Chapter 26


Chapter 26: Revelation.

-------

Pagkatapos ng isang malakas ng kidlat na tumama sa isang tower ng kuryente ay nawalan ng electric supply sa ilang bahagi ng tagaytay kabilang na ang Olivares.

Lalong tumindi ang pag-ulan, sinabayan pa ng hamog kaya halos wala ng makita ang mga nagmamaneho sa kalsada.

Pagdating nina Glenn at Aki sa city land ay nagmamadali silang pumasok sa main entrance. Nagulantang ang dalawa sa kanilang naabutan. Patay na kasi ang mga receptionists at guards.

Dumeretso sila sa hagdanan dahil hindi gumagana ang elevator.
Mahaba-haba ang kanilang inakyat dahil 24th floor ang pinaka-rooftop ng city land.

Pagkarating sa pinakatuktok ng nasabing gusali ay agad naghanap ang dalawa, 'yon nga lamang ay dahil medyo makapal ang hamog kaya nahirapan silang makita si Eljey at kung sino man ang kasama nito.

"Andoon," turo ni Aki sa terrace malapit sa tanke. Mayroon kasi doong akyatan at terrace ang tawag nila.

Dali-dali silang tumungo sa dakong iyon kaya lamang ay hindi sila umakyat.

"Eljey!" sigaw ni Aki ng makita ang dalaga na nakatali sa grills.

Napalingon naman ang huli.

"Tulong!" bulalas ni Eljey habang umiiyak sa takot.

Nang pumaling ng tingin sina Aki at Glenn sa dulong bahagi ng kaharap na pwesto ng dalaga ay doon na nila nakita si Gela. Hawak-hawak ito ng isang nilalang na pamilyar kay Aki.

"What the fuck is that thing?" nabiglang saad ni Glenn ng makita ang itim na nilalang. Nasa walong talampakan ang taas nito, kulay pula ang mga mata at nababalot ng itim ang buong katawan.

Ngumiti ang itim na nilalang ng makita sila. "Kamusta Aki?, Narito ka ba para saksihan ang gagawin ko? Sinama mo pa talaga ang isang asungot ah. Good 'yan dahil hindi na'ko mahihirapan," saka ito humalakhak.

"Bitawan mo siya!" singhal ni Glenn saka itinutok ang kaniyang baril. "Kung ayaw mong iputok ko'to sa'yo."

Humalakhak lang ang itim na nilalang. "Aki, hindi mo ba na-orient ang isang 'yan?" tila nang-aasar pa nitong sabi. "O baka naman hindi mo talaga sinabi?" saka nito itinuro ang daliri sa kaliwang sentido. "Ni-lure mo ba siya para sakin? Nice naman kung ganoon," humalakhak ulit ito.

"Tumigil ka!" sigaw ni Aki.

Napalingon naman si Glenn sa kaniya na parang naniwala sa sinasabi ng itim na nilalang.

"'Wag kang maniwala sa kaniya," mahinang sambit ni Aki kay Glenn.

Natigilan sila ng bigla na namang kumidlat. Pagkatapos noon ay iniangat ng itim na nilalang si Gela at itinapat sa mataas na bahagi ng gusali, kung saan ang ilalim ay tiyak na kamatayan.

Nagtitili naman si Gela. "Help me please! Help me!" umiiyak at nagmamakaawa nitong bulalas.

"Gela!!!" sigaw naman ni Eljey na pilit na kumakawala sa pagkakatali.

"Ibaba mo siya!" pagbabanta ni Glenn habang nakatutok pa rin ang baril dito.

"Tama na 'yan!" segunda naman ni Aki.

"Walang makakapigil!" sagot ng itim na nilalang na may bahid ng pangungutya ang itsura. "Hindi ba sabi ng detective bitawan ko siya," pagpapatuloy nito na parang nang-aasar.

Matalim na minasid nang dalawang lalaki ang sunod na gagawin ng kalaban. Hindi kasi maganda ang dating sa kanila ng huli nitong sinabi.

Matapos muling magpakawala nang ngiting malademonyo ay saka muling nagwika ang itim na nilalang. "E di bitawan!"

Nabigla ang lahat sa ginawang iyon ng demonyo.

Si Eljey ay halos mapaos sa kakasigaw nang pangalan ng kaniyang kapatid habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha.

Si Aki naman ay napatakbo sa kinaroroonan ni Gela sa pag-asang masasagip pa ito sa pagkahulog habang si Glenn ay pinaputukan ang itim na nilalang na walang tigil naman sa paghalakhak.

Sa huli ay wala silang nagawa.

Saksi ang umiiyak na kalangitan sa pagbasak ni Gela mula sa tuktok ng building. Durog ang bungo nito, bali-bali ang katawan at nagtalsikan ang ilang laman dahil sa taas ng binagsakan.

"Walanghiya ka!" nagpaputok ulit si Glenn kaya lang ay hindi iyon umubra sa kalaban bagkus ay tumagos lang ang tama ng baril habang naglalakad ito patungo kay Eljey.

"Okay, next.. ." nakasilay pa rin ang nakakapangilabot nitong ngiti. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong niya pagkalapit kay Eljey na sa sobrang takot ay naihi na sa salawal bago mawalan ng malay. "Ay, ano ba 'yan? Sad naman, nawalan pa ng malay."

"Tama na!" bigkas ni Aki na napapaluha na rin. "Itigil mo na'to, Parang awa mo na!"

Matagal na napatingin ang itim na nilalang kay Aki. Sinuri nito ang kabuuan ng binata, mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay walang habas na naman itong tumawa.

"'Wag ka namang magbiro ng ganiyan, Aki. Ikaw ang nagsimula nito hindi ba? Ginusto mo'to 'di ba?" -itim na nilalang.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay napalingon si Glenn kay Aki. "Anong sinasabi niya?"

"Ako at si Aki ay iisa," nangingiting sagot ng itim na tao.

"Hindi totoo 'yan! Tumigil ka!"

"No-ah, ah, Aki. Bakit hindi mo aminin sa kaniya na ako ay bahagi mo. Na nang dahil sa malikot mong pag-iisip ay nabuhay ako.. . Narito ang mga katibayan," itinaas nito ang librong Aki's Wrath at ihinagis sa detective.

Natigilan naman si Glenn.

"Hindi totoo ang mga sinasabi mo! Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" giit ni Aki.

"Marahil ay nawala na o binura mo na sa iyong isipan pero paniwalaan mo man o hindi, ako ay ikaw at ikaw ay ako."

Sandaling tumigil ang ulan na nagdala ng bahagyang katahimikan. Nabasag lang iyon ng humakbang pababa ng terrace ang itim na nilalang at hinarap sila.

"Nalimutan mo na ba? Nang mailibing si Ransey ay ipinangako mo sa iyong sarili na ikaw ang magiging pinakamalakas, na ikaw ang magiging pinakamakapangyarihan para mailigtas mo ang mga mahal mo sa buhay."

Muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan.

"Dahil sa higit sa isang daang porsyento ang lakas ng iyong imahinasyon ay nabuo ako sa'yong isipan. Hindi nagtagal ay unti-unti akong lumaki at lumakas dahil sa kalungkutang bumabalot sa iyo. Pinalakas ako ng mga dalahin mo sa iyong puso at isipan, hanggang sa dahan-dahan akong nakakilos sa iyong pagkatao."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Glenn.

"Manahimik ka muna at makinig, tutal mamamatay ka na rin naman maya-maya kaya isisiwalat ko muna sa iyo ang lahat," saka ito ngumiti at nagpatuloy sa kaniyang salaysayin. "Ginawa ko at pinagtibay ang ritwal."

"R-ritwal?" naguguluhang tanong nina Aki at Glenn.

"Una, Ang pag-angkin sa babaeng birhen. Ikalawa, ang dugo ng mga bagong panganak na hayop. Ikatlo ay ang puso ng taong tapat sa kaniyang pagmamahal."

Nang sabihin iyon ng itim na nilalang ay unti-unti pumasok sa isip ni Aki ang mga nangyari sa kaniya noon.

Si Shade umapig ang tinutukoy niyang virgin sa unang ritwal. Ang pagpatay sa mga kuting naman ang ikalawa at ang pagkamatay ni RD na nawawala ang puso ay ang ikatlong ritwal.

"Kung ganoon ikaw ang pumaslang sa college boy?" ani Glenn. "Demonyo ka."

"Thank you Mister but correction, Si Aki ang pumatay doon kasi nasa katawan niya pa ako noon e. Iyon nga lang, dahil sa ako ang gumagamit sa katawan niya ng mga panahong iyon kaya dugo ko ang dumadaloy sa kaniyang pagkatao," saka ito tumawa.

"Ibig sabihin ay ikaw ang black blood killer?" -Glenn.

Napapalakpak naman ang itim na nilalang. "Black blood killer, ah? Nice alias."

Napahawak naman si Aki sa ulo niya dahil bahagya na naman itong sumakit sa mga nalaman.

"Mabilis na sanang matutupad ang mga ritwal kaya lang ay naki-alam ang Doc.Rei na'yon. Akala niya siguro ma-i-aalis niya ako bilang alter ni Aki, kung ano-ano pang sinasabi niyang day dreaming-day dreaming, tapos gumamit pa siya ng hipnotismo---akala niya si Aki pa rin ang kausap niya noong gabing iyon," saka ito muling ngumisi. "Siya mismo ang nagbukas ng daan sa kaniyang kamatayan ng gamitin niya ang hypnotism."

"Ang sama mo!" sigaw ni Aki.

"Ako?" napahawak ang itim na nilang sa tiyan habang humahalakhak. "Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan ah, e ikaw nga ang dahilan kaya ako nandito ngayon. . . Tsk, tsk, tsk Aki." pailing-iling pa ito kunwari. "Alam mo bang kamuntik nang maudlot ang mga plano ng dahil sa mga doctor na'yan, mabuti na lang ay mabilis akong umaksyon. Syempre, hindi ko papayagang hindi matapos ang ritwal."

Saglit na tumahimik ang paligid. Pagkatapos ng halos sampung segundo ay nagsimula na namang bumuhos ang ulan.

"Tama 'yang iniisip n'yo. Ako rin ang lumason kay Doc. Anna Marie."

"Mamatay kana!" binalak sugurin ni Aki ang itim na nilalang pero parang bata lang siyang iniwasan nito kaya sumubsob tuloy siya sa sahig.

"'to naman si Aki, parang tanga---alam mo naman sa sarili mo na hindi uubra 'yang mga ganyang effect sakin," natatawa nitong sabi saka bumaling kay Glenn.

"Akala ko talaga, hindi na ako makakalaya sa katawan ni Aki--- buti na lang timing sina Mela at Gab, nagbukas din sila ng daan para sa kalayaan ko," dahan-dahan itong lumutang pabalik sa terrace. "Ang matinding galit ni Aki para sa dalawa ang nagpalaya sakin. Nagpapasalamat ako sa kanila pero dahil sa gusto na ni Aki na mamatay sila kaya tinapos ko na ang buhay ng mga traydor na iyon."

"Tama na!" napaupo si Aki at tinakpan ang kaniyang mga tainga. "Hind ito totoo! Tama na! Tama na!" nagsisisigaw na naman ito na parang nawawala na sa sarili.

Natawa tuloy ang itim na nilalang saka napakanta habang tinitingnan si Aki. "Heto ako oooh, basang-basa sa ulaaaaan, walang masisilungan, walang malalapitan----"

Natigilan lang ito sa pag-awit dahil pinaputukan ito ni Glenn.

"Isa pa'to," sabay ngiti. "Kahit rocket launcher pa ang gamitin mo detective, wa epek 'yan sakin. Parang 'yong ginawa sa'kin ng kapartner mong detective, akala niya mapapatay niya ko ng baril----kaso hindi e, sa huli, magmamakaawa rin naman pala siya," nangingiti nitong sambit. "E wala akong awa, kaya pinahirapan ko muna siya bago tuluyan."

Nanginig naman sa galit si Glenn sa mga nalaman. "Wala kang kaluluwa!"

"Meow, that's right," napapalakpak pa ito bago bumaling kay Aki. "Aki nagawa ko ng paslangin ang mga naging dahilan ng kalungkutan mo, ngayon naman ay panahon na para tapusin ang ritwal."

"Tumigil ka, hindi kita papayagan!" nagpaputok na naman si Glenn kahit alam niyang wala itong epekto.

Hindi naman siya pinansin ng itim na nilalang. Lumakad lang ito palapit sa nahimatay na si Eljey saka sinampal-sampal para bumalik ang ulirat ng dalaga.

Nang magising si Eljey ay bigla itong nagtitili nang masilayan ang itim na nilalang lalo na ng yapusin siya nito.

"Gusto mo bang makita kung paano namatay ang 'yong asawa?"

Namilog ang mga mata ni Glenn sa mga sinabi nito.

"Ipakikita ko sa'yo sa pamamagitan niya," saka ito ngumisi.

"H-hindi!"

Muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top