Chapter 3


Chapter 3: Break.


------

July 27, 2017/Day 4

Mas maagang nagising si Ransey kaysa kay Aki. Actually mas madalas talaga itong maagang magising kaysa sa kuya niya.

Nakatitig lang ang batang babae sa tv. Masaya itong nanonood habang umiinom ng gatas habang kinakain ang pinasalubong ng kuya niya kagabi.

Kaya naman pala serious si Ransey sa panonood, Ogie and the cockroaches pala ang palabas. Paboritong-paborito talaga ni Ransey ang mga ipis. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi alam ni Aki kung bakit trip na trip ng utol niya ang mga ipis. Siguro dahil isip ipis ito? Hmm.

Matapos magtimpla ni Aki ng kape ay dumeretso siya sa refrigerator. Halos paubos na pala ang stocks nilang pagkain. Wala pa naman siyang kapera-pera sa ngayon.

Matapos kumuha ng isang pirasong mansanas ay bumalik na siya sa kaniyang kwarto at doon nag-isip ng paraan.

Binuksan ni Aki ang laptop at in-upload ang kuha nang mamahaling gitara at alluminum bicycle. Pinost niya ito sa Bilinakayo.com.

Pagkatapos no'n ay binuksan niya muli ang secret cabinet at saka kinuha ang red notebook.

Bumalik siya sa tapat ng laptop saka binuksan ang red note book. Sa unang pahina ay mababasa ang mga salitang, The wonderful life of Eurylle.

Ang red notebook niya ay naglalaman pala ng isang istorya. Lingid kasi sa lahat, maging kay Mela ay mahilig siyang magsulat ng mga fantasy story. Sinisekreto niya ito sa lahat hindi dahil sa nahihiya siya kundi dahil sa palagay niya ay hindi naman na dapat ito sabihin pa.

Sinalin niya sa MSW2010 ang mga nakasulat sa red notebook at saka ito sinend sa Publishing Libro Project. Nagbakasakali na makapasa ang manuscript niya. Malaking tulong rin iyon kung nagkataon.

Matapos magluto ng pananghalian nila ni Ransey ay bumalik na naman siya sa kwarto. Hapon na ng lumabas siya ng bahay para imeet-up 'yong bibili sa gitara at bike niya.

"Kuya, bili mo'ko ng Dee-dee, gusto kong alagaan 'yon," sabi ni Ransey bago siya umalis.

Naukit tuloy ang tanong sa isip niya. "Dee-dee?"

Lumapit si Ransey sa tv at tinuro ang matabang ipis sa Ogie and the cockroaches.

Natapik na lang ni Aki ang noo niya. "Jusmiyo marimar ka talaga Rans, 'Nong trip 'yan?"

"Sige na, kuya," nagpouty lips pa si Ransey.

"Sige, sige, sige na." sagot niya para wala ng gulo. "Iiwan muna kita saglit dito."

"Doon lang ako kina extra," kapitbahay nila ang tinutukoy ni Ransey. Extra lang kaya walang pangalan.

"Sige, pero 'wag ka magpagabi a." Pagkasabi noon ay sumakay na ng kotse si Aki at umalis ng bahay.

Ilang minuto matapos maibenta ni Aki ang gitara at bike ay dumeretso siya sa mall para humanap ng stuff toy na Dee-dee. Mabuti at nakakita agad siya.

Bumili narin siya ng pizza para sa hapunan nila ng kapatid.

Matapos ang mga iyon, agad siyang nagbiahe pabalik ng bahay. Dahil medyo rush hour na kaya bumagal nang bahagya ang pag-usad ng sasakyan. Eksakto naman na paghinto ng sasakyan niya ay nahagip ng kaniyang paningin ang isang babaeng nakatalikod. Kahawig ito ng girlfriend niya.

Ang masaklap pa nito ay may kasama itong lalaki, hindi niya naaninag dahil nauna itong pumasok sa hotel.

Agad kinuha ni Aki ang cellphone niya at dinial ang number ni Mela.

"Sorry. The number you have dial is unattended or out coverage area. Please check the number and dial again."

Maraming beses niya itong tinawagan pero nakapatay nga ata ang cellphone ni Mela. Natigilan lang siya sa pagdial ng marinig ang busina ng sasakyang nasa likuran niya. Kanina pa pala umusad ang mga sasakyan.

Balisa man sa nakita pero dumeretso na lang siya ng uwi. Hindi niya na lang muna masyadong inisip iyon dahil hindi naman siya sigurado. Baka kahawig lang ni Mela kapag nakatalikod.

Pagkarating ni Aki ng bahay ay wala pa roon si Ransey. Binuksan niya na lang muna ang pizza at kumuha ng ilang piraso saka dumeretso sa sala para doon kumain at manood.

Mga bandang 19:00 ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Kadarating lang ni Ransey.

"What time is it?" may diin niyang sabi sa bunsong kapatid.

"19:00. Gumawa lang kami ni Extra ng report, project namin sa school."

"Magtigil ka! Wala ka namang school na pinapasukan, home study ka lang. Saka anong report, report pinagsasabi mo d'yan e pang grade 3 lang 'yang utak mo, Rans."

"I'm thirteen years old na kuya, okay."

"'Yon na nga e, thirteen ka na pero isip primary ka parin, hays," napabuntong hininga si Aki. Nasabi niya iyon dahil medyo slow ang mental growth development ni Ransey. Hindi siya normal, Although thirteen years old na siya ay parang pang-seven years old lang ang utak niya. "Huwag ka nang magpapalate ng uwi next time a," dugtong ng binata sabay hagis ng stuff toy na Dee-dee.

Hindi naman maipinta ang kasiyahan kay Ransey. "Thank you kuya."

"May pizza doon sa kusina, ubusin mo na'yon."

Dali-daling tumakbo sa kitchen area si Ransey at kinuha ang pizza kaya lamang ay bigla itong sumigaw na ikinataranta ni Aki.

"Ow, em, Kuya may cockroach na 'yong pizza!"

"'Tsk. Kala ko naman kung ano, sige 'wag mo ng kainin 'yan---"

"No kuya, its delicious, yum, yum, yum."

"What the f?"




-----

July 28, 2017/Day 5

Kausap ni Aki ang tutor ni Ransey sa phone.

"Sorry Aki, kasi promise mo sakin magbabayad ka 'di ba? Pero hanggang ngayon nga-nga parin. Hindi naman pwede ang ganoon."

"Next month na kita babayaran. Sige na pagpatuloy mo na ang pagtututor mo kay Rans."

"Next month na'ko magtuturo 'pag nakabayad ka na. Ge bye," sabay nag drop call.

Napa-tsk na lang si Aki. Ang mga tao talaga. Sumakit tuloy ang ulo niya. Ano ba'tong kamalasan na'to.

"Kuya nasaan na si Ma'am ko?" biglang bungad ni Ransey.

"May sakit siya ngayon, so wala kayong pag-aaral pero nag-iwan siya ng assignment for you."

"Really? Ano 'yon?" kita ang excitement sa mukha ni Ransey.

"Maglinis ka daw ng bahay at huwag kang lalabas kasi aalis ako ngayon, sabi ng Ma'am mo bago ako makauwi dapat malinis ang bahay ah."

"Ah, okay," happy ang uto-uto.

Agad namang umalis si Aki.

Pinuntahan ng binata si Mela sa coffee shop na workplace nito kaso ayon sa mga katrabaho ng dalaga ay hindi daw ito pumasok.

<Nasaan ka hon?"> Message niya kay Mela.

Ilang minuto bago ito magreply.

<Nasa batangas ako hon.> Reply nito na ikinagulat ni Aki.

Agad niyang tinawagan ang Nobya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" bungad ng binata pagkasagot ni Mela sa tawag. Medyo galit ang tono niya rito.

"I don't want to disturb you, sorry hon, pauwi narin naman na ako mamayang hapon pupunta ako sa inyo."

"Boyfriend mo'ko at sana man lang kahit sa text nagsabi ka 'di ba?" tuluyan na siyang nagtaas ng boses. "Kagabi pa'ko tawag nang tawag alam mo ba? Nakapatay ang cellphone mo!"

"Hon----"

Pinutol na ni Aki ang tawag saka nagdrive pauwi ng bahay.

Fast forward >>

"Let me explain hon," ani Mela. Kasalukuyan silang nag-uusap sa sala ng bahay ni Aki.

"Alam mo ba na napaparanoid na'ko kagabi pa kakatawag sa'yo!" gustong sabihin ni Aki 'yong nakita niya kagabi pero hindi niya na lang tinuloy.

"Kaya nga mag-eexplain e!"

"So, ikaw pa galit? Wow ah, very good yan!"

"Ewan ko sa'yo, uuwi na nga ko."

"Okay get lost!"

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Mela.

Sa bwisit naman ni Aki ay pumunta na lang siya sa kusina para uminom ng tubig. Hindi niya namalayan na nanginginig na pala ang kaniyang mga kalamnan kaya nabitawan niya ang baso at nabasag ito. Kasunod nood ay bigla na lang nagdilim ang kaniyang paningin kasunod ng pagbagsak sa sahig.




---

July 29, 2017/Day 6

Eksaktong pagmulat ng mga mata ni Aki ay nandoon ang bestfriend niya. Si Gab.

"How are you man?" Gab said.

Napahawak si Aki sa ulo. Medyo masakit ito dahil sa pagbagsak niya sa sahig.

"Nawalan ka ng malay kagabi. Buti na lang kadarating ko lang n'on ng sumigaw si Ransey," paliwanag ni Gab sa kaibigan. "Sabi ng doctor, deppression daw ang cause ng pagkahimatay mo. Kung ano-ano kasi ata pinag-iisip mo Bro. Why don't you take a break?"

"Kailangan ko ng umuwi man," sagot ni Aki. Inaalala niya kasi yung ibabayad sa hospital.

"Ako nang bahala sa babayaran mo dito Bro., Utang mo 'yon sa'kin a," nakangiti niyang sabi sabay bawi ng mapansing kumunot ang noo ng bestfriend. " Biro lang, mamayang gabi ka pa makakalabas. Sa ngayon magchillax ka muna d'yan. 'Wag ka muna mag-isip ng kung ano-ano."

"Salamat man," tipid na sagot ni Aki.




----

August 02, 2017/Day 10
22:30

Sinunod ni Aki ang payo ni Gab sa kaniya na magbakasyon kahit saglit. Hindi muna inisip ng binata ang mga problema niya.

Maging si Mela ay hindi niya muna pinagtuunan ng pansin. Binilin niya muna ito kay Gab na bantay-bantayan.

Nag-out-of-town ang magkapatid para magrelax-relax hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.





-------
[Dedicated ang chapter na'to kay PrincessMela]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top