Chapter 8
Chapter 8: Alter.
-----
Time: 6:00
Location: Picnic grove, Tagaytay
Kasalukuyang naglilinis ang isa sa mga maintainance ng nasabing pasyalan.
Nilibot niya ang bawat palikuran para icheck kung malinis ang mga ito.
Ang huling cr na pinasok niya ay sa bandang parking lot. Una niyang chineck ang cr ng babae. Maayos, malinis at mabango. Pasado.
Sunod naman ay sa cr ng lalaki. Pagpasok niya pa lang ay naamoy niya na agad ang lansa. Hindi iyon masyadong pinansin ni manong. Natural naman na kasi sa pilipinas na mabaho ang cr ng mga lalaki lalo na kapag pampubliko.
Ang kaso ay may umagaw sa atensyon niya. Ang daloy ng dugo mula sa isang booth. Naintriga si manong sa kung anong nasa loob kaya agad niya itong binuksan.
Doon na nga tumambad ang katawan ng isang binatang lalaki. Hindi ordinaryo ang pagkamatay nito. Bali kasi ang leeg nito na nakapaling pakaliwa sa loob ng inidoro habang nakaharap sa pinto. Lumawit pa ang buto nito sa leeg sa tindi ng pagkabali. Ang mas matindi pa rito ay butas na ang dibdib nito at wala na ang puso.
Takot na takot na kumaripas si manong sa kaniyang nasaksihan kaya agad siyang tumawag sa mga awtoridad.
-----
Pagbalik ni Aki sa unit galing sa rooftop ay agad niyang chineck ang cctv sa kaniyang laptop.
Lumabas pala siya ng unit eksakto 22:30. Mga bandang ala-una na ng madaling araw ng makauwi siya. Wala namang kakaiba. Bumalik lang siya sa kwarto at nahiga. Muli siyang bumangon ng 3:00 at muling lumabas.
Isinara na ng binata ang laptop dahil alam niya na ang kasunod noon. Muling bumuntong hininga si Aki.
Matapos mag-almusal, maligo, uminom ng gamot at mag-ayos ng sarili ay lumabas muna siya ng City land saka pumara ng taxi. Simula ng maaksidente ay hindi na siya bumili ulit ng sasakyan.
Habang nabyahe ay biglang nagring ang kaniyang cellphone. Si Mela.
"Kamusta hon?" -Aki.
"Eto pauwi na'ko, kita tayo mamaya?"
"Sure. Miss na nga kita e."
"Same here. Kamusta pala?"
"Ayos din," hindi sinabi ni Aki ang mga nangyayari sa kaniya at wala siyang balak sabihin. Ayaw niya kasing mag-alala ang girlfriend.
"Sige maya na lang tayo usap ah, ba-bye."
"I love y---" bago pa man matapos ni Aki ang sasabihin ay binabaan na siya ng kausap.
Hindi niya na lang iyon pinansin dahil tinanong na siya ng driver kung saan banda ang lugar na pupuntahan niya.
Nang makita niya na ang building na pupuntahan ay agad siyang bumaba ng taxi. Pagpasok sa loob ng hindi kalakihang building ay nagtanong agad siya sa information booth.
Iniabot niya ang calling card na hawak at ng makita iyon ng kausap ay tinuro agad nito ang room ng hinahanap niya.
"Dalawang liko lang sir from here. Una deretso ka diyan, tapos liko ka doon pakanan, tapos pakaliwa naman, tapos pakanan ulit, tapos deretso lang po hanggang dulo, tapos liko na naman ulit sa kanan, tapos unang kaliwa, tapos kanan ulit tapos------"
"Wait," awat niya. "Ang gulo e, kalo ko ba dalawang liko lang? E nakakailang liko ka na e," reklamo ni Aki.
"Dalawang liko lang Sir ginawa natin. Kaliwa, kanan lang po."
"Sakalin ko kaya 'to!" bulong niya bago iwan ang kausap, baka kasi kung ano-ano na naman ang maisip niya.
Hindi naman siya naligaw sa direction sa tinuro ng pilosopong Receptionist. Nakita niya agad ang room kaya agad siyang kumatok.
Hindi na niya inantay ang pagbukas ng pinto, pinihit niya agad ang doorknob saka pumasok. At nakita niya ang isang cute na chubbyng babae na nakaupo habang nakaharap sa kinaroroonan niya. Nakapatong ang mga kamay ng babae sa desk na nasa harap nito mismo.
"Rei-pist?" bungad na tanong ni Aki.
"Huh? Anong rapist?"
"Nabulol lang po. You're Rei WP the psychiatrist, right?"
Tumango naman ang huli.
"I'm Aki, 23 years old, from tagaytay city na naniniwala sa kasabihang-----"
"Okay na Aki. Nice meeting you. Nasabi na ni Anna ang tungkol sa'yo. Have a seat. Rei na lang ang itawag mo sa'kin," parang hindi ito nahinga kung magsalita.
"Kung ganoon, alam n'yo na ang problema ko?" tanong ni Aki pagkaupo sa silyang tapat ni Rei.
Tumango lang ulit si Rei bago nagsalita. "Idetalye mo pa ang ibang nangyayari sa'yo para mas magkaroon ako ng idea. 'Wag kang mag-alala, safe ang lahat ng kwento mo sakin."
Agad namang kinuwento ni Aki ang mga nangyari sa kaniya nitong mga nakalipas na linggo.
Pagkatapos ng mahabang salaysayin ay nagtanong ang binata. "Ms. Rei, sa palagay n'yo po ba ay mayroon akong alter? Nagresearch po kasi ako tungkol sa mga ganitong bagay and i found out na iyon ang isa sa mga posibleng dahilan kaya hindi ko naaalala ang mga nangyayari."
Tumayo si Rei at saka lumakad papunta sa kinaroroonan ng binata. Hinawakan niya ito sa balikat.
"Ms. Rei, 'W-wag po, taken na'ko."
"Huh? Wala 'kong gagawin sa'yo sira."
Namula si Aki sa kahihiyan.
"Ang alter ay kadalasang nararanasan ng isang taong may masalimuot na kabataan. Mga matinding karanasan na nadadala sa isipan habang lumalaki. Nagsisimula iyon kapa nasa adult stage na. Sa case mo, may possibility pa rin pero mas nahahawig ito sa isa pang dis-order na nalalaman ko.
Natahimik si Aki.
"Madalas ka bang mag-imagine ng mga bagay-bagay? Mga kung ano-ano? Fantasies and dreaming?"
Tumango ang binata.
"Isa 'yon sa mga dahilan. Kung minsan kasi, sa sobrang lakas ng isang tao mag-isip ng kung ano-ano ay nadadala niya ito hanggang sa pagtulog niya, minsan sa panaginip at kung minsan ay kahit tulog na ang diwa natin ay umaakto tayong normal."
"Sleep walking?" -Aki.
Tumango naman si Rei. "Narinig mo na ba ang day dreaming?"
"Yap, 'Yong nangangarap ng gising," hindi na halos natapos ni Aki ang sasabihin dahil inilingan na siya ni Rei na ang ibig sabihin ay mali.
Pagbalik ng babae sa upuan ay saka ito muling nagsalita. "Iba ang day dreaming na sinasabi ko. Ito 'yong tipo ng akala ng taong titingin sa atin ay gising tayo dahil sa umaakto tayo ng normal, pero ang totoo ay tulog talaga tayo. Kagaya ng nararanasan mo ngayon."
Naguluhan ang binata. "May ganoon ba talaga?"
"Yes. Ako mismo ang buhay na patunay."
Nagkaroon ng four seconds silence sa loob ng office.
"'Yang mga naranasan mo ay una ko ng naranasan. Napaka-rare ng kaso na'yan. Sa halos 100 millions na tao sa pilipinas ay pangalawa ka palang sa nakakaranas ng day dreaming."
Nagulat si Aki. Kung ganoon, dalawa pa lang sila ni Rei ang may ganitong case dito sa pilipinas.
"Anong ginawa niyo? Nagdi-day dreaming ka parin ba?"
"Napakadalang na. Ituturo ko sa'yo ang mga hakbang para maiwasan mo ito. Pero sa ngayon ay magfocus ka muna sa sasabihin ko."
Tumango naman si Aki at nakinig sa payo ni Rei.
-----
Hapon na ng umalis si Aki sa office ni Rei. Marami itong itinuro sa kaniya na makakatulong sa kalagayan niya ngayon.
Agad nangtungo si Aki sa restaurant na sinabi sa kaniya ni Mela na meeting place nila ngayong gabi.
Excited siya na makitang muli ang girlfriend. Halos isang buwan din kasi itong nagbakasyon sa probinsya. Hindi naman na siya sumama dahil ayaw ng girlfriend niya na mapagod siya sa byahe. Weh di nga?
Naka-upo na sa pwesto nila si Mela pagpasok niya ng restaurant. "Sorry hon, late ako," saka niya hinalikan ang nobya.
"It's okay. Have a seat."
Pagka-order ng makakain at maiinom ay tahimik silang nagsalo.
"Magkwento ka naman," basag ni Aki sa katahimikan.
"Huh? Ano namang ikukwento ko?"
"Tungkol sa bakasyon mo sa Marawi," sabay ngiti.
Ngumiti rin si Mela. "Wala akong maisip e. Kain na lang tayo."
Natigilan naman ng bahagya si Aki. "Gan'on? Hmm, Okay, ikaw bahala," hindi niya na pinilit ang girlfriend pero hindi niya rin pinahalata na nanibago siya rito. Dati kasi sa phone pa lang excited na'to na kausap siya samantalang ngayon ramdam na ramdam niya na walang ka-exci-excitement ang dalaga sa pagkikita nilang iyon. Parang may kakaiba.
Ilang minuto pang nanatili ang katahimikan bago nagsalita si Mela. "Hon."
"Oh.. . may problema ba? Kanina ka pa kasing parang tahimik diyan e."
"May sasabihin ako sa'yo," parang aligaga si Mela. Pinagpapawisan ito.
"Sabihin mo na."
"Ahm, ano kasi e.. ."
"Ano?"
"Pa'no ba'to?" sa isip-isip ng dalaga. "Mag---m-mag.. ."
"Mag?" waiting si Aki.
"M-mag.. . mag-si-cr lang ako, di ko na kaya e. Lalabas na."
Napangiti si Aki. "Ge na, tumae ka na."
Dali-daling tumakbo si Mela papuntang cr. Sa pagmamadali ay naiwan niya ang kaniyang cellphone sa lamesa.
Eksakto naman na nagring iyon kaya napansin ni Aki ang cellphone. Si Gab ang tumatawag.
"Gab?" agad niyang sinagot ang tawag.
"Mela, nasabi mo na ba?" si Gab sa kabilang line.
"Oi, pre si Aki 'to. Nasa cr si Mela. Anong nasabi mo na?"
"Oi Man, kaw pala yan. W-wala 'yon. Bussiness matter man."
"Ganoon ba? Sige sabihin ko na lang kay Mela pagdating niya."
'Wag na bro. Sige baka ma-storbo ko pa kayo."
Biglang nagdrop call si Gab. Nagkibit-balikat naman si Aki.
Pagbalik ni Mela ay naibalik narin ni Aki ang phone nito sa dating pwesto.
"I have to go."
"W-why?" nagtaka si Aki.
"Parang sumama ang pakiramdam ko. Sa biahe siguro 'to."
"Doon kana matulog sa unit ko."
"H-hindi pwede. Sorry hon."
"Huh?" Bakit?"
"Maaga pa kasi ang biahe bukas, may opening 'yong new branch namin sa batangas, kailangan ako doon," dahilan ni Mela.
"Aalis ka na naman?" kita sa mukha ng binata ang lungkot at pagkadismaya.
"Sorry talaga hon."
Matapos maihatid sa taxi ang girlfriend ay sumakay narin siya ng bus pauwi ng condo. Mga 20:00 na ng makabalik si Aki ng City land. Malungkot siya habang papasok ng building. Paano kasi ay nafefeel niya na parang nanlalamig sa kaniya ngayon si Mela. Ibang-iba na kasi ang mga kilos nito. Malayo sa Mela na nakilala at minahal niya. Sana naman ay mali siya ng hinala.
Pagdating sa 10th floor ay hindi sinasadya na nakita niya ang isang babae. Kasing tangkad ito ni Ransey, kahawig din kahit nakatalikod.
"R-rans?" mabilis siyang napatakbo para habulin ito papunta sa direksyon ng unit niya. Kaya lang pagkaliko ay nawala na ito.
Naglaro na naman ang isip niya. Napabuntong hininga siyang muli. "Pagod ka lang Aki."
Pumasok na siya sa kaniyang unit at bago matulog ay sinunod niya ang payo ni Rei. Ayon kasi rito ay mas mainam daw na balikan ni Aki ang mga routine na ginagawa niya bago ang aksidente.
Muling kinuha ni Aki ang black notebook at nagsulat ulit doon ng mga hinaing niya sa buhay. Ang notebook lang na iyon ang kinuha niya matapos maibenta ang bahay nila.
Matapos magsulat ay ibinalik niya na ito sa lagayan saka natulog.
Kinabukasan pagkagising ni Aki ay nagulat siya sa kanyang nakita.
[Dedicated ang chaper na'to kay RRR_29]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top