Chapter 4


Chapter 4: Chain.

Present time



----

Napakadilim ng paligid na mismong ang sarili mo ay hindi mo makita.

Nagising si Aki dahil sa kalansing ng kadena.

Wala siyang ka-ide-idea kung nasaan siya.

Napalilibutan siya ng walang hanggang kadiliman. Walang makatakas ni katiting na liwanag.

Hinawakan niya ang sariling katawan para masigurado kung wala itong bawas. Simula ulo, pababa sa dibdib, sa kalagitnan hanggang sa paanan. Kumpleto naman, so far.

Nasaan siya?

"Nasaan ako?" tanong ng isipan niya na lubos ang pagkalito. Ano ba talaga itong nangyayari sa kaniya?

Kanina lang ay nagdadrive siya. Sa pagkakatanda niya ay nadaanan nila 'yong accident kanina, after no'n ay paulit-ulit nang nangyari ang senaryo ng pagkabangga niya.

Kanina lang ay kasama niya si Ransey.

"Ransey," biglang sumagi sa isip niya ang bunsong kapatid. Oo nga pala, tama, he's with Ransey.

Magbabakasyon nga pala sila.

Pumikit si Aki para alalahanin ang mga nangyari. Hindi niya alam kung nakapikit na nga ba siya o nakadilat parin dahil pareho lang na puro kadiliman ang nababanaag niya.

"What is happening to me?" sa wakas may english narin.

Hindi niya makuhang gumalaw ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit? Dahil ba sa hindi niya alam kung nakatayo ba siya o nakahiga? Kung may tinatapakan ba siya o wala? Nakalutang ba siya o nakalubog sa kadiliman?

Nagsimula na siyang kabahan.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya hanggang sa naghabol na siya ng hininga.

Paghingang nakakalunod. Nalulunod siya sa sariling kaba.

Ano nga ba kasing nangyari? Ano ang huling nangyari?
Nasaan siya? Bakit siya nilamon ng kadiliman?

Hindi kaya...

"Patay na ba'ko?" ikatlong tanong sa sarili na hindi niya naman masagot. Lalong bumigat ang kaniyang paghinga ng maisip iyon. Nalulunod na talaga siya sa sobrang kaba na nararamdaman.

Sa gitna ng paghingi ng tulong at paghabol ng hininga ay narinig na naman niya ang kalansing ng kadena.

"Kadena?" inulit niya na naman ang pagtatanong na walang patutunguhan.

Eksakto na pagkasabi niya noon ay unti-unting lumitaw mula sa malayo ang kadena. Nakapagtataka dahil sa gitna ng dilim ay nakikita niya ito.

Parang led ang kadena na umiilaw habang palapit nang palapit sa kanyia ang kahabaan nito.

Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa kaniyang napansin na ang dulo ng chain ay nakatanikala pala sa kanang paa niya.

"Ano 'to?" obvious na nagtataka siya. Ang kaba ay nagdagdagan pero hindi tulad ng dati, hindi na siya naghahabol ng hininga.

Muli siyang napatingin sa tapat, sa dulong bahagi kung saan unang sumulpot ang kadena saka niya ibinalik ang tingin sa paang nakagapos.

Naghalo ang pagtataka, katanungan, kaba, at curious sa binata.

Natatakot man ay sinundan niya ang kinaroroonan ng kadena na nakagapos sa kaniyang kanang paa. Kailangan niyang malaman kung ano ang nasa dulong bahagi ng kadena.

Paghakbang niya ay kusa nalang nagkaroon ng sahig sa harapan niya.

Madilim parin ang paligid pero sure na siya na sa mga oras na iyon ay mayroon na siyang tinatapakan.

Nagfocus ang paningin niya sa kabilang dulo, sa pinanggalingan ng kadena. Habang dahan-dahang lumakad palapit doon ay maririnig din ang kalansing ng kadena.

Iyon lamang ang nagsisilbing ingay sa paligid. Kahit ang paghakbang niya ay walang dalang ingay.

Sadyang may kung anong kababalaghang nangyayari sa kaniya. Kailangan niyang malaman kung ano iyon. Marahil ay nasa dakong iyon ang sagot.

Nagmadali siya sa paglalakad. Bumilis at lumakas din ang ingay na dala ng kadena.

Sinabayan pa ng horror sounds effect para mas maging thrilling ang dating ng eksena.

Unti-unti ng nagkakaroon ng maliit na liwanag mula sa dulong bahaging tinatahak niya.

Habang papalapit siya ay palaki nang palaki ang liwanag.

Parang isang pintuan na nagliliwanag ang naging hugis nito sa malapitan.

Ilang saglit pa ay naabot niya na ang liwanag.

Huminto siya panandalian sa harapan nito.

Sinuri ng mga mata ang liwanag saka siya nagbuntong hininga. Isang malalim na buntong hininga.

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ihinakbang ang sarili papasok sa doon hanggang sa lamunin siya nito.



------

Pagkadilat ni Aki ay namalayan niya na lang ang sarili na nakatayo kaharap ang nakasaradong pintuan.

Puno parin ng katanungan ang kaniyang isip.

Tiningnan niya ang kaniyang kabuuan. Doon namalayan ni Aki na wala pala siyang saplot. All eyes, libre silip.

"Nasaan ako?" saka binalak ng binata na hawakan ang doorknob ng pintuang nasa harap niya. Ang kaso ay bago pa iyon magawa ni aki ay muli niyang narinig ang kalansing ng kadena galing sa kaniyang paanan.

Laking gulat niya dahil nakakonekta ito mula sa likuran kaya humarap siya.

Doon na nga tumambad sa kaniya ang isang bagay na ikinasindak ng pagkatao niya.

Kasabay ng malakas na hiyaw ay ang pagbalandra niya sa sahig.

Totoo ba'tong nakikita niya? Nanaginip ba siya? Naeengkanto? O nababaliw na? "What the hell is going on?"

Hindi niya mapaniwalaan ang nakita.

Balot man ng matinding takot ay dahan-dahan siyang tumayo para muling silipin ang taong nakahiga sa harapan. Napasandal siya sa pintuan at saka muli itong tinitigan.

Walang duda. Siya nga ang nakaratay sa kama. Ang chain na nakagapos sa kanang paa niya ay connected sa dibdib ng nakaratay niyang katawan.

Teka.. .

"Patay na ba'ko?"

Saka lang narealized ni Aki na ang room na kinaroroonan niya ay isang hospital. Nakita niya ang sarili na nakaratay at walang malay. Kita ang mga galos sa mukha nito.

Pagkakita ng binata sa mga galos sa kaniyang mukha ay doon na naalala ni Aki ang lahat-lahat ng mga nangyari.

Kasunod no'n ay ang dahan-dahang pagpatak ng mga luha niya. "Hindi ako pwedeng mamatay!"

Pagkasabi noon ay bigla na lang siyang hinigop ng kung ano patungo sa kung saan.





-----

[Dedicated ang chapter na'to kay ButiNalangTanga]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top