Chapter 31


Chapter 31: Death

-----

Isang buwan ang lumipas bago tuluyang makalabas si Aki ng ospital.

Hindi pa rin makapaniwala ang binata sa mga nangyari. Pakiramdam niya ay nalulunod lamang siya sa sariling bangungot na kahit anong pilit ay hindi niya magawang maka-ahon.

Nakapanlulumo.

Nakapanlulugmok.

Bakit humantong sa ganito ang lahat?

Noong hapong iyon ay tinungo niya ang lugar kung saan nakalibing ang nakababatang kapatid.

Nangalumata, nangayayat, nanuyo-nuyo at namutla ang kutis. Bakas na bakas ang matinding dalamhati sa buong pakatao ng binata, mapapisikal at lalong higit ang sa emosyonal na aspeto.

Kahit na hindi pa ganoon kabuti ang lagay ay pinilit niya na masilayan ang huling hantungan ng bunsong kapatid.

"R-ransey.. ."

Hindi pa man natatapos ang pagbigkas sa pangalan ni Ransey ay bumuhos na ang mga luha sa mata ni Aki. Hindi niya iyon pinigilan, wala rin siyang balak na labanan ang luha. Iyon ang pinakamabisang gamot sa mga oras na iyon.

"I'm really sorry."

Napaluhod ang lalaki sa tapat ng lapida at doon nagpatuloy ang paghagulgol habang inaalala ang mga araw na kasama nito ang bunsong kapatid.

Alam ni Aki na hindi siya nagkulang sa pagbibigay ng atensyon kay Ransey. Lubos niya itong inaruga at pinagsikapang mabigyan ng magandang buhay sa abot ng kaniyang makakaya. Sa puso ng binata, kung alam lamang nito na hahantong ang lahat sa hindi maganda ay maspinagbuti pa sana nito ang pag-aalaga sa batang babae.

"Sorry, Rans, hindi kita nailigtas"

Nagpatuloy ang matinding dalamhati. Kalaunan ay pinalo-palo nito ang sahig sa sobrang sakit ng kalooban.

"Kung alam ko lang. . .kung alam ko lang talaga.. . Hindi na sana tayo tumuloy magbakasyon!" Bulalas pa niya sa pagitan ng mga paghikbi.

"Rans. .. Ka-pa-tid ko!""

"Hindi na'ko magagalit kahit magkalat ka ng paulit-ulit sa bahay, Rans!"

"Kahit ilang beses ka magluto ng sunog na pancake!"

"Kahit abutin ka ng gabi sa kapitbahay. .. Rans, please.. .!"

Halos lumapat na ang mukha ng binata sa lapida sa kakasigaw at kahihiling sa kapatid na nasa ilalim na ng hukay.

"Bumalik ka Rans, 'wag mo naman ako iwan, parang awa mo na!"

Napaakap na lang sa sarili si Aki habang ang ulo ay nakayukod sa lapida. Hindi pa rin siya tumatahan, sa sobrang lumo ay hindi maawat ng mga mata niya ang pagbaha ng luha.

"Ako na lang sana.. . Forgive me, Rans. . . ako na lang sana. . ."

Mahina niyang sambit na hindi na halos narinig at natapos dahil may biglang kumanlong mula sa likuran.

Si Mela.

"H-honey, sabi ko na dito ka lang namin makikita," Ani ng dalaga habang inaakay ang kasintahan.

"Bro, hindi ka pa dapat lumabas, hindi pa ganoon kabuti ang lagay mo," Segunda ni Gab na ilang hakbang ang layo mula sa likod.

Biglang napadilat si Aki ng marinig ang boses ng bestfriend. Animo'y nanlisik ang mga mata niya na kanina ay punong-puno ng lungkot. Mabilis na tumayo ang binata at hinarap si Gab saka mabilisang inundayan ng sapak.

Nabigla ang lahat sa kaganapan.

"Aki!" awat ng dalaga.

"Kasalanan mo 'to!" Singhal ni Aki sa matalik na kaibigan na sa mga sandaling iyon ay nauunawaan ang lahat. "Kung hindi mo kami pinilit na magbakasyon, hindi ito mangyayari sa kapatid ko!"

"S-sorry, man," mahinahong tugon ni Gab na napahawak lang sa bahagi ng mukha na nasapul ng kaibigan. Naiintindihan niya si Aki sa mga sandaling iyon kaya hindi siya napalag.

"Honey, tama na 'yan, umuwi na tayo. . . You need to rest, you need a rest," Muling umawat si Mela.

Tumalima naman si Aki saka nagpunas ng mukha. Pagkadaka ay mahinahon nitong hinarap ang bestfriend.

"Sorry Gab, s-sobrang sama lang talaga ng loob ko. . . Hindi ko alam kung saan at paano 'to mawawala, i don't know what to do.. ."

Napaiyak na naman si Aki kaya niyakap siya ni Mela at ganoon na rin ang ginawa ni Gab.

"Andito lang ako, hon.. . I will never leave you," -Mela.

"Hindi ka namin iiwan bro," -Gab.

Habang naggu-group hug ay lihim na naghawak kamay sina Mela at Gab. Galawang taksil.




------

Mabilis na nakatulog si Aki dala ng matinding pagod subalit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay bigla siyang nagising eksakto alas dose ng hating gabi.

Pagpaling ng kaniyang mukha sa kabilang bahagi ng kama ay doon nakita niya ang kasintahan na mahimbing na natutulog.

Dahan-dahang tumayo ang binata at napahawak sa bahagi ng ulo na biglang sumakit. Agad nitong kinuha ang gamot saka mabilisang ininom. Ilang saglit ay nagtungo ito sa sala, sa ibaba ng bahay at naupo sa sofa.

Binuksan niya ang tv at naglipat-lipat ng channel. Tumigil lang siya ng tumapat sa Ogie and the cockroaches, tahimik na napangiti ang lalaki ng mapanood iyon. Sa tinagal-tagal ay doon niya lang na-appriciate ang palabas, kaya pala gusto-gusto ni Ransey, nakakatawa nga naman.

Panatag na si Aki ng mga oras na iyon ng makarinig siya ng mga nagkakahulang aso sa labas ng kanilang bahay.

Nag-iingay lang ang mga aso ng kanilang kapitbahay kapag may mga taong nadaan, nakapagtataka lamang dahil wala ng nadaan sa lugar na iyon ng ganoong oras kaya sinilip niya ang labas at doon nga nakita ni Aki ang isang ginoo.

Nakatayo ito mismo sa tapat ng kanilang bahay at nakatingin sa kaniya.

Nakaramdam ng kaunting takot si Aki subalit mas nanaig ang kagustuhang makilala ang taong nasa labas ng kaniyang bahay.

"S-sino ka?" ani niya paglabas ng gate.

Hindi umimik ang estranghero, sa halip ay tumitig lang ito ng matalim sa kaniya.

Nakasuot ito ng itim na damit at pantalon, nakasumbrero rin ng itim, may katangkaraan at malalaman mong may katandaan na ito dahil sa naglitawan na mangilan-ngilang hibla ng puting buhok.

"Bakit ka nakatayo sa tapat ng bahay ko?"

Hindi pa rin umiimik ang ginoo.

"Kung hindi ka aalis, tatawag ako ng pulis," Banta ng binata subalit hindi natinag ang estranghero.

Ilang segundo matapos magwika, ang mga asong kanina'y nagkakahulan ay napalitan ng nakakakilabot na alulong.

Alulong na animo'y nagtatawag kay kamatayan.

Nakakatakot na nakapagdala ng kakaibang kilabot sa katawan ng binata.

Nang marinig iyon ni Aki ay dali-dali siyang naglakad papasok sa loob subalit napahinto siya ng maglitanya ang estranghero.

"Napupuno ng kadiliman ang isip at damdamin mo,"

Muling napaharap si Aki sa ginoo.

"Labanan mo ito habang may oras ka pa."

"H-huh?"

"'Wag mong punuin ng galit ang puso mo, lumayo ka sa hinanakit.. ."

"T-teka manong. . . sino ka ba?"

"Dahil kung hindi, kakainin niya ang buong pagkatao mo, siya ang mananaig, ikukulong ka niya sa pinakamalalim na bahagi ng iyong sarili,"

Pagkasabing iyon ay naglakad na palayo ang ginoo, samantala, naiwan ang mga tanong sa sarili ng binata. Tatangkain niya sanang habulin ang estranghero kaya lamang ay biglang nagdilim ang buong paligid.

Bumalik ang lahat sa realidad. Sa rooftop ng city land kung saan kasalukuyan silang nakikipagsagupa sa isang hindi pangkaraniwang elemento.

Matapos maalala ang mga importanteng bagay na nakalipas ay doon naunawaan ni Aki ang mga sinabi ng estranghero sa kaniya noon.

Isa pala itong babala.

Bakit ngayon lang nagbaliktanaw sa binata ang lahat? Kung kailan na huli na ang lahat. . .marami na ang namatay.

Kung noon pa sana niya naintindihan ang mga iyon, siguro ay hindi hahantong sa ganito ang lahat.

Subalit huli na, nangyari na ang nangyari.

Hanggang sa dumating na ang oras na ito na kailangan ng isakripisyo ni Aki ang kaniyang sariling buhay.

"Wag!!!" Mariin at nakakikilabot na sigaw ng itim na nilalang habang patungo sa pwesto ng binata.

Bago pa ito makarating ay naiputok na ni Aki ang baril sa sariling sentido.

"H-hindi!!!"

Kasabay ng parang nawawasak na tinig ng masamang elemento ay ang paghandusay ng binata sa sahig. Basag ang bungo at nagtalsikan ang ilang laman sa utak.

Kasunod noon ay ang unti-unting paglalaho ng itim na nilalang na nagmistulang alikabok na humalo sa hangin.

"N-na-nang-ya-ri n-na..."

Nakangiting saad ng itim na nilalang bago tuluyang maglaho.
...

.. .

. . .

. ..

Muling bumuhos ang ulan.

Itutuloy. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top