Chapter 28


Chapter 28: Flashback.2




-----

Anna Marie Remedios Marata's death.


"Napanood mo ba ang news?" si Doc. Anna sa kabilang linya.

"Yap. Paano po nangyari 'yon doc.? Sinong pumatay kay Ms.Rei?"

"Under investigation. Pero, noong gabi bago mamatay si Rei e tumawag pa siya sa'kin, sabi niya she's with------."

Hindi na natapos ni Doc. Anna ang sasabihin dahil narinig niyang sumigaw si Aki kasunod ng pagbagsak ng kung ano sa sahig na nagdala ng malakas na kalabog.

"Aki! What happened?" kabadong tanong ng doctor. Rinig na rinig kasi nito ang pagsigaw at ang malakas na kalabog. Parang may kung anong nangyari kay Aki. "Hey Aki, Aki!"

Dahan-dahang tumayo si Aki mula sa pagkakabagsak sa sahig saka kinuha ang cellphone. "Doc, I'm still here. Pasensiya na."

"Ano 'yong narinig kong sigaw? Tapos may kumalabog."

"Ah, natumba kasi ako. By the way doc., Can we meet now, may kailangan kayong malaman. It's urgent."

Matapos magkaintindihan ay binaba na ni Aki ang kaniyang cellphone saka agad tinungo ang mga cctv ng kaniyang unit at pinagsisira iyon.

Pagkatapos ay kinuha ng binata ang laptop at binura ang lahat ng kopya ng cctv saka humarap sa life-size mirror na nakangiting minasdan ang sarili habang nagpapapogi pose.

"Pahiram muna ulit ng katawan Aki. May kailangan lang tayong iligpit." saka ito lumabas ng unit para katagpuin si Doc.Anna.

Nagkita sila sa isang kainan sa Mahogany.

"Doc. Hindi po ba ay may gusto kayong sabihin sa akin kanina?" entranda ni Aki.

"Oo. Kasi sabi sakin ni Doc.Rei noong gabing bago siya mamatay e kasama ka niya. May session daw kayo."

Napa-isip ng malalim si Aki. Iniisip niya kung paano papatayin si Doc. Anna. Kailangan agad makagawa ng paraan para madispatya ito bago pa nito malaman na siya talaga ang pumatay sa psychiatrist. "O-opo pero umuwi na agad ako after ng session e."

"Hindi kaya may nanloob sa bahay niya? But according to imbestigators, wala namang nawala sa mga gamit niya."

"I don't know doc." napakibit-balikat ang binata na umaktong walang alam.

"Teka, ano nga pala ang sasabihin mo?"

"A-ano po kasi Doc."

"Wait ccr lang ako."

Sqandaling umalis ang doctor pero iniwan nito ang kaniyang bag. Hinalughod naman iyon ni Aki at nakakita nga siya ng isang maliit na botelya at injection.

"Ano'to?"

kakalkalin pa sana ng binata ang bag kaya lang ay bumalik na agad ang doktora.

"Ang bilis n'yo naman, doc." ani Aki.

"Hindi ako nakapag-cr, maraming tao ee. By the way, ano nga ulit ang sasabihin mo?"

"Ay Doc. Pwede po bang 'wag natin dito pag-usapan?"

Tumango naman ang doktora. "Doon na lang sa sasakyan ko."

Agad nilang pinuntahan ang sasakyan at parehong naupo sa harapan. Si Anna ay sa driver' seat habang si Aki ay katabi niya.

"Bago ko po sabihin ang importanteng bagay doc., gusto ko lang pong malaman kung ano 'yong laman ng botelyang maliit diyan sa bag n'yo."

Napatingin sila pareho sa bag.

"Hindi ko lang pong sinasadyang makita," pagkadaka'y paliwanag ng binata.

"Eto ba?" kinuha ng babae ang botelya. "Sample ito ng Strychnine. Lason 'to. .. matinding lason. Nagpakuha kasi ang kaibigan kong doctor para sa experiment nila."

Napangiti ng makahulugan ang binata. "Ang pagkakataon nga naman oh," bulalas ng isip niya.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Sinuswerte talaga ako."

"What do you mean?"

"A-ang ibig ko pong sabihin Doc., e dapat hindi kayo nagdadala ng ganiyan basta-basta," ngumiti ng makahuligan ang binata.

"Yah, you're rig.. ."

Biglaang itinurok ni Aki sa leeg ng doctor ang nasabing lason kaya hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa bilis ng pangyayari.

Habang wala kasi ito kanina ay binawasan pala ng binata ang lason. Akala ni Aki ay pampatulog ito, pero mas natuwa siya ng malaman na isa itong lason. Hindi niya na kailangan patulugin pa ang pakay, sa halip ay mapabibilis pa ang plano.

"What-----?" pagkaharap kay Aki ay namilog ang mga mata ni Doc., Anna habang nakahawak sa leeg.

"Farewell, Doc.," masayang saad ng binata.

Ilang segundo pagsabi noon ay nagsimula ng mangisay si Doc. Anna kasunod ng unti-unting pagbula ng bibig.

Nasisiyahan lang siyang minasdan ni Aki. "Magkikita na kayo ng bestfriend mo."

Nang mawalan na ng buhay ang doktora ay pinagpalit ni Aki ang pwesto nila. Nagmaneho siya hanggang sa ligaya drive at doon niya iniwan ang bangkay ng biktima kasama ang kotse nito.

Lahat ng maaaring maging ebidensya ang dinala niya sa pag-uwi at ihinagis sa loob ng tangke na nasa rooftop ng building, maliban sa bote ng lason na itinapon niya lang sa damuhan.

Pagkatapos noon ay pumasok na si Aki sa kaniyang unit at muling ihinandusay ang sarili katulad nang pwesto bago siya mawalan ng malay. Ginawa niya iyon para kapag nagising ang totoong Aki ay isipin nitong nakahandusay lang ito doon ng magdamag.




-------

Mela's death.


Nang dumampi ang isang kamay ni Gab sa chicharong bulaklak ni Mela para tanggalin ang tumatakip dito ay pinigil siya ng dalaga.

"Wait. There's more." pagpipigil ng babae sa nakakaakit na tinig. "Magsa-shower lang ako saglit." segunda nito habang pinapaikot ang mga daliri sa katawan ng lalaki.

Bago tumayo para pumunta sa cr ay pinisil muna ng dalaga ang mahiwagang espada ni Gab na nabubuhayan na. Ikinatuwa naman ito ng huli.

"Bilisan mo Babe, sabik na'kong makita ang perlas." Nakangiting sabi ni Gab habang kinakambyo si manoy.

Ginawaran lang siya ng dalaga ng nakakaakit na ngiti.

Pagpasok ni Mela sa cr ay tumayo muna saglit si Gab para patugtugin ang radyo. Eksakto na banyo queen ang naka-ere.

Samantala tinanggal na ng dalaga ang kaniyang panty at binuksan ang shower. Nakapikit pa siya habang dinadama ang malayelong tubig.

Pagkadilat ay nagimbal siya sa nakita. Isang itim na nilalang ang biglang yumapos sa kaniya at mabilis na umunday ng saksak.

Nagpumiglas-piglas pa ang dalaga pero mas malakas at argesibo ang itim na nilalang. Walang tigil siya nitong pinagsasaksak sa iba't-ibang bahagi ng hubad niyang katawan.

Nang bumitiw ang nilalang ay naghihingalong humandusay sa bath tub ang dalaga, umagos naman sa sahig ang mga dugo mula sa katawan nito.

Sa kabilang banda ay walang kamalay-malay si Gab sa mga pangyayari dahil sa malakas ang pagpapatugtog nito. Lingid sa kaniya ay sinasakal na si Mela ng vibe wire. Gustuhin mang lumaban ng dalaga ay wala na itong lakas para gawin iyon.

Hindi pa nakuntento ang itim na nilalang, nilubolob pa nito ang dalaga sa bath tub kaya naman tumagas doon ang napakaraming dugo galing sa katawan ng dalaga. Nagmistulang naliligo sa dugo si Mela.

Pagkatapos noon ay panandaliang tumigil ang itim na nilalang na inakala naman ni Mela na tapos na.

She was wrong. The devil is not yet done.

Nagulat na lang ang dalaga ng may kung anong masakit na bagay ang bumaon sa ari niya. She tried to shout but she failed. Mahigpit ang vibe wire na nakapalupot sa leeg niya kaya wala ng boses ang lumalabas.

Lalong napakislot sa sakit si Mela ng sunod-sunod na ibinaon ng itim na nilalang ang malalaking kutsilyo sa kaniyang ari. Wala naman siyang magawa sapagkat naghihina na rin siya. Pagluha na lang at pagtanggap ang maaaring itugon ni Mela.

Nagkakawag ang dalaga sa tindi ng kirot habang umaagos ang napakaraming dugo mula sa kaniyang ari.

"Hindi pa tapos."

Huling salitang narinig ng dalaga bago mawalan ng paningin. Paano ay dinukot ang mga mata niya na gumulong na lang sa sahig.

Kasunod ng tagpong iyon ay nawalan na ng buhay si Mela pero hindi pa nakuntento ang itim na nilalang.

Itinihaya nito ang patay na katawan ng dalaga na naliligo na sa sariling dugo. Pagkatapos ay winarak ang dibdib saka kinuha ang puso at inilagay sa bibig nito.

"'Yan ang kabayaran ng pagtataksil mo."

Nakangiting bigkas ng itim na nilalang habang minamasdan ang katawan ni Mela na nagmistulang kaawa-awa.

"Sisid na sisid na'ko, galit na galit na'tong si junjun, Babe," sigaw pa ni Gab na walang alam sa mga nangyari.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang namatay ang ilaw. Kasunod noon ay lumabas ang itim na nilalang mula sa cr saka sinunggaban si Gab habang sumasabay sa saliw ng tugtugin.





-----

Dedicated to Anna_Marie_Marata and PrincessMela

A/N: Sorry guys mas dumami atang error dahil naalimpungatan lang ako ng in-edit ko 'to hahaha. (01:53)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top