Chapter 22


Chapter 22: Missing.


-----

Naglalakad si Jaylu pauwi ng bahay galing sa talyer na pinapasukan niya. Medyo ginabi siya ngayon dahil napasabak siya sa inuman.

Namamasukan siya bilang part-time mekaniko sa talyer ng kaniyang kaibigan. Dati siyang driver kaya lamang ay hindi na siya nakakapagmaneho ngayon dahil sa may depekto na ang magkabila niyang binti.

Kung tutuusin ay hindi pa dapat siya nagtatrabaho sa ngayon. Kailangan niya lang talagang kumayod para sa pamilya.

Napadaan si Jaylu sa malaking tulay kung saan ito lang ang nag-iisang daan papasok sa lugar na tinitirahan niya.

Eksakto nang nasa kalagitnaan na siya ng tulay ay biglang namatay ang ilaw sa poste sa bandang likuran.

Napahinto siya saglit saka lumingon sa likod. Pagkalaon ay naglakad na siyang muli paabante kaya lamang ay natigilan ang binata dahil sa may nakatayo na sa kaniyang harapan. Ilang metro lang ang layo nila sa isa't-isa.

Ngumiti ito sa kaniya.

Nang maaninag niya naman ang mukha nito ay sumilay ang takot sa kaniyang imahe. Natatandaan niya ang mukha nito.

"I-ikaw?" nawala ang kalasingan niya. "P-paanong?"

Mabilis ang mga pangyayari. Sinalakay siya ng kung sinoman at kasunod noon ay nawalan na siya ng ulirat dahil sa takot.

Pagkagising ay nakahiga na siya sa isang strecher. Nakatali ang mga kamay at paa niya pati ang bahagi ng leeg.

Lumigid siya ng tingin habang inaalala ang mga nangyari.

Medyo nanlalabo ang paningin niya at namamanhid. Parang may kung anong itinurok sa kaniya dahil hindi niya maramdaman kahit ang sarili at bukod doon ay nanghihina siya.

Ang tanging naaninag niya lang ay ang ngiti ng kung sinoman habang nilalagare ang mga kaniyang kamay.

"'W-wag mong gawin y-yan, parang a-awa mo n-na," walang buhay niyang sambit.

Ngisi lang ang itinugon ng kung sinoman habang patuloy sa paglagare sa kaniyang kamay.

Hinampas pa nito sa mukha ni Jaylu ang bahagi ng braso ng binata na nalagare na.

Gustong humiyaw at manlaban ni Jaylu pero sadyang wala siyang lakas. Epekto nang kung tinurok sa kaniya.

Sunod na ginawa nito sa kaniya ay pinagtutusok ang mukha niya ng mga bubog galing sa salaming nabasag.

Ramdam ng binata ang pagbaon ng mga matatalim na bagay sa kaniyang mukha pero wala siyang madamang sakit.

Nang dumaloy sa mukha niya ang mga dugo ay dumaloy din ang takot sa buo niyang kalamnan.

"T-tama na," kita man ang malaking takot sa imahe ni Jaylu ay hindi niya naman magawang umalma dahil parang hinang-hina siya at namamanhid.

Gaya ng dati, ngiti lang ang tinugon ng kung sinoman. Ngiting nanggaling sa impyerno. Naakatakot.

Matapos ang pagbaon ng mga bubog sa mukha ni Jaylu ay napaluha na lang siya ng iharap sa kaniya ng killer ang isang salamin.

Nagreflect doon ang itsura niya na hindi kaaya-aya.

"And the finale."

Pagkatapos ay kumuha ito ng matalim na bagay saka hiniwa ang tiyan ng kaawa-awang si Jaylu.

Pumiglas ng bahagya ang binata dahil sa ginawa ng killer. "P-parang awa m-mo na," umiiyak na siya habang nagmamakaawa pero manhid parin ang katawan niya.

Kahit hindi siya nakakaramdam ng sakit sa mga oras na iyon ay alam niyang mamamatay siya kapag nagpatuloy ito.

Ano ba ang kasalanan niya sa isang 'to?

Mas lalong nanlaki ang mata ni Jaylu ng makita niya ang isang transparent na garapon na puno ng malalaki at malulusog na.. .

IPIS.

"Feeding time," Maligayang sambit ng kung sinoman sabay buka sa hiwa ni Jaylu sa tiyan at salpak ng mga ipis sa loob nito.

Nanginig naman si Jaylu sa takot. "'W-wag. 'Wag," kahit gustuhin niyang sumigaw, manlaban at magwala ay hindi niya magawa.

Napaluha na lang siya ng matindi lalo na ng maramdaman niya ang pagkislot ng mga ipis sa loob ng kaniyang katawan.

Mas nasiyahan naman ang walang awang nilalang habang tinatahi na nito ang tiyan ni Jaylu.

"Paalam."

Maya-maya pa ay nangisay na ng dahan-dahansi Jaylu hanggang sa hindi maglaon ay pabilis ito ng pabilis. Kasunod ng pagbulwak ng dugo sa kaniyang bibig ay nawalan na siya ng buhay.




---------

Dasma Hospital

Kasalukuyan ng nag-aayos ng sarili si Glenn noong umagang iyon. Lalabas na kasi siya ng pagamutan kahit medyo hindi pa magaling ang pilay niya sa kaliwang hita.

Habang nag-aayos ng mga gamit ay may kumatok sa pintuang nakabukas na. Natuon doon ang atensyon niya.

Si Nyxz.

Nagtanguan silang dalawa bago lumapit ang babae.

"Magyayabangan ba tayo ngayon?" umpisa si Nyxz.

Umiling si Glenn bago sumagot. "Pass muna, wala ko ta----sa mood saka hindi pa magaling pilay ko e," sabay ngiti.

"Gwapo ka pala talaga e no, lalo na kapag nakangiti."

"Maliit na bagay."

"Yabang talaga," bulong ni Nyxz.

"Ano 'yon?" -Glenn.

"Ah, wala 'yon," napatapik sa hangin ang babae. "Siya nga pala. Salamat sa pagtulong ah. Action star ang datingan mo doon a."

Ngumiti lang ulit si Glenn saka itinuloy ang pagtutupi ng mga gamit. "Wala 'yon. Okay na ba ang tama mo?"

Tumango-tango lang si Nyxz. Saka sumeryoso ng mukha. "Nakita na ba siya? Nabalitaan ko ang nangyari."

Natigilan si Glenn sa tanong ng kausap saka bahagyang niyukom ang mga kamay na nakahawak sa damit. "Negative," tipid niyang tugon.

"If you want i can help you."

Nag no-thanks-looks lang si Glenn. "Marami ka pang trabaho dito, Kaya ko na'to. Thanks, anyway."

Magsasalita pa sana si Nyxz ng may dumating para sunduin si Glenn. Kinuha nito ang ilang bag ng detective saka inalalayan ang huli.

"Maiwan na kita. Solo mo na ulit ang Dasma," biro ni Glenn na dahilan para mapangiti si Nyxz.

"Good luck, sana makita na agad si Simon."

Nag-thumbs up sign lang si Glenn bago lumabas ng silid at dumeretso sa sasakyan.

Habang nasa sasakyan pabalik sa tagaytay ay napa-isip si Glenn. Inalala niyang muli ang huling usapan nila ni Simon sa telepono noong gabing bago ito mawala.

"Bakit ka napatawag? Anong oras na, natutulog na'ko Simon."

"Sir, i figured it out."

"Ang alin?"

"Papunta na'ko sa'yo Sir. I have the evidence and i know who's the suspect..."

Pagkatapos noon ay naputol na ang kabilang linya gaya ng laging nangyayari sa mga palabas. Sa mga importanteng sitwasyon talaga laging maasahan ang NO SIGNAL effect. Wew.

"Nasaan ka na Simon?" bulong ni Glenn sa sarili. Naguguilty kasi sa pagkawala nito. Piling niya kasalanan niya kung bakit missing in action ito ngayon.

Kung kailan halos abot kamay na nila ang sagot sa mga pagpatay ay saka pa ito nangyari.

Nasaan na nga kaya si Simon?

Pagdating sa Tagaytay Police Headquarter ay dumeretso agad si Glenn sa office niya.

Hindi pa man siya halos nakakaupo ay kumatok na si Chief Rohroh sabay biglang pasok.

"Bakit andito ka Glenn, naka-leave ka ng two weeks. Pinasa ko muna sa iba ang trabaho mo."

"Chief naman. Alam mo naman na hindi ko ugaling iwan ang trabaho ko ng hindi nareresolb,." giit ni Glenn.

"Don't get me wrong Glenn, concern lang ako----."

"I know chief, and i highly appreciate your concern. Pero ang psycho killer, he or she's still out there, masayang-masaya, malayang-malaya. Hindi ako papayag---kailangang mahuli na siya o sila sa lalong madaling panahon."

"I understand. Ikaw ang bahala, pero kung may mangyari pa ulit sa'yo. Hindi na kita papayagan na ituloy mo pa ito."

Tumango si Glenn bago muling sumagot. "Salamat chief," saka siya umupo sa round chair. "May lead na ba chief tungkol sa pagkawala ni Simon?"

Umiling lang ang chief. "Ginagawa na ng lahat para mahanap siya. 'Wag kang masyadong mag-isip muna, mag-focus ka---and don't blame yourself. Hindi mo kasalanan ang pagkawala niya."

"T-thank you."

"It is my fault," dismayadong wika ni Rohroh. "Kung hindi ko siya pinilit na isama sa kasong ito, hindi sana siya mawawala. I am praying na sana okay lang siya."

Hindi naman na umimik si Glenn. Hindi niya rin naman alam ang sasabihin. Pareho lang nilang sinisisi ang mga sarili nila tungkol sa pagkawala ni Simon. Pero kahit naman isisi nila nang isisi ang lahat sa kani-kanilang sarili e hindi naman lilitaw sa harap nila si Simon. So shut up na lang dapat.

"Maiwan na muna kita," pagkatapos ay nagtungo na si Rohroh sa opisina niya. Naiwan namang nag-iisip ng mga gagawing hakbangin si Glenn.


-----

Kinabukasan, nagising si Glenn dahil sa ring ng phone niya.

Si Gem.

"Yow, good morning. Ang aga napatawag ah."

Pagkatapos marinig ni Glenn ang mga sinabi ni Gem ay dali-dali siyang bumangon at nagbihis.

Hindi na siya naligo. Nagmumog na lang siya saka naghilamos ng mukha at kaunting ayos sa sarili saka dali-daling nagtungo sa TPH.

Naabutan niya sa opisina sina Gem at Chief.

"You need to see this," iniabot ni Gem ang gudget na tablet kay Glenn. Ni-play naman ng huli ang video.

Isa na namang crime scene. Nangyari sa ilalim ng tulay papasok sa isang village sa Sta.rosa, Laguna. Malapit lang ang lugar na pinangyarihan sa isang sikat na mall.

Base sa pagkakapanood ni Glenn sa video ay isang lalaki ang biktima na naman ng black blood killer. Putol ang mga kamay ng lalaking nasa edad 20 pataas. Puno ng basag na salamin ang mukha. Tinahi din ang tiyan at ng buklatin iyon ayon sa mga nagsuri ay puno ng ipis ang loob ng tiyan na sinadyang ilagay ng pumatay.

"Sigurado na ba na 'yong itim na mantsa ay dugo?" tanong ni Glenn.

"Kaya nga pupunta kayo doon ni Gem," si Rohroh. "Tumawag na ako sa forensic team doon na magsusuri ng katawan ng biktima at inirecommend ko na si Gem ang mag-autopsy at magtest sa black stain na nakita. Humingi na rin ako ng pahintulot para makapag-investigate ka doon Glenn," segunda pa ng Chief.

Napatingin naman si Glenn kay Gem. "Are you sure?"

Nakangiting tumango ang dalaga. "Pretty sure. Kasing pretty ko."

"Okay. Gutom lang 'yan. So, tara na."

"Bago man lang ako umuwi ng province e makatulong ako."

"Aalis ka?"

Tumango lang si Gem.

"Pasalubong ah," biro pa ng detective.

"Sure."

Matapos ang conversation ay agad nagtungo ang dalawa sa Sta. Rosa, Laguna.

Pagdating sa lugar na pakay ay pansamantala muna silang naghiwalay ng destinasyon.

Si Gem ay nagtungo sa Sta. Rosa, Laguna forensic laboratory habang si Glenn ay tinungo ang pamilya ng biktimang kinilalang si Jaylu WP?. Sinamahan ang detective ng ilang police na taga roon.

Inabot din ng ilang oras ang pag-iinterogate ni Glenn sa ilang kaanak ng biktima at ilang taong malapit dito.

Lahat ay sinasabing mabait itong tao.

"Wala namang taong namatay na sinabihang hindi mabait," reklamo ni Glenn sa isip.

Lahat kasi ng naka-usap niya na connected sa biktima ay laging positibo ang sinasabi tungkol kay Jaylu. Ayon pa sa mga magulang nito at ilang kaanak ay maliban sa aksidenteng kinasangkutan nito na naabswelto na dalawang buwan ang nakalipas ay wala na itong ibang krimeng kinasangkutan. Kahit full time driver si Jaylu ay hindi naman ito nagbibisyo kaya malabo rin na natokhang ito.

Gabi na ng magkita ulit sina Gem at Glenn. Kumain muna sila sa isang resto saka nagsimula ng usapan.

Naikwento ni Glenn ang mga nakalap niyang info. Pagkatapos ay si Gem naman ang nagsalita.

"Positive yung black blood," ika ng dalaga.

"Kung ganoon, malaki din ang posibility na ang pumatay kay Jaylu ay ang siya ring pumatay sa mga nauna?"

Tumango lang si Gem saka sumubo ng nasa hapag.

"Nasa laguna na ang killer? What the heck," Naguguluhan na si Glenn sa kasong hawak niya. Anong trip ng killer?"

Natigil sa usapan ang dalawa ng biglang nagring ang cellphone ng binata.

Agad niya iyong sinagot ng makitang si Chief Rohroh ang natawag. Ni-loud speaker iyon ni Glenn para marinig din ni Gem.

"Bumalik na kayo dito, madali kayo."

"Bakit, chief? What happened?"

"Nakita na 'yong sasakyan ni Simon sa taal lake."







------

[Dedicated ang chapter na ito kay iamEJL]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top