Chapter 7


Chapter 7: Blood.




----

"May ilang katanungan lang kami sa'yo Mr.Aki."

Nasa Olivares, Tagaytay police station si Aki noong umagang iyon. Ilang lakad lang ang nasabing police station sa city land.

Pagkagising kasi ni Aki ay may mga pulis na kumatok sa condo niya. Mabuti na lang ay tapos na siya sa pag-alis ng mga dugo sa katawan at kama bago dumating ang mga ito. Gayunpaman ay natatakot parin siya sa mga maaaring itanong ng mga ito. Hindi niya naman kasi alam kung anong nangyari kagabi. Nakagawa ba siya ng krimen?

"A-ano po 'yon?" hindi niya ipinahalata ang kaba.

"Nanalo ka sa lotto. Congrats."

"Huh? Talaga po?"

"Syempre hindi. Police kami hindi pcso."

Napangiwi na lang si Aki.

"Noong nakaraang araw ay may namataang babaeng patay na sinilid sa maliit na kahoy na kahon. Nakita ang bangkay sa bandang Mahogany market, malapit narin sa NBI station."

Nakinig at patango-tango lang si Aki na may pagtataka. Hindi niya kasi alam kung anong kinalaman niya sa krimeng iyon. Ni hindi niya nga kilala ang tinutukoy nilang biktima.

"Ayon sa source namin, Galing sa isang Bar ang biktima bago siya mapatay," nagpatuloy ang pulis na kausap niya. "Nakita namin sa cctv ng bar na pinanggalingan niya na meron siyang kasamang lalaki bago siya umalis doon saktong 00:00. At ayon sa ginawang enhancement ng aming IT specialist sa kuha ng cctv, lumabas ang nag-ngangalang Aki Corbito ang kasama niya noong gabi bago siya mamatay."

Nagulat si Aki sa kanyang nalaman. Saka pumasok sa ala-ala niya ang nangyari noong nakaraang umaga na gumising siya. "Hindi pwede 'to, nagpunta ako ng bar at may kasamang babae?" nagsimula na siyang kabahan. "What is this happening to me?"

"T-teka po," may pagtatakang sambit ng binata. "A-ako, kasama s-sino?" saka niya itinuro ang sarili. Kinakabahan at naguguluhan parin talaga siya.

"Shade Umipig ang pangalan ng biktima," singit ng pulis na nasa bandang kanan ni Aki.

"Nasaan ka ng gabing 'yon bago mamatay ang biktima?" tanong ng isa pang police. "Ayon sa autopsy report ng team namin, mga bandang 2:30-4:30 pinatay ang dalaga.. . sabihin mo, saan kayo nagpunta ni Shade ng 00:00 hanggang 2:30 ng madaling araw?"

Pinagpawisan ng malamig si Aki sa mga tanong ng police. Hindi pa nga nareresolba ang tanong niya tungkol sa mga dugo sa kaniyang katawan nito lang umaga, tapos sumabay pa'tong bagong problema. Totoo nga kaya na siya ang pumatay sa biktima?

"N-nasa bahay ako noon," hindi kumbisido niyang sagot.

"Anong patunay?" prankang tanong ng nasa kanan niya. "May sapat ka bang alibi?"

"I-check n'yo po 'yong cctv sa condo unit na tinutuluyan ko," Kahit ang binata ay nagulat sa sinabi niya. Maari niyang ipahamak ang sarili kung magkataon.

Hindi nag-aksaya ang mga police noong oras na'yon. Nagtungo agad sila sa security ng city land at sinuri kung nasaan si Aki noong mga oras bago mangyari ang krimen.

Base sa copy ng cctv mga bandang 00:20 ay nakauwi si Aki ng condo kasama si Shade. Chineck ang isa pang cctv na nasa 10th floor. Wala namang kakaiba pero nagulat si Aki dahil hindi niya maalala iyon. Kahit anong isip niya, he can't remember anything. "How come."

Mga bandang 2:00 ng lumabas si Shade sa unit kasama si Aki pero wala ng pang-itaas na damit ang binata. Pagpasok nila sa elevator para bumaba ay nagkaroon pa sila ng kissing scene. Napangisi ang mga nanonood ng makita ito habang nakatingin kau Akiboy lalo na ng makita sa cctv na nilagyan siya ng chikinini ni Shade sa kanang dibdib niya.

"Ayos 'yan ah," alaska ng isang police.

Natapik naman ni Aki ang kaniyang ulo. Hindi niya talaga maalala ang mga kaganapang nakuhanan sa cctv.

Ang huling kuha ng cctv na kasama ni Aki ang biktima ay noong ihatid niya ito sa mismong entrance lang ng building. Kasunod noon ay bumalik na ang binata sa unit nito.

Nakahinga ng maluwag si Aki dahil solid ang alibi niya. Labas siya sa kaso. Bago naman magpaalam ang mga police ay nagpasalamat ito sa participation ng binata sa kaso.

Noong tanghaling iyon hindi mapakali si Aki pagbalik ng unit niya. Paanong hindi niya naaalala ang mga ganoong pangyayari? Gising na gising siya based doon sa cctv. Hindi pala siya nag-i-sleep walking.

Dahil doon ay naalala niya na naman 'yong mga dugo sa katawan niya. Dali-daling kinuha ng binata ang kaniyang laptop para icheck ang cctv sa loob mismo ng unit. Hindi niya kasi nacheck 'yon kaninang umaga dahil sa mga nagdatingang pulis.

Dalawa ang cctv niya, sa kwarto at sala na sakop narin ang kitchen area at bahagi ng comfort room. Malaking tulong ang mga ito para malaman ang nangyari kagabi. Sana naman wala siyang pinatay na tao.

23:30 ng bigla siyang dumilat. Mga 15 minutes bago siya kumilos. Una niyang tinanggal ang pagkakatali ng sinturon saka dumeretso sa shower room. Kita sa cctv na bumukas ang ilaw doon, hindi kasi nakasara ang pinto.

Limang minuto ang tinagal bago siya lumabas doon pero hindi naman siya basa. "Anong ginawa ko sa shower room?"

Pagkatapos ay humarap ang binata sa life-size mirror na nasa tabi ng sofa. 30 minutes lang siyang nakatitig doon habang paiba-iba ang expression ng mukha. Minsan ay tatawa, tititig ng masama, malulungkot, at mukang galit.

Maya-maya ay lumabas na ng unit ang binata.

Mga 1:00 na ng bumalik siya ng unit na may dalang paper bag.

Inilapag niya ang paper bag sa dinning table. Ni-zoom-in ni Aki ang kuha ng paper bag dahil napansin niyang gumagalaw ito.

Hindi nga nagkamali ang binata, may kung anong may buhay sa loob ng paper bag na dala niya. Tatlong kuting.

Nilagay niya ang mga kuting sa kuchon saka nagtungo sa kusina para kunin ang kitchen knife.

Pagbalik ay hinubad niya ang kanyang damit saka walang habas na ginilitan ang mga kawawang kuting. Ang isa ay pinutol-putol niya ang mga paa habang ang isa pa ay biniyak niya naman ang tiyan.

Natutop na lang ni Aki ang bibig. "Shit!" gulat na gulat siya. "Hindi ako yan."

Kumalat ang dugo sa kobre-kama. Kasunod noon ay ipinahid ng binata ang mga dugo sa katawan niya na parang enjoy na enjoy sa kaniyang ginagawa. "Fuck!"

Pagkatapos noon ay inilagay niya ang piraso ng katawan ng mga kuting sa trash can sa kitchen saka natulog na parang walang nangyari.

Pagsara ng laptop ay napatingin ang binata sa trash can na sipat mula roon sa pwesto niya.

Nilapitan niya ito at dahan-dahang binuksan. Halos masuka-suka siya dahil sa nakitang napkin ng babae. "Shete naman, ba't may nap---" hindi na tinapos ni Aki ang sasabihin dahil naalala niya ang napanood sa cctv ng condo. Malamang pag-aari iyon ni Shade na naka-one-night-stand niya. Fuccboi lang.

Paghalukay ng basura ay doon na nga tumambad ang patay na katawan ng mga kuting. Nakakaumay na ang amoy nito.

Agad niya iyong kinuha at binalot ng maigi saka tinapon sa tapunan ng basura.

Pagbalik sa kwarto ay hindi na maalis sa isip niya ang mga nalaman. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya? "Sino ang taong 'yon?" tanong niya sa sarili. "Hindi ako 'yon."

Inabot na lang siya ng gabi sa pag-iisip tungkol sa nangyari.

Pagkatapos maghapunan ay dumeretso siya sa sala para libangin ang sarili. Gusto niya kasing makalimutan ang mga nangyari ngayong araw.

Lumipas ang oras ay nakatulog na nga siya ulit. Naiwan niyang nakabukas ang tv, pero ang ilaw sa sala ay nakapatay.

Maya-maya, mga bandang 03:00 ng bigla siyang maalimpungatan ng mauy kumalabit sa kaniya.

Napabalikwas siya ng bangon nang makita kung sino ang kumalabit. Si Ransey.

"R-rans?"

Nginitian lang siya ng kaharap saka tumakbo palabas ng unit niya. Sinundan naman ito ng binata hanggang makarating sa rooftop.

Huminto ang hinahabol niyang si Ransey sa bandang tanke habang nakaharap sa kaniya.

"Rans," ulit niya. "Tapos na ang role mo, anong ginagawa mo dito?" ngumiti lang ang huli. "Extention ng role?" saka siya lumapit dito.

Nang hawakan niya ito ay bigla na lang itong naging usok at kumalat sa ere. Kasunod noon ay ang pag-agos ng napakaraming dugo galing sa tangke.

Nagimbal si Aki sa nasaksihan at pagkatapos ay bigla na lang siyang nagising.

7:00 na pala at nakahiga pa siya sa rooftop tapat ng malaking tanke.






[Dedicated ang chapter na ito kay mystshade]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top