Chapter 5
Chapter 5: Truth.
Flashback
-----
August 01, 2017
Kasalukuyang nagpapahinga si Aki sa kwarto noong hapong iyon. Nakalabas na siya ng hospital at ayon sa payo ng doctor ay iwasan muna ang mag-isip ng kung ano-ano.
"Turn down the light and close the door
Ooh, i love that dress but you don't need it anymore.. .
.
.
.
We will dance 'till we're naked baby,
Versace on the floor."
Dahil sa kanta ay nareminisced tuloy ng binata ang bed scene nila ni Mela.
Nag-eenjoy na siya sa pagpapantasya ng biglang kumatok si Ransey sabay pasok.
"Bwisit na bata 'to," reklamo niya sa isip.
"Kuya, Kuya Gab is here."
"Pakisabi susunod na'ko," tumayo si Aki pero bago pa siya lumabas ng kwarto ay pumasok na doon si Gab.
"Bro, good news," entrance ni Gab.
Halata ang question mark sa facial expression ni Aki.
"Nagpabook na'ko ng tutuluyan n'yong hotel sa Baguio, Three days kayo r'on, tapos pagdating n'yo r'on e may magtotour na sa inyo sa place."
"Gab naman, kita mong gipit-----" hindi na natapos ni Aki ang sasabihin.
"You don't have to worry about anything bro. Ako nang bahala doon," nakangisi si Gab. "Kailangan mo magrelax ngayon, mamaya magnervous break down ka sa rami ng iniisip mo e. Mag-unwind ka muna, kayo ni Ransey."
Hindi alam ni Aki kung anong sasabihin. Kahit kailan talaga ay napakabait ng kaibigan niya lalo na kapag tulog. "S-salamat talaga man."
"Syempre bestfriend tayo e, wala 'yon."
"Thank you kuya Gab," singit ni Ransey na biglang yumakap sa una. Sinuklian naman din ito ni Gab ng hug.
"About kay Mela, nabalitaan kong nagkatampuhan kayo. Hayaan mo muna siya, ako na lang ang kakausap kapag hinanap ka niya. Sure akong maiintindihan ka no'n," habol ni Gab.
"Thank you talaga man."
--------
August 02, 2017
Heavy traffic.
Tunog ng mga businang nag-uunahan ang number one na maririnig sa kahabaan ng edsa na dinaanan ni Aki.
Bakit ba naman kasi dito niya pa naisipang dumaan e alam niya namang forever ang traffic sa edsa.
"Shit sa traffic," bulong ni Aki na nabubugnot na.
"Kuya, bad magmura," narinig pala siya ni Ransey na nakaupo lang sa likuran while embracing Dee-dee and doing something.
"Mas bad 'yang ginagawa mo Rans. Kinakain mo 'yang kulangot mo, itigil mo nga 'yan."
"Sarap kaya, want some?"
"Wew, matulog ka na nga lang Rans," nandidiring tugon ni Aki.
"Okay. Sleep na'ko," bigla na lang itong humiga.
Dahil doon ay napatingin si Aki sa wrist watch niya. 22:30 na pala. "Bakit ang traffic parin? Buti pa ang traffic sa edsa may forever, e kami kaya ni Mela?"
Ilang saglit pa ay umusad na sila. Kaya naman pala grabe ang traffic dahil nagkaroon ng sunog ilang metro ang layo sa main highway. Umabot sa fourth alarm ang nasabing sunog.
Maraming mga fire trucks ang nagsiksikan sa edsa pati ilang mga tao na nasunugan dahilan para bumigat ang trapiko.
"Kuya what's with that noise?" ani Ransey ng maalimpungatan. Sabay silip sa wind shield.
"Matulog ka na ulit, 'wag kang tumingin diyan," sita ng binata rito. Ayaw niya kasing maka-encounter ng mga ganoong scene ang kapatid.
Matapos sumagot ng okay ni Ransey ay bumalik na ito sa pagtulog habang yakap-yakap parin si Dee-dee.
Samantala, nagpatuloy naman si Aki sa pagdadrive.
Fast forward >>
30 minutes bago mag 00:00 ay nakalabas na ng manila si Aki. Pagkabayad sa toll gate ay nagpaharurot na ito ng takbo. Masyado ng gabi kaya kailangan nilang mag bus stop para magpahinga muna saglit dahil nakakaramdam na siya ng antok.
Malayo-layo pa kasi ang byahe. Six to eight hours pa.
Binuksan ni Aki ang radio para mawala ang sleepy presence sa loob ng sasakyan. Medyo bumibigat na kasi ang talukap niya noong mga sandaling iyon. Sa tuwing susulyap pa siya sa kapatid na sobrang himbing ng tulog ay parang gusto niya narin ipikit ang mga mata. Kaya lang syempre hindi pwede, nasa NLEX sila, kaunting pagkakamali maaari silang mapahamak.
Kung ang mga nakadilat nga, kung minsan naaksidente, lalo pa kaya ang nakapikit.
"Grabe naman 'yang reason ng boyfriend mo day! Nang dahil lang sa hindi mo pinalaro ng everwing nakipag-break na? Anong klaseng lalaki yan? Malamang dinahilan n'ya lang ang everwing na yan kasi ang totoo meron na talaga 'yang ibang ine-everwingan! Mga manloloko! Kaya dapat ibalik na ang bitay para maipabitay yung mga taong manloloko!!!"
Napangisi ang binata sa kaniyang narinig at pagkatapos noon ay naalala na naman niya ang nakita sa hotel. Sigurado siya na si Mela 'yon. Sa tinagal-tagal ng pagsasama nila, mula ulo hanggang paa ay kilala niya ang kaniyang girlfriend, kahit pa nakatalikod ito.
Hindi naman siya lolokohin ni Mela. Ten years na silang nagsasama. Imposible naman na magtaksil pa ito sa kaniya. Alam niyang mahal na mahal siya nito. Ganundin siya dito. The feeling is mutual. Talaga ba?
Hindi niya na lang muna inisip ang mga bagay na'yon na magpapa-stress na naman sa kanya. Bawal nga pala siya ngayong mag-isip ng mga negative. Focus Aki. Focus.
Ilang minuto ang lumipas ay namalayan na lang ni Aki na napapikit na pala siya. Mabuti ay bigla siyang napadilat. Napabuntong hininga tuloy siya dahil sa takot matapo ang tagpong iyon.
Nilakasan niya ng bahagya ang radio para mas mangibabaw ang ingay at hindi siya agawin ng antok.
Effective. Pero hindi ganoon katagal.
Dala narin ng pagod ng isip at katawang lupa ay napapikit na ng tuluyan si Aki. Napayuko ang ulo niya sa manibela ng sasakyan.
Hanggang sa gumewang-gewang ang kaniyang 2017 mitsubishi montero sport.
Napansin iyon ng ten wheeler truck na nasa likuran niya lang kaya binusinahan siya nito. Ang kaso lamang ay hindi iyon naririnig ni Aki dahil malakas ang radio at medyo malalim na ata ang pagtulog ng binata.
Patuloy na bumusina ang ten wheeler na nasa likuran ng sasakyan ni Aki habang ang sinasakyan ng binata ay pagewang-gewang parin.
"Pare i-over take mo. Tingnan natin sa unahan baka nakatulog 'yong driver niyan," suggest ng pahinante sa driver ng ten wheeler truck.
Sumunod naman ang driver at binilisan nito ang pagdadrive para makauna kina Aki.
Kaya lamang ay bigla namang lumiko ang sinasakyan ni Aki sa daraanan ng truck. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakontrol ng ten wheeler truck driver ang manibela.
Mabilis nitong nabundol ang likurang sasakyan ni Aki at dumausdos pa ito paabante na inararo ang montero hanggang sa pareho silang gumewang pakanan sa hindi simentadong daan.
Bigla namang nagising si Aki. Nang marealized niya nga na babangga na siya ay pilit niyang minane-obra ang sasakyan kaya lang ay huli na. "No!!!"
Tumama ang montero sa gutter kasunod sa likuran nito ang ulunan ng ten wheeler truck. Kumiskis muna sa sahig ang natumbang truck na nagdala ng pagkislap bago tumama sa montero na siya namang dumurog sa likurang bahagi nito. Natumba naman at nagkalat sa daan ang malalaking container na nasa likuran ng truck.
August 03, 2017/Thursday, 00:45 ng mangyari ang aksidente sa kahabaan ng North Luzon EXpressway, 500 meters ang layo sa Bulacan toll gate.
Ilang minuto pa ay nagdatingan na ang mga police at ambulance.
------
Present time
"Follow the light Aki."
Malabo man ang nakikita ay sinunod ng binata ang sinasabi ng kaharap niyang nakaputing lalaki. Nakatutok ang maliit na flash light sa mga mata niya.
"Great Aki. Good job," saka bumaling sa isang babae ang kausap niya. "Finally his awake. Good news, bumalik na ang consciousness niya."
Hindi masyadong marinig ni Aki ang pinag-uusapan ng mga kaharap niya dahil medyo lutang pa siya at nanlalabo ang paningin.
Minuto rin ang lumipas ay lumabas na ng silid ang nakaputing lalaki. Nilapitan naman siya ng babae.
Si Mela pala at mangiyak-ngiyak siya nitong niyakap.
"Thank God Aki you're awake."
Pagkasabi no'n ni Mela ay unti-unti ng luminaw ang paningin at diwa ng binatilyo. Nasa hospital pala si Aki. 'Yong lalaking nakaputi pala kanina ay doctor na sumuri sa kaniya.
"Nauuhaw ako."
Agad kumuha ng maligamgam na tubig si Mela at dahan-dahang pinainom sa binata.
"Babalik si Doc. para magconduct ng ilan pang tests para malaman kung okay na talaga ang lagay mo at kung pwede ka nang makalabas," Mela is trying to calm her self in front of Aki. 'Yon kasi ang payo ni Doc., Umaktong normal.
"Anong ginagawa ko rito?"
Hindi naka-imik si Mela. Iniisip niya ng mabuti ang mga salitang bibitawan. "N-na---nadapa ka lang."
"Huh? Nadapa? Ganitong itsura, nadapa? What the hell i'm doing here, honey? Please ano ba'ng nangyari?"
"N-Naaksidente kayo," nangilid na naman ang mga luha sa mga mata ni Mela.
"Huh?" hindi makapaniwala si Aki. "I thought it was a dream. Naaksidente ba talaga ak-----kami? Wait?"
Hindi umimik si Mela. Nakatitig lang ito sa kaniyang boyfriend na kasalukuyan namang biglang napako ang tingin sa maliit na sofa sa harapan nito. Naroon kasi si Dee-dee, ang stuff toy ni Ransey.
"W-wait, si Ransey? Nasaan si Ransey? Nasaan ang kapatid ko?" nag-aalalang tanong ng binata matapos maalala na kasama niya nga pala ito. Nag-out of town nga pala sila.
Hindi naman nakapagsalita si Mela. Iniwas niya lang ang tingin sa nobyo kaya hinawakan siya ni Aki sa magkabilang balikat.
"Is she okay? Please tell me Hon, nasaan si Rans? Please," this time ay parang mapapaluha narin si Aki. Para kasing unti-unti ng bumabalik sa memory niya ang mga nangyari.
Pinayuhan si Mela ng doctor na kapag nagising si Aki ay huwag muna itong magsasalita kung alam niyang makakasama sa binata. Kaya lamang, sa sitwasyong iyon ay nasasaktan ang dalaga na nagkakaganon ang kaniyang boyfriend. Kitang-kita kasi sa mukha ni Aki ang pagkabalisa habang tinatanong siya.
"Mela nasaan si Rans? Okay lang siya 'di ba?" pagkukumbinsi ni Aki.
Napatingin at napaturo lang si Mela sa itaas kaya sumunod din ng tingin doon si Aki.
"Anong ginagawa ni Rans sa kisame?"
Hindi na napigilan ni Mela ang sarili. "I'm really sorry hon," napailing siya bago ulit humugot ng mga sasabihin. "Dead on the spot ang kapatid mo sa aksidenteng nangyari. Naipit si Ransey sa loob ng kotse, napuruhan siya. Halos durog na durog ang katawan niya... Wala na si Ransey, nailibing na two weeks ago.. . nasa heaven na siya," napahagulgol at napayakap ang dalaga kay Aki na halos magwala naman sa mga nalaman.
------
[Dedicated ang chapter na'to kay RengRnsy]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top