Chapter 25


Chapter 25: Ritual.

-----

Dalawang magkasunod na putok ng baril ang pinakawalan ng detective. Kasunod ng paghandusay ng isang asong ulol sa sementadong daan.

Napayuko at napapikit si Aki. Ang akala niya kasi ay siya ang natamaan ng bala ng baril.

"I will help you but you will tell everything to me," ani Glenn saka ibinaba ang baril at bumalik sa sasakyan niya. Kasabay ng pagkasabi niyang iyon ay ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan na sinundan ng pagkulog.

Mukhang nagbabadya ang pagbuhos ng ulan.

Pagkadilat ni Aki ay doon niya nga nakita ang isang malaking asong ulol na may tama na ng bala at wala ng buhay. Saka naalala ng binata na may kumakahol nga pala sa kaniya kanina, hindi niya na napansin sa sobrang dami ng iniisip.

Nabalik ang atensyon ni Aki ng bumusina si Glenn. Senyales na kailangan niya ng sumakay.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Pagkasakay niya ay nagmaneho na si Glenn pabalik sa TPH.

-----

City Land.

Panandaliang liwanag ang gumuhit mula sa langit dahil sa pagkidlat na sinundan naman ng dagundong ng kulog.

Ilang minuto pa ay dahan-dahan ng umiyak ang langit. Mula sa kakaunti, parami ng parami, hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang ulan habang salitan naman ang kidlat at kulog sa pagbulahaw sa paligid.

Kakatapos lang magshower ni Eljey. Pagbukas ng wardrobe ay nakita niya ang Aki's Wrath notebook. Napataas kilay tuloy siya. "Gelatin!"

"Oy. I'm busy ate, inaayos ko 'tong fauset. Kakainis naman bakit gapatak ang tulo. Katamad tuloy maghugas ng mga plato."

"Juicecolored! Dadal'wang plato, kutsara, tinidor at baso. Kinatamaran mo pa."

"Whatever. Blah blah blah," kuda ng malditang si Gela.

"Anong ginagawa ng librong 'to sa wardrobe ko?" nakataas kilay na tanong ni Eljey paglabas ng kwarto tangan ang libro.

Tinitigan lang siya ni Gela saka bumalik sa ginagawa nito.

"Nice talking," bumalik na lang sa kwarto si Eljey dala pa rin ang libro. Hindi niya naman namalayan na sinundan pala siya ni Gela.

"Ate, don't you ever try to read that creepy diary."

Nagulat naman si Eljey dahil biglang nagsalita si Gela from her behind. "Ay pvki ng kabayo.---shocks, Gela naman e!"

Pagkasabi noon ay bumalik na ang wirdong si Gela sa kusina. Nacurious tuloy si Eljey sa libro.

"Diary?" naupo siya sa kama saka tinitigan ulit ang libro. "Diary pala 'to ni Aki, kaya pala Aki's wrath."

Sinimulang basahin ng dalaga ang nasabing diary.

"Ritual?" ani niya sa heading ng pahinang nabasa. "Weird ah."

Una. Angkinin ang edad labing-walong binibining wala pang karanasan sa pakikipagtalik.

Ikalawa. Pumaslang ng tatlong kahit anong uri ng bagong panganak na hayop na may apat na paa. Ipahid ang dugo ng mga ito sa iyong katawan.

Ikatlo. Dukutin ang puso ng isang taong may tapat na pagmamahal sa kaniyang kasintahan.

Ikaapat. Ilabas ang isang daang porsyento ng galit sa iyong kalooban. Ito ang magpapalaya.

Ikalima at ang huli. ---

Nilipat na ni Eljey ang page. "Kala ko ba diary 'to? Bakit ang wirdo naman, parang abnoy pala 'tong si Aki."

Babasahin pa sana ng dalaga ang ilang pahina ng libro nang biglang kumidlat ng napakalakas. Nagulat tuloy siya.

Kasunod naman ng kidlat ay nawalan ng kuryente.

"Naman oh," anas niya habang nag-antay sa pagbalik ng kuryente. Kung sakali mang nagkaroon ng brown out e may generator naman ang city land kaya babalik din agad ang kuryente sa kanila.

Kaso hindi iyon nangyari. Nagkaroon pala ng problema ang generator ng city land. Nag-over heat ito.

Lalabas pa lang ng kwarto si Eljey para sana humanap ng flash light at silipin na rin si Gela ng marinig niyang tumili ang nakababatang kapatid.

Napatakbo siya sa kusina at nagulat sa kaniyang nakita.

Isang nakakatakot na itim na nilalang ang tumambad sa harapan niya na bitbit si Gela. Namumula ang mga mata nito.

"Help me Ate!"

Natumba si Eljey sa sobrang pagkabigla. "W-what are you?"

"I am Aki's wrath!" nakangisi nitong saad kasunod ng pagguhit ng kidlat sa langit na nagbigay liwanag sa paligid.

Napatili na lang si Eljey sabay sabing, "Kamukha mo 'yong ender sa minecraft."

"Ate!!!"

-----

Sa kabilang banda.

Patungo na sina Glenn at Aki sa Tagaytay Police Headquarter ng bumuhos ang malakas na ulan.

Iniisip ni Aki ang mga sinabi sa kaniya ni Shane bago siya tumakas sa pulang bubong. Sino ba 'yong tinutukoy niyang asawa na dapat kong tulungan?" Saka siya bumaling kay Glenn na nagmamaneho. "M-may bagyo ba?" basag niya sa katahimikan.

Tinitigan siya saglit ng masama ni Glenn. "'Wag mo'ko kausapin, hindi tayo close," suplado naman.

Hindi na umimik si Aki.

"Sabihin mo ang totoo, anong kinalaman mo sa black blood killings?" may galit sa tono ng boses ng detective habang nakafocus sa pagdadrive.

Hindi naman umimik si Aki.

Umabot ng bente segundo.

"Sumagot ka!" pasigaw na sambit ni Glenn.

"Sabi mo 'wag kitang kausapin."

"Nagtatanong ako, bwiset! Anong kinalaman mo sa BBK? Ikaw ba ang nasa likod ng pagpatay na iyon?"

Huminga ng malalim si Aki. "Ang totoo niyan---."

Sandaling napatingin si Glenn sa kausap.

"Oo na hindi na oo, ayst hindi ko rin kasi alam e."

"Huh?" Niloloko mo ba'ko?" itinutok ni Glenn ang baril sa mukha ng kausap habang ang isang kamay ay nasa manibela.

"T-teka," kabadong saad ni Aki habang iiniwas ang baril. "Hindi mo naiintindihan e. Ibaba mo na'yan. Pwede ba?"

"Nangako kang magsasabi ng totoo. Kapag hindi mo ginawa 'yon sasarguhin ko ang mukha mo tapos itatapon na lang kita diyan sa gilid-gilid."

Napatigin naman sa gilid ng daan si Aki. Puno ng talahiban. Napalunok tuloy siya. "Maniwala ka---"

"Paano ako maniniwala, alam mo bang lahat halos ng pinatay ng black blood killer ay nagkaroon ng koneksyon sa'yo. Sabihin mo nga, nagkataon lang ba'yon?"

Napaisip si Aki sa mga tinuran ni Glenn. "Kung ganoon totoo nga ang sinabi sa'kin ng itim na nilalang na'yon."

"Ano, bakit hindi ka na nagsasalita diyan?"

"Isang demonyo ang gumagawa noon para sa'kin?"

Biglang napahinto ang sasakyan saka napatingin si Glenn kay Aki na kasalukuyan namang kumakamot sa noo dahil sa nauntog sa lakas ng preno.

"Ako ba talaga e pinaglololoko mo?" galit na bigkas ng inspector.

"Alam kong mahirap paniwalaan. Pero totoo iyon. Promise cross my heart, double-double o triple-triple pa."

"'Wag mo'kong idamay sa kabaliwan mo Aki-boy!" itinutok niyang muli ang baril sa mukha nito. "Alam mo bang pati ang partner ko ay namatay para lang malutas ang kasong ito, tapos 'yang kalokohan lang na iyan ang sasabihin mo?"

Kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagguhit na naman ng kidlat sa kalangitan. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa langit na gawa ng kidlat ay nakita ang mga mata ni Glenn na nag-aalab sa galit.

"Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Simon. Kaya papatayin din kita!" kakalibitin niya na ang gatilyo.

"B-bakit ako? W-wait, nagsasabi ako ng tototo---" napapikit na lang si Aki ng marealized niya na seryoso na ang kaharap niya sa mga sinasabi nito.

Katapusan na ni Aki.

"Heyaaaah!"

"Heyaaaaah!"

Natigilan silang dalawa sa narinig. May tumatawag sa cellphone ni Glenn.

"Encantadic ang putek. Wew." sa isip-isip ni Aki.

"T-takte, bakit naging encantadia ang ringtone ko?" namumula sa kahihiyang sabi ni Glenn bago sagutin ang tawag. Unknown number. "Hello sino 'to?

"Si Detective Glenn ba'to?" sa tono ng nasa kabilang linya ay tila nanginginig ito sa takot.

"Oo, sino ba'to?"

"E-eljey, 'yong may vase na nabasag mo, please help' us, that demon is going is kill us!"

"Huh?" naguguluhang tanong ni Glenn. "Nasaan ka---o kayo?"

"D-dito sa rooftop ng city land, tagaytay----please hurry, we are in danger---" kasunod ng mga nanginginig na boses ay ang pagtili ng isang babae.

Naalarma rin si Glenn sa narinig. "Try to calm yourself--- papunta na ko---"

"Hurry and save them." ibang boses na ang sumagot na lubhang ikinakaba ni Glenn.

"S-Shit!" bago pa matapos ng detective ang sasabihin ay kumidlat na naman ng malakas kasunod noon ay nawalan na ng signal. Good timing talaga.

Agad in-engine-on ni Glenn ang kotse. "Magseat-belt ka," saka ito humarurot sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top