Chapter 32


Chapter 32: Freedom.

December 25, 2017

"Pasko! Pasko! Pasko na naman muli."

"Ang araw na ating pinaka mimithi."

"Pasko! Pasko! Pasko na naman muli."

"Ang pag-ibig naghahari."

Pagpatay ng soundtrip ay agad lumabas ng kotse si Gem. Dumiretso ang babae sa loob ng Tagaytay Police Headquarter building para bisitahin si Chief Rohroh.

"Chief," pagpasok sa opisina.

"Oh, bakit andito ka?" gulat na saad ni Rohroh saka nakipag kamay sa babae.

"Babati lang ng Merry Christmas."

Yumakap si Gem sa kausap, nagpasalamat naman si chief bilang tugon.

"Kumusta?"

"Ito, ayos naman ang bakasyon sa cebu."

"Pupuntahan mo ba siya?" tanong ni Rohroh pagkaupo nila.

"Yes chief. Kukumustahin ko lang."

Tumayo ang pulis at may kinuha sa locker nito. "Pakibigay na lang 'to sa kaniya, pamasko ko. .. saka pakikumusta na rin ako."

"Makakarating, Sir," pagkakuha ni Gem ay may inabot din siya kay Rohroh. "Pamasko ko 'yan Chief, pwede mo ng buksan."

Pagbukas ng ginoo ay nakita niya ang isang relo pagkatapos ay nagpasalamat siya sa dalaga.

Matapos ang saglit na usapan ay nagpaalam na si Gem at tumungo sa lugar kung saan naroon ang isang kaibigan.

Higit kalahating oras ng marating ng binibini ang Pulang bubong.

Inabutan niya ang pakay na mag-isang nakaupo sa isang bench katapat ang isang lamesa. Naupo naman siya sa katapat na upuan nito.

"Kumusta na?" unang tanong ng dalaga. "M-merry Christmas."

Hindi umimik si Glenn, nanatili lang itong nakayuko.

"Kinukumusta ka nga pala ni Chief, sabi niya magpagaling ka na para makabalik na sa trabaho- I-ito may regalo siya sayo oh, tapos ito naman ang gift ko," inilagay ng dalaga ang mga regalo sa lamesa.

Wala pa rin imik ang huli.

Nang makita ang walang ekspresyon na tugon ng kaibigan ay napabuntong hininga na lang si Gem.

"Glenn, please..." nangangatal na tono ng dilag. Hindi kasi siya sanay na makita sa ganoong estado ang kaibigan. Ni wala sa isip niya na hahantong ito sa ganitong punto.

Maya-maya ay tumayo na si Gem. Alam na rin naman niyang wala na naman siyang mapapala. Sa paulit-ulit niyang pagdalaw sa detective sa mental hospital na iyon ay lagi na lang itong nakayuko at walang kibo.

"Dadalaw na lang ako sa'yo next day," ani niya bago tumalikod.

"'Wag ka ng pupunta rito."

Nagulat ang forensic doctor ng bigla itong nagsalita. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagsalita ang detective magmula ng madala sa pasilidad na ito.

Gustong-gusto na malaman ng dalaga kung ano ang totoong nangyari noon sa rooftop ng city land. Naabutan na lang kasi nila si Glenn no'ng gabing iyon na animo'y wala na sa sarili. Nang mga unang araw pagkauwi ay inakala nila na babalik sa normal ang detective subalit nanatili itong tulala at tahimik kaya napagdesisyunan nila ni Chief Rohroh na ipasuri ito sa isang mental-doctor. Pinayo ng doctor na dalhin pansamantala si Glenn sa Mental hospital upang mabilis makarecover.

"F-finally, you're talking," napaharap si Gem dito.

"'Wag ka ng dadalaw dito," ulit ni Glenn pero nakayuko pa rin ito.

"B-bakit naman?" tanong-sabi ng dalaga.

"Nagagalit ang asawa ko."

Napangiti ng sarkastiko si Gem. "W-what are you-talking about?"

"N-naga-magagalit asawa ko sa'yo."

Umikot ang mata ng binibini sa mga narinig. "Stop joking Glenn, not a good idea-" hindi na halos natapos ang sasabihin nito.

"Magagalit asawa ko."

"My gawd, patay na ang besfriend ko," may kalakasang saad ng binibini.

Hindi naman naawat si Glenn sa kasasalita.

"Nagagalit ang asawa ko, kaya wag ka ng pupunta-"

"Stop this shit Glenn, hindi nakakatuwa!" may pagka-iritang wika ng babae.

"'Wag ka ng pupunta dito, magagalit asawa ko! magagalit nga siya! Wag-"

"Glenn, patay na ni Shane two years ago, what the hell are you talking about?" napikon na si Gem.

"Hindi siya patay! Hindi siya patay!"

Biglang humarap ang detective na ikinagulat ni Gem dahil sa itsura nito. Lubog ang mata, maputla at gulo-gulo ang buhok. Malayo sa kilala niyang detective.

"Wag ka na pupunta dito! Buhay asawa ko! hindi siya patay!"

"Glenn, Ano ba? Tama na! Patay na siya!"

"Hindi siya pata-."

"I said stop!" nasampal ni Gem ang detective dahil sa inis at galit. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang balikan pa ang nakaraan na iyon.

Hindi ininda ng lalaki ang malakas na sampal na dumampi sa pisngi nito, muli lang itong yumuko at bumulong ng kung ano-ano.

Naghalo naman ang awa at inis sa dalaga ng mamasdan niya sa ganoong estado ang kaibigan. Ang dating maamo nitong mukha, magandang ngiti, pagkakwela, lahat iyon ay tila naglaho na lang bigla. Ibang tao na ito sa paningin ni Gem.

"Ano na bang nangyari sa'yo?" nahahabag niyang bigkas. Subalit hindi naman siya pinakikinggan ng kaharap.

Nakayuko lang ito at paulit-ulit sa pagbulong ng kung ano-anong bagay.

"Baliw ka na nga," pagkasabi noon ay nagwalk-out na si Gem.

Naiwan si Glenn na nakaupo habang walang humpay sa kabubulong ng kung ano-ano. Naawat lamang ang binatang detective ng biglang lumitaw si Shane sa likod at mariing niyakap ang kabiyak.

"Hindi na tayo magkakahiwalay." Ani ng Espiritu.

Pagbalik ni Gem sa sasakyan ay hindi nito napigilang mapaluha. Naghalo-halo ang emosyon sa kaniya ng mga oras na iyon. Awa at inis dahil sa nangyari sa taong malapit sa kaniyang puso at galit naman para sa gumawa nito sa kaibigan.

Lalong hindi na napigil ang pagpatak ng mga luha ng manumbalik ang isang ala-ala na matagal niya ng kinalimutan; Ang bestfriend niyang si Shane na dating nurse sa mismong mental hospital na iyon.

Namatay ito two years ago dahil sa isang psychopath na naroon din noon sa pulang bubong. Binunot ang mga ngipin, pinutol ang dila at saka nilunod. Ang pangyayaring iyon ay hindi na naisapubliko para sa kapakan ng hospital.

"Kung naroon lang sana ako Shane," naguguilting sambit ng dalaga sa sarili. "I-i am sorry."

Ilang minuto bago magpunas ng mga luha at mag-ayos ng sarili ay nagmaneho na ang dalaga paalis sa lugar na iyon.



-----

Somewhere in Batangas.

City land killings.

Matapos makita noong nakaraang dalawang linggo ang patay na dalawang receptionists, dalawang gwardya ng nasabing condo unit at isang bata na nahulog mula sa rooftop ng building na may taas na 24th floor, noong dec 23 naman po ay nakuha mula sa isang septic tank ng nasabing condo ang katawan ng isang dalagita na kahindik-hindik ang dinanas.

Maliban sa katawan ng dalaga na kinilalang si Lovely Eljey Olega, kapatid ng batang nahulog sa rooftop na si Gela Mora Olega ay nakita rin mula sa tangke ang isang puso ng tao na halos padesolve na kasama ng ilang mga kagamitan at ebidensiya na may kinalaman umano sa tinaguriang black blood killer.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga pangyayari. Humingi naman ng paumanhin at tulong ang pamunuan ng city land at handa raw silang makipatulungan sa mga pulisya upang mapabilis ang paglutas ng kaso at mahuli ang misteryosong salarin.

Matapos iyong mabasa ng lalaki ay nilukot nito ang dyaryo saka tinapon. Pagkatapos ay naglakad ito papasok sa village na kaharap.

Nakajacket ito, pantalong maong, nakasapatos, naksumbrero at eye glass. Lahat ay kulay itim. Lumitaw ang kaputian nito dahil sa suot na damit, mahahalata ring gwapo ang itsura dahil sa lakas ng dating habang naglalakad.

Nang makita ang bahay na pakay ay saka nagdoor bell ang lalaki.

"Andiyan na," anas ng isang babae.

Pagbukas ay tumambad ang dalagitang may magandang pustura ng pangangatawan. Lumitaw ang kinis ng balat ng babae dahil sa suot nitong maiksing damit at short.

"Sino po sila?" ani Jollyana pagkakita sa lalaki.

Tinanggal naman ng binata ang tumatakip sa sariling mata. "Still remember me?"

Napaisip si Jolly. Feels like he knew this guy. Nasa dulo na ng dila niya kaya lang ay hindi maalala ng binibini.

"Si Aki 'to," nakangiting itinuro ng binata ang sarili.

"Ay oo!" natutop ng babae ang noo. "Yah, Aki, natatandaan ko na.. . 'yong author ng-, wait, what are you doing here?" nagtataka nitong sabi. "Hindi ba in-e-mail kita, sorry kung rejected ang manuscript mo, nahiya nga ak-"

"Don't mind it, narito ako para sunduin ka."

"Huh?" tanong-sabi ang dalaga na halata ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha.

"You will be mine now and you'll going to be my Eurylle," pagkasabi noon ay bigla na lang na-statwa ang dalaga at sumunod ng kusa kay Aki na abot langit ang ngiti.

"Yes, I am yours."

Kumislap ang pulang mata ni Aki ng marinig ang tugon ng dalaga.

Sa kabilang dako, kung saan naroon ang Aki' wrath.

Kusa itong bumukas at huminto sa pahina kung saan nakasulat ang ritual.

Ikalima at pang huli. I-alay ang iyong sariling buhay ng hindi labag sa kalooban at doon ang ikaw ay magiging ako. Matutupad ang kahilingan, ako ang magiging makapangyarihan.



-----

Headlines:

Isang babaeng nagngangalang Jollyana Park ang nawala araw mismo ng kapaskuhan. Huli itong nakita na lumabas ng bahay kasama ang isang lalaking naka-itim. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap sa kanila. Kung sinoman ang makakita ay ipagbigay alam agad sa pinakamalapit na police station.







-THE END BUT NOT THE LAST-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top