ni Eljey ng pinto ay biglang nagsalita si Gela. "There's something wrong with that guy ate."

"Huh?" si Eljey habang kinakain si Aki este ang palabok na bigay ni Aki.

"Never mind."



-----

"Sino ka?"

"Hindi mo'ko kilala? Nakakatawa ka naman."

"Hindi kita kilala. Anong ginagawa mo? Bakit andito ka?

Tumawa ang nilalang na natatakpan ng dilim bago magsalita ulit. "Sigurado ka sa mga tanong mo?

"'Umalis ka dito! Hindi kita kilala!"

"Hindi mo kilala ang sarili mo?" ngumiti na naman ito ng malademonyo. "Malapit na tayong magkita," saka nito iniabot ang puso ng tao. "Regalo ko sa'yo," tumitibok pa ito at sariwang-sariwa pa.

Nag-echo sa buong paligid ang nakapangingilabot nitong halakhak kasabay ng paghiyaw ni Aki at pagbangon sa kama.

Pawis na pawis ang binatilyo na biglang napayakap kay Dee-dee.

Binangungot pala siya.

Time check: 3:00.




----

[Dedicated ang chapter na'to kay purpleprose14]

Glenn here:

Salamat sa mga kaguild(at sa hindi) na nagbabasa nito dahil ginawa ko talaga 'to para sa inyo haha. Abangan n'yo na lang kung sino pa ang mga characters na lalabas at magdadagdag ng kaguluhan sa utak at buhay ng ating bida. MALAKING salamatssss. Kasing laki ng tower ng nafocor haha.

Paki-promote na rin 'to para sa ekonomiya wooooh. Salute kay Mayor. Haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top