Chapter 23


Chapter 23: Connection.


-------

Flashback

3:00 Am at City Land.

Naalimpungatan si Gela dahil nakaramdam siya ng uhaw.

Dumeretso agad siya sa kitchen area para kumuha ng tubig at uminom.

Dahil sa malapit lang sa kusina ang pintuan palabas ng bahay ay nakarinig siya ng yabag. Nang tingnan ng bata ang ilalim ng pintuan nila ay nakita nga niya ang dumaang anino.

Lumapit si Gela sa pintuan at itinapat ang tainga doon. Narinig niya na may bumukas sa katabing unit. Sa silid ni Aki.

Sa pagkakaalam nila ay wala ng tao doon dahil nasa mental hospital na si Aki kaya nagtaka siya kung sino ang pumasok sa unit nito.

Dahil sa usyusera si Gela, lumabas siya ng bahay at tinungo ang katabing unit. Medyo nakaawang ng kaunti ang pintuan. Ibig sabihin bukas.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

Pagkakita niya sa ref ay naalala niya na nauuhaw nga pala siya.
Binuksan niya agad ang ref at kumuha ng tubig saka uminom. Magaling na bata.

Pagkatapos ay nahagip ng mata niya ang aquarium sa kwarto ni Aki. Nakabukas kasi ang pinto doon kaya kita agad ang aquarium na nasa bungad lang.

Magiliw niyang pinagmasdan ang clown fish at angel fish. "Ako na lang mag-aalaga sa inyo. Kesa doon sa monster-flip-Aki na'yon." masaya niyang sabi.

Hinanap niya ang pagkain ng mga ito sa ilalim ng aquarium para sana pakainin kaya lang ay may bigla siyang nahawakan.

Isang itim na libro.

"Aki's Wrath?" halos hindi na natapos ni Gela ang sasabihin dahil narinig niya ang boses ng ate niya.

Dali-dali siyang lumabas sa unit ni Aki at bumalik sa unit nila.

"Saan ka ba galing huh?" Nakabukas pa 'yung pinto."

"Nag-unwind ate."

"Wow ah," nakapamewang na sabi ni Eljey. "Teka ano 'yan?" turo niya sa hawak na libro ni Gela.

Hindi rin napansin ni Gela na nadala niya pala iyon.

"I-ito?" nauutal na tugon ng batang usyusera. "Ahmm, Aki's Wrath."



---------

Tagaytay Police Headquarter.

Seryoso si Glenn habang inaalalang muli ang huling usapan nila ni Simon sa phone bago ito mawala.

"Sabi niya alam niya na kung sino ang suspect?" ani ng isip niya. "Sino?"

Isa pa sa mga nabanggit ni Simon habang nasa biahe ito noon ay galing itong City Land.

"Anong ginawa niya sa City land noong gabing iyon?"

Natigilan si Glenn ng biglang sumulpot ang isang police patola

"Sir, pinapatawag po kayo ni Chief Rohroh."

Pagkatango ay agad nagtungo si Glenn sa office ni Rohroh at nakinig sa mga sinabi nito.

Matapos ang usapan ay umuwi narin muna siya sa kaniyang tinutuluyan, 02:00am na rin kasi at kailangan niya ring maka-idlip muna.

Nang makita ang kotse ni Simon sa mismong taal lake ay naroon din ang katawan nito sa loob. Lumobo na ang katawan nito dala ng pagkalunod.

Bukod doon ay naka-ducktape ang buong katawan at bibig nito. Tinusok din ang mga mata at may nakatusok na mahabang bakal sa tainga na tagos sa kabila.

Gaya ng mga naunang imbestigasyon bukod sa itim na dugo ay wala ng ibang bakas mula sa killer. Ang kaibahan lang ngayon ay medyo malabo na ang itim na dugo dahil nakalublob sa lake.

Gaya rin ng mga nauna. Walang nakakita o nakapansin sa pangyayari.

Matapos naman i-autopsy ang bangkay ni Simon ay nagpasya ang pamilya nito na iuwi ang labi sa kanilang probinsiya. Naki-abot naman ng pakikidalamhati ang buong pamunuan ng tagaytay pulis.

08:40 ng magising si Glenn. Sa katunayan ay hindi siya masyadong nakatulog kakaisip.

Pagkatimpla ng kape ay dumeretso siya sa sala at doon pansamantalang nagpalipas ng oras. Pagka-inom ng kape ay sumagi tuloy sa isip niya ang partner sa paglutas ng kaso.

Madalas man na magulo si Simon ay nalulungkot pa rin si Glenn sa sinapit nito. Sayang dahil matalino pa naman sana ito at maasahan talaga lalo na sa pagtitimpla ng kape. Wala na tuloy siyang taga-timpla ng kape.

Pagka-ubos ng inumin ay nagtungo na sa shower room si Glenn. Binuhay ang sarili para sa panibagong umaga. Malamig man ang panahon ay okay lang dahil sanay naman siya sa ganoon. Hinayaan niyang bumuhos sa katawan niya ang malayelong lamig na patak ng tubig.

Lumipas pa ang oras...

Sa halip na pumunta sa opisina ay nagpasya ang binatilyo na dumeretso sa apartment ni Simon. Nagbakasakali siya na may mga clues itong naiwan para sa paglutas ng kaso.

Ginamitan niya na lang ng technique para mabuksan ang pintuan ng tinutuluyan ng yumaong si Simon. Wala namang nakakakita sa kaniya dahil sa dulong bahagi ang nasabing kwarto.

Dahil sa hindi kalakihan ang bahay ni Simon ay agad bumungad sa kaniya, pagpasok sa loob, ang mga papel na nagkalat mula sa study table.

Isa-isa niya iyong dinampot. Ito marahil ang mga reseach ni Simon.

Ilang saglit pa ay napukaw ng atensyon niya ang tatlong bond papers na may mga pangalan nina Angel Grace Sison, Abie Jessa Manaois at Frenzes Diane Marie Padaboc. Kilala niya ang mga ito.

Mga biktima ng black blood killer.

Sa ilalim ng mga pangalan ay naka-indicate ang mga pangalan din ng mga taong nakasalamuha o related sa mga biktima.

Ikinagulat niya ng makita sa bawat papel ang pangalan na may bilog na marka. Isang tao na konektado sa mga biktima.

"Aki Corbito."

Muli na namang nabuhay ang hinala niya kay Aki na natabunan na. "Ano ang naging connection ni Aki sa mga taong 'to?"

Pagkasabi noon ay hinalughog niya pa ang mga papeles na nakakalat sa study table at hindi sinasadya na nahawi niya ang isang maliit na notebook.

Pagkabuklat sa maliit na notebook ay nakita niya nga ang ilang info tungkol sa tatlo. Marahil ay dito iyon sinulat ni Simon.

Doon ay napag-alaman ni Glenn na si Angel Grace Sison ay nagtatrabaho sa SSSSS loan company kung saan nagkaroon noon ng malaking pagkakautang si Aki.

Si Abie Jessa Manaois naman ay nagtatrabaho sa banko kung saan nawalan ng pera si Aki.

Samantalang si Frenzes Diane Marie Padaboc ay dating nagtsu-tutor kay Ransey, namayapang kapatid ni Aki.

Na-amazed si Glenn sa mga nadiskubre. "Saan nakuha ni Simon ang mga informations na'to?" bulong ng detective sa sarili.

Nang makita niya ang computer ay agad niya itong binuksan dahil mayroon siyang naalala.

Ilang saglit pa, pagka-on ng computer ay agad niyang sinearch sa google ang aksidenteng naganap two months ago sa kahabaan ng Nlex. Kung tama ang hinala niya ay masasagot nito ang mga tanong niya sa sarili.

Loading...

August 03, 2017/Thursday, eksato 00:45 nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng North Luzon EXpressway, 500 meters ang layo sa Bulacan toll gate.

Dead on the spot ang batang sakay ng 2017 mitsubishi montero sport na kinilalang si Ransey Corbito at comatose naman ang kuya nitong si Aki Corbito na siyang nagmamaneho.

Sa truck na bumangga dito ay isa naman ang patay na kinilalang si Tiyong Go, pahinante ng truck habang ang driver naman na si Jaylu WP ay nagpapagaling sa hospital na humaharap naman ngayon sa maraming kaso.

Nang mabasa iyon ni Glenn ay namilog ang mga mata niya.

"They are all connected to Aki," anas niya pa sa sarili.

Kung tama ang hinala niya, karamihan sa pinapatay ng killer ay konektado kay Aki noon o ngayon. Si Ms.Rei, Doc. Anna, Mela, Gab, Angel, Abie, Frenzes, Jaylu at RD.

"Teka.. ." napaisip ang detective. Sa pagkakatanda niya kasi ay walang kaugnayan si RD kay Aki. Ito lang ang nagpagulo, maliban sa pagkamatay ni Simon dahil obvious naman na kaya ito pinatay ay dahil sa may nalaman na ito. "Anong connection ni RD sa'yo Aki?"

Napahimas ng baba si Glenn habang nag-iisip ng susunod na hakbang.

Nang may idea ng pumasok sa kaniyang kokote ay aad siyang tumayo, pinatay ang computer at kinuha ang mga papel na may mga informations saka lumabas ng silid.

Dumeretso muna siya sa City land para iinterogate ang security roon. Nagpa-unlak naman ang huli.

Ayon sa footage ng cctv ay napag-alaman ni Glenn na naghalughog si Simon sa unit ni Aki at lumabas itong may hawak na librong itim. "Maybe that's the evidence," ani ng isip niya. "Pero nasaan na ito ngayon?"

Sa pagkakatanda kasi ni Glenn ay hindi nila ito nakita sa sasakyan ni Simon. Kung tama na naman ang hinala niya, kinuha iyon ng killer, killer na kasabwat marahil ni Aki o inuutusan nito na pumatay para sa kaniya.

Sigurado na ngayon si Glenn. Pero kailangan niyang makita ang librong iyon. Malaki ang hinala niya na iyon na ang susi para mahuli at mapakulong na ang may sala.

Matapos magpaalam sa security ay lumabas na ng building si Glenn. Eksakto naman na nabunggo niya ang isang magandang dilag na may hawak na babasaging bagay. Nakanang maganda na dilag pa. Nabasag tuloy ang flower vase.

"Sorry," inalalayan niya ang binibini.

Magagalit na sana ito kaya lang ay pagkakita ng babae kay Glenn ay bigla na lang itong nagtantalizing eyes. "Keye nemen kese, de netengen se dereenen. Enebe."

Napangiwi si Glenn. "Huh?" saka ito iiling-iling. "Pasensiya na nagmamadali kasi ako."

"Okay lang," sinuklay pa ni Eljey ang sariling saka matagal na tumitig sa kaharap. Namumukhaan niya ito. Tama, ito 'yong isa sa mga sumundong pulis noon kay Aki. "Pulis ka po?"

Tumango muna si Glenn bago nagwika. "Detective," sabay pakita ng badge kay Eljey. "Anyway sorry ulit ah," muli itong dumukot sa bulsa, kinuha ang pitaka saka inilabas ang calling card. "Tawagan mo na lang ako para mapalitan ko 'yang nabasag ko, nagmamadali lang talaga ako e."

Agad namang kinuha ni Eljey ang calling card at hindi na nakaimik pa dahil umiskapo na si Glenn.


-----

"Is that a fact or a theory?" tanong agad ni Gem kay Glenn. Nasa office na sila noong hapong iyon.

"Like what i've said, it's a fact." -Glenn.

"Fact na fact?" Gem asked.

"Yap, fact na fact."

"Sure?"

"Yes."

"Are you sure it's not a bluff?"

"Ahuh."

"Final answer?"

"Takte, ano ba'to, celebrity bluff? Oo nga sure na'ko. Sa palagay ko e una ng nadiscover ni Simon ang bagay na'to kaya lang nauhanan siya o naabutan ng killer na inuutusan ni Aki," parang siguradong-sigurado si Glenn sa mga bigkas niya.

"Okay wait," pinakalma siya ni Gem. "Medyo conflict kasi e. Kung sinasabi mo na ang target lang ng killer e 'yong mga may connection kay Aki, paano 'yong RD? e 'di ba hindi nga niya kilala 'yon? Paano? Anong connect?"

"Paano kung ganito, may nawitness si RD kaya siya pinatay?"

"Wrong. Hindi ba nga si RD ang unang victim ng black blood killer. Ano namang mawiwitness niya? Nalaman niya na may relasyon si Aki at 'yong killer? Wew."

Nanahimik si Glenn sa sinabi ni Gem.

"Masyadong malabo ang mga hinala mo. Imaginin mo ah, kung may mga atraso lang ang pinapatay, oo given na sina Mela and Gab saka si Simon, e paano yung natitirang ibang victims? At isa pa si RD, ni hindi nga siya nag-eexist sa buhay ni Aki plus 'yong black blood. Kanino galing 'yon? Sa alien sabi nga ni Simon. Ano 'yon? Alien ang inuutusan ni Aki?"

Na down na naman tuloy si Glenn at nakita iyon ni Gem.

"Pwede rin namang totoo ang mga sinasabi mo, but i think there is something more behind the killings, something deeper, mysterious and. ."

"And?"

Pumeke muna ng ubo ang dilag bago tumugon. "S-supernatural?" wala sa kumpyansa nitong sambit.

Napabuntong hininga na lang si Glenn sa mga winika ng kausap. "Kailangang mahanap ang black notebook na hawak ni Simon. Sabi niya sakin sa phone, hawak niya na ang ebidensya, sigurado ako na 'yong notebook iyon."

"How can we find it?"

"Ewan," napasandal si Glenn sa upuan pagkatapos ay muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Hindi na rin kita matutulungan, Bukas na ang alis ko e."

"No prob. Ingat doon sa Cebu ah, baka sundan ka ng black blood killer."

"Subukan niya lang," natatawang sabi ni Gem.

"Simon timpla mo nga kami ng kape," biglang saad ni Glenn.

"Pinagkakapehan na ang tao, pagtitimplahin mo pa rin ng kape."

"Oo nga pala, nasanay lang. Sensya."

----

Dahil sa kulang pa sa tulog kaya naman maagang umuwi si Glenn para magpahinga.

Dala ng matinding pagod ng katawan at kaisipan ay nakatulog siya agad pagkauwi ng bahay. Hindi na nga siya nakapaghapunan at nakapagpalit ng damit.

Mga bandang alas nuebe ng gabi ng siya ay magising dahil sa tawag.

"Nasusunog ang Mental hospital sa Trece?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top