Chapter 21
Chapter 21: Menace.
----
Trece Martirez
Mental Hospital
Napadilat si Alexander at biglang nagsisigaw ng kung ano-ano dahil sa napanaginipan niya. Para kasing totoo ang lahat ng nangyari. Akala niya talaga ay pinalo siya ng pala sa ulo.
Dahil sa ingay niyang iyon ay nabulahaw ang lahat. Agad siyang kinuha ng mga staff ng mental hospital at dinala sa shock room.
Wala pa rin siyang tigil sa pagsigaw at pagmura. Lahat ng klase na ata ng mura ay maririnig mo sa bibig niya. Siguradong hahagulgol ang mga anghel sa mga kabastusang pinagsasabi niya.
Kinabukasan, pagtambay ni Aki sa common room ay nakita niya si Alexander na nakaupo sa wheel chair. Tulala ito at walang imik.
Nagtaka si Aki, noong nakaraang araw lang kasi ay kausap niya pa ito at kung ano-ano ang sinasabi sa kaniya. Sa pagkakaalamn niya rin ay nagpapanggap lang itong baliw.
Nilapitan niya si Alexander para sana kausapin. Alam niyang delikado ang isang ito pero kailangan itong hingan ng tulong para makalabas sa mental hospital.
"Alex," kasabay ng pagtapik dahilan para mapalingon ito sa kaniya. "Todo effort ka sa pagpapanggap ngayon ah, nga pala may naisip ka bang plano para maalabas tayo dito?"
Pagkakita sa kaniya si Alexander ay nanlaki ang mga mata nito saka biglang nagsisigaw. "Lumayo ka sakin!" 'Wag mo'kong papatayin! Tulong! Tulong!" nagwala na naman ito.
Nagulat naman si Aki at bahagyang napaatras "Anong nangyayari sa'yo?"
"Papatayin niya ako!" Tulugan ninyo ako!" bigla itong tumayo sa wheel chair at nagtatakbo ng paikot-ikot saka nagsisisgaw ng ubod lakas. "Tuloooooong, papatayin niya ako!!!" habang nakaturo kay Aki.
Dahil doon ay nabulahaw na naman ang lahat kaya dinala na naman siya ng tatlong lalaki sa shock room habang nagsisisigaw.
Napa-upo na lang si Aki. "Anong pinagsasasabi niya?" Nabaliw na ba talaga siya o nagpapanggap parin?" bulong niya sa sarili.
"Nabaliw na siya ng tuluyan Aki."
Napalingon siya sa likod at nakita si nurse Shane. Ngumiti naman ang huli.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Saan ka ba galing?"
"May inasikaso lang ako. Kamusta ka naman? Nag-uusap ba kayo ni Bernadette?"
Napa-tsk si Aki. "Napakasuplada ng nurse na'yon kaya nga mas gusto kong nandito ka e. Teka nga pala? Alam mo rin na nagpapanggap lang si Alex?"
Tumango si Shane bago tumabi kay Aki. "Ngayon ay hindi na niya kailangang magpanggap. Kasi mukhang nabaliw na talaga siya."
"Paano nangyari 'yon?"
"Ikaw ang makakasagot niyan."
Nagtaka naman si Aki. "Paanong ako?"
"Kailangan mo ng makaalis dito Aki, bago pa mahuli ang lahat," seryosong sabi ni Shane na taliwas sa tanong ng binata.
Lalo naman naguluhan si Aki at binigyan niya ng how-look ang kausap.
"Tutulungan kita, mamayang gabi ituturo ko sa'yo ang daan palabas," biglang tumayo si Shane.
"Salamat," sinserong tugon ni Aki. "Nurse Shane, bakit mo'ko tinutulungan?"
"Nakikita ko kasi sa'yo ang asawa ko e," napatingala ang nurse na parang pinipigilang pumatak ang mga luha. "Hindi na kasi kami pwedeng magsama ngayon," saka ito muling bumaling kay Aki. "'Wag mo na lang itanong kung bakit kasi hahaba pa ang conversation natin."
"Okay, salamat ulit."
Bago humakbang paalis ay muli itong lumingon sa binata. "May aaminin ako sa'yo Aki."
"Huh? Ano 'yon? Huwag mong sabihing ikaw ang tunay kong ina?"
"Hindi, Gusto ko lang malaman mo na nakikita ko siya."
Nagulat si Aki sa mga binitawang salita ng kausap. "K-kung ganoon nakikita mo rin ang taong anino?"
Napakunot ng noo si Shane saka itinuro ang bandang ilalim ng pwetan ni Aki. "Nakikita ko 'yan oh. Warak kasi 'yang pants mo. 'Di mo napansin na nakadungaw na 'yang betlog mo,"
Sobrang pamumula ni Aki dahil sa mga nangyari. Agad itong tumayo at humawak sa pants na butas.
Iniwan naman siyang nakangiti ni Shane.
-----
Lumipas ang oras ay sumapit na ang gabi.
Pagkatapos kumain ay bumalik na si Aki sa kaniyang silid. Nilock na rin ang kwarto para hindi na siya makalabas.
Nakahiga noon ang binata habang iniisip ang ilang mga bagay. Nagtataka lang siya dahil natuluyan na sa pagkabaliw si Alexander samantalang kahapon lang ay binabantaan pa siya nito.
Anong nangyari? Bakit ito biglang nagkaganoon? Mga katanungang sumagi sa isip ng binata.
Ilang sandali pa ay sumagi naman sa isip niya si Mela at Gab. Hindi pa rin kasi naalis sa isip niya na patay na ang mga ito. Kahit sobra ang galit ni Aki para sa dalawa at hinangad na mapatay ito, hindi naman iyon ang nais niyang mangyari sa totoong buhay.
Totoo nga kaya ang itim na nilalang sa isipan niya? Totoo nga kaya na ito ang gumawa noon? Hindi ba ito gawa-gawa lang ng utak niya. Epekto na ito marahil ng pagkakaroon niya ng crack sa ulo.
Sumagi rin sa isip niya ang mga paratang ni Glenn, na marahil ay involve siya sa pagkamatay nina Doc. Anna at Ms. Rei.
Naparami ang iniisip niya noong gabing iyon habang inaantay ang pagdating ni Shane. Kailangan niya ng makalabas sa lugar na iyon dahil hindi naman siya baliw.
Maya-maya pa ay nakatulog na si Aki. Nagising na lang siya ng may tumapik.
Si Nurse Bernadette.
Napabangon siya agad saka tumingin sa oras. 07:00am.
"Ito na ang almusal mo," dry na saad ni Bernadette. "Bilisan mong kumain para makainom ka na ng gamot."
Hindi naman nag-atubili ang binata.
Matapos ang session sa umaga ay dumeretso agad sila sa common room.
Gaya ng dati, ganoon pa rin. Napapaligiran pa rin siya ng mga may sayad ang ulo.
"Bakit hindi dumating si Shane?" tanong niya sa isip. "Nabisto ba siya?"
Ilang sandali pa nga ay nakita niya na rin si Alexander na nasa wheel chair tangan ng isang nurse. Gaya rin kahapon tulala na naman ito.
Napatingin si Aki kay Alexander at parang nakaramdam siya ng awa para dito. Hindi niya kasi lubos akalain na hahantong ang pagpapanggap nito sa totoong kaganapan.
Napailing na lang si Aki. Ano bang nangyayari sa paligid niya? Pati ba naman sa loob ng mental hospital puro kagulumihanan pa rin ang mararanasan niya. Akala niya dati mas okay ang maging baliw dahil sa wala ka ng iisipin at poproblemahin, hindi rin pala.
"Nasaan ka ba nurse Shane?" bulong niya bago tumayo sa kinauupuan.
-----
Ilang araw pa ang lumipas. Gabi-gabi tuwing mag-aantay si Aki ay inaabot na lang siya ng antok pero walang dumarating na nurse Shane.
Sa tuwing tatanungin niya naman si nurse Bernadette ay gaya rin ng dati, hindi siya nito kinikibo.
Noong umagang iyon ay nakatambay na naman siya sa common area at pinagmamasdan ang mga baliw sa kani-kanilang ginagawa.
Naiinip na si Aki. Habang tumatagal ang binata sa lugar na iyon ay mas lalo itong nababagot. Pakiramdam niya pag nagtagal pa siya ng ilang araw ay matutulad na rin siya kay Alexander.
Biglang napaisip ang binata. "Hindi kaya, nalaman na nilang hindi talaga baliw si Alex kaya binaliw nila ito?" sabat ng isip niyang naglalaro na naman sa mga kuro-kuro.
Kinabahan tuloy siya dahil sa tinuran ng sariling isip. Kung totoo ang bagay na iyon ay hindi na nga talaga siya dapat magtagal pa sa lugar na iyon. Baka kapag nalaman nilang hindi siya baliw ay kuryentehin din ang utak niya at magaya kay Alexander.
Kailangan niya na talagang makaalis sa lugar na iyon.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," napalingon siya sa tapik ng kung sino.
Si nurse Shane.
"Saan ka ba galing?" parang nagtatampong wika ni Aki. "Gabi-gabi kita inaantay, hindi ka man lang nasipot."
"Pasensiya na," tumabi ang nurse sa binata. "Nagkaroon kasi ng problema."
"Problema?" takang sambit ni Aki. "Nalaman ba nila ang plano natin?"
Umiling ang nurse saka humarap sa kausap. "Hindi naman nila malalaman, don't wory," humingang malalim si Shane. "Nanganganib kasi ang buhay ng asawa ko."
Namilog ng mga mata ni Aki. "Talaga?" napalakas ang boses niya. "Anong klaseng tao ba ang asawa mo para manganib ang buhay niya? Saka anong kinalaman noon sa pagtulong mo sakin?"
"Basta mag-antay ka lang makakalabas ka rin dito," tumayo na ang nurse. "Sige maiwan na muna kita."
Pag-alis ni nurse Shane ay muling bumaling si Aki sa mga baliw. Napansin niyang wala si Alexander. "Nasaan na ang mokong na'yon?" pagkasabi niya noon ay dumeretso siya sa palikuran.
Pagkatapos umihi ay dumeretso siya sa lababo para maghugas ng kamay. Hindi niya tuloy napansin na may pumasok. Si Alexander.
Nilock nito ang cr kaya silang dalawa lang ang naroon.
Nagulat si Aki ng bigla siyang hatakin ni Alexander at hawakan sa leeg pero hindi siya nakaharap dito. Nagtatama lang ang mga mata nila sa salamin na nasa harapan.
"A-alex?" halatang-halata ang pagtataka sa itsura ng mukha ni Aki.
"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sakin?" nangangalit na sambit ni Alexander.
"Huh?" naguluhan si Aki pero isa lang ang nasiguro niya, bumalik na sa katinuan ang taong sumasakal sa kaniya. Agad tinabig ni Aki ang kamay ni Alex saka humarap dito. "Salamat naman dahil okay ka na."
"Hindi ako okay, anong ginawa mo sakin?" nagtama ang mga mata nila.
"Ano bang sinasabi mo?"
Hindi na umimik si Alexander, matalim lang nitong tinitigan ang kaharap at makalipas ang ilang segundo ay bigla itong lumabas ng cr. Naiwan namang naguguluhan si Aki.
"Papatayin kita, bago mo pa ako maunahan," bulong ni Alexander habang lumalakad pabalik sa silid nito.
----
[Dedicated ang chapter na'to kay carlexander17]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top